Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Ikatlong Markahan- Modyul 1

1|P age
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nagiisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2|P age
I. ALAMIN NATIN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa isyu at


hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng
pamayanan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga


malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan

Most Essential Learning Competencies:


Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender), sex at gender roles sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig

PAKSA:
KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN: KONSEPTO NG KASARIAN AT
SEX

Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod:

1. Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian at sex


2. Nasusuri ang mga uri ng kasarian (gender) at sex
3. Nasusuri ang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

II. SUBUKIN NATIN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng wastong sagot.
1.Tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual C. gender
B. transgender D. sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. sex C. bi-sexual
B. gender D. transgender
3. Kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong
ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa
isa.
A. homosexual C. gender identity

3|P age
B. heterosexual D. sexual orientation
4. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
niya nang siya’y ipanganak.
A. gender identity C. transgender
B. sexual orientation D. gender roles
5. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
niya nang siya’y ipanganak.
A. gender identity C. transgender
B. sexual orientation D. gender roles
6. Oryentasyong sekswal nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong
nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha
A. homosexual C. gender identity
B. heterosexual D. sexual orientation
7. Tumutukoy sa mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang
kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto
naman ay lalaki.
A. homosexual C. gender identity
B. heterosexual D. sexual orientation
8. Mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong
lalaki at umiibig sa kapwa babae
A. gay C. lesbian
B. asexual D. transgender
9. Pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea kung saan ang mga babae at mga
lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat.
A. Arapesh C. Chambri
B. Tchambuli D. Mundugumur
10. Ang mga bababe sa pangkat na ito ay dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin
ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki
naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga
kuwento.
A. Arapesh C. Biwat
B. Tchambuli D. Mundugumur

III. BALIKAN NATIN


Natunghayan natin sa nakaraang modyul ang mga isyung pang-
ekonomiya tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at migrasyon na kaakibat ang
implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Tinalakay sa unang aralin ang mga kaisipan patungkol sa globalisasyon
partikular ang mga pananaw tungkol sap pag-usbong nito. Iniisa-isa ang mga anyo
ng globalisasyon tulad ng globalisasyong ekonomiko, globalisasyong teknolohikal at
sosyo-kultural, at globalisasyong politikal.

4|P age
Sa nakaraang pagtalakay, nailahad ang kalagayan at suliranin kinakaharap
ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor ng agrikultura, industriya at serbisyo.
Atin din nalaman ang mga perspektibo at pananaw ukol sa migrasyon kasama ang
isyung kalakip dito.
Mahalaga ang gampanin mo bilang isang mag-aaral sa pagsulong ng
ekonomiya ng ating bansa sa kabila ng mga isyu at suliranin na kinakaharap dulot
ng globalisasyon.

IV. TUKLASIN NATIN

Mauugat sa kasaysayan na ang lalaki ang karaniwang inaasahang bumuhay


sa pamilya. Ang mga babae naman ay may tungkuling alagaan ang mga anak at
maging abala sa mga gawaing bahay.
Subalit sa pagdaan ng panahon, nabago at patuloy na nagbabago ang
kaisipan sa mga gampanin ng mga lalaki at babae. Ang ating lipunan ay naging
bukas sa mga kaisipang feminismo na nagbigay-daan sa pagbabago sa gampanin
sa lipunan. Bukod sa lalaki at babae, paunti-unting naging hayag na rin ang mga
tinatawag na LGBT (lesbian, gay, biseksuwal, at transgender) na nagnanais din na
matanggap at kilalanin ang kanilang karapatan bilang mamamayan.

Gawain 1: SIMBOLO, HULAAN MO!


Panuto: Tukuyin kung ano ang mga sumusunod na simbolo.

______________ ______________ ______________

Pamprosesong tanong:
1. Pamilyar ka ba sa mga simbolo at madali mong nasagutan ang gawain?
2. Bukas ba ang iyong kaisipan at kalooban sa isa pang uri ng kasarian?
Ipaliwanag!

5|P age
Gawain 2: Timbangin Natin!

http://upbeacon.com/wp-content/uploads/2013/10/gender_equality.jpg

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?
2. Bakit hindi kasama ang ikatlong simbolo? Ano ang epekto nito sa mga taong
kabilang sa ikatlong simbolo?

Aralin Kasarian Sa Iba’t Ibang Lipunan: Konsepto Ng Kasarian At Sex

Konsepto ng Kasarian
Madalas mapagpalit ang konsepto ng kasarian (sex) at gender. Bagamat
magkaugnay ang dalawang salitang ito sa wikang Filipino, ang kahulugan ng bawat
isa ay natatangi.
Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay
tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki. (World Health Organization, 2014).

Konsepto ng Sex at
Gender

Sex Gender

Male Female
Masculine Feminine
(lalaki) (babae)

6|P age
• Biyo-pisyolohikal
Katangian ng • Ang babae ay may buwanang regla
Sex • Ang mga lalaki ay may testicle (bayag)

• Sosyo-sikolohikal
Katangian ng • Kultural
Gender • Nababago

Oryentasyong Sekswal
Ang oryentasyong sekswal (sexual orientation) ay tumutukoy sa
kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

Samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay


kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y
ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na
maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan)
at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at
pagkilos.
Uri ng Oryentasyong Sekswal

Heterosexual Homosexual

mga taong nagkakanasang sekswal sa mga nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa


miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki mga taong nabibilang sa katulad na kasarian,
mga lalaking mas gustong lalaki ang
na ang gustong makatalik ay babae at makakatalik at mga babaeng mas gusto ang
mga babaeng gusto naman ay lalaki babae bilang sekswal na kapareha

Sa kasalukuyan, bukod sa babae at lalaki ay may mga tinatawag tayong lesbian,


gay, bisexual, at transgender o LGBTQA

Lesbian- sila ang mga babae na ang kilos at Gay- mga lalaking nakararamdam ng
damdamin ay panlalaki; mga atraksyon sa kanilang kapwa
babaeng may pusong lalaki at lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit
umiibig sa kapwa babae at kumikilos na parang babae

7|P age
Transgender- kung ang isang tao ay nakararamdam na -
siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
Bisexual- mga taong nakararamdam ng kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay
atraksyon sa dalawang kasarian hindi magkatugma, siya ay maaaring may
transgender na katauhan

Queer - o Questioning ito ay


pangkalahatang kataga ng mga bakla,
tomboy, baysekswal, transgender at Asexual- mga taong walang nararamdamang
cisgender na mga tao, mga kaibigan at atraksiyong seksuwal sa
kapanalig. Hindi lahat ay gusto o anumang kasarian
nabibilang sa ganitong kataga.

http://taw.acas.org/contents/index.php?option=com_content&view=article&id=54:trans-101-pilipino&catid=47:tagalog)

V. TALAKAYIN NATIN
Gawain 3:
T-Charting: Punan ang T-Chart batay sa pagkaunawa mo sa mga
sumusunod na konsepto.

Konsepto Sariling Pakahulugan

1. Sex ______________________________

______________________________

2. Gender ______________________________

______________________________

3. Gender Identity ______________________________

______________________________

4. Sexual Orientation ______________________________

______________________________

Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo


Sa bahaging ito ng aralin, matutunghayan natin ang pagtingin sa mga lalaki at
babae sa iba’t-ibang lipunan sa daigdig.

Africa at Kanlurang Asya


Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae

8|P age
lalo na sa mga miyembro ng komunidad
ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay
ng mga babae upang mabigyan sila ng
pagkakataong makalahok sa proseso ng
pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng
ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa
sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae
na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa mga
kababaihan. Noong 2015, nakaboto sa un ang pagkakataon ang mga kababaihan
https://www.nytimes.com/2015/12/14/world/middleeast/saudi-arabia-women-elections.html

sa Saudi ayon na rin sa pangako ni Haring Saud.

Talahanayan 3.1 Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa


Kababaihan
Kanlurang Asya Africa
Lebanon (1952) Egypt (1956)
Syria (1949, 1953) Tunisia (1959)
Yemen (1967) Mauritania (1961)
Iraq (1980) Algeria (1962)
Oman (1994) Morocco (1963)
Kuwait (1985, 2005)* Libya (1964)
Sudan (1964)
*Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at muling
naibalik noong 2005.

Bukod sa hindi pagboto, may


pagbabawal din sa mga babae na
magmaneho ng sasakyan nang
walang pahintulot sa kamag- anak
na lalaki (asawa, magulang, o
kapatid).

https://saudigazette.com.sa/article/537535

May mga bansa din na hindi


pinapayagang maglakbay ang mga babae
ng mag-isa sapagkat sila ay maaaring
maharap sa malaking bantang pang-
aabusong pisikal at sekswal. Acid attack on Kathmandu woman
https://english.onlinekhabar.com/acid-attack-on-kathmandu-
woman-two-suspects-confess-to-crime.html

9|P age
Ang Female Genital Mutilation o FGM
ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan (bata o matanda) nang walang
anumang benepisyong medikal. Ito ay
isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili
nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang
https://edition.cnn.com/2020/05/01/africa/sudan-fgm-banned-intl/index.html basehang-panrelihiyon ang paniniwala at
Panoorin para sa karagdagang prosesong ito na nagdudulot ng
kaalaman: impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at
https://www.youtube.com/watch?v=ZL7qJAB3aWk maging kamatayan.
https://www.youtube.com/watch?v=yQcQC-qLnSI

Ang ganitong gawain ay maituturing


na paglabag sa karapatang pantao
ng kababaihan.

https://www.soroptimistinternational.org/on-the-road-to-equality-news-from-the-un-on-
fgm/

Sa bahagi ng South Africa may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian


(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas 276 United Nations Human
Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa
pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.

Gawain 4: Gumawa ng tula gamit ang pormula ng Haiku. Talakayin sa iyong haiku
ang mga paglabag sa karapatang pantao na nakabatay sa oryentasyong sekswal.

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea

Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang


asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea
upang pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang
pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh,
Mundugamur, at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa
mga pangkat na ito,
nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging
sa Estados Unidos.

10 | P a g e
Arapesh

Nangangahulugang “tao”), walang mga


pangalan ang mga tao rito.Ang mga
babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at
mapag-aruga sa kanilang mga anak,
matulungin, mapayapa, kooperatibo sa
kanilang pamilya at pangkat.

https://images.app.goo.gl/vdohuYnUAmPLBimc7

Mundugumur

Kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga


mga babae at mga lalaki ay kapwa
matapang, agresibo, bayolente, at
naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat.

https://images.app.goo.gl/hZHHiJ6tJnXt1TY19

Tchambuli

Tinatawag din na Chambri, ang mga


babae at mga lalaki ay may
magkaibang gampanin sa kanilang
lipunan. Ang mga bababe ay
inilarawan nina Mead at Fortune
bilang dominante kaysa sa mga
lalaki, sila rin ang naghahanap ng
makakain ng kanilang pamilya,
samantala ang mga lalaki naman ay
inilarawan bilang abala sa pag-aayos
sa kanilang sarili at mahilig sa mga
kuwento.

https://images.app.goo.gl/KXAkh7FKyujNxUTQ6

VI. PAGYAMANIN NATIN

A. Ipahayag ang reaksiyon sa mga sumusunod na konsepto sa


pamamagitan ng mga emoji. Isulat sa ikalawang kolumn ang letra ng iyong
sagot/maaari ring iguhit ang mga emojis. Sa ikalawang kolumn ay ang ipaliwanag
kung bakit ito ang iyong reaksiyon. (Maaaring gumamit ng ibang papel para sa
ikatlong kolumn).

11 | P a g e
A B C D

Konsepto Reaksiyon Paliwanag

1. ________________
1. Pagbabawal sa mga 1. _______________ ________________
bansa sa Africa at ________________
Kanlurang Asya sa ________________
pagboto at
pagmamaneho ng 2. _______________ ________________
mga kababaihan. ________________
2. ________________
2. Female Genital
Mutilation 3._______________ ________________
________________
3. Gang-rape sa mga ________________
lesbian sa South
Africa sa 4. ______________ ________________
paniniwalang ________________
magbabago ang 3.________________
kanilang
oryentasyong ________________
sekswal. ________________
________________
4. Pinayagan ng Saudi
Arabia ang mga ________________
kababaihan upang 4.________________
makaboto mula ________________
noong 2015
________________

B. Punan ang diagram sa pamamagitan ng mga gampanin ng mga lalaki at babae


sa mga Pangkulturang Pangkat sa Papua New Guinea. Ikumpara ito sa gender
roles sa ating bansa.

Arapesh

Pangkulturang Pangkat sa
Pilipinas

Mundugumur Tchambuli

12 | P a g e
Pamprosesong mga Tanong
1. Bakit nagkakaiba ang gampanin ng mga babae at mga lalaki sa tatlong
pangkulturang pangkat na nabanggit ni Mead at Fortune?
2. Alin sa palagay mo sa tatlong pangkat ang hawig sa gampanin ng mga lalaki at
babae sa Pilipinas?
3. Sa iyong palagay, ano ang mas matimbang na salik sa paghubog ng personalidad
at pag-uugali ng tao, ang kapaligiran o pisikal na kaanyuan?

VII. TANDAAN NATIN


 Ang sex at gender ay magkaibang konsepto. Ang sex ay
tumutukoy sa
kasarian – kung lalaki o babae.

 Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang


gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae
at lalaki.

 Ang oryentasyong sekswal (sexual orientation) ay tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon
sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya,
o kasariang higit sa isa.

 Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala


bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian
ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa
sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa
pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa
pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba
pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita,
at pagkilos.

 Ang gampanin ng babae at lalaki ay nakabatay sa kulturang kinagisnan


ng bawat pangkat o ng isang bansa.

VIII. ISABUHAY NATIN

Be Informed!

13 | P a g e
Gumawa ng isang infographic na tumatalakay sa mga gender roles na
lumalabag sa mga karapatang pantao. Pumili lamang ng isa.
Mga napapaloob sa infographic:
 Konsepto ng gender
 Impormasyon tungkol sa napiling paksa
 Pagpapakita ng suporta upang tuluyang magwakas ang mga
gender roles na lumalabag sa karapatang pantao

IX. TAYAHIN NATIN


Panuto: Modified True or False. Isulat sa patlang ang Tama kung ang
pangungusap ay tama; at kung mali naman, palitan ang salitang may
salungguhit ng tamang sagot upang maging wasto ang pangungusap.

______________1. Tumutukoy ang sex sa mga panlipunang gampanin, kilos,


at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
______________2. Ang mga homosexuals ay tumutukoy sa mga taong
nakakaramdam ng atraksiyong sekswal sa kaparehong kasarian.
______________3. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng
maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng
parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian.
______________4. Inilarawan ni Mead at Fortune ang mga Arapesh na
kapwa maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa ang mga babae at
lalaki.
______________5. Ang mga kababaihan sa Kuwait ay unang nakilahok sa
halalan noong 2005.
______________6. Ang Female Genital Mutilation ay legal at kumikilala sa
karapatang pantao ng mga kababaihan.
______________7. Ang mga kababaihan sa Saudi Arabia ay malayang
nakapagmamaneho ng sasakyan.
______________8. Ang mga pansexual ay mga taong walang anumang
nararamdamang sekswal sa kahit anong uri ng kasarian.
______________9. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang gender
ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki.
______________10. Ang mga heterosexuals ay mga taong nagkakanasang
sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.

X. GAWIN NATIN

Gawain 5: Up-Close and Personal!

14 | P a g e
Mag-interbiyu on-line ng mga kakilala mong miyembro ng LGBT.
Alamin ang kanilang mga pinagdaanan o karanasan dahil sa
kanilang oryentasyong sekswal

MGA SANGGUNIAN

Modyul ng pagkatuto Grade 10 pahina 257-278


http://taw.acas.org/contents/index.php?option=com_content&view=article&id=54:trans-101-pilipino&catid=47:tagalog
(http://taw.acas.org/contents/index.php?option=com_content&view=article&id=54:trans-101-
pilipino&catid=47:tagalog)

Mga Larawan:
(A) Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies. HarperCollins Publishers,1963.
http://www.loc.gov/exhibits/mead/field-sepik.html
http://upbeacon.com/wp-content/uploads/2013/10/gender_equality.jpg
https://www.nytimes.com/2015/12/14/world/middleeast/saudi-arabia-women-elections.html
https://saudigazette.com.sa/article/537535
https://edition.cnn.com/2020/05/01/africa/sudan-fgm-banned-intl/index.html
https://www.soroptimistinternational.org/on-the-road-to-equality-news-from-the-un-on-fgm/
https://images.app.goo.gl/vdohuYnUAmPLBimc7
https://images.app.goo.gl/hZHHiJ6tJnXt1TY19
https://images.app.goo.gl/KXAkh7FKyujNxUTQ6

Mga Video:
https://www.youtube.com/watch?v=ZL7qJAB3aWk
https://www.youtube.com/watch?v=yQcQC-qLnSI

Sumulat ng Modyul:
FRENCEL TAMSAC PASCUA_Upper Bicutan National High School

15 | P a g e
Development Team of the Module

Writer: FRENCEL T. PASCUA


Editor:
Content Evaluator:
Reviewer: JOSEPH R. SOGUILON
JENIFFER C. VERZOSA
ADELYNE T. PALAS
GINA D. BORJA
JENNIFER A. MANALO
MYRNA G. ALONZO
Layout Artist:
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. EELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS- AP
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

16 | P a g e

You might also like