Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buhat at mga Sinulat ni Rizal

1. Ano ang konsepto ni Rizal sa “Karunungan”?

Ang mga karanasan at kaalaman ni Rizal mula sa pangyayaring naganap sa buhay nito
ang isa sa nagbigay ng aral sa puso’t isip nito. Ang karunungan ang isa
pinakamahalagang bagay na nakamit niya, at masasabi ring kinakailangang matamo ng
isang tao. Sa ating paglalakbay sa buhay ni Rizal alam naman natin at makikita na ang
edukasyon sa panahon noon ay mahirap makamit kung kaya’t ang edukasyon at
karunungan nitong natamasa ay hindi niya sinayang. Bagkus ito ay ginamit niya upang
makatulong sa ating kapwa mga Pilipino sa panahon na iyon. Ang edukasyon ang naging
sandata niya sa pagpapalaganap ng adhikain at sa pamamagitan ng pagtatanim ng
kaisipan na ito sa kaniya mismong sarili, ang kaniyang mga natutunang kaalaman at
karunungan sa pamamaraan ng pamamahala, pamumuhay, at Sistema sa lugar na
kaniyang mga napuntahan, binigyan niya ng kilos ang gawa upang mapalaya ang bansa
nitong inaalipusta. Sa kabuuan, ang naging konsepto ni Rizal sa karunungan at edukasyon
ay, dapat ang bawat isang indibidwal ay natamo ito dahil ito ang magiging instrument sa
pagpapalaganap ng adhikain. Sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon, atin mapapaunlad
ang kaunlaran, mga reporma at pagbabago maging para sa sarili o panlipunang adhikain.

2. Ano ang konsepto ni Rizal sa “Kalayaan”?

Sa konsepto ng Kalayaan ang naging tugon ni Rizal dito ay, sa aking hinuha sa lahat ng
babasahin at paglalakbay sa buhay niya. Ang naging konsepto niya sa Kalayaan ay, hindi
kailangan ng tao gumamit ng karahasa at sandata upang makamit ang Kalayaan sapagkat
sa pamamagitan lamang ng pagbubukas sa kaisipan ng mga Pilipino sa nangyayari at
ginagawa ng mga mananakop makakatulong na ito at maaari na itong maging daan sa
Kalayaan. Para kay Rizal ang Kalayaan ay isang malayang pag-aaral sa kahit anong antas
at sa kahit anong Pamantasan, pagkadama ng tunay na kasiyahan na hindi diniktahan ng
pamahalaan upang mangyari. Sa madaling salita, ang Kalayaan ay ang malayang
makapagdesisyon ang bawat Pilipino sa kanilang naisin na walang pagdidikta ng kahit
sino man. Kung kaya’t ang naisagawang kilos ni Rizal dito ay ang kaniyang paglilimbag, ito
ang naging daan niya sa pagkamit ng Kalayaan sa kaniyang mga kababayan. Inilimbag
niya ang mga kaisipang makapagpapamulat sa isip at puso ng mga Pilipino.
3. Ano ang katibayan ng pagpapahalaga ni JPRizal tungkol sa “pakikipagkapwa-tao at pakikipag-
ugnayan”?
Ang husay ni Rizal sa pakikipagkapwa-tao at pakikipag-ugnayan ay tunay na kahanga-
kahanga. Ang kaniyang pakikisama at pakikisalamuha sa iba’t ibang mga tao ay hindi
naging madali ngunit makikita mo rito ang kaniyang kakayahan sa komunikasyon na
naging bunga sa pagbuo na pagkakaibigan mula sa kaniyang paglalakbay. Marami ng
beses naipamalas ni Rizal ang kaniyang kagalingan sa pakikipagkapwa-tao at pakikipag-
ugnayan, kahit ito ay bago pa lamang sa mga lugar na kaniyang pinupuntahan ngunit dahil
sa kaniyang kakayahan na makapag-ugnayan sa iba’t ibang mga lenggwahe agad siyang
nakakabuo ng koneksyon sa mga ito. Hindi maikakailang hindi madali ang maglakbay lalo
na at mag-isa, mahirap bumuo ng koneksyon lalo na at walang kakilala kung kaya’t
kahanga hanga ang naging pakikisama ni Rizal sa lahat ng taong nakilala nito. Sa
paglalakbay niyang iyun may mga taong naging parte narin ng kaniyang buhay at sumama
sa kaniyang mga reporma. Makikita na sa kaniyang pakikipag-ugnayan iba ang
nabubuong koneksyon nito sa mga tao. Isang halimbawa kung bakit kahanga hanga ang
pakikipag-ugnayan ni Rizal ay si Ferdinand Blumeritt, ito ay isang Aleman na nagsilbing
kaibigan at ama-amahan n ani Rizal. Ang naging ugnayan ng dalawa ay sa pamamagitan
lamang ng liham at libro ngunit kahit na ganon pa man nakabuo parin sila ng matinding
koneksyon kahit magkaiba sila ng lahi. Koneksyong nag bunga ng pagkakaibigan.

4. Mula sa una hanggang sa pinakahuli, sino si Jose P. Rizal bilang Filipino sa konseptong kolonyal?
Ipaliwanag ang sagot.

Sa pagsubaybay sa naging karanasan ni Rizal sa pamamagitan ng aralin, makikita ang


sakripisyo nito para sa kapakanan at Kalayaan na hinahangad nito para sa bayan kahit
ang maging kahantungan man nito ay ang sarili nitong buhay. Labis ang pinakitang
pagmamahal nito sa bayan, kahit ang pinaka layunin niya sa kaniyang buhay ay makapag-
aral at matamo ang karunungan, hindi niya hinayaan na siya lamang ang magiging bukas
ang kaisipan sa pang aalipin ng mga dayuhan. Subalit, naging mahusay ito, sa pagkamit
niya ng kaniyang hangarin, ay siyang sabay sa pagkamit at pagtulong nito sa kaniyang
kapwa Pilipino. Namayani sa puso ni Rizal na hindi lamang dapat siya ang Malaya sa
ibang bansa habang ang kaniyang kapwa ay nagdudusa at patuloy na binubulag ng mga
mapangalipustang mga dayuhan. Gamit ang mga akda, lathalain, libro ang ninanais niya
karunungan ay mapahatid sa mga Pilipino. Makikita ang pagkamakabayan sa
pagsasakripisyo ng sarili nitong buhay na hindi dapat sapat na manatili’t manahimik kung
ang hangariin ay para sa kinabukasan ng mahal mong bayan.

Cabuquin, Aiyana Tricia U.


BS Entrepreneurship 2-3

You might also like