Final Na Ang Aking Kritikal Na Sanaysay.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

“PAGYAMANIN ANG WIKANG SARILING ATIN”

Dadula, Darlyn Solania / ABM – A (Quirino)

Ano nga ba ang wika? Ano ba ang wikang Filipino? Mahalaga ba ito?

Ang wika ay ang pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang

malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao kahit

mayroong iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at sa isang bansa.

Hindi muna nagsimula sa Wikang Filipino ang ating wika sapagkat nagsimula muna ito bilang Tagalog na kung

saan umalma ang mga Bisaya, na kalaunan ay naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na. Dahil nga ang ating

bansa ay isang arkipelago marami tayong naging katutubong wika. Dahil dito ang bawat etnolingguwistikong

grupo ay nagkaroon ibat-ibang literatura. Ang Art. 14, Sk. 3 ay itinatag ni Pangulong Manuel Quezon na

nagsasabing ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang

pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Itinatag din ni Pangulong Manuel Quezon noong

1936 ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Ang pagpili ng wikang pambansa ay

magiging batayan ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin. Dahil nga sa pagsusumikap ni

Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”.

Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1940 ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot na

ipapalimbag ang Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Ang naging tagapangulo ng komite

ay si Jaime de Veyra na kung saan siya ay nagsagawa ng pag-aaral, at napili niya na ang magiging batayan ng

“Wikang Pambansa” ng Pilipinas ay Tagalog.

Ipinalabas naman ni dating Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na

nagsasabi na ang Tagalog ay ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng ating wikang pambansa. Si

pangulong Manuel L. Quezon din ang nangunang maghubog ng Wikang Pambansa na kung saan ito ay

binansagang Wikang Filipino. Napakarami nating wika dito sa bansa ilan na dito ang Cebuano, Boholano, Ilocano,

Tagalog, at iba pa. Ang bansa ay maraming iba’t-ibang wika dahil sa archepilagong hugis nito. Layu-layo rin ang
mga lugar at isla na bumubuo dito . Hindi madali para kay dating pangulong Mannuel L. Quezon at iba pang

pamahalaan ng gobyerno na pumili at magtalaga nang ating sariling Wika dahil maraming hindi desidido at hindi

sang-ayon sa kanilang naging mga desisyon. Hanggang nakapagdesisyon na ang mga tao noon kaya naging

Wikang Pambansa natin ang Wikang Filipino.

Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura nating mga Pilipino kung sino, ano, at meron tayo. Ang isang tao

na gumagamit ng Wikang Filpino ay ibig nangangahulugang isa siyang Pilipino dahil ito ay isa sa marami pang

pagkakakilanlan ng ating bansa. Mahalaga ang wika sa ating bansa dahil dito tayo nagkakaroon ng ugnayan sa

isat-isa, komunikasyon kumbaga. Ito rin ay paraan upang magbigay ng mga opinion, ideya at saloobin nating mga

tao na maaring makatulong sa ating kapwa at sa ating bansa.

Mga Patakarang Pangwika sa Pilipinas

Maraming patakarang pangwika ang bansa dahil higit nating pinapahalagahan ito. Alam natin ang halaga nito

na nakakatulong sa pagkakaroon ng pagkaka-intindihan at pagkakaisa nating mga Pilipino. Ito ang mga

patakarang pangwika sa bansa. Isa sa mga ito ay ang House Bill No. 557 na nagsasabing nararapat gamitin ang

lokal na wikang Tagalog dahil noong 1934, nagkaroon ng isang Constitutional Convention kung saan ipinanukula

ni Rep. Diligado Wenceslao Vinzons na gawing batayan ng wikang pamabansa ang mga wika sa Pilipinas na

nagpatuloy sa sumunod na taon. Taong 1940 nang pormal na itinakda ng dating pangulong Manuel Quezon ang

pagtuturo ng wikang pambansang Tagalog sa lahat ng paaralan sa bansa.

Kasama rin sa mga patakarang pangwika ang Executive Order No. 335 na ipinatupad sa panahon ni Corazon

Aquino na kung saan siya ay nagtakda na Filipino ang wikang pambansa, kaya’t nararapat itong gamitin sa lahat

ng mga opisyal na komunikasyon at transaksiyon, maging sa lahat ng mga pampublikong lugar tulad ng mga

ahensiya at opisina. Executive Order No. 21 ito naman ay ipinatupad ni dating Pangulong Gloria Arroyo na

nagsasabing ang wikang Ingles ay nararapat lamang na gamitin sa mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad sa

bansa. Executive Order No. 210 ito rin ay isa sa mga patakarang pangwika na itinatag noong Mayo, 2003 na may

pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of the English language as a Medium of Instruction in
the Educational System”. Bilang patakaran, ayon sa kautusang ito, ituturo ang English simula sa unang baitang at

gagamitin itong wikang panturo sa mga asignaturang English, Matematika, at Agham na pinanukala naman ni

Rep. Del Mar. Isa rin ang Proklamasyon Blg. 1041 sa mga patakarang pangwika ng bansa na itinatag noong Hulyo

15, 1987 na nagtatampok ng mga aktibidad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ipagdiriwang sa samot-

saring paraan ang Filipino sa pamamagitan ng seminar, kumperensiya, pagtatanghal, bunsod-aklat, timpalak

pampanitikan, balagtasan, konsiyerto, at iba pa.

Proklamasyon Blg. 12 ay isa rin sa mga patakang pangwika na itinatag noong Marso 26, 1954 na ipinagdiriwang

ang Linggo ng Wika mula Marso 29 hanngang ikaapat ng Abril. Panukalang Batas Blg. 162 ito naman ay itinakda ni

Rep. Magtanggol T. Gunigundo I, na nagsulong naman ng Multi-Lingual Education (MLE). Sa panukalang ito ni

Rep. Gunigundo na nagsasaad nasa buong elementarya ang magiging midyum na instruksiyon samantala ang

Ingles at Filipino ay ipapakilala bilang magiging midyum na instruksiyon sa ikaapat na grado. Pagsapit ng

sekundaryong antas, ang Ingles at ang Filipino ang magiging midyum ng instruksiyon. Panukalang Batas sa Senado

Blg. 1770 isa rin ito sa mga patakarang pangwika na nag-aatas na gumamit ng karaniwan at payak na wika sa

paghahanda ng mga dokumentosa seguro at ito ay higit na makakatulong na makatipid kung gagamitin lang ang

wikang Filipino at wikang panrehiyon. Ito ay itinatag naman ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

Noong 1999 naman sa panahon ng panunungkulan ng dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Bro.

Andrew Gonzalez, siya nagkaroon ng proyektong Lingua Franca Education. Nagkaroon ng expiremenal class mula

grade one na gagamitin ang Lingua Franca bilang midyum sa pagtuturo sa lahat ng asignatura at control class

naman ay gagamit ng Bilingual Education. Labing-anim na rehiyon sa bansa ay nagkaroon ng mga ito. Kautusang

Blg. 52 na itinatag noong 1987 na siya namng ipinalabas ni Lourdes Quisumbing na nag-uutos na gamitin ang

wikang panturo. Isa rin ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 noong 1990 na kung saan ito ay nagtatagubilin na

gamitin ang wikang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng karapatan sa saligang batas at sa bayan natin.

DepEd Order Blg. 36 na itinatag naman noong 2006 na nagsasabing dapat manatili ang time allotment ng mga

asignaturang paggagamitan ng wikang Ingles at Filipino at bibigyang diin nito na manatili ang wikang Ingles at
Filipino na kung saan ito ay naging medium ng wika sa instuksyon ng edukasyon alinsunod sa Bilingual Policy.

DepEd Memorandum Blg. 189 na itinatag naman noong 2003 ng kagawaran ng edukasyon na pinamagatang

“Establishing the policy to strengthen the use of the English language as a medium of instruction in the Education

system” na gamitin ang wikang Ingles sa sistemang pang-edukasyon ng ating bansa.

Maraming mga Unibersidad na nagsasagawa at nagtatakda ng mga patakarang pangwika kagaya ng Ateneo de

Manila University, Far Eastern University, Conception Integrated School at marami pang iba. Ngunit ang aking

tatalakaying unibersidad ay ang Unibersidad ng Pilipinas na itinatag noong Hunyo 18, 1908 na ipinagawa ng mga

Amerikano. Ipinagtibay at ipinatupad ng Unibersidad ng Pilipinas ang Patakarang Pangwika noong 1989 na

nagtatakda na ang maging pangunahing midyum sa pagtuturo ay Filipino. Ito ay hindi lamang pagtalima sa

Konstitusyon na probisyong pangwika kundi ito rin ay pagkilala na ang ating sariling wika ay higit nang

makakatulong sa mabisang edukasyon at patungo sa katarungang panlipunan na naiintindihan nating mga

Pilipino na wika. Hindi daw sapat ang Patakaran Pangwika para palaganapin ang wikang Filipino sa mga akademya

dahil ang mga guro ay kailangan din ng mga kagamitang panturo, lalo na ang mga Filipino teksbuk na maaring

magamit ng mga guro, naming mga mag-aaral, mga mananaliksik at mga manunulat sa labas man o sa loob ng

mga Unibersidad sa bansa. Nagsimula noong 1994 ang Programang Aklatang Bayan ng Sentro ng Wikang Filipino

sa Unibersidad ng Pilipinas na naglalayong maisulat at mailimbag ang mga teksbuk na nakasulat sa wikang Filipino

at para narin matugunan ang mga kakulangang material na nakasulat sa wikang Filipino na pang akademiko at

upang mahikayat na basahin ng mga guro, naming mga mag-aaral, mga mananaliksik at mga manunulat na

magsulat sa mga akademikong material na nakalimbag sa Filipino. Marami ang lumahok na mga guro, mga

iskolar, mga manunulat at gayundin ang mga eksperto sa wikang Filipino na magbasa at magsulat ng mga teksbuk

at mga pang-akademikong materyal na nakasulat sa Filipino. Ipinagpatuloy pa rin ang paglilimbag ng mga teksbuk

dahil sa tulong ng mga guro at mga iskolar sa isang Unibersidad na hindi lamang para sa GE program kundi para

narin sa mga batayang aklat. Isa ang programang UP SWF-Diliman sa mga programa para sa wikang Filipino na

nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 na gamitin ito bilang panturo. Sa ilalim ng programang ito, bumuo na mga

komite na sumisentro sa pagbuo wika mula sa ibat-ibang kolehiyo at opisina ng Unibersidad ng Pilipinas. Marami-
rami narin ang mga proyekto at gawain ang mga komite para sa wika. Nagsagawa ng regular na forum tuwing

ikatlo ng buwan noong Pebrero 2015 na pinamagatang Talasalitaan. Ito ay regular na forum o talakayan hinggil sa

ibat- ibang paksa na may kaugnayan sa wikang Filipino para sa akademikong pangdisiplina upang isulong narin

ang patakarang pangwika sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang Talasalitaan din ay nagsasagawa ng mga Patakarang

Pangwika upang paunlarin at isulong ang iba’t ibang paksa na may kaugnayan Filipino at sa ibat-ibang disiplina sa

Unibersidad ng Pilipinas. Inaanyayahan ng paaralan ng Unibersidad ng Pilipinas ang mga eksperto na magaling sa

larangan ng wika para isang particular na paksa sa loob man o labas ng Unibersidad. Inaanyayahan din na dumalo

ang mga guro at kanilang mga klase para dumalo sa naturang gawain. Ito rin ay dinadaluhan ng mga guro at mag-

aaral galing sa ibat-ibang eskuwelahan.

Ang pagaaral na ito ay nagsisilbing patunay na ang reyalidad ng mga patakarang pangwika at pagpapatupad ng

mga ito sa pampublikong sistema ng edukasyon ay maaaring maging gabay tungo sa malawak na pag-aaral

kaugnay sa pagpapalakas ng pagpaplanong pangwika sa edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas at maging

kabuuang sistema ng edukasyon sa bansa at higit sa lahat maaaring tingnan sa paglutas ng mga suliraning

pangwika mula sa lebel na micro tungo sa lebel ng makro sa usaping pagpaplanong pangwika.

Mga Sanggunian:

John Iremil E. Teodoro (2009) Kasaysayan ng Wikang Filipino,

https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/1771158/kasaysayan-ng-wikang-filipino/story/

PADAYON UP (2017) Gawaing Ekstensiyon ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman,

https://www.publicservice.up.edu.ph/gawaing -ekstensiyon-ng-up-sentro-ng-wikang-filipino-diliman/

Roberto Añonuevo (2011) Panukalang Batas, Patakarang Pangwika, at Pambansang Adyenda sa Filipino 2011-

2016, https://www.dakilapinoy.com/2011/08/04/panukalang-batas-patakarang-pangwika-at-pambansang-

adyenda-sa-filipino-2011-2016/

You might also like