Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Greetings

Opening prayer

Text : Genesis 22:1-19


Sinubok ng Diyos si Abraham

22 Pagkalipas ng ilang panahon, sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya


ng Diyos, “Abraham!” “Narito po ako,” tugon naman niya.

Sinabi sa kanya, “Isama mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na
si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na
ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin.”

Kinabukasan, maagang bumangon si Abraham at nagsibak ng kahoy na
gagamiting panggatong sa handog na susunugin. Inihanda niya ang asno,
at umalis kasama si Isaac at ang dalawang aliping lalaki papunta sa lugar na
sinabi ng Diyos sa kanya. 4 Nang ikatlong araw ng paglalakbay, natanaw na
nila ang dakong kanilang pupuntahan. 5 Kaya't sinabi ni Abraham sa
kanyang mga alipin, “Bantayan ninyo rito ang asno at kami na lamang ng
bata ang aakyat sa bundok. Sasamba kami sa dako roon, at babalikan namin
kayo.”

Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong. Dala naman
niya ang apoy at patalim, at magkasama silang lumakad. 7 Tinawag ni Isaac
ang pansin ng ama, “Ama!”

“Ano iyon, anak?” tugon ni Abraham.

“Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang tupang


ihahandog?” tanong ni Isaac.

Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon.” Kaya't
nagpatuloy sila sa paglakad.

Pagsapit nila sa lugar na itinuro ng Diyos, gumawa ng altar si Abraham.
Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac matapos
gapusin. 10 Nang sasaksakin na niya ang bata, 11 tinawag siya ng anghel ni
Yahweh at mula sa langit ay sinabi, “Abraham, Abraham!”

“Narito po ako,” sagot ni Abraham.


12 
Sinabi ng anghel, “Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang
saktan! Natitiyak ko ngayong handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi
mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa mong anak.”
13 
Paglingon niya'y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay
ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at
inihandog sa halip na ang kanyang anak. 14 Kaya't ang lugar na iyon ay
tinawag ni Abraham na, “Si Yahweh ang Nagkakaloob.” At magpahanggang
ngayon, sinasabi ng mga tao, “Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan.”
15 
Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ni
Yahweh, 16 “Ako'y nangangako sa pamamagitan ng aking pangalan—Yahweh. Sapagkat
hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, 17 pagpapalain kita. Ang lahi mo'y
magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Sasakupin nila ang mga
lunsod ng kanilang mga kaaway. 18 Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang
lahat ng bansa sa daigdig sapagkat sinunod mo ang aking utos.” 19 Binalikan ni
Abraham ang kanyang mga alipin, at sama-sama silang umuwi sa Beer-seba.

Explanation:
Nagustuhan niyo ba ang ating kwento sa umagang ito?
Napansin niyo ba ang ating mga karakter sa umagang ito?
Si Abraham kahit mahirap para sa kanya na gawin ang bagay na
ipinagutos sa kanya ng Panginoon ay patuloy siyang
nanampalataya at sumunod sa Diyos. Hindi madali na ibigay ang
iyong anak. Kayo ba gusto Ninyo na ibigay kayo sa iba? Syempre
hindi. Pero ipinakita ni Abraham ang kanyang malaking
pananampalataya at pag-ibig sa Diyos. Gayundin si Isaac hindi siya
nagreklamo, sumunod siya sa ipinaguutos ni Abraham na
nagpapakita ng pagtitiwala rin at pagmamahal sa kanyang ama.
kaya naman sila ay pinagpala ng Panginoon. Dahil naipakita nila
ang laki ng Kanilang pag-ibig sa DIyos.
Ganun din ang Diyos sa atin hindi ba ibinigay niya ang kanyang
kaisa-isang anak upang bayaran ang lahat ng ating kasalanan at
iligtas tayo sa tiyak na kapahamakan.

Memory verse :
Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo;
dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang
kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa
Diyos.

Explanation:
Ang Pagmamahal ng Diyos sa atin ang siyang kumilos
sa atin upang tayo rin ay magmahal sa iba. Natututo
tayong mag-laan ng panahon sa iba magbigay ng oras
upang maipakita natin ang ating pagibig sa mga taong
nangangailangan. Hindi natin kailangan magpapako sa
Krus dahil tapos na iyon at Ginawa n ani Hesus iyon
para sa atin. Kahit bata palang tayo nais ng Diyos na
ipakita natin ang ating pagmamahal sa ating pamilya
kaibigan, kapitbahay at iba sa pamamagitan ng
pagbibigay ng anumang bagay na kaya natin para sa
kanila.

Art Work:

Supplies Needed
 Ram Printable
 Cotton Balls
 Glue
 Scissors
 Crayons
 Construction Paper
Instruction
1. Gumuhit ng isang Tupa
2. Matapos gumuhit gupitin natin ito at idikit sa
isang colored paper
3. Kapag nadikit niyo na maari na Ninyo itong
balutan ng bulak. Maglagay ng tamang dami
ng glue sa larawan ikalat at ilagay ang mga
bulak
4. Patuyuin
5. Kapagnatapos niyo na ilagay ang titulo ng
ating kwento sa umagang ito
“Sinubok ng Diyos Si Abraham”
Genesis 22:1-19
Explanation:
Ang Artwork natin sa umagang ito ay magpapaalala
sa atin sa Pananampalatay at Pag-ibig ni Abraham
sa Diyos. Nagawa niyang iaalay ang kaniyang anak
dahil sa alam niya na ang Diyos ay kumikilos at
gumagawa sa lahat ng bagay. At Dahil dito Nakita ng
Diyos ang kanyang pagsunod at pagi-ibig. Naglaan
siya ng isang alay at pinagpala niya si Abraham ng
higit sa kanyang inaasahan.

You might also like