Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

WEST BAY LEARNING CENTER, INC.

Sangi, Toledo City, Cebu


0966-520-4078
westbaylearningcenter@gmail.com

Learning Module in Filipino 9


First Quarter, Week 3
Module No.3
SA HELE MO , INAY

pamagat

LEARNING COMPETENCIES

Tula :
Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula F9PN -Ie -41
Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano F9PB -Ie -41
Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan F9PT -Ie -41
Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya
F9PU -Ie -43

PANIMULANG MENSAHE :
Para sa Mag-aaral
Sa modyul na ito ay inaasahan ang mag-aaral na malayang makapahayag ng kani-kanilang
pananaw sa nabasang tula .
Para sa magulang o Tagapagdaloy
Inaasahan na subaybayan niyo po ang mag-aaral sa mga hinihinging Gawain/pagsasanay kung
nasagot nga ba niya ang bawat bahagi ng Modyul . Tutungo lamang ang mag-aaral sa kasunod na modyul kung
nakakuha siya ng marking 90% sa pagtataya . Ito ang panukat g kanyang pagkatuto at kadandaan para sa
susunod na lebel .
PAGPAPAKILAAL SA ARALIN
“ Mga pangaral mo’y puno ng poag-ibig
Liwanag na tanglaw sa madilim na daan
Hindi magkamali’t maligaw ng landas
Magsisilbing gabay sa mabuting buhay .”

a.Sa araling ito ay mararaasan mong maging manunulat at mambibigkas ng tula


tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansang Asyano.

LAYUNIN
Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdamin ng napakinggan mula sa isang tula.
Nabibigkas ng maayos at may damdamin ang isinulat na sariling taludturan.
Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t-ibang paraan at pahayag.

PAGGANYAK NA GAWAIN
Pakinggan natin ang “ Sa ugoy ng Duyan “ https://www.youtube.com/watch?v=q_gOQVLVUJI .
Ano ang naramdaman mo habang pinapakinggan ang “ Sa Ugoy ng Duyan “

1
PAGTATALAKAY/PAGLALAHAD
Basahin at unawain ang mga tula.

“ Ang Bahay ng Aking Ina “


ni Huu Thinh (Vietnam)
Salin sa Filipino ni Mykel Andrada

Uuwi na ako sa iyo, ‘Nay


Tumitibok ang tiket ko sa tren tulad ng aking puso.
Muling nakasalo ang puwet ko sa kawayang upuan
Kung saan ka nananahi habang kinakalas ni Tatay ang kaniyang sandalyas
Sa isang iglap, nalalabusaw ang layo at distansiya
Nagkakapakpak ang saya at nagbibigay ng bagong buhay sa katre
Hayaan mong ako ang sumalok ng tubig
Magiging sisidlan mo ito ng panighaw sa uhaw
Hayaan mo akong magsaing — nang hindi ikinukubli ang usok*
Hayaan mo akong pasalamatan ang apoy sa sigaan
Na nagpakalma sa ‘yo nung ako’y malayo sa tahanan
Narito, tulad ng dati, ang sampayang nakatali sa poste
Araw-araw, tumataas ito para sa iyo
Isinampay ko ang aking damit, ipinaalala nito ang nagdaang mga araw
Tumatangis ang sampayan noong wala ang anak ng Ina
Malalim ang ukit ng gera sa buhay namin
Puno ng tubig ang isang butas sa aming delantera
Humapon na akong muli sa aming tahanan
Fraternal na pagbati ang isinalubong sa akin ng sapot sa dingding
Upang malabusaw ang distansiya, ang isang payak na manlalakbay
Ay kailangan lamang magbalik sa kaniyang pinagbuhatan
At yumungyong muli sa mga bisig ng Ina
Ngunit para sa aktibong kawal tulad ko,
Ang muling-paghahanap ng sarili ay nangangahulugan ng pagsulong
Pagpunyagi sa mga balakid at panganib
Upang makita ka roon sa daang pataas
Tulad ng pagkamasid ko sa ‘yo, ‘Nay.
Di pa man ako nakatutungtong sa delantera ng ating bahay
Nang sunud-sunod na agad ang putukan sa may harapan
‘Nay, maliit na istasyon ng tren ang ating bahay, ang ating mga buhay
Kami, na iyong mga anak, ay lumalagos roon, paulit-ulit, paulit-ulit.

Gabay na tanong :

 Ano-anong mga larawang-diwa ang nabuo sa iyong isipan matapos mabasa ang tula ?

KISLAP-KAALAMAN
Ngayon ituon ang pansin sa “ Linangin Mo Na ang Kasanayan sa Filipino “ na makikita sa pahina 50
hanggang 51 .
Ang tulang “ Ang tahanan ng Aking Inay at Ang Bahay ng Aking Inay “ ay mula sa bansang Vietnam mula sa
Orihinal na akda ni Huu Thinh. Sa katunayan ang bansang Vietnam ay hindi lugar ng digmaan. Matapos ang
liberasyon at sa muling pagkakaisa o “ Doi Moi “ noong 1986 ay naging kaaya-aya ito sa lahat ng mga turista at
kalakalan.

PAGSASANAY

GAWAIN I.Magtala ng iyong sariling damdamin sa napakinggan sa tula ang tulang “ Ang Bahay ng Aking Ina “

2
GAWAIN II.

Panuto: Lagyan ng ( √ ) ang kahon kung ang pahayag ay tumutukoy sa pinakamalapit na pagpapakahulugan g
mga salita o pahayag sa taludturan.

1. Tumitibok ang tiket ko sa tren tulad ng aking puso.


Nagmamadaling makauwi sa kanyang paroroonan.
Nasasabik na makauwi sa lugar na kinamulatan.
2. Sa isang iglap, nalalabusaw ang layo at distansiya
Nakasisilaw ang mga bagay na nakikita sa malayong lugar.
Lumalabo ang paningin sa mga bagay na nakikita sa malayong lugar.
3. Hayaan mo akong magsaing — nang hindi ikinukubli ang usok*
Ipaubaya ang pag-igib ng tubig.
Tulungan sa pagkuha ng tuig.
4. Tumatangis ang sampayan noong wala ang anak ng Ina.
Naninubugho sa sama ng loob ang ina dahil sa anak.
Nangungulila ang ina dahil sa pananabik sa anak.
5. Malalim ang ukit g giyera sa buhay namin.
Nagdulot ng labis na kapighatia sa buhay ng mag-anak ang giyera.
Nakabuti sa buhay ng mag-anak ang giyera.
GAWAIN III.

I.Isulat sa linya ang ipinahahayag na damdamin ng sumusunod na mga pahayag.

1. Hmp! Ayoko nang kausapin ang taong iyan.

2. Ayokong-ayoko Makita ang kanyang pagmumukha simula sa araw na ito.

3. Yehey! Makapupunta na ako sa Singapore.

4. Inay! Salamat po sa inyong pagaaruga sa akin.

5. Aruy! Ang sakit ng tiyan ko.

II.Punan ang wastong salita upang mabuo ang ipinahahayag na damdamin.

1. Ha ! ba talaga ang tinutukoy mo ?


2. Maligayang sa iyo .
3. Ha ! ba talaga ang tinutukoy mo ?
4. Maligayang sa iyo .
5. Yipee! Ako ang sa paligsahan.

3
III. Sumulat ng limang pangungusap na nagpapahayag ng iba’t-ibang damdaming kaugnay sa tulang binasa .

1.

2.

3.

4.

5.

PAGTATAYA

Panuto: Gumawa ng sariling tula na may tatlong sakong patungkol sa pagmamahal ng iyong ina . Gawin ito sa
malikhaing pagbibidyo

PAMANTAYAN
Nilalaman sa pagmamahal ng ina 10
Paggamt ng sukat at tugma 5
Pagkamalikhain 5
KABUUAN 20

REPLEKSYON

Gaano kahalaga at kaepektibo ang tula bilang panitikan lalo sa pagpapahayag ng damdamin ?

SANGGUNIAN
Pintig ng lahing Pilipino 9
Florante C. Garcia , PhD
Evelyn P. Naval
Mga Awtor
Servillano T. Marquez Jr.,PhD

You might also like