Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


Region V (Bicol)
Province of Albay
LIBON COMMUNITY COLLEGE
Libon, Albay

MASINING NA
PAGPAPAHAYAG

MODULE 5
Tayutay

Mark Florence M. Serrano


Instructor
Module 5 2. Pagwawangis/Metapora (Metaphor) – tiyakang paghahambing.
Hindi ginagamitan ng mga salita o pariralang ginagamit sa
Tayutay pagtutulad.
Halimbawa: Bato ang puso ni Jose sa pakiusap ni Mitsi.
PAUNANG PAGTATAYA
3. Pagbibigay-katauhan/pandiwantao (Personification) –
1. Magbigay ng isang palasak na halimbawa ng tayutay at tukuyin
Pinakikilos/pinagagawa na tulad ng tao ang mga bagay.
kung anong uri ng tayutay ito. (10 puntos) Naipahahayag ito sa pamamagitan ng mga pandiwa.
Halimbawa: Naghahabulan ang mga alon sa karagatan.
(Isulat ang tamang sagot sa inyong dyornal)
4. Pagmamalabis/hayperboli (Hyperbole) – nagpapahayag ng
sitwasyong labis-labis. Ang malaki ay lalo pang pinalalaki at ang
INTRODUKSIYON maliit ay lalo pang pinaliliit.
Halimbawa: Gahanip ang tingin ni Donya Nena sa mga mahihirap.
Kalimitan nang inuugnay ang retorika sa mga tayutay/talinghaga sa
kadahilanang taglay ng mga ito ang kasiningan o kagandahan at kabisaan ng 5. Pauyam (Irony) – mga pananalitang pangungutya sa tao o bagay.
pagpapahayag. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga tayutay, nagkakaroon ng kasiningan Halimbawa: Napakabuti mong ina, natiis mong di makita ang iyong
at kabisaan ang isang pahayag nakaraniwang makaakit sa sinumang nakikinig. Ito’ay ang anak.
paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita. 6. Patatalinghaga (allegory) – Pahayag na di tumutukoy sa literal na
kahulugan ng mga salita. Karaniwang makikita ito sa mga parabula,
tula, mga kuwento at nobela. May ibinibigay na ibang kahulugan.
Halimbawa: Nahasik sa matabang lupa ang ang binhing isinabog ng
LAYUNING PAGKATUTO Panginoon.
1. Matalakay ang katuturan at mga uri ng Tayutay.
7. Pagtatambis/antitesis – ito’y nagpapahayag ng mga bagay na
2. Makapagbigay ng mga halimbawa sa piling uri ng tayutay. magkakasalungat para bigyang bisa ang natatanging kahulugan.
3. Masuri at matukot ang mga ginamit na tayutay sa piniling awit. Halimbawa: Hindi ko maunawaan si Carmen, pag lumakad ako
nang maaga, nagtataka; pag lumakad naman ako nang tanghali,
nagagalit at napakabagal ko raw kumilos.
MGA KARANASAN SA PAGKATUTO
8. Pagpapalit-tawag (metonymy) – nagsasaad ng pagpapalit ng
A. TAYUTAY katawagan na mga bagay sa may kaugnayan dito.
Halimbawa: Magandang bulaklak ng nayon (tumutukoy sa mga
dalaga) ang kanilang mga panauhin.
1. Pagtutulad (Simile) – paghahambing ng dalawang tao, bagay o
pangyayari na ginagamitan ng mga salitang: tulad, para, kawangis, 9. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) – pagbanggit sa isang bahagi na
animo’y, wari, sing, kasing, gaya ng, tila.
sumasaklaw sa kabuuan.
Halimbawa: Singkinis ng labanos ang kutis ni Trixia. Halimbawa: Si Ka Cesario ang bisig at ulo ng Panday lipi.
10. Pagtanggi/Litotes – nagpapahayag na ginagamitan ng salita o
panangging hindi upang bigyan-diin ang mahahalagang pagsang- (Isulat sa inyong dyornal)
ayon sa isinasaad ng mga salita.
Halimbawa: Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin nguni’t puno na
ang sasakyan. PAGTANAW SU SUSUNOD NA ARALIN

11. Pagdaramdam/Exclamation – nagpapahayag ng pagkabigla /ng di Bawat tagpagsalita, manunulat, mang-aawit at sinuman na alagad ng
karaniwang damdamin. sining ay may kani-kanilang estilo sa paglalahad ng kanilang kaisipan. Sa
Halimbawa: Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo, di kita napuntahan. susunod natin na talakayan ay malalaman niyo naman ang mga paniniwwala sa
Ikinalulungkot ko. paggawa ng estilo sa retoriko ng ilang pantas pagdating sa pagpapahayag.

12. Pagtatanong/pasagusay (rhetorical question) – tanong na di


nangangailangan ng kasagutan. Maaaring sa sarili iniuukol o sa SELF AND MODULE EVALUATION:
taong di-kaharap na animo’y kaharap.
Ang iyong matapat na paghuhusga sa mga sumusunod na pamantayan ay
Halimbawa: May ina kayang makatitiis sa anak na naghihirap?
makatutulong upang mapagbuti ang mga susunod na modyul.
1. Kailangang ayusin upang maging mabisa
13. Pagtawag (apostrophe) – Pagtawag sa isang tao o bagay na 2. Nakatutugon ngunit hindi sapat
animo’y kaharap gayong wala naman. 3. Sapat ang pagkakabuo at tumutugon sa pangangailangan
Halimbawa: Paglimot! Nasaan ang awa mo? 4. Lubusang nakatutugon sa pangangailangan upang maisakatuparan ang layunin ng
modyul
MGA PAMANTAYAN: 1 2 3 4
PAGTATAYA:
1. Angkop ang paksa at mga gawain sa
I. Tukuyin kung anong uri ng Tayutay ang ginamit sa layunin ng modyul
pangungusap. (5 puntos) 2. Madaling unawain ang mga panuto sa bawat
1. Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta. gawain
3. Mataas na antas ng pag-iisip ang nalinang ng
2. May bagong pag-asang lalakbay mula sa kalangitan.
layunin at mga Gawain
3. Hanggang di malining ay idiniraampi. Sa mukha ko ang rubi 4. Sapat ang mga gawain sa pagkatuto upang
mong labi. maging ganap ang pagsasakatuparan ng mga
4. Ilang awit pa ba ang aawitin? O giliw ko. layunin
5. Matatalo tayo kapag nabawasan pa tayo ng galamay. 5. Ang mga paksa ng talakayan ay nailahad sa
lohikal na paraan sa pagtupad ng mga
formative assessment
II. Pumili ng limang uri ng tayutay mula sa ibinigay na halimbawa
6. May kaisahan ang mga gawain tungo sa
at bigyan ng tig-iisang halimbawa ang bawat napili. (10 puntos) pagkatuto
7. Naging kaganyak-ganyak/kawili-wili ang
III. Maghanap ng isang awit na hindi bababa sa limang tayutay ang pagtupad sa mga gawain dahil sa desenyo ng
ginamit at tukuyin ang mga ginamit na tayutay dito. (Walang modyul
magkapareho; 10 puntos) 8. Ang paglalahad ng modyul ay
maisasakatuparan sa itiintakdang panahon
9. Ang lahat ng layunin ay naisakatuparan

Iba pang mungkahi upang maging epektibo ang mga gawain sa modyul sa
pansariling pagkatuto:
10. Anong bahagi ng modyul ang nakatulong sa iyo upang matutunan ang aralin?
Paano ito nakatulong?
11.Anong bahagi ng modyul ang nais mo pang paunlarin ? Bakit?

SANGGUNIAN:
AKLAT:
Arrogante, Jose A. Retorika: Masining na Pagpapahayag. National Book
Store, Mandaluyong City. 2007.
San Juan, Gloria P. et. Al. Masining na Pagpapahayag. Retorika.
Pangkolehiyo. Grandbooks Publishing Inc., Metro Manila. 2014.
LARAWAN:
https://www.gograph.com/clipart/communication-symbol-gg67841121.html

https://www.cleanpng.com/png-magnifying-glass-clip-art-clip-on-magnifying-
glass-97931/

https://www.clipartkey.com/downpng/iTbwRw_creative-speaking-persuasive-
speech-clipart/

You might also like