GNED4-Finals Module

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

GNED4: Module for FINALS

Ebolusyon ng Saligang Batas ng Pilipinas

• Saligang Batas: Pangunahin o batayang batas ng estado


-Ang Saligang Batas o konstitusyon ang pinakamataas na batas ng isang bansa. -Ito ang
nagpapaliwanag sa uri ng pamahalaan, kapangyarihan ng mga pinuno, karapatan ng
mamamayan, at mga bagay na nauukol sa pamamahala ng bansa.
Nagpapahayag ng soberanya at teritoryo ng isang bansa.
- Dito nasasaad ang iba’t ibang mahahalagang sangay ng pamahalaan at tungkulin nito sa
mamamayan
-Dito matatagpuan ang panuntunan tungkol sa karapatan, tungkulin, at pananagutan ng bawat
mamamayan.
-Ang lahat ng mga batas na gagawin at ipapatupad ay dapat naaayon sa Saligang-batas. -
Nagsisilbing mahalagang instrumento sa pagkakabuklod ng mga mamamayan ng bansa.

• Konstitusyon ng Biyak-na-bato
-Nobyembre 1, 1897- Emilio Aguinaldo
-Felix Ferrer at Isabelo Artacho (naghanda ng konstitusyon ng Biak-na-Bato) - unang
konstitusyon ng Katipunan, na ginawa pagkatapos ng kamatayan ni Bonifacio. - Ito ay
upang bigyan ng matibay na pundasyon ang mabubuo pa lang na pamahalaan. •
Konstitusyon ng Malolos
-Pinakaunang demokratikong konstitusyon sa Asya.
-Pinagtibay ni Pedro Paterno noong Nobyembre 29, 1898
-Ipinahayag ni Emilio Aguinaldo noong Enero 21, 1899
- Itinadhana nito ang pagtatatag ng Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo
• Konstitusyon ng 1935
-Pinamunuan ni Claro M. Recto ang kumbensyon para sa bagong konstitusyon noong Pebrero 8,
1935
-Ginamit ng Pamahalaang Komonwelt at Ikatlong Republika
- Konstitusyong ginamit upang pamahalaan ng mga Amerikano ang Pilipinas - Ginamit din
ito upang maisagawa ang Pamahalaang Komonwelt gamit ang Batas Tydings Mcduffie
• Konstitusyon ng 1943
-Sa ilalim ng pananakop ng mga Hapones nabuo ito noong Setyembre 4,
1943 -Hindi naging isang malayang konstitusyon
• Saligang-Batas ng 1973 Batas Militar
-Enero 10-15, 1973 naganap ang pagpapatibay ng konstitusyong ito.
-Enero 17, 1973 ito nilagdaan at nagkabisa.
-Nawala ang bisa noong 1986 dahil sa People Power Revolution 1986
• Konstitusyon ng Kalayaan o Freedom Constitution (1987)
-Noong Marso 25, 1986 ipinahayag ang pansamantalang konstitusyong ito
-Nag-aalis ng bisa sa mga batas na nilikha ng Batas Militar
-Mula Hunyo 2, 1986 hanggang Oktubre 15, 1986 ang Komisyong Konstitusyonal sa pamumuno
ni Cecilia Muñoz-Palma ay bumuo ng bagong konstitusyon
-Pinagtibay noong Pebrero 2, 1987
-Ito ang kasalukuyang konstitusyon na ginagamit ng bansa.
• Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan
- Ang Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan [1] (Comprehensive Agrarian
Reform Program na mas kilala bilang CARP) ang batas ng repormang panglupain ng Pilipinas na
ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino noong 1988. Ito ay
Republic Act No. 6657. Noong 10 Hunyo 1988, nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang
Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng
mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain.
-Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may
ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na
magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain.
-Ang mga may aring nagbenta ng lupain ay babayaran ng installment sa 15 taon. Sinasabing ang
batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na
pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip
ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa.
-Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at kanilang mga
pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang halimbawa nito ang Hacienda Luisita na pag-aari
ng pamilyang Cojuangco na kinabibilangan ni Corazon Aquino na namahagi lamang ng stock sa
mga manggagawa ng Hacienda Luisita sa halip na ipamahagi ang lupain ng Hacienda Luisita sa
mga manggagawa.
ACTIVITY # 1: ESSAY. Sagutan ang mga tanong. (5 sentences MAX)
1.) Sa anong konstitusyon talaga natamasa ng bansang Pilipinas ang salitang Kalayaan? 2.)
Tayo ay nasa pailalim ng anong bansa noong ginawa ang konstistusyon ng biak-na-bato? 3.)
Ipaliwanag kung ano ang pinagkaiba ng CON-CON at CON-ASS.
4.) Ano ang kahalagahan ng agrikultura sa ating ekonomiya?
5.) Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit kailangan nating tangkilikin ang mga produktong
local?
SISTEMA NG PAGBUBUWIS

• Ang buwis na sinisingil ng pamahalaan ay may iba’t ibang uri ng ayon sa pagbabayad ng layunin
at paraan

• Ayon sa Sanligang Batas

• isang anyo ng unawaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan


• kapalit ng pagbabayad ng buwis ay ang proteksyon at benepisyo na makukuha mula sa
pamahalaan
• seguridad
• batayang serbisyo publiko
• sistema ng hustisya
• Ang pagbubuwis ay isang mekanismo kung saan ginagamit ng pamahalaan ang mga nalikom na
buwis upang makabuo ng produkto at serbisyong pampubliko
• Ang pagbabayad ng buwis ay pananagutan ng isang tao para sa susunod na henerasyon

• ang pagpataw ng buwis ay sakop ng kapangyarihan ng sangay ng LEHISLATURA • maaaring


kolektahin ng mga naatasang ahensya katulad ng BIR, BOC, lokal ng pamahalaan o LGU

Buwis

Ayon kay Adam Smith


Ayon sa kanya ang pagpapataw ng buwis amay apat na pamantayan

• Pagkakapantay-pantay (equity) -pare- pareho ang buwis na ipinapataw sa mga mamamayang


pare-pareho ang kalagayan. Makakatulong sa pagbawas ng agwat sa pagitan ng mayaman sa
mahirap.
• Katiyakan (certainty) - dapat alam ng mamamayan kung magkano ang binabayad niyang buwis
upang malaman niya kung saan ito gagamitin ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, maiiwasan
ang maling halaga sa pagbabayad ng buwis

• pinapataw ng gobyerno o pamahalaan sa mga ari-arian, tubo, kalakal, serbisyo, operasyonng


mga negosyo at pagkosumo ng mga produkto at serbisyo
• pondong ginagamit
Ayon Kay Adam Smith

• Ekonomiya (economy)- mawawalan ng saysay ang pangungulekta ng buwis kung mas malaki
ang gastos ng pamahalaan kaysa aktwal na halaga ng nalikom na buwis
• Kaginhawahan (conveenience)- hindi dapat pabigat ang buwis. Kung pabigat man ito, tatamlay
ang pagnenegosyo na maaaring magresulta ng kawalan ng trabaho at matamlay na ekonomiya

Pagbubuwis

• hindi mabigat sa tungkulin o pasanin


• tumutulong upang lumago ang negosyo
• kayang bayaran ng mamamayan
• hindi tataas sa kayang bayaran ng mamamayan
• hindi mapang-abuso
• maging instrumento upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan at pribadong sektor •
nagiging pondo ng pamahalaan upang magbigay ng mahusay at episyenteng serbisyo

May mga buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal at paglilingkod


kaya hindi tuwirang ipinapataw sa indibidwal. (Pangilinan,2013)
• Para Kumita (Revenue Generation)

• Pangunahing layunin ng pamahalaan na ipinataw ang mga buwis na may ganitong uri upang
makalikom ng pondo para magamit sa operasyon nito.

• Sales Tax; Income Tax


• Para Magregularisa (Regulatory)

• Ipinapataw ang ganitong uri ng buwis upang mabawasan ang kalabisan ng isang gawain o
negosyo.

• Excise Tax
• Para Magsilbing Proteksiyon (Protection)

• Ipinapataw upang mapangalagaan ang interes ng hindi matatag na sektor o ang lokal na
ekonomiya mula sa dayuhang kompetisyon.
• Taripa

• Ayon sa Kung Sino ang Apektado


• Tuwiran (Direct)

• Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal.

• Hindi Tuwiran (Indirect)

• Buwis na ipinapataw sa mga kalakal at paglilingkod kaya hindi tuwirang ipinapataw sa mga
indibidwal.

• Proprosiyonal (Proportional)

• Pare-pareho ang porsiyentong ipinapataw anuman ang estado sa buhay

• Halimbawa ang pagpapataw ng 10% buwis sa mga mamamayan, magkakaiba man ang halaga

ng kanilang kinikita
• Tumataas ang halaga uwis na binanayaran habang tumataas ang kita ng isang indibidwal o
korporasyon. Isinasaad sa 1987 Saligang Batas na progresibo ang sistema ng pagbubuwis ng
pamahalaan.

• Bumababa ang antas ng buwis kasabay ang paglaki ng kita.


• Iba’t Ibang Uri ng Buwis
• Ang buwis ay may iba’t ibang uri batay sa klasipikasyon.

• Value-added Tax
• Progresibo (Progressive)

• Ang ad valorem (ayon sa halaga) ay regresibo dahil habang lumalaki ang kita ng isang indibidwal,

maliit na bahagi lamang ng kanyang kita ang napupunta sa buwis.

• Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw

• Withholding Tax

• Ayon sa Layunin

• Sa Pilipinas 5% lamang ang ikakaltas sa mga kumikita nang mas mababa sa 10,000 pesos bawat

buwan. Maaaring umabot sa 34%ang kaltas sa kumikita ng higit sa 500,000 pesos bawat

buwan.

ACTIVITY # 2: Essay. (5 sentences max.)


1.) Ano ang kahalagahan ng buwis?
2.) Ikaw ba ay sang-ayon na may ipinapatupad na buwis sa ating bansa? Bakit o bakit
hindi?
3.) Magbigay ng tatlong uri ng buwis at ipaliwanag ito.
Kultura at Pamanang Filipino

• Ang kultura ay ang pagsalin-salin ng mga tradisyon ng isang grupo ng tao o komyunidad. Sa
Pilipinas naman, ang kultura ay pinaghalong mga tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng mga
dayuhang sumakop at ang mga katutubong Pilipino.

• may dalawang uri ng Kultura, ito ang “Materyal” at “Di-Materyal“.

MATERYAL
▪ Kasangkapan
▪ Pananamit
▪ Pagkain
▪ Tirahan
DI-MATERYAL
▪ Edukasyon
▪ Kaugalian
▪ Gobyerno
▪ Paniniwala
▪ Relihiyon
▪ Sining/Siyensya
▪ Pananalita
Karamihan sa kultura ng Pilipino ay nakuha mula sa mga Espanyol na sumakop sa bansa. Subalit, kahit
matagal ang pagsakop nila sa Pilipinas, ang kulturang Pilipino ay patuloy pa ring makikita.

MGA PAGPAPAHALAGA SA KULTURANG PILIPINO


• Pagmamano
Ang Pagmamano ay isang kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa mga
nakatatanda. Tinutukoy ito sa pamamagitan ng pagkuha sa kamay ng nakatatanda at
paglipat nito sa noo kasabay ang pagsabi ng “mano po.” Karaniwan itong ginagawa
bilang pagbati o bago umalis at pagdating. Maaga itong itinuturo sa mga bata bilang
tanda ng paggalang.
• Harana
Ang harana ay isang awit o tugtugin na isinasagawa sa gabi mula sa labas ng tahanan ng
taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking
manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay
niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta upang mapagwagian niya ang puso
ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding
sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ng kumakantang tinig ng lalaking
mangingibig.
• Pamamanhikan
Ang pamamanhikan Isang tradisyon na isasagawa kapag ang babae at lalaki ay
nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae mula sa
mga nito habang kaharap ang sarili niyang mga magulang. Sa ilang lugar ay isinasama pa
ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang maimpluwensiyang kamag-anak o kaibigan
upang lumahok sa pamamanhikan. Kadalasang may malaking salu- sa hapag ang
magaganap na pamamanhikan. Dito ay pinag- uusapan ang petsa at pook ng kasalan ng
magsing-irog, maging ang ilan pang detalye katulad ng magiging ninong at ninang, ang
paring magkakasal, mga abay, lugar ng kainan, at maging ang listahan ng mga bisita. •
Bayanihan
Bayanihan ang samahan na kung saan sama-samang nag tutulungan ang mga
magkapitbahay o magkaibigan.
• Piyesta
Karaniwang ginagawa ito upang ipagdiriwang ang araw ng lalawigan, nayon o kahit pa
bagay gaya ng Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo. Nariyan ang peryahan, mga palaro at
mga pagtitipon ng magkakamag-anak, kaibigan o magpapamilya upang magsalu-salo sa
hapag.
• Simbang Gabi
Simbang Gabi Karaniwang ginagawa ito siyam na gabi bago sumapit ang pasko o
kapanganakan ni hesukristo. Kung saan sama-sama ang buong pamilya sa pagpunta sa
simbahang katoliko at doon mananalangin.
ACTIVITY # 3: Gumawa ng reflection paper sa isang pista sa Pilipinas na iyong nadaluhan na at
ipaliwanag kung paano ito tumulong sa paghubog ng kulturang Pilipino. (3 paragraphs MIN.)
Mga dapat malaman ukol sa Kasunduang Pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng
Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) (KalinawNews,2019)
Mga Mahahalagang Petsa at Kaganapan

Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation


Front (MILF) ay sinimulan sa Pilipinas noong 1996, at ipinagpatuloy noong 2001 sa pasilitasyon ng
pamahalaan ng Malaysia.

Sa mga nagdaang taon, nagkaroon ng iba’t ibang kaganapan, may mga positibo at mayroon ding
negatibo, na nakaapekto sa nasabing usapang pangkapayapaan. Gayunpaman, hindi itong naging
hadlang upang subukan ang iba’t ibang paraan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at MILF.

Noong Oktubre 15, 2012 ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) ay pinirmahan sa pagitan
ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang dokumentong ito ang
nagsisilbing balangkas kung saan nakasaad ang mga napagkasunduan ng dalawang partido kabilang ang
pagpapalit ng Bangsamoro sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM); ang pagkakaroon ng
Basic Law na sasaklaw sa Bangsamoro; ang power sharing ng pamahalaang sentral at pamahalaan ng
Bangsamoro; ang pagkalap ng pagkakakitaan at pagbabahagi ng kayamanan; teritoryo; ang pagkakaroon
ng transition period at mga mekanismo para mga pagbabagong magaganap; proseso ng normalisasyon;
at iba pa.

Dalawang buwan matapos lumagda ang magkabilang partido sa kasunduang ito, ipinag-utos naman ng
dating Pangulong Benigno Aquino lll ang pagbuo ng 15-member Transition Commission na isa sa
pangunahing tungkulin ay ang pag-draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa ilalim ng Executive Order
No. 120.

Ito ay sinundan ng paglagda sa mga dokumento at iba pang kaganapan bilang bahagi ng pormal
na kasunduan, ang FAB:

11 Pebrero 2013 – Inilunsad ang Sajahatra Bangsamoro – isang programang pangkaunlaran – tulad ng
edukasyon, kalusugan, at pangkabuhayan para sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.

27 Pebrero 2013 – Ang paglagda sa Annex on Transitional Arrangement and Modalities (TAM). Ang TAM
ang nagdedetalye sa roadmap tungo sa pagbuo ng Bangsamoro.

13 Hulyo 2013 – Nilagdaan ang Annex on Revenue Generation and Wealth Sharing, kung saan nakasaad
ang mga pagmumulan ng yaman, kita, at tulong-pinansyal para sa Bangsamoro. Nakadetalye dito ang
paraan kung paano gugugulan ng Bangsamoro ang kanilang mga programa at operasyon. Nasasaad din
ang mga prinsipyo at mekanismo na magiging bahagi ng sistema para sa fiscal administration ng
Bangsamoro region.

Sa petsa ring ito, nagtipun-tipon ang Third Party Monitoring Team (TPMT) sa unang pagkakataon.
08 Disyembre 2013 – Ang Annex on Power Sharing ay nilagdaan. Nakadetalye sa annex ang partikular na
kakayahan at awtoridad ng Central Government at Bangsamoro Government na magsisilbing gabay sa
pag-draft ng Basic Law na naayon sa FAB.
25 Enero 2014 – Ang Annex on Normalization at Addendum on Bangsamoro Waters and Zones of Joint
Cooperation ay nilagdaan. Sa Annex on Normalization isinasaad ang prosesong pagdadaanan ng
Bangsamoro patungo sa normal na takbo ng buhay sa Bangsamoro, samantala, nakadetalye sa
Addendum ang mga karagdagang kundisyon bilang bahagi ng Annex on Revenue Generation and Wealth
Sharing at Annex on Power Sharing.

27 Marso 2014 – Nilagdaan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) kung saan
pinagsama-sama at pinagtitibay ang pagkakaunawaan at pangako sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas
at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon sa dokumento ng CAB, ang kasunduang ito ay produkto nang pag-abot ng solusyon sa Bangsamoro
Question nang may dangal, hustisya, at dignidad para sa mga kinauukulan. Ang CAB ang tatapos sa mga
armadong labanan sa pagitan ng dalawang partido at nagbibigay ng negotiated political settlement sa
Bangsamoro Question, nang sa gayon ay maitaguyod ang kapayapaan at katatagan sa parteng ito ng
mundo.

22 Abril 2014 -Isinumite ng Bangsamoro Transition Commission ang unang draft ng Bangsamoro Basic
Law (BBL) sa Office of the President.

10 Setyembre 2014 – Ipinasa ni Pangulong Aquino ang draft ng BBL kina Senate President Franklin
Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte.

04 Oktubre 2014 – Inilunsad ang Transitional Justice and Reconciliation Commission (TJRC). Isa sa mga
tungkulin nito ayon kay Prof. Miriam Coronel-Ferrer (October 9, 2014, manilastandard.net) ay
magsagawa ng malalim na pag-aaral sa mga negatibong epekto ng mga nakaraang armadong labanan sa
buhay ng mga tao at komunidad sa mga apektadong lugar, at magsagawa ng rekomendasyon upang
tugunan ang mga emosyonal at pisikal na trauma ng mga biktima para sa mapayapa at magkatugmang
co-existence.

05 Nobyembre 2014 – Inilunsad ang Bangsomoro Development Plan.

25 Enero 2015 – Nangyari ang Mamasapano Incident kung saan nagkaroon ng armadong labanan ang
mga miyembro ng Special Action Force ng PNP at MILF sa Mamasapano, Maguindanao.

15 Hunyo 2015 – Ginanap ang ceremonial decommissioning ng 145 MILF combatants, 24 crew-served na
sandata, 51 matataas na kalibre ng baril.

30 Mayo 2016 – Nag-isyu ang dalawang partido ng Declaration of Continuity para sa pagpapatuloy ng
Bangsamoro Peace Process.
13-14 Agosto 2016 – Nagharap ang dalawang partido sa Kuala Lumpur, Malaysia at pormal na binuksan
ang implementation phase ng Bangsamoro Peace Process.
07 Nobeymbre 2016 – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No.8 na bubuo
ng pinalawak na BTC kung saan ang 15 miyembro ay madaragdagan ng anim pa.

09 Disyembre 2016 – Isinumite ng TJRC ang kanilang pinal na ulat sa panel.

23 Hulyo 2018 – Niratipika ng Senado ang OLBARMM sa ikatlong regular session

nito. 24 Hulyo 2018 – Niratipika ng House of Representatives ang OLBARMM.

27 Hulyo 2018 – Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Organic Law on Bangsamoro
Autonomous Region for Muslim Mindanao.

Mga Kadalasang Tanong na may Kaugnayan sa Bangsamoro

Sino at ano ang Bangsamoro na tinutukoy sa Bangsamoro Organic Law?

Ayon sa Republic Act No. 11054 o Organic Law for the Bangsamoro Automous Region in Muslim
Mindanao (OLBARMM), ang Bangsamoro ay tumutukoy sa pagkakakilanlan (identity) at hindi tumutukoy
sa pagkamamamayan (citizenship). Sila ay iyong, sa panahon ng pananakop at kolonisasyon, ay
itinuturing na katutubo at orihinal na mananahanan ng Mindanao at ng Sulu archipelago at mga karatig
isla kabilang ang Palawan, at kanilang mga inapo (descendants), buo man o hindi ang katutubong dugo
ay mayroong karapatang ipakilala ang kanilang sarili bilang Bangsamoro.

Ang Bangsamoro ay tumutukoy rin sa autonomous political entity na papalit sa Autonomous Region in
Muslim Mindanao (ARMM) ayon sa OLBARMM.

Ano ang Normalization at bahagi na gagampanan ng Sandatahang Lakas sa ilalim nito?

Batay sa Annex on Normalization, ipinakakahulugan ng Normalization bilang isang proseso na “ang


mga komunidad na apektado ng labanan ay makababalik sa kalagayang kung saan magagawa nila ang
kanilang minimithing kalidad ng pamumuhay kabilang na ang sustainable livelihood at political
participation sa isang mapayapang sambayanan o komunidad.”

Ang Annex on Normalization ay sumasakop sa tatlong aspeto: 1) security 2) socio-economic


development, at 3) transitional justice.

Sa ilalim ng aspetong panseguridad ng normalization, kasama rito ang policing, decommissioning ng mga
pwersa ng MILF at mga armas, redeployment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula at sa loob
ng mga lugar na apektado ng kaguluhan, pagbuwag ng private armed groups (PAGs).
Ang mga programang pang-sosyo ekonomiko ay isasagawa para sa rehabilitasyon, pagbabagong-tatag,
at pag-unlad ng Bangsamoro. Patikular na pagtutuunan ang pangangailangan ng mga miyembro ng
Bangsamoro Islamic Liberation Forces (BIAF), internally displaced persons, (IDPs), at mga mahihirap na
komunidad.

Ang mga mekanismo para sa transitional justice ay itatalaga para harapin ang mga lehitimong karaingan
ng Bangsamoro, itama ang kawalan ng katarungan noong mga nakalipas na panahon, tugunan ang
paglabag sa karapatang pantao—upang hilumin ang sugat ng labanan.

Ano ang decommissioning?

Ang decommissiong ay ang unti-unti at yugtu-yugtong proseso kung saan ang mga puwersa ng MILF at
mga armas nito ay hindi na mapapakinabangan. Kasama rito ang paglipat ng BIAF sa mapayapang
pamumuhay bilang sibilyan.

Sino ang mangangasiwa sa decommissioning ng puwersa ng MILF at mga armas nito?

Ang Independent Decommissioning Body (IDB) ang mangangasiwa sa proseso ng decommissioning ng


puwersa ng MILF at mga armas nito. Ang IDB ay bubuuin ng tatlong banyaga at apat na lokal na
dalubhasa na nominado ng partido ng pamahalaan at MILF. Ang IDB ay pamumunuan ng isa sa mga
banyagang dalubhasa.

Ano ang mangyayari sa police at military sa lugar na nasasakupan ng Bangsamoro?

Ang pag-oorganisa ng puwersa ng kapulisan para sa Bangsamoro ay kapareho ng sa constitutional


principle ng Philippine National Police. Ang Independent Commission on Policing (ICP) ay itinatag upang
magrekomenda nang naaayon sa policing para sa Bangsamoro.

Ang redeployment ng tropa ng AFP at mga yunit mula o sa loob ng Bangsamoro ay batay sa joint security
assessment. Sumang-ayon ang dalawang partido na ang pananatili ng ibang AFP installations sa
Bangsamoro ay dapat direktang pagtugon sa pambansang depensa at pangangailangang panseguridad.

Ano ang security arrangement sa panahon ng transition patungo sa pagtatayo ng pamahalaan ng


Bangsamoro?

Ang Pamahalan ng Pilipinas at MILF ay magkatuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan lalo na sa panahon


ng transition. Kabilang dito ang pagtatag ng iba’t ibang mekanismo tulad ng Joint Normalization
Committee (JNC), na siyang mag-uugnay sa proseso at mekanismo ng normalisasyon. Ang Joint Peace
and Security Committee (JPSC) ang magko-coordinate sa aspetong panseguridad ng normalisasyon.

Samantala ang Joint Peace and Security Teams (JPTS) ang magiging operating units na bubuuin ng AFP,
PNP at BIAF. Ang mekanismong ito ang siyang gagawa ng paraan upang mapanatili ang kapayapaan,
kaayusan, at katatagan sa mga lugar na itinalaga ng pamahalaan at MILF.
Ang JPSC ay isasailang sa JNC at magkakaroon ng mga sumusunod na tungkulin:
1. Pag-coordinate sa mga command structure ng pamahalan at MILF sa security
arrangement na may kinalaman sa function nito.
2. Bumuo ng polisiya at gabay sa pagpapatakbo para sa epektibong partnership ng JPSTs; at
3. I-coordinate ang mga security arrangement para sa mga gawaing may kinalaman sa
implementasyon ng FAB at ng Annexes nito.
Ano ang mangyayari sa mga MILF camp sa Mindanao?

Bubuo ang Pamahalan at MILF ng joint task forces para sa mga dati nang kinilalang kampo ng MILF:

1. Camp Abubakar as-Siddique sa Maguindanao


2. Camp Bilal sa Lanao del Norte at Lanao del Sur
3. Camp Omar ins al-Khattab sa Maguindanao
4. Camp Rajahmuda sa North Cotabato at Maguindanao
5. Camp Badre sa Maguindanao
6. Camp Busrah Somiorang sa Lanao del Sur
Ang mga task force ang susuri sa mga pangangailangan, magpaplano ng angkop na programa, ang
magsasagawa ng mga kinakailangang panukala upang baguhin ang mga lugar na ito na maging
mapayapa at kapaki-pakinabang na mga komunidad.

Paano popondohan ang normalization process?

Ang Pamahalaan ay magbibigay ng karampatang pondo para sa normalization process. Ang Pamahalaan
at MILF ay maaaring lumapit sa mga donor para sa operasyon ng iba’t ibang mekanismo sa ilalim ng
normalization process upang makadagdag sa mga pangangailangang badyet na ibinigay ng Pamahalaan.

Mayroong Normalization Trust Fund kung saan maaaring idaan ng tumutulong na bansa ang suporta,
tulong, at pledges.
Activity # 4: Ilagay ang kahulugan ng mga akronim

1.) MILF
2.) BBL
3.) JPTS
4.) BIAF
5.) ARMM
6.) TPMT
7.) JPSC
8.) TJRC
9.) ICP
10.)FAB

You might also like