Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Gonzales, Fatima BSED 2B

ELECT 1 – Malikhaing Pagsusulat


Gawain 2: Katangian ng Malikhaing Pagsulat
Concept Map

Ang isang malikhaing pagsulat ay napapanahon.

Ang malikhaing pagsusulat ay dapat orihinal.


KATANGIAN NG MALIKHAING PAGSULAT

Kinakailangan mapagparanas at makintal.

Isang katangian din ay dapat totoo lalo na kung ito ay isang


akademikong pagsusulat.

Isa rin ay dapat puno ito ng emosyon at may kaayusan.


Gonzales, Fatima BSED 2B
ELECT 1 – Malikhaing Pagsusulat
2. Ano ang ibig sabihin kapag sinasabing dapat mapagparanas at makintal ang isang malikhaing
pagsusulat?

Isang bagay na aking nakahiligan nung ako ay bata pa ay ang magbasa. Naalala ko, ang
aking unang binasa ay ang isang ebook. Ito ang mga download na mga istorya sa wattpad na
maaari mong basahin ng offline at gamit lamang ang iyong cellphone na keypad. Ang pamagat
ng istorya ay She’s Dating the Gangster, alam kong alam niyo ito dahil ito ay ginawan ng isang
pelikula. Ngunit, kung inyong nabasa ang libro alam niyong hindi yun ang tamang storya at
labis akong nadismaya sa kinalabasan nito. Sa pagbabasa, ito ay naging past time ko at sa isang
araw, alam niyo ba na isa hanggang tatlong istorya ang natatapos ko? At minsan nagugulat na
lang ako na tumitilaok na ang manok dahil umaga na.
Bakit nga ba sinasabing dapat mapagparanas at makintal ang isang malikhaing
pagsusulat? May mga tao ang mas gusto ang magbasa kesa manood. Bilang isang magbabasa,
mas maraming kaganapan pag lahat ay sa inyong imahinasyon. Yung ikaw mismo ang gagawa
ng mga senaryo sa iyong isip batay lamang sa iyong binabasa. Lalo na kung ang pagsusulat ng
isang awtor ay mapagparanas at makintal. Kung baga, parang ikaw ang bida sa istorya na iyong
binabasa. Minsan magugulat ka na lang na tumatawa ka na, umiiyak, kinikilig kung kaya’t pag
ganun alam mong magaling ang isang manunulat.
Sa pagsusulat, maraming manunulat ang gustong magbigay aral sa lahat. Katulad ng
wattpad o jonaxx app, ginagamit nila ito bilang isang plataporma sa pagbibigay ng aral o payo.
Magiging walang saysay ang iyong isinulat pag hindi mo maramdaman ang istorya. Ano ang
emosyon ng bida, kung baga kinakailangan na parang ikaw ang mismong bida. Yung alam mong
hook na hook ang mga mambabasa sa iyong ginagawa. Mas nagiging epektibo kasi na kahit sa
pagbabasa lang ay masasabi mong grabeng epekto ang ginawa nun sayo.
Gusto kong ibahagi ang mga aral na aking napulot mula sa aking mga istoryang nabasa.
Tulad ni Behati Zalea Monzanto Armstrong mula sa istorya na Taste of Sky na isinulat ni
ventrecard, isang babaeng palaban. Siya ay isang itinaguriang a women of hope. A survivor of
flood, a survivor of an earthquake, a survivor of tsunami, a survivor of volcanic eruption and a
survivor of an asteroid explosion. But never been a survivor of love. Isang istoryang punong-
puno ng aral. Isang kuwento na ipaparanas sayo ang sakit na mga ilang araw kang mapapatulala.
Bakit nga ba ako nabighani sa kuwentong ito? Hindi dahil sa ito ay isa sa mga sikat na
recommendation o sa madami ang readers nito. Kundi alam ko, na si ventrecard ang awtor nito.
Hindi lamang yung babasahin mo lang tapos konting emosyon yun na, hindi. Masasabi kong si
ventre ay isang awtor na kung siya ay gagawa ng istorya sisiguraduhin niyang hindi lamang
iiyak ka, kundi tutulo ang uhog mo at mapapahagulgol ka talaga. Kaya masasabi kong dapat na
mapagparanas at makintal ang isang malikhaing pagsusulat. Hindi lang ang istorya, emosyon at
sakit ang tatatak sayo kundi pati na rin sino ang sa likod ng kuwentong ito.

You might also like