Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

7

Unang Markahan – Modyul 1.2:


Ang mga Pahayag sa Pagbibigay
ng Patunay
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Ruel Wally D. Banag (Teacher II)


Editor: Audrey Rose M. Miram (Master Teacher I)
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Gener R. Santos, Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan- ADM Coordinator

June D. Cunanan, ADM Division Coordinator


Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes, City of San Fernando,
Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin

Ang paghubog sa mental na aspekto at pagpapahalagang moral ang


pangunahing layunin ng bawat guro upang maibigay sa kanyag mag-aaral
ang kakayahang kakailanganin sa pagtahak nito sa bawat yugto ng kaniyang
buhay.
Patuloy mang sinusubok ng mga mapanghamong kapalaran, ngunit
kailanman, hindi ito magiging mabigat na hadlang upang makamit ang mga
kaalamang magiging sandigan at kaagapay sa pang-araw-araw na
paglalakbay. Kaya bilang mag-aaral, hindi ka dapat matakot tumuklas at
huwag hayaang huminto sa pagkatuto.
Sa ganitong pagkakataon, hindi ka lamang mag-aaral na tatanggap ng
mga kaalaman mula sa iyong guro kundi bahagi ka rin ng lipunang ito na
inaasahang magagamit ang iyong mga natutuhan upang mag-ambag ng mga
pagbabago at maging bahagi ng solusyon sa mga problemang kinakaharap
ng bansa. Ang pagbabasa at malawak na karanasan ang magiging kaagapay
mo rito.

Katuwang sa iyong malalim na pagkatuto ay ang nilalaman ng modyul


na ito.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng lunsarang panitikan, pagtalakay


kasama ang ilang mga gabay na tanong, pagpapahalagang nangibabaw sa
mga paksa, at mga pagsasanay at dagdag na mga gawain na makatutulong
upang maunawaan, gayundin na matasa ang kakayahan mo mula sa
paksang pag-aralan. Sa bahaging ito rin matutuhan mo ang mga pahayag na
ginagamit sa pagbibigay ng mga patunay.

TEKSTONG BABASAHIN: Manik Buangsi (Zamboanga)

GRAMATIKA: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

Narito ang kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay patunay. F7WG-1a-b-1


Subukin

Ngayon ay alamin natin kung gaano kalawak ang pag-unawa mo sa


modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan. Kung
ikaw ay handa na, basahin ang balita sa loob ng kahon at sagutin ang
sumusunod na mga katanungan sa ibaba

Mga barangay chairman ng Sultan Kudarat, Marantao, pinaiimbestigahan


dahil sa hinihinging bayad para sa Home Quarantine Pass

MISMONG si Sultan Kudarat, Maguindanao mayor Datu Shameem Mastura


kasama si Sultan Kudarat PNP Chief Police Major Julhamin Asdani ang
nanguna sa paghuli sa isang barangay official na umano ay nagbebenta ng
home quarantine pass sa kanilang mga residente.
Nakilala ang dinakip na opisyal na si Nasser Esmail, chairman ng Barangay
Mulaug ng naturang bayan.
Sumbong ng mga residente sa lugar, ibinibenta umano ni Esmail sa halagang
50 piso ang kada home quarantine pass na ipinamamahagi sa kanyang mga
nasasakupan.
Pursigido si Mastura na sampahan ng kaukulang kaso ang naturang barangay
chairman upang hindi na ito pamarisan ng iba.
Ayon pa kay Mastura, mahirap paniwalaang mayroong halal na opisyal ang
mananamantala pa sa kanyang mga kababayan sa kabila ng krisis na
nararanasan ngayon ng buong bansa dahil sa COVID-19.
Sa ngayon ay nakaditine na sa custodial facility ng Sultan Kudarat PNP ang
suspek at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw.
Samantala, sa Marantao, Lanao del Sur naman, kalaboso rin ang chairman
ng barangay Mantapoli dahil sa pagbebenta rin umano ng home quarantine
.
pass.
Pinababayaran umano ng suspek na si Barangay Chairman Cassar Abinal ng
bente pesos ang kada home quarantine pass na ipinamamahagi sa kanyang
mga ka-barangay.
Pasado alas tres ng hapon kamakalawa nang hulihin si Abinal matapos na
maaktuhan sa kanyang iligal na gawain.
NDBC BIDA BALITA (March 24, 2020)

http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-march-24-2020

NDBC BIDA BALITA (March 24, 2020)


1. Batay sa binasang balita, ano ang dahilan kung bakit hinuli ang mga
barangay chairman?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

______________________________________________________________

2. Anong maaaring ikaso sa mga barangay chairman na lumabag habang umiiral


ang “Bayanihan to Heal as One Act?
______________________________________________________________

______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Para mapatunayan ang katotohanan sa iyong isasagot, ano ang kailangang


ibigay ng taong sasagot nito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

______________________________________________________________
MODYUL ANG MGA PAHAYAG SA
PAGBIBIGAY NG MGA
1.2 PATUNAY

Balikan

PANUTO: Batay sa binasang maikling kuwentong pinamagatang “Naging Sultan


si Pilandok” sa modyul 1, patunayang TOTOO ang mga nakalistang mga ideya sa
tulong ng graphic organizer

Si Pilandok ay
buhay pa.

Nalinlang ni
Pilandok ang
Sultan.

Tuso si
Pilandok.

Kuwentong
bayan ang
binasang akda.
Tuklasin

ANG MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY


May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan
ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay
makapagpapatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap
at kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na
ito ay dinurugtungan na rin ng mga datos o ebidensiya na lalo pang
makapagpapatunay sa katotohanang inilahad.
1. Nagpapahiwatig- Ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita,
maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan nito
ay masasalamin ang katotohanan.
Halimbawa:
Ang pagsang-ayon ng Sultan kay Pilandok ay pagpapahiwatig
lamang na gahaman siya sa kapangyarihan.
2. Nagpapakita- Salitang nagsasaad na ang isang bagay na
pinatutunayan ay tunay o totoo.
Halimbawa:
Ang pagkakakulong ni Pilandok ay pagpapakita na mayroon siyang
pagkakasalang nagawa.
3. May dokumentaryong ebidensiya- Ito ay mga patunay na maaaring
nakasulat, larawan o bidyo.
Kitang-kita sa bidyo ang paghagis ni Pilandok sa hawla kung saan
nakalulan ang Sultan.
4. Nagpapatunay/katunayan/patunay- Ang salitang nagsasabi o
nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
Sabik sa kapangyarihan si Pilandok, pinatutunayan ito nang
nilinlang niya ang Sultan.
5. Kapani-paniwala- Ipinapakita sa salitang ito na ang mga ebidensiya,
patunay, at kalakip na datos ay makatotohanan at maaaring
makapagpatunay.
Kapani-paniwalang buhay pa si Pilandok nang makita siya ng
Sultan na suot ang magarang damit.
6. Pinatutunayan ng mga detalye- Makikita mula sa mga detalye ang
patunay ng isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye
para makita ang katotohanang taglay nito.
Halimbawa:
Sa paghahangad ng Sultan ng mas higit na kapangyarihan at
kayamanan ay nalinlang siya ni Pilandok at naging kapalit ang
kanyang buhay. Pinatutunayan lamang ng mga nabanggit na
detalye sa kuwentong-bayang “Naging Sultan si Pilandok” na
walang mabuting maidudulot ang paghahangad ng labis.
Suriin

Ngayon ay basahin natin ang kuwentong-bayan mula sa


Zamboanga na pinamagatang “Manik Buangsi” (Zamboanga).
Pagkatapos itong basahin, may mga nakahandang mga katanungan
na kinakailangan mong sagutin. Handa ka na ba? Halina’t alamin
natin ang kuwento nila.

Manik Buangsi (Zamboanga)

Noon, may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang
pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si
Tuan Putli ay maraming dugong-bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya
pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip nakita na niya ang lalake na
kanyang iniibig. Siya si Manik Buangsi.

Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaraniwang tao. Siya ay


isang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa
panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli.

Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang


pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kaya’t kinausap niya si Allah. Pumayag naman si
Allah na bumaba si Manik Buangsi sa lupa.

Si Manik Buangsi ay nag-anyong isang ginintuang bayabas. Napasakamay


siya ng isang matandang babaeng pulubi. Nang bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng
limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa iyong
hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli. “Ang bungang ito ay siyang iyong
kapalaran.”

Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami.
Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamagandang bunga at iyon ay dinala niya sa
kanyang silid.

Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula


sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik
Buangsi at panonoorin ang mukha ng isang magandang dayang-dayang. Saka
lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang mga manok. Ngunit
sa isang pagkakataon ay nakatulog si Manik Buangsi. Nang magising siya ay
nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon,
isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.

Ngumiti si Manik Buangsi. “Oo,” wika niya. “At narito ako upang pakasalan
ka!”

Naganap ang kasalan nina Manik Buangsi at Tuan Putli at sa piging na iyon
ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang
dibdib ng dalawa.
Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako,
nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran.
Hanggang sa maisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.

“Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli.

“Maaaring isa lamang siyang masamang espiritu!”

“Maganda siyang lalake,” wika naman ng isa pa. “Sigurado mo bang ikaw lang ang
babaeng minamahal niya?”

“Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa
kanya ng isa pa. “Paluluhain ka niya balang araw!”

Dahil sa patuloy na paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang


nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi niyang
inaaway si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang bumalik na siya sa kanyang
pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay naging isang mabikas na puting
kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik
Buangsi. Pumayag si Manik Buangsi.

Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal na alikabok. Ang


mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris. Ngunit buong tapang na
sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba
at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay
maririnig ang daing ng mga nagdurusa.

Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa beywang ng asawa. “Hindi ako


magdidilat ng mata,” pangako niya. “Pipikit ako!”

Nagsimula silang tumawid sa makipot na tulay, sakay sa kabayo. Ngunit


hindi kaginsa-ginsa, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag
nito. “Tuan Putli, Tuan Putli, Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon ay katulad
ng kanyang yumaong ina!

Hindi na nakapigil pa si Tuan Putli. Tumingin siya sa ibaba at bigla ring


hinigop siya ng isang malakas na hangin pababa.

Wala nang nagawa si Manik Buangsi. At alam niyang nawala na sa kanya


nang tuluyan si Tuan Putli. Mahirap talaga para sa isang tao ang umakyat sa langit
sapagkat kadalasan ay hindi siya nakikinig sa paalala.

At marami ang katulad ni Tuan Putli. Marami ang katulad niyang ayaw tumulong
sa sarili.

Sanggunian: Espina, L.D., Plasencia, N.R. at Ramos, V.R. (2009). Literatura ng


iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Mindshapers Co., Inc.
PANUTO: Patunayan ang mga sumusunod na ideya. Siguraduhing wasto
ang paggamit ng mga pahayag na nagbibigay patunay.

1. Pinakamaganda sa magkakapatid si Tuan Putli.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Hindi pangkaraniwang tao si Manik Buangsi.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Isang katotohanan si Manik Buangsi.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Mahal na mahal ni Manik Buangsi si Tuan Putli.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanya.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6. Naging selosa si Tuan Putli.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

7. Mapagpatawad si Manik Buangsi.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

8. Hindi ganoon kadali ang pagpunta sa pook ng mga bathala.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
9. Si Manik Buangsi ay matapang.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
10. Mahalagang makinig sa bawat paalala.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Pagyamanin

PANUTO: Lagyan ng tsek (✅) ang mga pangungusap na naglalaman ng


mga pahayag na nagpapatunay at ekis (❎) kung wala.

1. Ipatutupad ng DepEd Rehiyon 12 ang mga alternatibong pamamaraan ng


pagtuturo sa gitna ng krisis sa COVID-19 sa susunod na pasukan.

2. Taglay ang matibay na ebidensiya, mayroon pa ring 16 na kumpirmadong


COVID-19 kaso ang rehiyon 12 kung saan 14 sa mga ito ang gumaling na
habang isa naman ang nasawi.

3. Patuloy ang ginagawang Vegetable Gardening Contest upang mahikayat pa


ang publiko na mag "Stay at home".

4. Pinakamaraming kompirmadong COVID-19 kaso pa rin ang naitala sa Lanao


del Sur na umaabot sa siyam katao.
5. Base sa mga larawan, naaagnas na ang bangkay ng isang negosyante sa
Barangay New Igbaras, Pigcawayan, North Cotabato na pinagbabaril habang
umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa kanilang lugar.
6. Aabot sa 176 milyong piso ang pondo na inilaan ng provincial government
para ibigay na tulong sa mga mamamayan ng Cotabato Province, pagpapakita
lamang ito ng pagiging tapat nila sa tungkulin.
7. Isinusulong ngayon ng isang kongresista ang panukalang “No Vaccine, No
Classes”.

8. Batay sa aking binasa, lima katao sa South Cotabato na dalawang beses


tumanggap ng Social Amelioration Cash Assistance ang kakasuhan ng DSWD
Rehiyon 12.

9. Itinuturing nang low risk areas ng National Inter-Agency Task Force ang
Rehiyon 12 at BARMM kaya hindi na isasailalim sa Enhanced Community
Quarantine.

10. Kitang-kita sa bidyo ang paghuli sa isang motorista sa Cotobato City dahil sa
illegal parking, walang side mirror at pagmamaneho ng walang lisensya sa
gitna ng umiiral na General Community Quarantine.

11. Ang mga mamamayang nasa lugar ng General Community Quarantine ay


hindi na makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

12. Katunayan, naitala ang kauna-unahang COVID-19 pasyenteng gumaling


mula sa Kidapawan City.
13. Makakatanggap ng bigas mula sa provincial government ang mahigit 400
libong mga pamilya sa North Cotabato.

14. Inaresto ng mga pulis sa T’boli, South Cotabato ang apat katao na
nagsasabong sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine,
pagpapakita lamang ito na mayroon pa ring mga lumalabag sa batas.

15. Patuloy na nadaragdagan ang mga gumagaling sa sakit na COVID-19 sa


tulong ng mga medical frontliners.
Isaisip

Nakatitiyak ako na nauunawaan mo na ang mga konsepto ukol sa


mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay, ngayon naman ay
tunghayan mo ang mga kaalaman hinggil sa mga elemento ng isang
papahayag ng patunay.

Elemento ng Isang Pahayag ng Patunay


1. Ang mga pahayag ay maayos na naisusulat kapag buo ang diwa nito at
naiintindihan ng nagbabasa o tagapakinig.
2. Upang mas maging mabigat ang importansiya nito, makatutulong ang
pagdaragdag ng mga pahayag na may kaangkop na ebisensiya sa iyong
sinabi.
3. Mas kapani-paniwala ang isang pahayag kapag may isang matibay na
ebidensiyang sumusuporta nito.
Isagawa

Isagawa mo ngayon ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng


pagpapatunay sa mga kakayahang iyong natamo. Isaalang-alang ang
mga mahahalang kaisipan at pag-unawang iyong natutuhan sa
araling ito.

PANUTO: Bumuo ng isang balita ukol sa mga nangyayari sa inyong


komunidad na ginamitan ng mga pahayag na nagbibigay patunay. Sundin ang
mga sumusunod na gabay sa pagsulat nito.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Balita


1. Simulan sa pandiwa ang unang pangungusap.

2. Tiyaking makakakuha ng sapat na datos na sinasagot ang mga tanong na –


Sino, Saan, Kailan, Bakit, at Paano.

3. Iwasang magbigay ng sariling opinyon tungkol sa balita.

4. Sikaping kapanayamin ang isang indibidwal na may kaugnayan sa isusulat


na balita.

5. Upang maiwasan ang “close contact” sa kakapanayamin, maaring gamitin ang


messenger o kahit anumang uri ng aplikasyon para makausap siya.

6. Limitahan lamang ang isusulat na balita sa 5-8 talata.

7. Huwag kalimutan ang ulo ng balita o headline.


Rubrics sa Pagmamarka

1 – Hindi 2– 3– 4 – Naging
Pamantayan
Naisakatupa Naisakatuparan Naisakatuparan mahusay at
ran ngunit mas ngunit may konsistent
lamang ang mga minimal na
mga pagkakamali
pagkakamali

Nasunod ang mga


panuntunang
inilahad ng guro

May kaugnayan sa
tema o paksa ang
nabuong balita.

Nakabuo ng mga
pangungusap na
ginamitan ng mga
pahayag na
nagbibigay
patunay. (x2)

Sumunod sa
tamang gamit ng
mga bantas,
espasyo, ispeling,
at pagbuo ng
talata.

KABUUAN = (20
puntos)
Tayahin
Ngayon naman ay mas lalo nating paigtingin ang mga hawak
mong kaalaman at pag-unawa ukol sa paksa sa pamamagitan ng
pagbuo ng gawaing susubok sa iyong kakayahan.

GAWAIN 1

PANUTO: Panoorin ang isang dokyumentaryong pinamagatang Ang Huling


Isla; dokyumentaryo ni Howie Severino na nasa link
https://www.youtube.com/watch?v=IDmvMGraIQg . Batay sa pinanood,
bumuo ng limang pangungusap na ginamitan ng angkop na pahayag sa
pagbibigay patunay.

1.

2.

3.

4.

5.
GAWAIN 2

PANUTO: Sa pamamagitan ng akrostik, ilarawan ang kasalukuyang


problema ng Mindanao sa pamamagitan ng pagtumbas sa bawat letra ng
salitang PAG-ASA. Kailangang makabuo ng mga pangungusap na
ginamitan ng mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay. (Upang
magkaroon ng impormasyon humanap sa mga pahayagan o kaya ay
magsaliksik sa internet.)

P–
A–
G–
-
A–
S–
A-
Karagdagang Gawain

Mahusay! Matapos ang maraming pagsasanay at gawain na iyong


napagtagumpayan, ngayon naman ay nais kong sagutin mo ang
huling pagsubok na aking inihanda upang malaman ko kung gaano
na ang natutuhan mo sa modyul na ito.

PANUTO: Dugtungan mo ang pahayag upang mabuo ang kaisipan.


Gamitan ito ng mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

Napatunayan ko na ang pagtutulungan at pagkakaisa sa kabila ng


pandemyang kinakaharap ng mundo ay________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto-Aralin 1.2
Sanggunian
https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/FilipinoGr7Qtr1-Reg.pdf
https://brainly.ph/question/130930#readmore
https://brainly.ph/question/630933#readmore
https://brainly.ph/question/130930
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-may-13-2020
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-may-8-2020
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-may-15-2020
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-may-12-2020
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-april-27-2020
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-may-23-2020
http://www.ndbcnews.com.ph/news/12-wanted-persons-10-curfew-violators-5-
sangkot-sa-illegal-gambling-huli-sa-south-cotabato
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-may-14-2020
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-may-8-2020
http://www.ndbcnews.com.ph/news/ndbc-bida-balita-march-24-2020
http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html

You might also like