Esp Q2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

Table of Specification
Quarter 2
SUMMATIVE ASSESSMENT NO. 1 – ESP 6
SY 2021 -2022
Second Quarter Cognitive Process Domain
MELC and Item Placement

TOTAL NO. OF ITEMS


Module/LAS Week No.

No. of Days Taught

Understanding
Remembering
% of the Topic

Learning

Evaluating
Analyzing
Category Code

Applying

Creating
60% 30% 10%

Naipapakita ang
kahalagahan ng EsP6
pagiging P- 1 3 5 4 19
1 IIa-c- 4 50% 2 7 6 10
responsable sa
8
kapwa 30 9
sa pagtupad sa
pangako

Naipakikita ang
kahalagahan ng EsP6 11 10 13 15
2 P- 4 50% 12 14 20
pagiging
16 10
responsable sa IIa-c-
17
kapwa 30 18
sa pamamagitan
ng pagtupad sa
napagkasunduan
TOTAL 8 100% 4 8 2 4 1 1 20

Prepared by: Noted by:

LORETA M. BERON CAROLINA E. PANALIGAN


Teacher III Principal IV

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

Pangalan: _____________________________________ Pangkat: ________________


Paaralan: _____________________________________ Petsa: __________________

Panuto: Basahin nang mabuti, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang na
inilaan bago ang bilang.

_____ 1. Ito ay isang kasunduan na may katumbas na obligasyon o responsibilidad


na dapat
tuparin ng sinumangnagsabi nito.
a. pagbiro b. pabor c. pangako d. pasaring

_____ 2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.


a. kapuwa b. kapitbahay c. kaibigan d. pamayanan

_____ 3. Sino sa mga sumusunod ang dapat tularan?


a. Nangako si Robert sa kanyang guro na pagbubutihin ang pag-eensayo
para sa araw ng paligsahan sapaaralan ngunit hindi siya sumipot dahil
takot siya na matalo.
b. Pumunta si Belinda sa kaarawan ng matalik niyang kaibigan kahit pagod
sa maghapong pagtatrabaho dahil nangako siyang dadalo.
c. Hindi na halos natutulog si Rienna kapag nabuksan ang Facebook kahit
na nangako siyang hindi magbabad dito.
d. Binalewala ni Johnny ang kanyang pangako sa nakababatang kapatid na
bigyan ng laruan ito sa kanyang kaarawan.

_____ 4. Alin sa mga sumusunod na gawain o asal ang hindi dapat paiiralin?
a. Tinupad ni Marina ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang na
maging isang guro.
b. Humiram si Bob ng aklat sa kaibigan niya. Napagkasunduan nilang
dalawa na isasauli niya ito pagkatapos niyang masagot ang takdang-
aralin niya. Pagkatapos niyang gamitin ang aklat ay agad niya itong
isinauli sakanyang kaibigan.
c. Napagkasunduan ninyo ng tatay mo na bibilhan ka niya ng bagong
sapatos. Nang dumatingsiya, agad niyang iniabot ang sapatosna binili
niya para sa iyo. Umasim ang mukha mo dahil hindi mo nagustuhan ang
brand nito.
d. Nagbabayad ng renta ng bahay ang mga magulang mo ayon sa takdang
panahon ngpinagkasunduan nila ng may-ari.

_____ 5. Naipangako mo sa mga kasamahan mo sa grupo na ikaw ang gagawa at


magpapaganda ngfront page ng inyong proyekto sa ESP. Alin sa mga sumusunod
ang pinakamainam mong gagawin?

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

a. Magsaliksik ng mga magagandang disenyo o gumawa ng sariling


disenyo na angkop sa ginawang proyekto para sa buong pangkat.
b. Mangulekta ng pera sa mga kasamahan bilang pabuya sa sarili sa
pagpapaganda ng proyekto.
c. Isasali lamang sa ginawang proyekto ang mga pangalan ng malalapit sa
iyong kalooban.
d. Ipagawa mo sa isa sa mga kasamahan ninyo ang ipinangako mong
responsibilidad.

_____ 6. Aling sitwasyon ang nagpapakita ngwastong pagpapahalaga sa isang


pangako?
a. Naghintay si Aling Rosa sa restoran kung saan magkikita sila ng kanyang
kumareng si AlingLety na siya nilang napagkasunduan. May tumawag sa
kanyang isang lalaki at bigla na lang siyang umalissa nasabing lugar.
b. Usapan ng buong klase na babalik sa araw ng Sabado sa paaralan para
sa pagsasanay ng sayaw na itatanghal sa Lunes. Lahat ay tumupad sa
napag-usapan upang mapaganda ang kalalabasan ngnasabing
pagtatanghal.
c. Hindi sinabi ni Carol ang totoong nangyari sa mga magulang ni Beth dahil
nangako siya sa kaibigang hindi niya sasabihin ang buong katotohanan sa
ginawa nitong kasalanan.
d. Nangako si Brix na dadalaw sa lolo niyang nasa ospital subalit hindi ito
pumuntakahit
minsan man lamang.

_____ 7. Alin ang tamang gawi sa ginawang pangako?


a. Pagsasawalang kibo upang makalimutan ang hindi natupad na pangako.
b. Pagtupad sa anumang kasunduan sa tahanan man o sa paaralan.
c. Paghahanap ng dahilan upang matakasan ang ipinangako sa kaibigan.
d. Pagbibigay ng pangako kahit na alam na hindi ito kayang tuparin.

_____ 8. Sina Farrah, Abdul, Sara, Jinky at Petter ay mga magagalang, masunurin
at matatapat
na mga bata. May takot at matinding pagmamahal sila sa Dakilang Lumikha. Alin sa
mga
gawain ang hindi nila tanggap at di pinapahalagahan bilang mga mabubuting mga
bata?
a. Pagpapasa ng mga proyekto sa itinakdang oras.
b. Pagbibitaw ng mga pangakong hindi kayang tuparin.
c. Sinusubukan ang lahat ng paraan upang tuparin ang pinangako.
d. Paghingi ng paumanhin sa mga pagkakataong hindi natutupad ang
ipinangako.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

_____ 9. May kasabihan na pagdating sa pangako, “huwag mong yakapin ang puno
kung alam
mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan.
b. Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.
c. Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo itong
tuparin.
d. Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas na
makasakit ng
damdamin ng iyong kapwa.

____ 10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?


a. Si Jaypee na I sinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa takdang
oras.
b. Si Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga
magulang.
c. Si Louie na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay
ng kaniyang
mga magulang.
d. Si Mico na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga
kaklase upang sila
ay hindi na mahirapang pumasa.

_____ 11. Alin ang dapat gawin o isaalang-alang bago magbigay ng pangako?
a. Mag-isip muna nang mabuti. c. Mangako at bawiin pagkatapos
b. Magbigay agad ng pangako. d. Mangako agad upang matapos
ang usapan.
_____ 12. Ano ang dapat gawin kapag hindi natupad ang napagkasunduan?
a. Magtago sa taong pinagkasunduan.
b. Magkunwaring walang sinabi at naalala.
c. Buong katapatang humingi ng paumanhin.
d. Kumilos lang nang parang walang nangyari.

_____ 13. Sinisikap mo bang tuparin ang iyong pangako kahit kaninuman?
a. Opo, upang hindi na magkakagulo.
b. Opo, dahil iyon ang nararapat gawin.
c. Hindi, dahil nabigla lang ako sa nasabi ko.
d. Hindi, dahil pwede rin namang sa ibang araw na iyon tutuparin.
_____ 14. Nangako si Yssa sa nanay nya na tutulungan niya ito sa paglalaba
kinabukasan. Alin

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

ang dapat gawin ni Yssa?


a. Gumising nang maaga at mag facebook muna.
b. Gumising nang maaga at ihanda ang mga labahan.
c. Gumising nang maaga at manood muna ng telebisyon.
d. Gumising nang maaga at makipaglaro sandali sa mga kaibigan.

_____ 15. Nangako ka na hinding-hindi ka na magsisinungaling kahit saan at kahit


kaninuman.
Nakita mo ang kuya mo na kumuha ng pera sa pitaka ng tatay ninyo. Binalaan ka
niyang susuntukin kapag nagsumbong ka. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasabihin ko sa tatay ko ang nakita ko upang mapangaralan at maitama
ang ginagawa ni kuya.
b. Hindi ko sasabihin sa tatay namin ang nakita ko para hatian ako ni kuya
ng perang kinuha niya.
c. Sasabihin ko sa tatay namin ang nakita ko para masaktan si kuya at ng
makaganti ako sa kanya.
d. Hindi ko sasabihin sa tatay namin ang nakita ko dahil ayaw kong
masaktan at maparusahan si kuya.

_____ 16. Nagkasundo kayo ng ka Team Quiz mo na magkikita kayo sa bahay ng


inyong guro sa
ganap na ika-2:00 ng hapon upang magsasanay. Alin ang dapat mong gawin?
a. Aalis ng 2:00 ng hapon sa bahay at mamasyal muna sa plasa.
b. Maaga kang maghanda upang makarating sa oras na napagkasunduan.
c. Sa ganap na ika-2:00 pa ng hapon maghanda papunta sa bahay ng
inyong guro.
d. Pupunta sa bahay ng inyong guro makalipas ang isang oras sa
napagkasunduan.

_____ 17. Napagkasunduan ninyo sa grupo ninyo sa klase na gagawin ang


itinakdang proyekto
ng inyong gurosa TLE sa araw ng Sabado sa inyong bahay. Gagawin ninyo ito sa
umaga upang maging maayos angpagkagawa. Alin ang tamang gagawin ng iyong
mga
ka grupo?
a. Pumunta nang umaga at magsimula sa paggawa.
b. Pumunta nang maaga at makikinood ng cartoons.
c. Pumunta nang umaga at mag facebook dahil may wifi kayo.
d. Pumunta nang umaga at maglalaro muna dahil malawak ang bakuran
ninyo.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

_____ 18. Napagkasunduan ninyo ng mga magulang mo na magtitipid sa lahat ng


bagay dahil
mahirap angpangkabuhayan sa ngayon dulot ng pandemya. Alin ang nararapat
mong
gawin?
a. Gamitin lahat ng mga gamit sa bahay na de-kuryente upang mapadali
ang mga gawain.
b. Magtitiyaga sa pagkukusot ng mga labahan at pagtupi nang maayos sa
mga malinis na damit.
c. Hayaang nakabukas ang mga ilaw sa sala, sa hapagkainan, sa
palikuran at maging sa likod ng bahay.
d. Magbili ng ulam o mga lutong pagkain sa restoran araw-araw upang
makatipid sa kuryente at hindi na mapagod.

_____ 19. Nangako ka sa iyong mga magulang na pagbubutihin mo ang iyong pag-
aaral kahit pa
man sa gitna ngnararanasang pandemya. Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo
bilang pagtugon sa iyongpangako?
a. Pag-iibayuhin ko ang pagbabasa, pag-unawa sa mga leksiyon at
pagsagot sa mga module ko.
b. Iipunin ko ang lahat ng module ko sa buong kwarter bago ko sasagutan
ang mga ito.
c. Ipasagot ko sa mga ate, kuya, nanay at tatay ko ang aking mga module.
d. Susulatan ko lang ng mga pangalan ko ang mga module.

20. Paano mo pahahalagahan ang iyong pangako o mga pangakong binitiwan


kaninuman?
Isulat ang iyong sagot sa linyang inilaan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT - EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

SUSI SA PAGWAWASTO

I.
(Gagamitan ng rubrik)
1. c 11. a

2.a 12.c

3. b 13. b

4. c 14.b

5.a 15.a

6.b 16.b

7.b 17.a

8.b 18.b

9.b 19.a

10.a 20.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

Table of Specification
Quarter 2
SUMMATIVE ASSESSMENT NO. 2 – ESP 6
SY 2021 -2022

Second Quarter
Cognitive Process Domain

No. of Items per Topic


and Item Placement
No. of Days Taught

MELC
Module Week No.

Understanding
% of the Topic

Remembering

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Learning
Category Code

60% 30% 10%


Naipapakita ang
kahalagahan ng 1 13
pagiging responsable 2
3 sa kapwa sa 4 50% 11 3 14 10
pagpapanatili ng 4
mabuting 15
5
pakikipagkaibigan EsP6P-
(Pagkamapanagutan) IIa-c-30 19

Naipapakita ang
kahalagahan ng 6 16
pagiging responsable 7
4 sa kapwa sa 4 50% 8 17 10
pagpapanatili ng 9
mabuting 12 10 20 18
pakikipagkaibigan EsP6P-
(Pagkakawanggawa) IIa-c-30
TOTAL 8 100% 12 6 2 20

Prepared by: Noted by:

LORETA M. BERON CAROLINA E. PANALIGAN


Teacher III Principal IV

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Ikalawang Markahan
SY 2021-2022

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

Pangalan: ______________________________________ Pangkat: ________________


Paaralan: ______________________________________ Petsa: _______________
Panuto:Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa patlang na inilaan bago ang bilang.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?
a. Si Jonash na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa
takdang oras.
b. Si Jessa na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa
kaniyang mga magulang at kapatid.
c. Si Delfin na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang
perang ibinibigay ng kaniyang mga magulang.
d.Si Amirah na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang
mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.
_____ 2. Alin ang hindi mo dapat gawin sapagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan?
a. Nagkasakit ang kaibigan mo at hindi makapasok ng paaralan.
Binisita mo siya pagkatapos ng klase sa hapon at ibinahagi mo
sa kanya ang inyong
pinag-aralan.
b. Sinamahan at dinamayan mo ang kaibigang mong namatayan ng
mahal sa
buhay sa oras ng pagdadalamhati nito at ng buong pamilya.
c. Nakita mong kumuha ng pagkain ang kaibigan mo sa tindahan.
Simulanoon ay sumasama at ginagaya mo na rin siya.
d. Naiwan ang bag ng kaibigan mo sa palaruan ng paaralan. Dinala
mo ito pauwi at inihatid sa kanilang bahay.
_____ 3. Alin ang mabuting taglay na katangian ng isang tunay na kaibigan?
a. Sinasamahan ang kaibigan sa mga ginagawang kalokohan.
b. Pinagsasabihan at itinutuwid ang gawing mali ng isang kaibigan.
c. Pinoprotektahan at itinatago ang hindi mabuting ginagawa ng
kaibigan.
d. Pinapabayaan ang kaibigan sa mga ginagawang panloloko at
panlalait sa kapwa.
_____ 4. Paano maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan?
a. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa
pamamagitan ng
pagiging responsible, pagtupad sa pangako at hindi pag-iwan ng
kaibigan lalo na sa oras ng kagipitan.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

b. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa


pamamagitan ng pagiging iresponsable at bingi sa kanyang mga
pangangailangan.
c. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa
pamamagitan ng
pagbubulag-bulagan sa mga masamang gawain ng kaibigan.
d. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa
pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pandadarambong sa kapwa.
_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagkakaibigan?
a. Si Korina ay tumakbo bilang pangulo ng Supreme Pupil
Government o SPG at nagkataong ang kanyang matalik na
kaibigan na si Julia ang kanyang katunggali. Nanalo si Julia at
agad itong kinamayan ni Korina.
b. Nanalo sa patimpalak sa islogan si Benjie. Kinutya ni Betty ito at
sinabihang nanalo lang ito dahil tito nito ang isa sa mga hurado.
c. Sumali ang magkaibigang Dindo at Celso sa patimpalak ng
paaralan sa takbuhan. Nang malapit na sa finishing line ay
biglang binangga ni Dindo si Celso upang siya ang mananalo.
d. Nakasimangot at nakaismid na binati ni Esmeralda ang kaibigang
katunggali niya sa pagkakahalal bilang ingat-yaman ng klase
nila.

_____ 6. Aling sitwasyon ang nagsasad tungkol sa pagkakawanggawa?


a. Ikinasasama ng kalooban ni Joey ang palagiang pagbibigay ng
tulong sa kanyang mga kaklaseng maralita.
b. Mabigat sa loob na ipinamigay ni Gretchen ang mga luma nitong
laruan sa mga batang lansangan sa kanilang lugar.
c. Sa halip na magdiwang ng kaniyang kaarawan, namahagi na
lamang si Rodora ng mga pagkain sa mga mahihirap na pamilya sa
kanilang barangay.
d. Si Brian at ang mga kasamahan nito ay nagbigay ng expired na
pagkain at inumin sa mga nasunugang pamilya sa kanilang lugar.
_____ 7. Alin ang hindi kanais-nais na gawain at pag-uugali tungkol sa
pagkakawanggawa?
a. Ibinabahagi ni Nestor ang kaniyang kaalaman sa paghahayupan
upang matulungan ang kaniyang mga kabarangay sa pag-aalaga at
pagpaparami ng mga alagang hayop.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

b. Maagang gumising si Brenda para asikasuhin ang mga


pangangailangan ng mga nakababata niyang kapatid.
c. Ibinabahagi mo sa mga batang lansangan ang mga natitira mong
baong pagkain sa paaralan.
d. Binigyan ni Aling Lucing si Aling Nemia ng mga punla nitong gulay
na expired para itanim sa kanilang bakuran at ng hindi na ito
magpabalik-balik sa kanilang tahanan.
_____ 8. Buuin ang tugmang ito. “Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay
tanda ng pagkamapanagutan dahil ang taong ____________ay ginagawa ang
kaniyang sinasabi.”
a. iresponsable b. responsible c. respetado d. responde
_____ 9. Alin sa mga gawaing pangkawanggawa ang hindi maaring maging
daan sa pagkakaibigan?
a. Ikaw ay sumama sa mga gawaing pampook sa inyong lugar gaya
ng pagtuturo sa mga bata, pamimigay ng mga relief goods at iba
pa.
b. Para tumaas ang magiging ani ng kaniyang kababayan, ibinahagi
ni Mang Pedro ang kaniyang kaalaman sa pagtatanim ng palay sa
mga magsasaka sa kanilang bayan.
c. Nakipagsuntukan si Rigor sa isang binatilyong kabataan sa kalapit
na barangay kung saan sila ay namigay ng tulong at ayuda sa mga
nasalanta ng pagguho ng lupa.
d. Namigay kayong magkakaibigan ng mga pagkain at damit sa mga
nasunugan sa kabilang bayan.
_____ 10. Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa kapwa?
a. Nakikita mo na marami sa mga kabataan sa inyong lugar ay
nalululong sa masasamang bisyo. Ikaw ay mahusay na
mananayaw, naisipan mong ibahagi ang iyong talento upang
malihis ang kanilang landas sa bisyo.
b. Wala kang imik at hindi nakikibahagi kung pinag-uusapan
ninyong magkakaibigan kung paano makatulong sa kapwa.
c. Hindi mo tinupad ang pangakong tutulungan at sasamahan mo
ang iyong kaibigan sapagsasanay nito para sa nalalapit
akademikong patimpalak ng paaralan.
d. May tindahan kayong itinayo sa inyong lugar. Hihimukin mo ang
mga magulang mo na pataasan ng 50% ang inyong paninda upang
madali ninyong mabawi ang inyong puhunan.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

_____11. Pinabakunahan ni Mang Anton si Nitoy ng anti-rabies dahil


nakagat ito ng kanyang alagang aso. Si Mang Anton ay isang taong ________.
a. dakila b. mapera c. pabaya d. responsable

____12. Ugali na ni Renan ang mamigay ng pera o mga gamit nya na hindi
na ginagamit sa mga taong nangangailangan. Siya ay isang taong _________.
a. mabagsik b. madasalin c. mapagkawanggawa d. matapat
____ 13. Ginabi kayo ng pag-uwi ni Marie dahil may ipinagawa pa ang
inyong guro para sa palatuntunan kinabukasan. Balisa at takot na na si
Marie. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
a. Sasamahan mo si Marie sa kanila at ipaliwanag ang dahilan.
b. Pabayaan mo lang si Marie na umuwing mag-isa at natatakot.
c. Sisihin at magmaktol sa guro dahil ginabi na kayong dalawa sa
pag-uwi.
d. Ihahatid si Marie at gagawa ng ibang dahilan upang hindi siya
mapagalitan.
____ 14. Sumakit ang tiyan ni Kardo sa di alam na kadahilanan. Ngumingiwi
ito sa sakit at napakapit sa iyo. Alin ang dapat mong gagawin?
a. Aalisin ang kamay na nakakapit sa iyo.
b. Alalayan siya at dadalhin sa klinika ng paaralan.
c. Hahanapin ang guro at sasabihing sumasakit ang tiyan ni
Kardo.
d. Sasabihan mo si Kardo na magmamadali sa pag-uwi sa kanilang
bahay.
____ 15. Gumagawa kayo ng proyekto sa EPP. Aksidenteng nahulog at
natusok ng malaking gunting ang paa ni Amy. Ano ang gagawin ninyo?
a. Hahanapin at babalitaan ang guro sa nangyari.
b. Pauwiin si Amy upang magamot ng nanay niya.
c. Tawagin ang nars at papuntahin sa silid-aralan.
d. Kumuha ng gamot sa medicine kit at lapatan ang sugat.
____ 16. Nawala ang perang pamasahe ni Edwin. May natira ka pang pera
na pwede pa sa dalawang tao. Alin ang maaari mong gawin para sa kanya?
a. Pasakayin siya at sabihing doon na siya magbabayad pagdating
sa kanila.
b. Sabihang mangungutang siya sa guro ng pamasahe upang
makauwi.
c. Sabihang magsimula na siyang maglakad upang makarating
agad.
d. Ibahagi mo sa kanya ang tamang pamasahe upang makauwi.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

____ 17. Mayroon kayong research sa Science. Malakas ang signal ng


internet sa inyo samantalang sobrang hina naman doon banda kina Jozy.
Kailangan ng isumite kinabukasan ito. Bilang kaklase, alin ang pwede
mong maitulong kay Jozy?
a. Ipagpaalam mo siya sa mga magulang mo na maki internet
muna siya sa inyo upang makapagsumite ng research.
b. Sabihan mong lumiban sa klase at pumunta sa internet café
upang makasumite ng research.
c. Sasabihin mong mahina rin ang internet sa inyo.
d. Sabihan mong huwag na siyang magsumite nito.
____ 18. Namatay ang tatay ni Bembem. Alin ang maaaring gagawin ng mga
katrabaho niya upang maibsan ang pagdadalamhati nito?
a. Susuportahan nila ng tulong pinansiyal, moral at espiritual ito.
b. Pupuntahan si Bemben at sasamahan sa pag-iyak nito.
c. Pumunta at magtanong ng sanhi ng ikinamatay nito.
d. Pumunta at magsugal sa lamay araw-araw.
____ 19. Masayang nagkukuwentuhan habang naglalakad sina Mang Pepito
at Mang Roy nang biglang hinimatay si Mang Pepito. Agad na binuhat ni
Mang Roy si Mang Pepito at dinala sa pinakamalapit na ospital. Kung Ikaw
si Mang Roy, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
a. Opo, dahil siya ay matalik kong kaibigan.
b. Opo, dahil may nakakita sa amin na kami ang magkasama.
c. Opo, dahil baka kung may mangyari sa kanya ako ang
mapagbibintangan.
d. Opo, dahil responsibilidad ko siya bilang tao, kaibigan at
mabuting mamamayan.
____ 20. Paano kilalanin at sasabihing ang isang tao ay
mapagkawanggawa?
a. Namimigay ng tulong at nagiging mabait kapag malapit na ang
eleksiyon.
b. Namimigay ng tulong upang ipakita na mapera siya at hindi siya
basta maaapi.
c. Namimigay ng tulong sa mga nangangailangan at kadalasan ay
hindi nagpapakilala.
d. Namimigay ng tulong sa mga taong mayayaman at kilala sa isang
lugar upang higit siyang makilala ng lahat.

SUSI SA PAGWAWASTO

1. a
2. c

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

3. b
4. a
5. a
6. c
7. d
8. b
9. c
10. a
11. d
12. c
13. a
14. b
15. d
16. d
17. a
18. a
19 d
20. c

Table of Specification
Quarter 2

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

SUMMATIVE ASSESSMENT NO. 3 – ESP 6


SY 2021 -2022

Second Quarter Cognitive Process Domain


MELC and Item Placement

TOTAL NO. OF ITEMS


Understanding
Learning Remembering
No. of Days Taught
Module Week No.

Evaluating
Category Code

Analyzing
Applying

Creating
% of the Topic

60% 30% 10%

5 Maipakita ang EsP6P


kahalagahan ng -IIa-c-
pagiging 30
1 3 8 6
responsable sa 4 60% 2 5 16 10
kapwa sa 4 7
pamamagitan 9
ng pagiging
matapat.

6 Maipakikita ang EsP6P


kahalagahan ng -IIa-c- 10 13 14 19
pagiging 30
11 15 20 10
responsible sa
4 40% 12
kapwa ng
pagiging 17
matapat(Pagka- 18
mapanagutan).
TOTAL 8 100% 3 9 2 3 1 2 20

Prepared by: Noted by:

LORETA M. BERON CAROLINA E. PANALIGAN


Teacher III Principal IV

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Ikalawang Markahan
SY 2021-2022

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

Pangalan: ________________________________________________Pangkat: ______


Paaralan: ________________________________________________ Petsa: __________
Guro: ____________________________________________________Iskor: _________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa linyang nakalaan bago
ang bilang.

_____ 1. Taong maliban sa pamilya o kamag-anakna iyong masasandalan at


maaasahan
sa oras ng kagipitan o matinding pangangailangan.
a. tunay na kapatid c. tunay na magulang
b. tunay na kaibigan d. tunay na pinsan

_____ 2. Kusang pagtulong sa kapwa, kapatid, magulang, kamag-anak o


kahit kaninuman
na walang hinihinging kapalit o kabayaran.
a. pagmamalasakit c. pagmamakaawa
b. pagkamagalang d. pagkamasunurin

_____ 3. Hindi nandaraya si Giselle kapag mayroon silang pagsusulit. Anong


uri ng
pagkatao mayroon si Giselle?
a. matapang c. masipag
b. matapat d. mabait
_____ 4. Ang taong may ______ ay nagsasabi ng totoo sa lahat ng
pagkakataon, hindi
nagsisinungaling at hindi nanloloko.
a. karapatan c. katapatan
b. kabutihan d. kasinungalingan

_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katapatan?


a. Pinalitan ni Dick ang lapis ni Victor nang saglit itong umalis
papuntang palikuran.
b. Hindi pinanigan ni Rosie ang kapatid nitong sinuntok dahil sa
ginawang pandaraya.
c. Ipinagtanggol ni Boy ang kaibigan nito kahit pa alam niyang hindi
ito nagsasabi ng katotohanan.
d. Kinopya ni Liza ang takdang aralin ng kaniyang kaibigan kaya
mataas ang nakuha niyang iskor.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

_____ 6. Alin ang nagpapahayag ng wasto tungkol sa katapatan?


a. Ang pagiging matapat ay ang pagsasang-ayon sa pagsisinungaling
at pagtakip ng mgamaling gawi na ginawa ng iba.
b. Hindi nakakamit ng taong matapat ang kaligayahan dahil
kailangan nilang
magtago, magpanggap o mamuhay sa isang daigdig ng
pagkukunwari.
c. Ang taong nagpapakita ng pagkamatapat saanman at kailanman
ay
hindi magkakaroon ng isang maayos, payapa at maunlad na
pamumuhay.
d. Ang matapat na tao ay hindi kailanman magbibintang, hindi
kukuha ng
ng bagay na hindi niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko
ng kanyang
kapwa sa anumang paraan
_____ 7. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsible
sa kapwa?
a. Nakita ni Roy ang matalik niyang kaibigan na kinuha ang
sombrero ng kanilang
kamag-aral. Kinausap at sinabihan niyang ibalik ito.
b. Inutusan ni Maggie si Betty na kunin ang panyo ng kanilang
kaklase dahil gustong-gusto niya ito.
c. Ayaw ni Maita na magtigil sa paglalaro ng chess hanggat hindi
magpapatalo sa kanya ang kalarong si Cristy.
d. Pinakopya ni Rod si Cardo ng mga sagot nito sa quiz kasi hindi ito
nakapag-aral dahil sa paglalaro ng ML.

_____ 8. Nakapulot ka ng pitaka sa damuhan habang naglalakad pauwi.


Naglalaman ito ng
perang higit sa dalawampung libong piso. Ano ang gagawin mo?
a. Itatago ko ito at unti-unting ibibili ng mga gamit na kailangan ko
upang hindi na mag-aalala pa ang mga magulang ko.
b. Ibibigay koito sa nanay ko at sasabihing napanalunan ko ito sa
paligsahang ginanap sa aming paaralan.
c. Idudulog ko ito sa barangay kapitan at ipapanawagan sa facebook
at sa radyo upang matunton ng may-ari.
d. Itatago ko ito at gagawing pamasko sa mga batang lansangan na
pumupunta at umaawit sa mga kabahayan.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

_____ 9. Naaksidente ang kaibigan ni Jess sa motorsiklo. Malayo ang


pamilya nito at kamag-anak kaya lumiban si Jess sa trabaho, inalagaan at
binatayan niya ito sa ospital hanggang sa gumaling ng walang pag-
aalinlangan. Anong klaseng tao si Jess?
a. Siya ay may pagkukusa at malasakit sa kanyang kapwa.
b. Siya ay masunurin at magalang sa kanyang kapwa.
c. Siya ay maginoo at matapat sa kanyang kapwa.
d. Siya ay mapagsamantala sa kanyang kapwa.

_____ 10. Alin ang tumutukoy sa isang matapat at responsableng mag-aaral


at lider ng
paaralan?
a. Isinasaalang-alang ang kapakanan ng kakaunti.
b. Tinatapos ang mga gawain sa takdang oras.
c. Pinatatagal ang pagtupad sa tungkulin.
d. Gumagawa ng katiwalian.

_____ 11. Sinong bata ang nagsasagawa ng isang bagay na may katapatan?
a. Ayaw ibalik ni Ted ang sobrang sukli ng matandang tindero sa
palengke.
b. Hindi nangunguha, nangungupit o nagtatago si Lorrie ng mga
bagay na hindi sa kaniyangpagmamay-ari.
c. Hindi inamin ni Joey sa nanay niya na siya ang nakabasag ng
pinggan.
d. Sinuway ni Nona ang utos ng kanyang tatay na hindi makipag-
away sa mga kaklase.

_____ 12. Kailan natin masasabi na matapat ang isang bata?


a. Ginagamit ang gadget ng kasama sa bahay habang wala ang may-
ari.
b. Nagsisinungaling upang hindi mapagalitan.
c. Dinaragdagan ang presyo ng pambili ng gamit sa paaralan.
d. Nagsasabi kapag sumasama ang loob sa kaibigan.

_____ 13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng katapatan?


a. Hindi nagsisinungaling si Jero sa kanyang mga magulang.
b. Kumopya si Cybel ng takdang aralin sa kaniyang kaibigan.
c. Nagkuwento si Berto na marami siyang laruan kahit wala
naman siya nito.
d. Hindi nagpaalam si Mark sa kanyang kapatid bago niya
ginamit ang laptop

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

_____ 14. May nakitang pitaka si Amy sa may bench at agad niya itong
dinala sa Lost and Found Corner ng kanilang paaralan. Tama ba ang
ginawa ni Amy? Bakit?
a. Opo, dahil hahanapin ito ng may-ari.
b. Opo upang mabigyan siya ng parangal ng kanilang paaralan.
c. Opo upang mabigyan siya ng gantimpala ng may-ari ng pitaka.
d. Opo, dahil ito ang dapat gawin sa mga bagay na napupulot
upang madaling mahanap ng may-ari.
_____ 15.Ang katapatan ay mapupuna sa salita at makikita sa gawa. Alin sa
mga ito ang nagpapakita ng katapatan?
a. Hindi sinasadyang napunit ni Coco ang isang pahina ng libro
na hiniram niya kay Jibryl. Pagkabalik niya ng libro, sinabi
niya kay Jibryl ang nangyari sa libro.
b. May nakitang pera sa sahig ng kanilang silid-aralan si Art.
Kinuha niya ito at ibinulsa hangga’t wala pang tao.
c. Nahuling nangongopya si Elna habang may pagsusulit ngunit
hindi pa rin niya ito inaamin.
d. Nangungupit si Betty ng pera sa kanilang tindahan kapag siya
ang pinagbabantay.
_____ 16. Bumili si Joseph ng pagkain at nagbayad. Habang naglalakad
napansin niyang sobra ang ibinigay na sukli sa kanya ng tindera. Ano ang
dapat niyang gawin?
a. Bumalik sa tindahan at ibalik ang sobrang sukli.
b. Magpatuloy sa paglalakad at hindi naman alam ng tindera.
c. Angkinin na ng tuluyan ang sobrang isinukli ng tindera sa
kanya.
d. Sasabihin na lang niya sa sarili niya na hindi naman niya
kasalanan iyon.
_____ 17. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain ng isang responsable
at matapat na tao?
a. Naglalampaso ng sahig si Luna nang masagi niya ang mesa at
nalaglag ang pitsel. Niligpit niya agad iyon hangga’t hindi pa
nakikita ng kanyang ina.
b. Binasa ni Betsay ang mga text messages ni Elvie nang maiwan
nito ang kayang selfon.
c. Inilibing ni Ric ang nabasag niyang plato upang hindi ito
makita ng nanay niya.
d. Hindi nandaraya si Lucy sa laro nila ni Marta kahit na palagi
siyang natatalo.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

_____ 18. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng kahulugan tungkol sa


katapatan?
a. Ang katapatan ay ang pagsasabi ng katotohanan at pagiging
totoo sa lahat ng pagkatataon.
b. Ang katapatan ay ang pagiging mabait at mapagpakumbaba sa
lahat ng pagkakataon.
c. Ang katapatan ay ang pagsisipag at pagsisikap na maabot ang
mga pangarap.
d. Ang katapatan ay bunga ng kasinungalingan.
19-20. Gumawa ng isang dasal na magiging gabay mo upang yakapin at
isabuhay ang pagiging matapatsa lahat ng pagkakataon. Isulat ito sa loob
ng kahon.
RUBRIK

2 Puntos 1 Puntos

Malinaw at maayos ang pagpapahayag ng dasal tungkol sa Hindi malinaw ang pagpapahayag ng dasal tungkol sa
pagiging matapat sa lahat ng pgkakataon. Gumamit ng pagiging matapat sa lahat ng pagkakataon. Hindi
tamang bantas sa pagsulat. nagsimula sa malaking titik at walang bantas.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

SUSI SA PAGWAWASTO
1. b
2.a

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

3. b
4. c
5. b
6. d
7. a
8. c
9. a
10. b
11. b
12. d
13. a
14. d
16. a
17. d
18. a
19.
Gagamitan ng rubrik
20.

Table of Specification
Quarter 2

SUMMATIVE ASSESSMENT NO. 4 – ESP 6


SY 2021 -2022
Second Quarter Cognitive Process Domain
%

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

MELC and Item Placement

OTAL NO. OF ITEMS


No. of Days Taught
Module Week No.

Understanding
Remembering
Learning
of the Topic

Code

Evaluating
Category

Analyzing
Applying

Creating
60% 30% 10%
7 Maipakita
ang EsP6 1, 2, 3, 13
P-II- 4 50% 11 4, 5, 6,
paggalang sa
d-31 7 10
ideya ng
kapwa
8 Nakapagpa-
pakita ng EsP6 8 9 15 12
P-II- 4 50% 12 10 17 16 20
paggalang
d-31 14 18 19
sa ideya o
suhestiyon
ng kapwa
TOTAL 8 100% 2 10 2 4 2 20

Prepared by: Noted by:

LORETA M. BERON CAROLINA E. PANALIGAN


Teacher III Principal IV

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
Ikaapat na Lagumang Pagsusulit sa Ikalawang Markahan
SY 2021-2022

Pangalan: _________________________________________Pangkat: _________


Paaralan: __________________________________________Petsa: ________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Paano pahahalagahan ang mga opinyon at ideya ng iba?

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

A. Matamang makinig sa suhestiyon bilang paggalang sa ideya ng iba.


B. Barahin agad ang suhestiyon kapag hindi nagustuhan.
C. Pagalitan ang magbibigay ng salungat na suhestiyon.
D. Takpan ang tainga habang nagsasalita ang kausap.
_____ 2. Bakit mahalaga ang makinig din sa ideya at suhestiyon ng iba?
A. Upang makabuo ng tamang solusyon sa problema.
B. Upang makabuo ng di kanais-nais na solusyon sa problema.
C. Upang makabuo ng mas maraming problema na sosolusyonan.
D. Upang makabuo ng nakalilitong pagpupulong tungkol sa problema.

_____ 3. Alin sa mga sumusunod napahayag ang may paggalang at


pagmamalasakitsa kapwa?
A. Hindi raw maganda ang boses mo kaya huwag ka ng kumanta pa.
B. Huwag ka na lang sumali dahil hindi ka naman magaling sumayaw.
C. Huwag na tayong mag-aral. Mangopya na lang tayo bukas sa pagsusulit.
D. Huwag kang sumuko ipagpatuloy mo lang ang pagtutula mo, magiging
mahusay ka rin.
_____ 4. Kung may kumontra o sumalungat sa iyong ideya, ano ang gagawin mo?
A. Iinsultuhin mo siya sa harapan ng lahat ng nasa pulong.
B. Hahamunin mo siya ngdebate sa harapan ng mga nasa pagpupulong.
C. Patitigilin mo siya sa kaniyang sinasabing mga suhestiyon at ideya.
D. Alamin at pakinggan ang ideyang ibinabahagi ng nagsasalita.

_____ 5. Pinapatigil si Esmael ng Nanay niya sa paglalaro ng video games sa gabi


upang hindi mapuyat. Ano ang dapat niyang gagawin sa suhestiyon ng nanay niya?
A. Itutuloy pa rin ang ginagawang paglalaro sa gabi kapag tulog na ang
nanay.
B. Susundin nang buong puso ang nanay dahil para ito sa sariling
kapakanan.
C. Magagalit sa nanay dahil pinakikialaman ang oras ng kaniyang paglalaro.
D. Magtatampo sa nanay dahil sa ginagawang pagbabawal sa kaniyang
paglalaro.

_____ 6. Sino sa mga sumusunod ang gumagawa ng tama hinggil sa mga ideya at
suhestiyon?
A. Tinulungan ni Agnes ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga ideyahinggil sa kaniyang pagsusulat ng tula.
B. Tinutulugan ni Romy ang kapatid na nanghihingi ng magandang
suhestiyon tungkol sa paggawa ng islogan.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

C. Kinukutya ni Eric ang mga ideyang ibinabahagi ni Carmina sa kanyang


mga kaklase tungkol sa paggawa ng poster.
D. Pinapangaralan ni Amor si Donald na hindi kailanman makinig sa
anumang ideya o suhestiyong ibibigay ng kanyang kaibigan.

_____ 7. Gaano kahalaga ang pagiging bukas ang isip sa mga ideya o suhestiyong
matatanggap?
A. Napakahalaga ang katangiang ito upang makabuo ka ng tamang
desisyon.
B. Mahalaga ang katangiang ito para sa pansariling kapakanan lamang.
C. Hindi mahalaga ang katangiang ito dahil may tiwala ka sa iyong sarili.
D. Walang halaga ang katangiang ito dahil walang maitutulong ito sa iyo.

_____ 8. Paano maipapakita ang paggalang sa pagtanggap ng ideya osuhestiyon?


A. Tanggapin ang mga suhestiyon at pag-aralan kung ito ba ang tamang
solusyon sa iyong kinakaharap.
B. Ipagwalang bahala ang lahat ng mga suhestiyong natatanggap dahil ikaw
lang ang tama.
C. Pakinggan lang ng wala sa kalooban ang mga ideya at suhestiyong
ibinibigay.
D. Ipagkibit-balikat lang ang mga ideya at suhestiyon ng mga mahal sa
buhay.

_____ 9. Suriing mabuti ng mga pahayag. Alin sa mga sumusunod ang


nagpapahayag ng may pagsang-ayon?
a. ‘Salamat sa iyong suhestiyon’.
b. ‘Walang kwenta ang iyong sinabi’.
c. ‘Naniniwala ako sa maaring kahi-natnan ng iyong plano’.
d. ‘Walang patutunguhan ang pag-uusap natin’.
e. ‘Binabati kita. Narito lamang ako upang tulungan ka’.

A. a, b, at c B. a,c, at d C. a, c, at e D. a, b, at e

_____ 10. Aling suhestiyon ang may kalakip na pagmamalasakit?


A. Hindi na natin ipagpatuloy ang proyektong ito at hindi naman tayo
tinutulungan ng ating mga kagrupo.
B. Paki sabihan naman ang kapatid mo na gumising nang maaga para hindi
na siya mahuli sa klase.
C. Sa dami ng iyong sinasabi hindi na kita maiintidihan kaya kung pwede
tumigil ka na lang.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

D. Wala na akong pakialam kung tama o mali itong gagawin nating proyekto,
bahala na!
_____11. Ano ang tawag sa kagandahang-asal na nararamdaman o ipinapakita sa
pamamagitan ng mataas na pagkilala o pagtingin?
A. Ideya B. Pagsalungat C. Paggalang D. Suhestiyon
_____12. Ano ang tawag sa hindi maayos na ugnayan ng dalawa o higit pang panig?
A. Ideya B. Pagsalungat C. Paggalang D. Suhestiyon

_____13. Bakit mahalaga ang ideya o suhestiyon?


A. Ito ay makapagbibigay ng mahalagang imbensiyon sa mundo.
B. Ito ay makakatulong sa ating kapwa sa oras ng pangangailangan.
C. Ito ay magbibigay ng kasiyahan at kaginhawahan sa ating kapwa.
D. Ito ay makakatulong na makabuo ng isang konkretong ideyang
maaaringmaging kapakipakinabang.

_____14. Isa sa pinakamahalagang imbensiyon sa kasaysayan ng daigdig ay ang


eroplanona likha ng Wright Brothers. Bukod sa siyensyang ginamit, alin sa mga
sumusunod ang isa pang naging daan upang ito ay kanilang makamit?
A. Humingi sila ng tulong sa kanilang kaibigan.
B. Sila ay nagsumikap hanggang sa matapos ang kanilang imbensiyon.
C. Dahil sa kanilang pinagsamang ideya ay nabuo ang kanilang imbensiyon.
D. Dahil sa walang limitasyong imahinasiyon ng tao ay nakaisip sila ng
isangbagay na magbabago sa takbo ng transportasyon sa daigdig

_____15. Pinagalitan si Marichu ng kaniyang nanay at alam niyang hindi siya ang
maykasalanan. Kalaunan ay umamin sa kaniya ang kapatid niyang si Karen na
siyatalaga ang may kasalanan at nangakong sasabihin na ito sa kanilang
nanaypatawarin lamang siya. Ano ang dapat gawin ni Marichu?
A. Awayin ang kaniyang kapatid upang makaganti siya.
B. Tanggapin ang suhestiyon ng kaniyang kapatid at patawarin siya.
C. Isumbong ang kaniyang kapatid sa kanilang nanay upang siya ay
maturuan ng leksiyon.
D. Ipagsawalang bahala na lamang ito dahil tapos na itong mangyari at hindi
naito mababawi pa.

_____16. Isang tsismis ang ipinagkakalat ni Donna sa kaniyang mga kaklase tungkol
kay Kim sa pamamagitan ng isang text message. Ipinaalam ito kay Kim ng isanilang
kaklase. Sa muling pagkikita nina Donna at Kim, alin ang dapat na gagawin ni Kim?
A. Magtanim ng galit kay Donna at huwag na itong kakausapin.
B. Pabayaan na lamang na ipagkalat ang tsismis dahil hindi naman ito totoo.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

C. Komprontahin si Donna at awayin upang malaman niyang mali


angkaniyang ginawang paninira.
D. Lapitan si Donna at yayaing mag-usap ng maayos at alamin kung totoo
ang sumbong na natanggap.

_____17.Tuwing linggo ay nakaugalian na ni Manny ang magpatugtog nang


malakas ngkaniyang mga paboritong awitin na kung kaniyang tawagin ay Sunday’s
Best. Sumapit ang isang linggo na sa kaniyang pagpapatugtog ay may pumunta
sakanilang bahay at nakiusap na hinaan ang kaniyang music dahil sila ay mayprayer
meeting. Kung ikaw si Manny, ano ang gagawin mo?
A. Pagsasabihan ang kapitbahay na sa ibang lugar na lang sila mag-
prayermeeting.
B. Ipagpapatuloy ang pagpapatugtog ng malakas sapagkat ito ay ginagawa
naman niya sa loob ng kanilang bahay.
C. Ititigil muna ang pagpapatugtog at maghanap ng ibang
pagkakaabalahanbilang respeto sa kanilang aktibidad.
D. Hihinaan ang pagpapatugtog at magdadabog upang malaman ng
kapitbahay na nagambala nila ang kanyang pakikinig ng Sunday’ Best.
_____18. Ang OFW na nanay ni BJ ay darating na sa kanilang tahanan mula sa 14
naaraw na quarantine sa isang hotel. Nagsabi ang kapatid ni BJ na maglinis
ngbuong bahay bilang paghahanda. Subalit abala siya sa paggawa ng kaniyang
proyekto para sa kaniyang online class. Kung ikaw si BJ, ano ang gagawin mo?
A. Huwag pansinin ang kapatid at ipagpatuloy ang ginagawang proyekto.
B. Sabihin sa kapatid na tutulong sa paglilinis pagkatapos ng ginagawang
proyekto.
C. Imungkahi na huwag na munang maglinis at hintaying dumating ang
kanilan gnanay upang siya ang maglinis.
D.Pagsasabihan ang kapatid na huwag kang abalahin sa paggawa ng
proyekto athayaan na siya ang maglinis ng bahay.

_____19. Galit ang tatay nina Upin at Ipin dahil nawawalan ito ng pera sa kaniyang
pitaka. Nalaman ni Upin na kinuha ni Ipin ang pera ng kanilang tatay dahil bumili ito
ng load para makapag-laro ng mobile games gayong gipit sila atpangkain lamang
ang ibinibigay ng tatay. Ano ang dapat gawin ni Upin?
A. Isumbong si Ipin sa kanilang tatay upang mapagalitan ito at maturuan
ngleksiyon.
B. Pabayaan na lamang ang kapatid dahil masaya naman siya sa paglalaro
ng mobile games.
C. Takutin ang kapatid na magsusumbong sa kanilang tatay kundi siya
hahatiansa nakuhang pera.

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Bolbok, Batangas City

D. Kausapin ang kapatid at imungkahi na mali ang kaniyang ginawa at


umaminat humingi ng tawad sa kanilang tatay.

_____20. Habang nasa hapag kainan ang pamilya Romano, naibahagi ng panganay
na siDaisy ang kaniyang pagsali sa isang poster making contest. Humingi siya
ngsuhestiyon sa kaniyang pamilya. Iminungkahi ng kaniyang kapatid na si Vina na
mahusay rin sa paglikha ng poster na lumikha ng panibagong poster namas
maganda ang tema kesa sa kaniyang nilikha. Kung ikaw si Daisy, ano anggagawin
mo?
A. Maiinis sa kapatid dahil mahirap gumawa ulit ng panibagong poster.
B. Magpasalamat sa suhestiyon at subukang gawin ang iminungkahi ni Vina.
C. Huwag na lamang itong pansinin at ilaban ang sariling gawa sa
kompetisyon.
D. Pakiusapan ang kapatid na siya na lamang ang gumawa ng poster na
ilalabansa kompetisyon.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 6. A 11. C 16. D

2. A 7. A 12. B 17. C

3. D 8. A 13. D 18. B

4. D 9. C 14. C 19. D

5. B 10. B 15. B 20. B

Address: Bolbok Road, Batangas City


Telephone Number :( 043) 402 2500
Email: 109599@deped.gov.ph

You might also like