Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Araling Panlipunan 3, Quarter 2, Week 5 1

Araling Panlipunan 3

Pamantayan sa Pagkatuto
Naihahambing ang ilang simbolo at sagisag na nagpapakilala ng iba’t
ibang lalawigan sa sariling rehiyon
AP3KLR- IIf-5
Araling Panlipunan 3, Quarter 2, Week 5 2

Aralin 1 Mga Simbolo at Sagisag na Nagpapakilala ng Iba’t Ibang Lalawigan sa


Sariling Rehiyon

Mga Simbolo at Sagisag ng Iba’t Ibang Lalawigan sa


Sariling Rehiyon

Ang bagong selyo ng lalawigan ay pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan noong taong Hunyo 21,
1993 sa ilalim ng pamunuan ni Gob. Josephine Y. Ramirez-Sato.
• Tamaraw - ang ulo ng Tamaraw na nasa loob ng selyo ay nagsisilbing pagkakakilanlan sa mga taga-
Mindoro sapagkat
tanging sa lalawigan lamang makikita ang uri ng ganitong hayop.
• Bundok at Bukid - ang dalawang kabundukan sa selyo ay tumutukoy sa Mindoro at sa karatig nitong isla,
ang kapuluan ng
Lubang. Ang kabukiran naman ay sumisimbolo sa masaganang
yamang lupa ng lalawigan.
• Isda - sagana ang lalawigan hindi lamang sa tuna gayundin sa iba pang uri ng yamang dagat. Ang tatlong
guhit ng alon sa selyo ay tumutukoy sa National Government, Provincial Government at Non-Government
Agencies na nangangalaga sa mga likas na yaman.
• Puno - sumisimbolo sa yamang gubat at ang tatlong makakapal
na linya sa likod nito ay simbolo rin ng pangangalaga at proteksiyon sa mga ito.
• Uhay ng palay - sumisimbolo sa pangunahing produktong pangagrikultura ng lalawigan, ang bigas o
palay.
• Labing-isang bilog - sumisimbolo sa labing-isang bayan ng
lalawigan.

• Ang kulay berde ay kumakatawan sa mga luntiang burol at mga kabundukan sa lalawigan.
• Dalawang Tuldok - tumutukoy sa dalawang lalawigan ng
Araling Panlipunan 3, Quarter 2, Week 5 3

Mindoro; ang Oriental Mindoro at ang Occidental Mindoro.


• Kulay Pula - kumakatawan sa katapangang ipinakita ng mga
Mindoreño noong panahon ng Rebolusyon laban sa mga Espanyol, Digmaang Filipino - Amerikano at sa
pananalakay ng
mga Hapones.
• Dilaw - sumisimbolo sa mga mina ng ginto na sagana sa
lalawigan
• Ang mga tala - ay sumisimbolo sa 15 bayan na bumubuo sa
buong lalawigan
• Tamaraw - isang uri ng hayop na tanging sa lalawigan ng
Mindoro lamang matatagpuan.

• Kalapati - kumakatawan sa pagiging mapagmahal sa kapayapaan ng mga mamamayan ng Marinduque.


• Korona - simbolo ng tinatawag nilang Putong o Tubong
Ceremony na nagpapakilala ng kanilang tradisyonal na rituwal
sa kanilang mainit na pagtanggap sa mga bisita.
• Mga Bituin - ang mga bituin ay sumisimbolo sa anim na bayan
na bumubuo sa lalawigan ng Marinduque.
• Mapa at Puso - ang lalawigan ay inihalintulad sa puso sapagkat
sinasabing ang Marinduque ay siyang sentro ng kapuluan ng
Pilipinas.
• Kalasag - sumasagisag sa proteksyon ng mga Marinduqueño.
• Kulay Berde - sumasagisag sa pagiging mapagkalinga ng mga
Marinduqueño sa kalikasan.

Ang selyo ng Lalawigan ng Romblon ay binubuo ng tatlong (3) concentric na bilog.


• Ang panlabas na bahagi ng bilog ay nagwawagayway ng pangalan ng Lalawigan ng Romblon. Ang
panggitnang bilog na iginuhit sa pamamagitan ng kulay berde na may mga tuldok na pula sa itaas ay
naglalarawan at nagpapahayag ng hawakkamay, pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan
ng Romblon na siyang bumubuo ng labimpitong
munisipyo ng probinsiya.
Araling Panlipunan 3, Quarter 2, Week 5 4

• Ang panloob na bahagi ng selyo ay naglalarawan ng mga likas na yaman ng lalawigan mula sa mga
pangunahing produktong biyaya ng karagatan, kabundukan, at mula sa pagmimina ng
marble.
• Ang sinag ng araw na tumatanglaw sa bundok ng GuitingGuiting ay nagpapahayag ng wagas na biyaya at
kadakilaan ng Maylikha na ipinagkaloob sa lalawigan ng Romblon.

• Mga Hayop - sumisimbolo sa mag-asawang Pilandok (mousedeer) at mag-asawang Tandikan (Palawan


Pheasant Peacock) na tanging sa Palawan matatagpuan.
• Luntiang Kabundukan - tumutukoy sa malawak at luntiang
kagubatan na mapagkukunan ng mga yamang mineral tulad ng metal at di-metal at arkeolohikal na relikya
mula sa Panahon ng Lumang Bato. Sa paanan ng kabundukan ay malalawak na kapatagan na pinagkukunan
ng masaganang ani ng mga Palaweño.
• Ilog - naglalarawan sa tanyag na Underground River sa St. Paul
Bay.
• Bangka – sumasagisag sa mayamang pangisdaan at iba pang
yamang dagat sa lalawigan mula sa Dagat Sulu at Dagat Kanluran ng Pilipinas.

A.Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Ano ang sumasalamin sa natatanging katangian, pagkakakilanlan, at pinahahalagahan ng isang lalawigan?
A. kultura ng lalawigan
B. sagisag o simbolo ng lalawigan
C. tradisyon ng lalawigan
D. wika ng lalawigan
2. Alin sa sumusunod ang simbolo o sagisag ng lalawigan ng Palawan?

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng simbolo ng lalawigan ng Oriental Mindoro?


Araling Panlipunan 3, Quarter 2, Week 5 5

4. Anong lalawigan sa rehiyong MIMAROPA ang may simbolo na tinatawag nilang Putong o Tubong
Ceremony na nagpapakilala ng kanilang tradisyonal na rituwal sa kanilang mainit na pagtanggap sa mga
bisita?
A. Romblon
B. Oriental Mindoro
C. Marinduque
D. Palawan
5. Ano ang kahalagahang dulot ng pagkakaroon ng opisyal na simbolo ng isang lalawigan?
A. Ito ay nagpapakita ng tradisyon at kaugalian ng lalawigan.
B. Ito ay nagpapahayag ng katangian at pagkakakilanlan ng lalawigan.
C. Ito ay nagpapakita ng pagiging masayahin at magiliw ng mga lalawigan.
D. Ito ay nagpapakita ng katapangan at kasipagan ng lalawigan
B. Ibigay ang kahulugan ng mga simbolo o sagisag na makikita sa
official seal ng sumusunod na lalawigan.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahang dulot ng pagkakaroon ng opisyal na


Araling Panlipunan 3, Quarter 2, Week 5 6

simbolo ng iyong lalawigan?


A. Ito ay nagpapakita ng tradisyon at kaugalian ng lalawigan.
B. Ito ay nagpapahayag ng katangian at pagkakakilanlan ng lalawigan.
C. Ito ay nagpapakita ng pagiging masayahin at magiliw ng mga lalawigan.
D. Ito ay nagpapakita ng katapangan at kasipagan ng lalawigan.
2. Anong lalawigan sa rehiyong MIMAROPA ang may simbolo na tinatawag nilang Putong o Tubong
Ceremony na nagpapakilala ng kanilang tradisyonal na rituwal sa kanilang mainit na
pagtanggap sa mga bisita?
A. Romblon
B. Oriental Mindoro
C. Marinduque
D. Palawan
3. Ano ang sumasalamin sa natatanging katangian, pagkakakilanlan, at pinahahalagahan ng isang lalawigan?
A. kultura ng lalawigan
B. sagisag o simbolo ng lalawigan
C. tradisyon ng lalawigan
D. wika ng lalawigan
4. Alin sa sumusunod ang simbolo o sagisag ng lalawigan ng Palawan?

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng simbolo ng lalawigan ng Oriental Mindoro?

Panuto: Ang simbolo ng lalawigan o lungsod ay nagpapakita ng


katangian ng nasabing lalawigan o lungsod. Gumawa ng sariling
simbolo ng iyong lalawigan o lungsod.

Tandaan ang mga paalala sa paggawa ng simbolo sa ibaba.


✓ Ang simbolo ay kumakatawan ng lalawigan/lungsod, simple
lamang at walang dekorasyon na hindi naman naangkop sa
lalawigan.
✓ Hindi lahat ng tungkol sa iyong lalawigan ay mailalagay sa simbolo. Kung kaya isipin lang ang
pinakamahalagang katangian ng iyong lalawigan.
Araling Panlipunan 3, Quarter 2, Week 5 7

Aklat:
Roderos, Marilou G., et al. – Araling Panlipunan-Ikatlong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral-Rehiyong MIMAROPA Unang
Edisyon (2019), pahina 224-232.
Manalo, Thea Joy G., et al. -Araling Panlipunan-Ikatlong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog Unang Edisyon (2015),
pahina 205-212.
Araling Panlipunan 3, Quarter 2, Week 5 8

You might also like