Module 8 Grade 8 Printing

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Filipino

Ikalawang Markahan Modyul 8


Ikawalong Linggo

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.   
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. 
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan. 
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa. 
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Alamin Natin

Makikita sa kasaysayan ng ating panitikan na ang mga Pilipino ay


likas na mayaman sa imahinasyon, matayog ang kaisipan - makata. Isa na
dito ay ang pinakamakulay na paraan ng pagpapahayag: ang pagbuo ng
isang tula. Nalaman nating maraming sangkap ang panitikang ito, isa sa mga
paraan upang maging masining ang pagbalangkas ng isang tula,
kinakailangan nitong laruin ang mga salita. Sa pagsagawa nito, mahalagang
maunawaan ang lahat ng antas ng wika upang maibagay ang mga salita sa
iyong inaalayan ng tula at mapukaw ang atensyon ng mga mambabasa. Ang
Pilipinas ay isang bansang mayaman sa pagkakaroon ng barayti ng wika at
sa mga Pilipinong may matalas at malawak ang pag-iisip na
nakakapagbahagi ng mga pagbabago sa mga ito sa paglipas ng panahon.
Sa Modyul 8 ay malalaman ang mga antas ng wika at paggamit nito
sa pagbuo ng isang tula. Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-
aaral tulad ng pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga
gawain sa gramatika at retorika upang maging interaktibo ang pagtalakay sa
mga aralin.
Ang Modyul na ito ay hinati sa dalawang aralin. Ito ay ang mga sumsunod:
● Wika – Antas ng Wika
● Panitikan – Pagsulat ng Tula

Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


● Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng
wika at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay,
gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Subukin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang lebel


ng iyong kaalaman sa ating tatalakayin na aralin. Bilugan ang titik ng tamang
sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay antas ng wika na tinatawag ding mga bokabularyong diyalektal na


gamitin sa isang pook o lalawigan lamang
A. Balbal C. Lalawiganin
B. Paghahalong-wika D. Kolokyal
2. Ano ang pinakamakulay na paraan ng pagpapahayag at pinakamarikit na
anyo ng panitikan?
A. Kuwento C. Kuwentong-bayan
B. Tula D. Alamat
3. Alin sa mga sa mga sumusunod ang pinakamababang antas ng wika na
tinatawag sa Ingles na slang?
A. Kolokyal C. Pampanitikan
B. Pambansa D. Pabalbal
4. Kahit merong pandemya, hindi mapipigilan ang pagkatuto ng kabataan.
Anong antas ng wika ang ginamit sa salitang may salungguhit?
A. Pampanitikan C. Pambansa
B. Kolokyal D. Paggamit ng akronim
5. Alin ang kaisipang hindi tumutukoy sa balbal na antas ng wika?
A. Ito ay mga “salitang kalye” kung tawagin.
B. Ang balbal ay karaniwang malalim, matayog, makulay at masining.
C. Ito ang pinakadinamiko o madalas na magbago.
D. Nagkaroon ito ng sariling koda (code).
6. Ito ang salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang akdang
pampanitikan. Ito ay karaniwang malalim, matayog, makulay at masining.
A. Pambansa C. Pampanitikan
B. Kolokyal D. Pabalbal
7. Si Maria ay pumunta ng Pampanga at sinabihan na “Magana ka.” Ano
ang katumbas ng salitang Kapampangan na ito sa Tagalog?
A. Maganda ka. C. Matangkad ka.
B. Mabait ka. D. Maputi ka.
8. Ang mga sumusunod ay kabilang sa di-pormal na antas ng wika maliban
sa isa, ano ito?
A. Pabalbal C. Kolokyal
B. Lalawiganin D. Pambansa
9. Ito’y mga pang- araw araw na salitang ginagamit sa mga pagkakataong
impormal. Maaaring may kagaspangan ngunit maaari ring repinado ang
nagsasalita nito.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
A. Di-pormal C. Pambansa
B. Pormal D. Pampanitikan
10. Pagkatapos nyong manalo ng iyong mga kaibigan sa isang larong rank
sa mobile legends kaya nasabi ninyo sa isa’t isa “GG!” “GG!”. Ang paraan
ng pagbuo ng akronim ay nabibilang sa anong antas ng wika?
A. Pambansa C. Pampanitikan
B.Kolokyal D. Pabalbal
11. Sa pagbabago ng ibang salita ng ating wika, isa sa mga proseso nito ay
panghihiram sa ibang wika. Ano ang tawag sa prosesong balbal na ito?
A. Kolonyal C. Pagbabaligtad
B.Kolokyal D. Pagpapaikli
12. Ang pagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang tagalog ay saang antas
ng wika nabibilang?
A. Di-pormal C. Pambansa
B. Pormal D. Pampanitikan
13. Ang sikyu sa aming paaralan ay strikto sa pagsunod sa mga alituntunin.
Ang salitang ginamit sa pahayag ay nauuri sa balbal na wika, anong proseso
ang ginamit dito?
A. Pagpapaiklil C. Pagbabaligtad
B. Paghalo-wika D. Pagpapalit-pantig
14. Nang manalo ang pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach bilang Miss
Universe 2015, nauso ang pahayag na “Nakulumbia ka rin ba?” Kung
ating susuriin, sa anong proseso ng wikang balbal ito nauuri?
A. Pagpapalit-pantig C. Pagbabaligtad
B. Paghahalo-wika D. Paggamit ng Akronim
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa proseso ng pagbuo ng
salitang balbal.
A. Pambansa C. Pagpapalit ng pantig
B. Paghalo wika D. Paggamit ng Akronim

Karagdagang Gawain ( Online Class )

Maaring lumikha ang guro ng kasanayan gamit ang google


classroom/google meet. Ibibigay ng guro ang link na gagamitin.

Aralin Tula
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
6 (Pangwakas na Gawain)

Balikan Natin

Gawain 1
Bago ka tumungo sa panibagong talakayan, alalahanin ang nakaraang
aralin. Basahing muli ang isa sa mga saknong ng tula ni Andres Bonifacio na
kakikitaan natin ng marubdob na pagmamahal sa bayan. Magbigay ng
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
limang elemento ng tulang makikita sa saknong at anong mga hudyat sa
pagtukoy mo sa mga ito? Isulat ang kasagutan sa loob ng kahon.
ELEMENTO HUDYAT
1.

2.

3.

4.

5.

Tuklasin Natin

Gawain 2
Bilang isang kabataan sa henerasyong ito, nakikita mo ang mga
pagbabago sa ating kapaligiran at ganun din sa ating wikang ginagamit.
Magtala ng ilan sa mga nauusong mga pahayag o salita na kadalasang
naririnig o ginagamit sa kasalukuyan at ibigay ang kahulugan nito sa inyong
kwaderno. Iwasan ang negatibong kasagutan.
Halimbawa: bongga – kakaiba o maganda

Talakayin Natin

Gawain 3

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Natatandaan mo ba ang memes na ito? Basahing mabuti ang
usapan ng mag-ina. Suriing mabuti ang mga salitang ginamit dito at
alamin ang mga salitang may kakaibang anyo o bago sa iyong talasalitaan
na ginamit sa dayalogo. Isulat ang sagot sa patlang.

Marahil sa ngayon, ikaw ay nagtataka kung bakit maraming kaantasan


o barayti ang ating wika. Gaya ng ating pananamit, nararapat na nababagay
natin ang ating pananalita ayon sa panahon, pook at maging okasyon.
Nahahati ang ating wika sa iba’t ibang antas na nakabatay sa katangian ng
tao at ng kanyang ginagalawang paligid. Nahahati ito sa dalawang kategorya:
ang pormal at di-pormal. Halina’t alamin natin!Maaring buksan ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?
v=oCSnshs0dwM&ab_channel=SirJuanMalaya para sa karagdagang
impormasyon kaugnay ng aralin.

Antas ng Wika

1. Pormal- mga salitang standard, kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng


mga nakararami lalo na ang mga nakapag-aral ng wika.
a) Pambansa- ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/gramatika sa lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit sa pamahalaan at itinuturo sa paaralan.
Halimbawa:

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
b) Pampanitikan- ito ang salitang gamitin ng mga manunulat sa
kanilang akdang pampanitikan. Ito ay karaniwang malalim, matayog,
makulay at masining.

2. Di-Pormal – ito’y mga pang- araw araw na salitang ginagamit sa mga


pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan ngunit maaari ring
repinado ang nagsasalita nito.
a) Lalawiganin – mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito
sa partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga
tao na gumagamit nito ay makikita kita sa ibang lugar dahil natural
nila itong naibubulalas. Makikilala ito sa tono. Tinatawag ng marami
na punto.
Halimbawa: Yayao ka na ba? (Aalis ka na ba?)
Nariyan sa ringring (Nandiyan sa dingding)

b) Kolokyal – mga pang araw-araw na salita na ginagamit sa mga


pagkakataong impormal. May kagaspangan ng kaunti. Ito ay
pagpapaikli ng isa o dalawa o higit pang salita.
Halimbawa: Na’san (nasaan), pa’no (paano), sa’kin(sa akin), sa’yo(sa iyo),
kelan(kailan), meron(mayroon) atbp.

c) Balbal – ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Pinakamababang


antas ng wika at kung minsan ay tinatawag din itong “salitang
kalye”. Nagkaroon ito ng sariling koda (code). Ito rin ang
pinakadinamiko o madalas na magbago. May mga salitang balbal
na nauuso lamang at napapalitan pagsapit ng ilang taon o
henerasyon.

Mga Prosesong sa Pagbuo ng Salitang Balbal


1. Paghango sa salitang katutubo/lalawigan.
Halimbawa: gurang,bayot,buang,dako atbp.
2. Kolonyal o panghihiram sa mga Wikang Banyaga
Halimbawa:
chicks, pikon(pick on), basted(busted), salvage atbp.
3. Pagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang tagalog.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Halimbawa: ube, bola, bato atbp.
4. Pagpapaikli
Halimbawa: munti, kano, sikyo (guwardiya) atbp.
5. Pagbabaligtad
Halimbawa:
lespu (pulis), nosi balasi (sino ba sila), noypi(pinoy), lodi(idol)
atbp.
6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa: KSP (kulang sa pansin), GG (gigil na gigil) atbp.
7. Pagpapalit ng pantig
Halimbawa: palpak(lagpak), tyope (torpe),
walanjo(walanghiya) atbp.
8. Pagdaragdag
Halimbawa: isputing, dalaginding atbp.
9. Paggamit ng bilang
Halimbawa: 50 50(agaw buhay), 143(I love you) atbp.
10. Paghalo-wika
Halimbawa: anong say mo, pa-effect atpb.

TULA
Ang pinakamakulay na uri ng pagpapahayag ay ang tula. Ito ang
pinakamarikit na anyo ng panitikan. Ang tula ay karaniwang
nagmumungkahi lamang at hindi tuwirang nagpapahayag ng mga
damdaming namamayani sa isang tao. Kalimitang naisusulat ito sa tuwing
darating ang isang tao ang pinakamasaya o pinakamalungkot na sandali
sa kaniyang buhay.
Para sa isang masining na pagbuo ng isang tula,
a. Palawakin ang kaisipan sa mga bagay bagay na dapat maging daan
sa pagsulat sa tula at isaalang alang ang mga salita. Sa ganitong
paraan, detalyado at malinaw na mailarawan ng makata ang
kaisipang nais niyang palitawin sa tula.
b. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa
rin sa makata sumulat ng tula ang pagiging orihinal na ng akdang

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
kaniyang sinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng bagong pananaw tungkol dito. Ang
pananaw na ito ay maaaring batay sa kanyang sariling karanasan,
mga namasid o bunga lamang ng kaniyang makulay na
imahinasyon.
c. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinapahayag sa
kaunting salita lamang. Magiging busog sa kahulugan at malikhain
at pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ito ng tayutay at
matatalinghagang pananalita.
d. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan
ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang tula at
ipinadarama ng makata ang mensahe ng kanyang akda.
Mula sa Sulyap sa Panulaang Filipino (Macaraig,

2004) at Panitikan sa Pilipino 2(Pandalubhasaan) Gonzales, 1982)

Maaring buksan ang link na ito https://www.youtube.com/watch?


v=0y9qIDbqX1M&ab_channel=CharlesDavid para sa karagdagang
kaalaman.

Pagyamanin Natin

Matapos mong malaman ang iba’t ibang antas ng wika alamin mo


kung kaya mo nang tukuyin ang mga salita ayon sa kaantasan nito sa
pamamagitan ng pagsagot ng mga sumusunod na pagsasanay. Handa ka na
ba? Arat na!
Gawain 4
Sa pagsasanay na ito alamin natin kung nasusundan mo ang
pagbabago sa ating wika, hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga
sumusunod na balbal na salita sa hanay A. Lagyan ng panandang (🗹) sa loob
ng kahon ang mga salitang magkasingkahulugan at (🗷) kung hindi ito
magkatugma.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 5
Sa bahaging ito naman ay basahin ang mga sumusunod na
pangungusap. Upang mabuo ang mga ito, hanapin sa loob ng kahon ang
mga pahayag na pampanitikan na angkop dito at isulat sa patlang ang iyong
kasagutan.

1. Sa panahon ng
sakuna, ang mga

_________________ ay nakahanda na upang rumesponde at tumulong sa


mga nasalanta.
2. Ang ating panibagong Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo ay
hindi ___________________lamang kundi matalino rin.
3. Nang ako’y bumisita sa asyenda ng aking kaibigan, __________________
ang lugar na bumungad sa akin.
4. Sa panahon ng pandemya hindi natin maiiwasang makasalamuha ng mga
taong sumusuway sa patakaran at may_____________________.
5. Sa buhay natin, may isang taong nakalaan upang maging
______________ at karamay sa lahat ng bagay.
Gawain 6
Sa gawaing ito, tulungan mo ang dalawang bata sa pagkolekta ng
mga halimbawang salita sa bawat antas na wika. Si Amy sa mga salitang
Pormal at si Zayn naman sa mga Di-pormal Isulat ang mga ito sa mga
kahong inilaan. pagkatapos ay gamitin ang mga ito sa pangungusap na
isusulat sa ibabang bahagi.
Pormal Di-Pormal

Pormal

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

Di-Pormal
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

Tandaan natin

Gawain 7
Napakahusay! Binabati kita dahil naipakita mo ang iyong galing at
kaalaman sa pagsagot ng mga gawain.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 8
Ano ang iyong mga natutunan o nadarama sa ating aralin?

Nalaman ko na… 

______________________________________________________________

Nakadama ako ng…

_____________________________________________________________

Napatunayan ko na

Isabuhay natin

Gawain 9
Bilang isa sa kabataang Pilipino na kilala bilang mahusay sa sining
ng pagpapahayag, gamitin ang kasanayan na ito at ipagpatuloy ang
nasimulan ng mga bayani ng bayan.
Sa kasalukuyang panahon, alam mo na marami ang nangyayari sa
bayan, ipahayag mo ang iyong pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang maikling tula. Bumuo ng mahigit sa apat na saknong ayon
sa iyong gustong anyo ( malayang taludturan o may sukat at tugma) na
kakikitaan ng mga salita sa iba’t ibang antas ng wika. Isulat ito sa isang
malinis na papel.Gamiting gabay sa pagbuo ang pamantayan sa ibaba.
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Rubrics o Pamantayan sa Pagbuo ng Awtput
5- Napakahusay 2-Medyo nangangailangan ng pagsasanay
4-Mahusay 1-Nangangailangan ng pagsasanay
3-Katamtaman

Pamantayan 5 4 3 2 1
Kaangkupan ng nilalaman, mensahe o paksa
Kahusayan sa paggamit ng antas ng wika

Kawastuhan ng mga elemento at detalye

Orihinalidad at kaayusan

KABUUAN

Tayahin Natin

Gawain 10
Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano ang iyong mga natutunan
sa mga paksang iyong pinag-aralan.

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nakikitaan ng antas na


wika na kolokyal?
A. Nasa’n ka nong panahon na nagsimula ang lockdown?
B. Maraming syudad sa Pilipinas ang nasalanta ng bagyong Ulysses.
C. Sa ganitong panahon, kailangan na tayo ay may bukas na isipan.
D. Mabulaklak ang dila ng aking kaibigan.
2. Tuwing ako ay papasok sa paaralan, binibigyan ako ng aking ina ng
ube upang panggastos at baon ko sa pag-aaral. Ano ang salitang
balbal na ginamit sa pahayag?
A. Tuwing B. ube
C. panggastos D.papasok
3. Sa mga sumusunod na kaisipan, alin ang hindi nabibilang sa pagtukoy
ng isang tula?
A. Ito ay karaniwang nagmumungkahi lamang at hindi tuwirang
nagpapahayag ng mga damdaming namamayani sa isang tao.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
B. Kalimitang naisusulat ito sa tuwing darating ang isang tao ang
pinakamasaya o pinakamalungkot na sandali sa kaniyang buhay.
C. Tumatalakay ito at nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay
bagay sa mundo.
D. Ito ang pinakamarikit na anyo ng panitikan.
4. Matapos ang klase, si Adrian ay naglaro muna ng online games,
ngunit napasigaw siya ng “Olats na naman!” Ano ang nais niyang
ipabatid?
A. Nasisiyahan siya C. Inaantok siya.
B. Siya ay nabigong muli D. Excited na naman ito.
5. Bakit kailangang palawakin ang kaisipan sa mga bagay bagay na
dapat maging daan sa pagsulat sa tula at isaalang alang ang mga
salita.
A. Upang maging detalyado at malinaw na mailarawan ng makata ang
kaisipang nais niyang palitawin sa tula.
B. Para maayos ang paggamit ng mga salita.
B. Sa gayon ay mapalitaw ang nais sabihin sa mambabasa.
D. Para magkaroon lamang ng kaalaman.
6. Si Maureen ay nabisto ng kanyang ina na hindi ginagamit ang gadget
sa pag-aaral kaya nagpaawa-effect na lamang ito. Ang salitang may
salungguhit ay nabibilang sa anong proseso ng balbal na antas ng
wika?
A.Kolokyal C. Pagpapalit-pantig
B.Paghalo-wika D.Paggamit ng akronim
7. Bakit kailangang mapagparanas ang isang tula?
A. Para magandang basahin.
B. Para hindi masaktan ang mambabasa.
C. Para masiyahan ang taong bibigyan ng tula.
D. Upang mag-iwan ng kakintalan sa isipan ng mambabasa.
8. Gamitin ang mga ito sa partikular na pook o lalawigan lamang,
maliban kung ang mga tao na gumagamit nito ay makikita kita sa
ibang lugar dahil natural nila itong naibulalas. Ano ito?
A. Kolokyal C. Lalawiganin
B. Pambansa D. Pabalbal
9. Piliin sa mga sumusunod ang mga proseso ng Balbal na antas ng
wika.
I. Pagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang tagalog.
II. Pambansa at panretorika
III. Pagkakaltas at pagdaragdag
IV.Paghango sa salitang katutubo/lalawigan.
A. I, II at III C. I, III at IV
B. I at IV D. II at III
10. Ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/gramatika sa lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit sa pamahalaan at itinuturo sa paaralan.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
A. Di-Pormal C. Pambansa
B. Kolokyal D. Panretorika
11. Pagkatapos ng bagyong Ulysses, maraming mga noypi ang nag-abot
ng kanilang tulong sa iba’t ibang paraan. Ano ang ginamit na
pagbabaligtad sa pangungusap?
A. nag-abot B. noypi
C. bagyo D. paraan
12. Ito ay antas ng wika na may mga salitang nauuso lamang at
napapalitan pagsapit ng ilang taon o henerasyon.
A. Kolokyal C. Pambansa
B. Pabalbal D. Lalawiganin
13. Ito ay mga salitang standard, kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
mga nakararami lalo na ang mga nakapag-aral ng wika.
A. Pormal C. Panlalawigan
B. Pabalbal D. Kolonyal
14. Ang mga sumusunod ay mga kaisipan na naglalahad ng kahalagahan
sa pag-aaral ng antas ng wika, alin ang hindi?
A. Dahil ito ay nagbubuklod sa mga tao sa isang lugar o bansa
B. Ito ay pinakamabisang paraan upang matukoy ang antas ng tao sa
lipunan.
C. Sapagkat wala naman itong naiambag sa ating panitikan.
D. Ito ang instrumento upang ang lahat ay nagkakaunawaan.
15. Dako na mga problema ang kinakaharap ng ating Pangulo. Anong
prosesong balbal ang ginamit sa salitang may salungguhit.
A.Paghango sa wikang katutubo/lalawigan
B. Pagkakaltas
C. Kolonyal o panghihiram sa mga Wikang Banyaga
D. Paggamit ng akronim

Gawin natin

Gawain 11
Bumuo ng isang POLL sa mga GC o Group Chat sa messenger at
alamin kung alin sa mga antas ng ang madalas o gamitin at ang hindi
madalas gamitin ng mga tao sa kasalukuyang panahon. bumuo ng isang ulat
kung ano ang pinakagamiting antas ng wika at ang hindi madalas gamitin.
Isulat ang ulat sa isang malinis na papel.

REPLEKSYON NA GAWAIN
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Gawain 12
Mula sa ginawang POLL sa Facebook messenger ay bumuo ng isang
ulat kung ano ang pinakagamiting antas ng wika at ang hindi madalas
gamitin. Isulat ang ulat sa isang malinis na papel.

Sanggunian

● Baisa-Julian, Ailene G., Del Rosario Mary Grace G., Lontoc, Nestor S,
Dayag, Alma M., 2005.Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House Inc,
927 Quezon Ave., Quezon City
● https://www.slideshare.net/andreatiangco9/malikhaing-pagsulat-tula\
● https://www.youtube.com/watch?v=bFPe_0Kr5mE
● https://www.youtube.com/watch?
v=oCSnshs0dwM&ab_channel=SirJuanMalaya
● https://www.youtube.com/watch?
v=0y9qIDbqX1M&ab_channel=CharlesDavid

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O.ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writers: CHRISTINE JOY L. LLAVER
SARA S. COMPETENTE
FRANCIS TENORIO
MARIA INAH C. CATACUTAN
Editors:
Content Evaluator: MARIVIC S. POBALCION
RHAXELL A. SAŇGA
Language Evaluator: JOSEPHINE S. TOLENTINO

Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA,EPS-FILIPINO


Illustrator/Layout Artist: RHAXELL A. SAŇGA
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS

You might also like