Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Alamat ng I-phone

Noong unang panahon, may isang bayan na biniyayaan ng masaganang lupain. Ang bayan
na ito ay sagana sa halamang mansanas. Ang pagbibinta ng mansanas sa ibang bayan ang
pangunahing hanap-buhay ng mga mamamayan ng bayang ipon-ipon. Tunay na mapupula,
malalaki at matatamis ang mga bunga nito. Bawat bahay ay may sariling taniman ng punong
mansanas. Ngunit may isang maliit na parte ng lupain ang naiiba ang mga bunga ng punong
mansanas na nakatanim doon. Hindi tulad ng pananim ng ibang mamamayan, ang punong
mansanas nina Pone ay hindi nahihinog kahit matagal na panahon ang hintayin nila, bagkus ay
nabubulok agad ang mga ito.

Minsan ay tinutukso ng mga bata si Pone dahil daw may sumpa ang kanilang lupain. Dahil
kahit anong pananim ang subukan nilang itanim dito ay hindi nabubuhay. Ang mga puno ng
mansanas lamang ang tumutubo doon ngunit hindi rin naman nahihinog at masyadong maasim
kaya hindi nakakain.

“Tay, bakit po hindi nahihinog ang mga bunga ng mansanas natin?” minsang naitanong ni
Pone sa kanyang tatay. “ Lahat po ng bahay sa ating bayan ay mapupula at matatamis ang
kanilang pananim na punong mansanas.” Dagdag nito.

Walang maisagot ang tatay ni Pone sa tanong niya, bagkus ay nagsabi na lamang siya ng,
“Anak, balang-araw ay magbubunga din ng mapupula at matatamis an gating punong
mansanas. Bawat pangyayari ay may kadahilanan at may kanya-kanyang oras din ang mga
bagay-bagay. Tiwala lamang sa panginoon at tiyaga ang kailangan. Hindi dapat tayo mawalan ng
pag-asa.”

Hindi nawalan ng pag-asa ang mag-anak. Tuloy pa rin ang pag-aalaga nina Pone sa
kanilang mga halamang mansanas. Ang mga bunga na kanilang napipitas ay ipinapakain na lang
nila sa kanilang mga alagang hayop. Ang iba naman ay itinatabi para gawing “jam” na nilalagyan
ng asukal, dinudurog at isinasantabi ng matagal na panahon. Nilalagay ito sa pandesal, ngunit
mas sasarap sana kung hinog ang mansanas na gagamitin para gumawa ng “jam”.

Si Pone ay matulungin, magalang at maunawain. Hindi tulad ng mga kapwa nya kabataan
na mapagmataas at mapang-api sa kapwa. Si Pone ay mahilig kumanta at magaling gumuhit.
Siya din ang pinaka matalino sa kanilang klase, kaya minsan naiinggit sa kanya ang kanyang mga
kaklase. Dahil dito, palagi siyang mag-isa kaya ang libangan niya ay gumuhit ng iba’t-ibang
larawan at mga tanawin.

Isang araw, habang papauwi si Pone galling sa paaralan, nakita niya ang kaniyang mga
kaklase na pinagtatabuyan ang isang estrangherong matanda.
“Huwag ka nang lumapit sa amin! Ang dumi-dumi mo, at ang baho pa!”, ani nang isa sa
kanila.

“Mga iha, hihingi lamang ako nang kahit isang perasong mansanas lamang. Gutom na
gutom na ako. Ilang araw na akong hindi nakakain.”,ang sabi ng matanda.

“Umalis ka nga! Ibinibinta namin ang mga mansanas na ito at hindi ipinamimigay! Kung
hindi ka bibili, umalis ka na dito at naiistorbo mo kami.” Sabi ng ang pinakamatanda sa
magkakaibigan sabay tulak sa matanda.

Nilapitan ni Pone ang matanda, “Lola, sa akin po kayo sumama sa bahay. Wala po kaming
matatamis na mansanas pero may maliit na perasong pandesal pa kaming natira sa agahan
namin kanina.” Aya ni Pone sa matanda

“ Maraming salamat, eneng.” Sagot ng matanda.

Dumating ang matanda at si Pone sa kanilang bahay at ibinigay ang isang kaperasong
pandesal na may palaman na “jam” at tubig.

“Eneng, maraming salamat. Ano pala ang palaman na nilagay mo sa pandesal?” tanong ng
matanda.

“Maasim po ba? Pasensaya na po. Isang “jam” na gawa sa bunga ng mansanas ang
palaman na iyon. Hindi po kasi nahihinog ang mansanas namin kaya po maasim.” Nahihiyang
sago ni Pone na nakayuko. Nagulat na lamang si Pone nang makitang wala na ang matanda sa
kanyang kinauupuan. Hinanap ni Pone ang matanda ngunit hindi niya nakita.

Kinaumagahan, nagising si Pone sa sigaw ng kaniyang nanay mula sa labas. Kumaripas si


Pone sa labas at tulad ng kaniyang mga magulang, nagulat din siya sa kanyang nakita. Ang mga
berdeng mansanas nila kahapon ay mapupula na ngayon. Pumitas ng isa ang tatay ni Pone at
tinikman ang mansanas. Hindi makapagsalita ang tatay ni Ponesa bigla. Pumitas din si Pone at
tinikman ang mansanas.

“Tay! Nay! Napakatamis at napakasarap ng mansanas na ito. Ito ang pinakamasarap na


natikman kong mansanas.”tuwang-tuwang sabi ni Pone.

Pinitas nang mag-anak ang mga bunga ng mansanas. Dinala ng tatay ni Pone ang mga ito
sa katabing bayan upang ibinta ang mga ito. Nagulat ang kanilang mga kapit-bahay nang makita
ang tatay ni Pone na may dalang mapupula at malalaking mansanas. Hindi nagtagal ay naubos
ang kanyang paninda. Tuwang-tuwang ang mag-anak habang galit ang kanilang mga kapit-
bahay dahil kakaunti amg kanilang naibenta dahil ayon sa mamamayan ng ibang bayan, mas
masarap daw ang mga mansanas nina Pone kesa sa iba.
Nagtataka din ang kanilang kapit-bahay dahil araw-araw ay may bunga ang kanilang puno
ng mansanas. Kahit maubos ngayong araw, bukas ay meron na namang panibagong bunga na
matatamis at mapupula.

“Malaking problema ang naidulot ng pamilyang iyan sa atin.” Ani ng isang lalake sa
pagpupulong ng mga mamamayan ng Ipon-Ipon. Hindi nila inimbetahan ang pamilya ni Pone.

“Siguro ay may engkanto silang alaga. Wala na tayong maibenta dahil sa kanila.” Sabi ng
isa pa. “Kailangan nating putulin o sunugin ang kanilang mga halamang mansanas.” ang plano
ng kanilang pinuno.

Kinagabihan, habang tulog ang pamilya ni Pone, pumunta ang mga kapit-bahay nila sa
lupain nina Pone at pinutol at sinunog ang mga puno ng mansanas. Nagising ang mag-anak at
nabigla sa kanilang nadatnan. Wala na silang nagawa kundi ang maghinayang. Umiyak nang
umiyak si Pone. Pinulot niya ang nag-iisang peraso ng mansanas na hindi nasunog.

Kinaumagahan, kahit walang ganang pumasok si Pone ay pinilit parin niyang pumasok.
Habang papunta sa paaralan, nakita niya ulit ang matanda. Nilapitan niya ito at tinanong,” Lola,
kumusta po kayo?”. “Eneng, ikaw pala yan. Gusto ko sanang kumain ng mansanas ngunit hindi
ako binigyan ng mga tao doon: gutom na gutom na ako.” ang sagot ng matanda.

Walang alinlangan ay binigyan ni Pone ang nag-iisang mansanas na kaniyang nasagip


kagabi. Iyon sana ang pang-agahan at pananghalian niya.

“ Maraming salamat, Eneng.” pasasalamat ng matanda. “Bilang pasasalamat ko, ibibigay


ko sa iyo ang kaisa-isa kong gamit. Magagamit mo ito balang-araw.”

Ibinigay nang matanda ang isang kahon kay Pone. Binuksan ito ni Pone ngunit walaitong
laman. Nakita niyang may nakasulat sa gilid nito “Ilibing at diligan“. Nagulat ulit si Pone nang
tingnan niysa ang matanda na nawala na parang bula.

Nagsiuwian sina Pone at nang dumating siya ay nilibing niya ang kahon sa lupain kung
saan nakatanim dati ang mga punong mansanas. Diniligan niya ito tulad ng sabi sa kahon.
Natatawa si Pone sa kanyang ginawa dahil isa lamang iyong kahon.

Kinaumagahan ay pinuntahan ni Pone ang nilibingan niya ng kahon at walang tumubo na


kahit ano. Hinukay niya ang kahon ngunit wala pa ring ipinagbago. Binuksan niya ito at nagulat
sa nakita. Ang walang lamang kahon kahapon ay may laman na. Isang manipis na parehabang
kahon na parang isang salamin ang unahan nito at may nakaguhit na isang mansanas sa likod
nito. May mga maliliit na bilog sa gilid a maliliit na butas. Hinawakan ito ni Pone at ang kinis-
kinis ng manipis na kahon na iyon. Saka nakita ni Pone ang isang mahaba na parang tali na may
buntotna “parisukat” at may malaking ulo at malaking dalawang ngipin. Pinindot ni Pone ang
isang bilog sa gilid ng manipis na kahon at nagulat siya ng may lumabas na ilaw mula dito. May
iba’t-ibang larawan ang lumabas. Aksidenteng nahawakan ni Pone ang isang larawan at muli ay
may lumabas na naman na ibang larawan. Namangha si Pone sa nagagawa ng kakaibang kahon
na ito. Pinag-aralan ni Pone ang kahon at napag-alaman niya na marami pala ang nagagawa
nito. Nakakapagsulat,nakakakanta,nakakaguhit ng iba’t-ibang larawan at naiguguhit din niya
ang mga bagay na gumagalaw, at marami pamg iba.

Inulit muli ni Pone ang ginawa niya, ibiraon at binuhusan ng tubig ang mahiwagang kahon
na ibinigay sa kanya ng matanda. Muli, may manipis na naman na kahon ang nakuha ni Pone sa
mahiwagang kahon.

Itinuro ni Pone sa kanyang mga magulang ang paggamit ng manipis na kahon na iyon.
Napag-isipan ng mag-anak na ibenta ang mga maninipis na kahon sa ibang bayan. Nagustuhan
ito ng mga mamamayan dahil sa kakaiba nitong nagagawa. Tuwing tinatanong ng mga tao kung
ano ang pangalan nito, ang sinasabi ng iba ay,”paninda yan ng isang lalake mula sa Ipon-Ipon.
“Yung tatay ni Pone”. Hanggang sa tinawag na lang ito ng mga tao na Ipone (iponi), mula sa
bayang Ipon-Ipon at sa pangalan ni Pone. Nagtagal ay ang Ipone (iponi) ay nagging I phone (I
foni) na ngayon ay binabasang I phone (ay fon).
Takdang-Aralin
Sa
Filipino 8
Ipinasa ni:
Hadji Malic, Sittie Raifah Macote
Pangcat, Faisah

Ipinasa kay:
Ma’am Hayanisah Cader Pandapatan

August 26, 2018

You might also like