Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

MTB 2-Q2-W7
Aralin 7: Pangangalaga sa Kapaligiran

Mga Inaasahan

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:

Nakakasulat o nakakakopya ng salita, parirala at pangungusap na may


tamang istrok sa pagsulat, espasyo o layo ng mga salita, gamit nang malaki at
maliit na letra at bantas sa paraang kabit-kabit. (MT2PWR-IIe-i-3.4)

Ang mga pagsasanay at gawain ay sasagutan mo sa nakalaang sagutang


papel.

Paunang Pagsubok

Basahin at isulat muli ang pangungusap sa paraang kabit- kabit na may


tamang laki at layo sa isa’t isa.

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
2

Balik-tanaw

Basahin ang maikling kuwento. Ibuod ito sa tulong ng


talahanayan sa kasunod na bahagi.

Araw ng Pamilya
Pagbasa at Pagsulat
Akda ni Virginia C. Lizano

Tuwang –tuwang pinanonood nina Tatay Julios at Nanay Malyn


sina Luisa at Jeus na naglalaro sa parke. Naghabulan ang
magkapatid. Nagpadausdos sila sa slide. Sumakay din sila sa duyan
at seesaw. Walang pasok kaya nagkaroon sila ng mahabang oras
para ipasyal ang mga bata. Nang mapagod ay masayang nagsalo
salo ang pamilya Villenes sa pagkaing inihanda ni Nanay Malyn.
- Araw ng Pamilya, Pagbasa at Pagsulat Akda ni Virginia C. Lizano
Kagamitan ng Mag-aaral: Ikalawang Bahagi Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9601-
31-9

Pamagat:

Tauhan: 1._____________________________ 3.______________at_______________

2. ____________________________

Tagpuan: 4._____________________________

Mga 5._____________________________________________________________
Pangyayari: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pagpapakilala ng Aralin

Pangangalaga sa Kapaligiran

Maligayang araw! Ikaw ba ay may pagpapahalaga sa

ating kapaligiran? Sa aralin natin ngayon iyong makikilala si Aling

Rosalie na may pagmamahal at pagpapahalga sa kapaligiran.

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
3

Basahin nang tahimik ang kwento:

Ating Kapaligiran, Mahalin at Pagyamanin!


Akda ni Rianne Pesigan-Tiñana

Pinakamarami ang
tanim sa bakuran ni
Aling Rosalie sa kanilang
baryo sapagkat
masipag siyang
magtanim.
Pinakamarami ang mga
halamang
namumulaklak.
Madaming prutas at
gulay ngunit mas
marami ang malalaking
halamang hindi
namumulaklak. May
mga puno ng abokado, santol, mahogany at pinakakaunti ang punong
mangga. Ang kaniyang maghapon ay inilalaan niya sa pag-aalaga sa mga
tanim sapagkat alam niyang nakabubuti ito sa kapaligiran.
Nagdudulot ng mas sariwang hangin ang maraming puno kaysa sa iyong
kakaunti lamang. Isa pang magandang dulot ng kaniyang mga tanim ay ang
dagdag na kita kapag naipagbibili niya ang mga halamang namumulaklak.
Maging ang alaga niyang aso ay kasama niya sa pag-alaaga ng kaniyang mga
tanim.

-Akda ni Rianne Pesigan-Tiñana, mula sa Mother Tongue- Based Multi-lingual


Education Ikalawang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral: Ikalawang Bahagi, Unang
Edisyon, 2013 pahina 54.

Pagsulat ng salita sa paraang kabit-kabit.


Sulatin natin: Subukang gayahin ang pangungusap sa papel.

Tignan ang mga malaking letra na may pailalim na kurba.


Sundan ang modelo sa ibaba

Isulat muli.

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
4

Ang pagsulat ng mga malalaking letra ng alpabeto ay naaayon sa iba’t


ibang guhit tulad ng mga letrang may dalawang kurba .

Isulat muli.

May iba’t-ibang istrok ng pagsulat ng malalaking letra ng alpabeto. Ilan sa


mga letrang ito ay cane letters gaya ng N, Ñ, NG, M, H, K.

Isulat muli.

Ang pagsulat ng mga malalaking letrang alpabeto ay naaayon sa iba’t


ibang guhit tulad ng pahilig na letra. Ilan sa mga ito ay P, B at R. Sulatin ang mga
ito gamit ang modelo.

Isulat muli.

May iba’t ibang istrok ng pagsulat ng malalaking letra ng alpabeto. Ilan sa


mga ito ay may buntot kagaya ng J, Y at Z.

Isulat muli.

May iba’t ibang istrok ng pagsulat ng maliliit na letra ng alpabeto. Ilan sa


mga letrang ito ay pailalim na kurba gaya ng e, v, x, c, a, o, n, m, ñ at ng.

Isulat muli.

Tignan ang maliliit na letra na i, u, w, s, at r. Sundan ang mga bilang kung


paano isinusulat ang bawat letra.

Isulat muli.

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
5

Pag-aralang sulatin ang mga letra na l, t, h, k, b, at d sa pamamagitan ng


pagsunod sa ibinigay na modelo.

Isulat muli.

Pag-aralang sulatin ang mga letra sa pamamagitan ng pagsunod sa


ibinigay na modelo.

Isulat muli.

Ngayon subukang isulat ang salita.

Kung ang pangngalan ay pantangi, lagi ito nagsisimula sa malaking titik.

Isulat muli.

Tandaan:

Sa pagsulat sa paraang kabit-kabit. Isulat ang


mga salita nang may tamang espasyo at
pare-parehong laki.
Pagsulat ng parirala at pangungusap sa paraang kabit-kabit.

Sa araling ito, ating pag-aaralan ang tamang pagsulat ng parirala at


pangungusap sa paraang kabit-kabit. Ang Parirala ay grupo ng mga salita na
hindi nagpapahayag ng isang buong diwa. Tignan ang halimbawa sa ibaba.

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
6
Ang Pangungusap naman ay lipon ng mga salita na may kumpletong
diwa. Binubuo ito ng simuno at panaguri. Tignan ang halimbawa sa ibaba kung
paano sumulat ng pangungusap sa paraang kabit-kabit.

Tandaan:
Sa pagsulat sa paraang kabit-kabit. Isulat ang mga
salita nang may tamang espasyo, tamang gamit ng maliit
at malaking letra at gamit ng mga bantas.

Mga Gawain

Gawain 1 Pangangalaga sa Kapaligiran


Ngayon nabasa mo na ang kwento mayroon akong pagsasanay! Sa
pagsasanay na ito mahuhubog kung paano ilarawan ang isang
pangngalan.

Sagutin ang tanong base sa kwentong ating binasa.

1. Anong paglalarawan ang ginamit sa bakuran ni Aling Rosalie?


2. Paano mo ilalarawan si Aling Rosalie?
3. Ano ang dulot ng maraming puno na nakatanim?
4. May kasama ba sa pagtatanim si Aling Rosalie? Ano ito?
5. Bakit mahalaga ang pagtatanim?

Gawain 2 Pagsulat ng salita sa paraang kabit-kabit.


Isulat muli ang salita sa paraang kabit-kabit.

1. 2.

3. 4.

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
7

5.

Gawain 3 Pagsulat ng parirala sa paraang kabit-kabit.


Isulat ng wasto ang mga sumusunod na parirala sa paraang kabit-
kabit.

1. tanim sa bakuran

2. may mga puno

3. halamang namumulaklak

4. maraming prutas at gulay

5. pag-aalaga sa mga tanim

Gawain 4 Pagsulat ng pangungusap sa paraang kabit-kabit.


Isulat ng wasto ang mga sumusunod na pangungusap sa paraang kabit-
kabit.

1. Nagdudulot ng sariwang hangin ang maraming puno.

2. Ang pagtatanim ay nakabubuti sa kapaligiran.

3. Magandang dulot din ng pagtatanim ang dagdag na kita.

4. Mahalin at pagyamanin ang ating kapaligiran.

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
8

6. Ang pag-aalaga ng mga halaman at puno ay pag-aalaga din ng


kapaligiran.

Tandaan

Matapos mong matutuhan ang aralin, dapat mong tandan na:

➢ May ibat-ibang istrok ang pagsulat ng kabit-kabit. Sa paraang kabit-


kabit kailangan na wasto ang istrok ng bawat letra o salita, may
tamang gamit ng malaki at maliit na letra, tamang espasyo o layo ng
mga salita, at bantas.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Bilang isang bata paano mo mapapangalagaan ang ating


kapaligiran? Magbigay ng limang paraan upang mapangalagaan ang
ating kapaligiran. Isulat ito sa pangungusap sa paraang kabit-kabit.

1.____________________________________________________________

2.____________________________________________________________

3.____________________________________________________________

4.____________________________________________________________

5.____________________________________________________________

5 puntos 4 puntos 3 puntos


Nakasagot ng 5 at Nakasagot ng 4 at malinaw Nakasagot ng 1-3 paraan
malinaw na paraan na paraan na hindi inuulit. na hindi inuulit.
na hindi inuulit.

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
9

Pangwakas na Pagsusulit

Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang dulot ng pagtatapon ng basura sa kalye o daanan?


A. Nakakabawas ito ng dami sa lagayan ng basura.
B. Nagbabara ang mga kanal at nagdudulot ng baha.
C. Nakakadagdag ito ng disenyo sa kalye o daanan.
2. Si Ana ay tumutulong sa pagtatanim ng puno. Anong paglalarawan ang
maaring ituring kay Ana?
A. Si Ana ay mahusay sumayaw.
B. Si Ana ay masipag mag-aral.
C. Si Ana ay may pagmamahal sa kapaligiran.
3. Ang pagsulat ng paraang kabit-kabit ay may ibat-ibang ______ng letra.
A. hugis B. istrok C. tuldok
4. May iba’t-ibang istrok ng pagsulat ng malalaking letra ng alpabeto. Ano ang
tawag sa mga letrang gaya ng N, Ñ, NG, M, H, K?
A. canned letters
B. cane letters
C. letrang pailalim ang kurba
5. Naku! Napakaganda ng mga bulaklak ni Aling Rosalie. Sa pangungusap, bakit
mahalaga ang paglalagay ng bantas?
A. Upang maging maganda sa mata ng nagbabasa.
B. Dahil ito ay nagpapahayag ng damdamin.
C. Mas humuhusay sa pagsusulat.

Pagninilay
Sa tulong ng gabay ng magulang. Gumawa ng slogan tungkol sa
pangangalaga ng kalikasan. Isulat ito sa paraang kabit-kabit. Isulat ito nang
wasto gamit ang malaki at maliit na letra, tamang espasyo ng mga salita, at
tamang gamit ng bantas. Maging malikhain sa pagdagdag ng disenyo at kulay.

Rubrik sa Pagwawasto 3 2 1 0
Nakasulat ng slogan na naayon sa paksa sa
paraang kabit-kabit.
Naisulat ito nang wasto gamit ang malaki at
maliit na letra, tamang espasyo ng mga salita,
at bantas.
Naging malikhain
Iskor

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
10

MOTHER TONGUE 2
SAGUTANG PAPEL
QUARTER 2- WEEK 7

Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________

Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: _____________


Paunang Pagsubok 3.

( Gumamit ng hiwalay na papel sa 4.


pagsagot.)
5.
Balik-Tanaw
Gawain 4: (Gumamit ng hiwalay na
1. papel sa pagsagot.)
2. Pag-alam sa mga Natutuhan
3.
1._____________________________________
4. ______________________________________.
5.
2._____________________________________
Gawain 1
______________________________________.
1.
3._____________________________________
2.
______________________________________.
3.
4._____________________________________
4.
______________________________________.
5.

Gawain 2: 5._____________________________________
______________________________________.
1.
Pangwakas na Pagsusulit
2.

3. 1.

4. 2.

5. 3.

Gawain 3: 4.

1. 5.

2. Pagninilay (Gumamit ng hiwalay na


pape)

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo
1

Modyul sa Mother Tongue 2


Ikalawang Markahan: Ikapitong Linggo

You might also like