Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ACTIVITY

Name

Section

Panuto: sagutin ang bawat katanungan sa ilang maikling pangungusap. Sagutin ito sa Wikang
Tagalog. Paalala na huwag kokopya sa mismong artikulo o ‘di kaya’y direktang mag translate
sa Tagalog. Sagutin ang bawat tanong sa sariling mga salita.

1. Ano ang research paradigm na ginamit ni Yacat sa kanyang pananaliksik? Ipaliwanag


kung bakit (10 pts).

Taliwas sa binanggit na si Dr. Yacat ay isang pragmatist o siya ay gumagamit ng


pragmatic paradigm sa kanyang mga pag-aaral. Kapansin-pansin na ang apat na dimensyon
na ginamit niya sa kanyang pananaliksik na “Making Sense of Being and Becoming Filipinos:
An Indigenous Psychology Perspective” ay tumutungo sa perspektibong constructivist.
Sapagkat mula sa ontolohiya hanggang sa metodong ginamit, ito ay naghuhumiyaw ng mga
paraan, pagtinging constructivist. Mula sa ontolohiya at epistemolohiyang subjective na kung
saan ginamit niya ang interpretasyon ng kanyang mga participants upang bigyang paliwanag
ang kanilang pagka-Pilipino; emic naman ang values na ginamit upang makolekta ang datos
na kaniyang kailangan, sa pamamagitan ng ginabayang talakayan. Siya ay nagsilbing
tagapagpadaloy ng talakayan, kaya naman bukod sa mga inihandang tanong ay naging parte
at instrumento rin siya ng kanyang pananaliksik. Sapagkat ang lalim at babaw o ang yaman o
kakulangan ng mga diskyusyon at kasagutan na makukuha sa mga participants ay
nakadepende kung siya ba ay naging epektibong tagapagpadaloy ng talakayan; at
kwalitatibong metodolohiya ang ginamit niya upang makakolekta ng datos, ibig sabihin,
binigyang pansin niya ang mga sagot, salita at maging mga kilos ng mga ito habang sila ay
nagdidiskusyon, na bawat detalye maging ang matagal na pagsagot, o katahimikan, pagtaas
ng kilay, pagkibit balikat ay mahalaga at importante sa magiging resulta ng pag-aaral.

2. Ano ang ginamit na katutubong pamamaraan ng pananaliksik ni Yacat? Ipaliwanag ang


“procedure” na ginawa niya rito sa iyong sariling salita. (10 pts)

Upang maging posible ang gagawing pagkalap ng datos gamit ang ginabayang
talakayan, naghanap siya sa tulong ng ibang organisasyon sa UPD ng 36 na mag-aaral na
mula sa Metro Manila at Batangas na kakatawan sa Luzon, Iloilo at Cebu na kakatawan sa
Visayas at Kristiyano at mga Muslim na mula sa Mindanao na mayroong Pilipinong magulang;
pinanganak at kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas; nag-aral ng elementarya at sekondarya
sa kani-kanilang mga probinsya; at kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo sa nasabing paaralan.
Pagkatapos ay iginrupo sa anim (6) na mayroong tatlo (3) hanggang limang (5)
miyembro. Nagbigay oryentasyon sa gagawin, layunin, magiging proseso at paalala sa
gagawing talakayan. Nanghingi ng permiso upang irekord ang mangyayaring diskusyon. Siya
ang naging tagapagpadaloy ng lahat ng nangyaring GT na nangyari sa nakasanayang pwesto
at lugar ng mga mag-aaral tulad ng silid-aralan. Ito ay tumagal mula isa (1) hanggang isa’t
kalahating oras (1 ½). Pagkatapos ay nagpasalamat, at nagtanong sa naging proseso o daloy
ng talakayan.

Tinanscribe ang talakayang nangyaring at nagsagawa ng data coding na kung saan


maglalagay siya ng mga tanda o marka (codes) sa mga sagot na pakiramdam niya ay
magiging mahalaga sa kanyang pananaliksik katulad ng mga katutubong konsepto na ginamit
ng mga ito upang bigyang label ang kanilang mga karanasan o ideya,naglista siya ng mga
nabubuong ideya na maaaring maging tema o kategorya ng mga sagot. Pagkatapos ay iniayos
na niya ang mga datos ayon sa mga kategorya at tema o pattern na nakita sa mga sagot ng
mga participants na binibigyang halaga ang pagkakaiba at pagkakamukha ng mga participants
na kumakatawan sa iba’t ibang lugar. At bumuo ng resulta at sintesis na ipinaliwanag o
ipinakita niya sa kanyang mga naging participants para sa participant validation upang makita
kung ang mga resulta ba ay tunay na tumpak at akma sa kanilang mga naging karanasan at
interpretasyon.

3. Sa loob ng isa hanggang limang pangungusap, ipaliwanag ang naging resulta ng kanyang
pag-aaral. (10 pts)

Ang resulta ng nangyaring ginabayang talakayan ay naging malawak at malalim


sapagkat nagkaroon ng karapatan ang mga participants na magkaroon ng mas malawak at
mas malayang diskusyon, nahati sa dalawang kategorya, ang una ay ang depinisyon at
identidad ng Pilipino na nagkaroon ng temang Pilipino bilang isang sosyal na kategorya at
pangalawa ay ang pagka-Pilipino, bilang isang etikal na standard.
Ang label na “Pilipino” ay ginagamit sa particular na grupo ng mga tao na maghihiwalay
sa mga Pilipino at sa hindi Pilipino na kung saan ay may tatlong bahagi katulad ng pinagmulan
o may kinalaman sa sosyo-politikal na aspeto, kinalakhan na naka-ugat sa kultura at
kamalayan o may kinalaman sa sikolohikal na aspeto.
Ayon sa resulta, makikitang ang mga participants sa Cebu at Manila ay nakahilig sa
kamalayan, samantalang mga participants mula sa Batangas, Ilo-Ilo at Kristyano mula sa
Mindanao naman ay nakaugat sa kultural na aspeto at mga Muslim sa Mindanao, nakahilig
ang depinisyon ng pagiging Pilipino dahil sa pagiging mamamayan ng Pilipinas. Pinapakita
nito na ang depinisyon ng pagiging Pilipino ay hindi naka-pirmi bagkus ay nakadepende sa
etnisidad,lahi, kasarian,edad, pagpapalaki o pagtuturo o iba pang aspeto na maaaring
makaapekto dito. .

Ayon kay Dr.Yacat, nakahilig ang mga sagot nila sa kung paano nila maipapakita na sila
ay isang tipikal na Pilipino at paano mailalayo sa mga katangiang hindi pang-Pilipino.
Pangalawa, ang pagka-Pilipino ay may dalawang lebel “Pilipino sa Puso” na kinikilala
ang pagka-Pilipino bilang isang paninindigan at ito ay ang mas malalim samantalang ang
“Pilipino sa pangalan” na ang ibig sabihin ay alam niyang siya ay Pilipino ngunit hindi siya
gumagawa o kumikilos na nagpapakita sa tunay na identidad nito, ay mas mababaw, ang
dalawang ito ay naka-ugat sa kamalayan, na sinasabing kapag mas mataas ang kamalayan
mo bilang isang Pilipino, magkakaroon ka ng mas malalim na pagka-Pilipino at kapag naman
mababa ang kamalayan mo bilang isang Pilipino, mabaw lamang rin ang magiging
manipestasyon nito sa iyong paka-Pilipino.

You might also like