Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Teenage Pregnancy sa Panahon ng Pandemya

Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga kababaihan sa maagang edad na 12 hanggang
19 ay isang malawakang isyu lalao na sa panahon ngayon ng pandemya. “ Maghintay sa tamang
panahon, wag madaliin ang mga bagay-bagay at sulitin ang buhay habang bata pa.” Katagang lagi na
ipinapa-alala sa ating ng mga mga mas nakakatanda. Palagi nating tandaan na wag piliin ang
panandaliang kasiyahan.

Pagsara ng mga pampubliko at pribadong paaralan ang isa sa pangunahing dahilan sa pagtaas ng kaso
ng teenage pregnany dulot ng Pandemya, ito ay ayon sa datos ng Department of Science and
Technology - National Research Council of the Philippines o (DOST-NRCP). Sa konteksto ng pandemya ng
COVID-19 sa Pilipinas, kung saan mayroong 7.3 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho at kung saan
ang mga paaralan ay isinara mula noong Marso 2020, may mga alalahanin tulad ng mga kabataang
babae na madaling mabuntis dahil sila ay wala sa kanilang karaniwang proteksiyon na pisikal na setting
ng kapaligiran ng paaralan.

Noong 2019 o bago ang pandemya, may 2,411 na batang babae na may edad 10 hanggang 14 ang
nanganak. Ang pagdagsa ng mga nagdadalang-tao na teenager sa bansa ay matagal nang naobserbahan
sa nakalipas na 11 taon. Ayon sa dalawang buwang pag-aaral ng DOST-NRCP sa pangunguna ni Dr. Gloria
Luz Nelson, miyembro ng NRCP ng Division VIII (Social Sciences), isang sosyolohista sa pamamagitan ng
pagsasanay na may konsentrasyon sa Population Studies, ang pandemya ay hindi ang sanhi ng teenage
pregnancy, ngunit ilang mga salik na namamagitan tulad ng mga pagsasara ng paaralan, di-functional na
pamilya, at kawalan ng access sa sekswal at reproductive health education. Ang isyu ng teenage
pregnancy, sabi ng Commission on Population (Popcom), isang krisis na kailangang bilisan ang solusyon
lalo at 47 sa bawat 1,000 nanganganak ngayon ay menor de edad. Kung hindi matutugunan, posibleng
sumipa sa higit 133,000 ang mga menor de edad na mabubuntis sa pagtatapos ng 2021.

Dahil sa wala sa hustong gulang karamihan sa mga kabataang nabubuntis ay hindi nag papakasal. Ang
teenage pregnancy ay malubhang mapanganib din sa mga sanggol. Ayon sa mga kaso ng premature
birth ay mas mataas sa mga sanggol sa isinisilang ng kabataang babae.

Bagama't mayroong maraming iba't ibang paraan upang maiwasan ang isang teenager na babae na
mabuntis, ang isa lamang na ganap na epektibo ay ang pag-iwas sa pakikipagtalik. Ang pamamaraang ito
ay ang tanging paraan na ginagarantiyahan na walang panganib na mabuntis at pinoprotektahan ang
tinedyer mula sa pagkakaroon ng anumang STD. Ang mga magulang ay may malaking papel para
mabigyan ng gabay ang mga anak upang hindi masangkot sa ganitong problema. Gayunpaman, panahon
na upang patatagin natin ang ating mga pamilya. Panahon na upang matugunan ng isat-isa ang itong
isyo at bigyan ng aksyon.

You might also like