Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Week 5 1

Pamantayan sa Pagkatuto
1. natutukoy ang kahalagahan ng hayop sa tao (S3LT-IIc-d-6);
2. nakapagbibigay ng halimbawa ng mga produktong mula sa hayop (S3LT-IIc-d-
6); at
3. naipapakita ang pagpapahalaga sa mga hayop na makikita sa kinabibilangang
komunidad
(S3LT-IIc-d-6)
Week 5 2

Aralin 1

Basahin at unawain.
Bukod sa tao, nilalang din ng Diyos ang mga hayop. Ang mga hayop ay napakahalaga sa ating buhay.
Nakatutulong ang mga ito sa atin at nakapagbibigay din ng ating mga pangangailangan sa iba’t ibang
paraan.

Maraming kapakinabangang naibibigay sa atin ang mga ito. Nararapat ding bigyan natin ang mga ito ng
angkop na pagpapahalaga at pag-aalaga.

Maraming kapakinabangang naibibigay ang mga hayop sa tao. Naipapakita at naisasagawa nila ito sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan. May mga hayop na nagbibigay ng pagkain tulad ng gatas, itlog, isda, at
karne. Ilan sa mga ito ay ang baboy, manok, baka, at isda.
Week 5 3

Ang ibang hayop ay nagiging katuwang naman natin sa trabaho. Katulad ng kalabaw na tumutulong sa mga
magsasaka sa pagbubungkal ng lupa sa bukid.

Ang kabayo naman ay tumutulong sa pagbubuhat at paghahatid ng mga tao at produkto sa isang lugar. Hila
ang kalesa o karitela, nagsisilbi ang mga ito bilang isang uri ng transportasyon.

Ang balat o fur ng ilang hayop tulad ng tupa, baka, at buwaya ay ginagamit naman sa paggawa ng mga
bagay tulad ng damit, sapatos, bag, pitaka, at sinturon.
Week 5 4

Ang mga tinatawag na pet animals ay nagbibigay naman sa atin ng kasiyahan gaya ng ibon, aso, at kuneho.

Bukod sa pagbibigay ng kasiyahan, may mga hayop na nagbibigay sa atin ng proteksiyon.


Gaya ng aso, na nagbabantay ng ating mga bahay at maging sa iba pang pribadong lugar.

Tinataboy at tinutugis naman ng mga pusa ang mga peste sa bahay tulad ng daga.
Week 5 5

A. Panuto: Piliin sa Hanay B ang larawan ng hayop na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

B. Panuto: Magtala ng mga pakinabang ng tao sa mga sumusunod na hayop. Isulat ang iyong mga sagot sa
loob ng bilog.
1. Baka 
2. Tupa 
3. Kambing 
4. Pusa 
5. Ibon 

Isulat ang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay tumutukoy sa kahalagahan ng hayop sa tao at Mali
naman kung ang pangungusap ay hindi tumutukoy sa kahalagahan ng hayop sa tao.
_______1. Nagbibigay ng gatas at pinagkukunan din ng karne ang kalabaw.
_____ 2. Nagagamit ang makapal na balahibo ng tupa sa paggawa ng dyaket o iba pang kasuotang
pangginaw.
Week 5 6

_____ 3. Nagbabantay sa ating bahay ang mga alagang aso laban sa mga taong hindi natin kilala.
_____ 4. Sumisira sa mga damit at iba pang kagamitan sa tahanan ang mga daga.
_____ 5. Naghahatid ng tao at produkto ang kabayo sa ibang lugar gamit ang karitela o kalesa.

Isagawa Karagdagang Gawain


A.

B.
Week 5 7

You might also like