Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SUMMATIVE TEST 1

FILIPINO 4
SECOND QUARTER

Name: _____________________________________________ Score: _______________________

I.Salungguhitan ang salitang naglalarawan o pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Nalaglag ang mga hinog na bunga ng punong-kahoy.


2. Maraming tao ang nagkasakit dahil sa COVID19.
3. Malamig ang hangin sa bukid.
4. Si Mikay ay masipag na bata.
5. Ang bata na nagsasabi ng totoo ay matapat.

II.Piliin ang tamang antas ng pang-uri upang mabuo ang pangungusap. Bilugan ang iyong sagot.

6. Si Joshua ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga kaibigan.


7. (Malaki, Mas malaki, Pinakamalaki) ang huling isda ni Mang Islaw kaysa kay Mang Tino.
8. Si Snow White ang (maputi, mas maputi, pinakamaputi) sa buong kaharian.
9. (Malikot, Higit na malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid.
10. (Matulis, Mas matulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.

III. Bilugan ang mga salitang di-pamilyar sa mga pangungusap.

11. Ang eroplano ay isang uri ng sasakyang panghimpapawid na tinatawag ding salipawpaw.
12. Nakakahilong sumakay sa tsubibo sa peryahan.
13. Walang pambayad sa pamasahe si Mikay dahil naiwan niya ang kanyang pitaka sa bahay nila.
14. Kinuha ni Lito ang salong-puwit at ibinigay sa kanyang lola.
15. Palaging nakadungaw si Faye sa durungawan dahil hinihintay niya ang kanyang bisita.
SUMMATIVE TEST 2
FILIPINO 4
SECOND QUARTER

Name: _____________________________________________ Score: _______________________

I. Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Si nanay ay nagluluto ng hapunan.

2. Tapos na akong maghugas ng mga pinggan.

3. Binabasa ni Tatay ang bagong diyaryo.

4. Si Amelia ay nag-aaral sa kanyang silid.

5. Naglalaro ang mga bata sa bakuran.

II. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay tumutukoy sa sanhi o bunga.

______________ 6. Nais niyang mapangalagaan ang kanilang bukirin laban sa mga insektong sumisira dito.

______________ 7. Naglagay siya ng mga pamuksa sa insekto.

______________ 8. Nais niyang makaaani ng maayos upang hindi maaksaya ang perang kanyang puhunan sa mga

pananim.

______________ 9. Karapat-dapat siyang umani ng masagana.

______________ 10. Ipinakita niya ang iba’t ibang paraan upang mapuksa ang mga kumakain ng kanyang pananim.

III. Salungguhitan ang panghalip sa pangungusap.

11. Aalis tayo ng maaga pupunta tayo ng simbahan.

12. Sinusuportahan ako ng aking pamilya sa paligsahan ng pagkanta.

13. Sa kanila ang mga libro na ginagamit natin.

14. Sila ang matatalinong mag-aaral sa klase.

15. Ang lahat ng mga nakikita mo ay amin.


SUMMATIVE TEST 3
FILIPINO 4
SECOND QUARTER

Name: _____________________________________________ Score: _______________________

I. Isulat sa patlang ang mga pandiwa na ginamit sa bawat pangungusap.

__________ 1. Dito tayo sasakay ng dyip.

__________ 2. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.

__________ 3. Huwag kang sumabit sa dyip.

__________ 4. Kunin mo ang sukli.

__________ 5. Kinagat yata ako ng langgam.

__________ 6. Huwag kang tumayo riyan.

__________ 7. May hinahanap po akong pugad ng ibon.

__________ 8. Huwag mong saktan ang sisiw.

__________ 9. Mukhang hindi pa marunong lumipad ang ibon.

__________ 10. Ipasok mo ang aking pinamili sa loob ng bahay.

II. Basahin ang mga panuto. Gawin ito sa ibaba.

11. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito, isulat ang pangalan mo.
12. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang puso. Kulayan ito ng pula.
13. Sa itaas ng bilog, gumuhit ng isang ulap. Isulat dito ang isang utos na sinunod mo sa bahay.
14. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang isang bagay na ayaw mong gawin.
15. Sa ibaba ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang “Ako ay Masunurin.”
SUMMATIVE TEST 4
FILIPINO 4
SECOND QUARTER

Name: _____________________________________________ Score: _______________________

I. Piliin sa kahon ang bahagi ng liham na naaangkop sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

Petsa Pamuhatan Patunguhan Lagda

Bating panimula Katawan ng liham Bating pangwakas

_____________ 1. Ito ay nagpapatunay ng araw ng pagkakasulat ng liham.

_____________ 2. Dito nakasaad ang lugar ng sumulat at petsa kung kailan ito isinulat.

_____________ 3. Binubuo ng pangalan at katungkulan, tanggapan, o opisina ng direksiyon ng sulat.

_____________ 4. Dito nakalagay ang pangalan ng sinusulatan. Nagtatapos ito sa bantas na kuwit.

_____________ 5. Nakapaloob dito ang nilalaman o mensaheng nais ipabatid ng sumulat.

II. Isulat sa patlang ang salitang may salungguhit kung ito ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.

_____________ 6. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.

_____________ Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.

_____________7. Minamahal niya nang wagas ang kanyang inang-bayan.

_____________ Ang pagmamahal niya sa kanyang inang-bayan ay wagas.

_____________8. Mahigpit na niyakap ng ina ang kanyang mga anak.

_____________ Mahigpit ang yakap ng ina sa kanyang mga anak.

_____________9. Ang lalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali.

_____________ Nagmamadaling lumabas ang lalaking nagnakaw ng bag.

_____________10. Nakatutuwang alalahanin ang bakasyon natin noong isang taon.


III. Basahin ang pangungusap at isulat ang PU kung ang salitang may salungguhit ay Pang-uri at PA kung ito ay

pang-abay. Bilugan ang pangalan/panghalip/pandiwang tinututukoy ng salitang nakasalungguhit.

_________ 11. Maraming bata ang nanonood ng palabas sa parke.

_________ 12. Mabilis ang dyip na nasakyan namin sa palengke.

_________ 13. Iginuhit ng makulay ni Patricia ang larawan.

_________ 14. Hinati ng nanay sa dalawa ang mangga.

_________ 15. Kami ay pumunta sa probinsiya tuwing bakasyon.

You might also like