Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa pagsulat, walang taong magtatangkang sumulat kung walang plano sa

dapat isusulat. Dapat isasaisip at planuhin ang susulatin sa gayon kailangan ang
pagkokolekta ng mga impormasyon kaugnay sa nabuong ideyang isusulat. Dapat
tandaan sa pagsulat ang magiging epekto ng akda sa mambabasa.

Hindi madaling magsimula ng susulatin dahil kaharap mo ang isang


blangkong papel. Naghihintay ka sa pagdaloy ng isip o talagang wala kang maisip. Ito
ang karaniwang masusumpungan ng mga manunulat lalo na ang mga baguhan. Ang
isang manunulat ay maaaring makuha ng paksa sa:

(a) iba’t ibang uri ng babasahin tulad ng mga magazine, pahayagan, peryodikal;

(b) midya-radyo, elebisyon, internet;

(c) mga pelikula o dokumentaryo;

(d) mga sining biswal;

(e) mga panaginip o alaala;

(f) diskusyon at palitang-kuro;

(g) pagsasatao at pagsasadula;

(h) pananaliksik;

(i) interes ng sarili o ng kaklase.


Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsulat ayon kina Pinnel, Gay Su,
at Irene C. Fountas:

1. Bago Sumulat (Pre-writing) – isang estretihiya tungo sa pormal na pagsulat.


2. Pagsulat ng Burador (Drafting)- ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na
hindi isinaalang-alang ang maaaring pagkakamali. Bahagi ito ng pre-writing kung
saan ipinahahayag ng sumulat ang kanyang mga saloobin at mga kaisipan
tungkol sa paksang isinusulat. Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin
ng estudyante ang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang
ginagawang paglalahad.
3. Pagrebisa- ito’y pagbababago ng muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga
payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.

You might also like