Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ikatlong Markahan – Modyul 6

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa
Europa
at Iba’t-ibang Bahagi ng Daigdig

NAME: MIKEE GALLA


CRITIQUE TEACHER: HERMELITA BAUTISTA
SUBMITTED TO: Sir JOHN BILLY SORIANO
SUBMITTED BY: MIKEE GALLA

1
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa
at Iba’t-ibang Bahagi ng Daigdig

Panimula

Ang nasyonalismo ay nangangahulugang pagmamahal sa bayan na nakabase


sa kamalayan ng isang lahi na sila ay nabubuklod ng isang wika, kasaysayan,
kultura, pagpapahalaga, at relihiyon. Hindi madali ang pagpapakita ng damdaming
makabayan dahil dadaan ito sa iba’t ibang proseso at paraan. Mayroong iba’t ibang
manipestasyon ng nasyonalismo at ang pinakamataas na pagpapakita ng
damdaming ito ay ang kahandaan ng isang tao na mamatay para sa kanyang bayan

Layunin

1. Naipapahayayag ang kahalagahan ng pag-usbong ng Nasyonalismo sa


Europa at iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

Palaisipan

Kilalanin Mo!

Panuto: Pumili batay sa sumusunod na situwasiyon o pangyayari kung sino ang


inilarawan sa loob ng kahon.

Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Czar Mongol Vladimir I

Creole Josef Stalin James Monroe

Simon Bolivar Haring Solomon Jose de San Martin


Napoleon War

1. Ang tinaguriang “Tagapagpalaya ng Timog Amerika”.

2. Ang tawag sa mga taong Kanluranin na ipinanganak sa kolonya.

3. Ang digmaang ipinangalan sa isang heneral na Pranses na naglalayong


magpakilala ng kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europa.

4. Ang nagpalaganap ng Kristiyanismong Griyego sa Russia.

Kagamitan

1. K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 179


2. Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2000. PP. 216-247

Diskusyon

Pagpapahalaga Sa Nasyonalismo Sa Iba’t Ibang Bahagi Ng Daigdig


2
Ang paghangad na maipakita ang damdaming ito ay may kasamang pighati,
pagsubok, kawalan ng kasiyahan at minsan pagsasakripisyo ng buhay. Datapuwa’t
ang isang bansa na nagkaisa ay handang gagawin ang lahat maipadama lamang ang
tunay na pagiging makabayan.

Sa iba’t ibang panig ng daigdig dumaan ang lahat ng bansa ng pamamaraan


kung paano ipadama ang damdaming nasyonalismo. Minsan hahantong sa digmaan
ang isang bansa upang maipakita ang marubdob at masidhing damdamin ng
pagmamahal sa sariling bayan.

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Europa

Ang mga pangyayaring kagaya ng Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong


Pranses sa ika-19 na siglo ay nakapagdulot ng maraming pagbabago sa daigdig, isa
na rito ay ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo. Sa pamamagitan ng
kaisipang ito, ito'y nagsilbing isang pwersa na ginamit ng ilang mga estado at
kolonya sa mundo upang itaguyod ang kanilang pagkakaisa at pagkakakilanlan
laban sa mga bansang sumakop sa kanila.

Bago pa natatag ang bansang Germany, ito ay binubuo ng iba't ibang estado
na napasailalim sa pamumuno ng Austria. Dahil sa hindi sila nabigyan ng malaking
partisipasyon sa pamahalaan, bumuo ang mga estudyante ng isang radikal na
kilusan na Burschenschaften, na naghahangad na magkaroon ng pagkakaisa na
siyang simula ng nasyonalismong German. Ang kilusang ito ay binuwag noong 1819
sa pamamagitan ng pagpatupad ng Carlsbad Decrees na nagsensura sa kalayaan ng
pamamahayag ng mga German at pagtalaga ng mga espiya sa mga unibersidad. Ito
ay nagdulot ng demonstrasyon at pag-aalsa sa Berlin noong 1848 sa kabisera mismo
ng Prussia.

Ang tagumpay ng nasabing pag-aalsa ay ang pagpayag ng hari ng Prussia na


si Frederick William IV sa isang konsesyon kung saan binuwag and sensura at
paghahanda ng isang konstitusyon at assembly. Sa tulong ni Otto Von Bismarck sa
Frankfurt Assembly na dinaluhan ng 800 German naitatag nila ang Imperyong
German na naging isa sa pinakamakapangyarihang bansa daigdig.

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Russia

Ang bansang Russia ay napabilang sa dalawang kontinente: ang Europe at


Asia (Eurasia). Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Isa sa pinakatanyag na
pinuno ng Russia ay si Vladimir I na binansagang “Vladimir the Saint.” Sa ilalim ng
kanyang pamumuno noong 988 CE, ipinalaganap niya ang Kristiyanismong Griyego
na nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Noong ika-13 na siglo, napasailalim ang Russia sa pamamahala ng mga


Tartar o Mongol na nagmula sa Gitnang Asya. Umabot ng mahigit na 200 na taon
ng kanilang pamamahala na nagdulot ng mga pagbabago sa lipunan. Ang mga
bakas ng pananakop ay may impluwensiya sa pananalita, pananamit at kaugalian ng
mga Ruso. Sa paglipas ng panahon, natamo ng mga Ruso ang kanilang kalayaan
nang talunin ni Ivan the Great ang mga Tartar sa labanan sa Oka.

Himagsikang Ruso
3
Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, nagpagimbal sa daigdig ang rebolusyon
ng mga Ruso. Ngunit bago naganap ang himagsikang ito ang Russia ay ang
pinakamalaking burukrasya sa mundo na kontrolado ng mga maharlika at pulisya.
Nasa ilalim ng pamamahala ng czar ang mga magsasakang nakatali sa lupa, walang
karapatan at laging nakabaon sa utang at maging sa industriya.

Ang pagtatayo ng mga manggagawa sa mga pagawaan ang naghikayat sa


mga Ruso na magpunta sa mga bayan at lungsod. Nagkaroon sila ng pagkakataon
para makapag-aral sa bayan. Sa sobrang higpit ng pulisya, lumikas patungo sa
kanlurang Europe ang mga intelektwal na Ruso. Sa Europe, nagkatagpo ang mga
disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels at nagtatag ng dalawang partido.

Sa mga alituntunin na dapat sundin sa Russia nagkaroon ng di-


pagkakaunawaan. May alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef Stalin at
Leon Trotsky-tungkol sa kahalili ni Lenin. Paniniwala ni Trotsky dapat ikalat agad
ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.

Mungkahi naman ni Stalin, hindi napapanahon ang ikalat ang komunismo


dahil mahina pa ang Russia. Naging matagumpay si Stalin sa kanyang suhestiyon.
Napilitang tumakas si Trotsky na nanirahan sa Mexico at namatay noong 1940.

Samantala, ang mga komunistang Soviet ay nagpasimuno ng October


Revolution na may magandang naidulot sa Russia. Nagresulta ito na nagkaisa ang
mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Kaya
napalitan ng diktadurya ng Partido Komunista ang pamamahala. Sa Unang
Digmaang Pandaigdig, sumanib ang Russia sa Alyado. Noong 1923, tinawag na
Soviet Union ang pangalan ng bansa. Humalili si Stalin nang namatay si Lenin sa
edad na 53 dahil sa sakit.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Bakit pinabagsak ng mga Ruso ang pamamahala ng czar?

2. Paano ipinakita ng mga Ruso ang damdaming nasyonalismo?

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Latin America

Ang heograpiya ng Latin America ay nakatulong upang umunlad bilang


hiwa-hiwalay na bansa. Ilan sa mga bansa ay Chile, Paraguay, Bolivia, Colombia,
Venezuela, Ecuador,

Argentina, Uruguay, Brazil, Iba-iba ang topograpiya ng mga bansa na


nagbigay ng kasaganaan sa kanilang likas na yaman. Sagana sa metal, asukal,
rubber, kape, copper at iba pang yamang lupa at mineral.

Ang potensyal sa likas na yaman ng Latin America ang nag-udyok sa mga


Espanyol na manatili at manakop.

Umabot sa ilang dantaon ang pamamahala ng mga Espanyol


na nagdulot ng paghihirap ng mga mamamayan nito. Ang mga suliraning

4
panlipunan na kinaharap ng mga tao ang siyang dahilan kung bakit sumibol ang
damdaming nasyonalismo. Mapa ng Latin America

Pagkatapos makamit ng Estados Unidos ang kanilang kalayaan mula sa Great


Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain. Ilan sa mga
pamamalakad na kinamumuhian ay ang sumusunod: awtokratikong Espanyol,
katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas at
paghihigpit sa pangangalakal.

Latin America maraming pinuno ang gumawa ng mga hakbang sa


pagpapaunlad ng demokrasya nguit sinalungat ng mga diktador. Mula noong 1820
hanggang 1827, sa pamumuno ni Nivadavia, sa Argentina ay may maraming
itinaguyod na pagbabago sa edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang
bumoto para sa lahat at gumawa ng paraan upang magkaroon ng makatarungang
sistemang legal.

Sa kabila ng lahat nawalan ng saysay dahil sa isinagawa ni Juan Manuel de


Rosas na pananakot, pagpapahirap, katiwalian at mga pagpatay na namahala sa
Argentina hanggang 1852.

Ang diskriminasyon na naranasan ng mga creole sa kamay ng mga


peninsulares ay isa sa mga dahilan kung bakit umusbong ang nasyonalismo sa Latin
America.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano-anong mga bansa ang binanggit na bahagi ng Latin America?

2. Ano ang bahaging ginampanan ng heograpiya ng ilang lugar sa Latin


America sa usapin ng pananakop ng Espanyol?

3. Bakit umusbong ang nasyonalismo sa Latin America?

Sino ang mga Creole?

Creole ay katawagan sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing


Europeo. Sa Latin America minamaliit ang mga bansa na creole ang populasyon,
tulad ng Argentina na may Indian at iba’t ibang lahi. Ang iba pang magkahalong
populasyon: mestizo (Espanyol at Indian)’ zambo (Indian at ibang lahi); at mulatto
(puti at ibang lahi) magkasamang naninirahan sa mga bansa sa Latin America.

Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga


bansang Latin America. Ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga
taga-Haiti ay nagsasalita ng Pranses at karamihan sa mga Indian ay nagsasalita ng
kanilang katutubong wika. Ngunit halos lahat sa Latin America ay nagsasalita ng
wikang Espanyol.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

5
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Paano nakaapekto ang pagkakaiba sa lahi at pinagmulan sa pag-


usbong ng damdaming nasyonalismo sa Latin America?

2. Ano ang mahalagang papel ng mga creole sa pag-usbong ng


damdaming nasyonalismo sa Latin America?

Si Bolivar- ang Tagapagpalaya

Si Simon Bolivar, isang creole ang nagnanais na palayain ang Timog Amerika
laban sa mga mananakop. Ipinagpatuloy lamang ni Bolivar ang nasimulan ni
Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Noong 1811 nag-alsa ang pinuno ng
Venezuelan laban sa mga Espanyol ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang
kalayaan mula sa Spain. Noong 1816, namatay si Miranda sa isang bartolina ng mga
Espanyol na puno sa sama ng loob. Matapos nito’y pinamunuan ni Bolivar ang
kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng Timog Amerika.

Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat ni Bolivar ang


mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Sa kanyang tagumpay
humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang pampang ng
South America). Sa ginawa niyang kaparaanan tinagurian siyang “Ang
Tagapagpalaya o Liberator. Naging pangulo si Bolivar at makalipas ang limang taon
tinalo niya ang kaniyang heneral na si Antonio Jose de Sucre at ang mga Espanyol sa
labanan ng Ayacucho sa Peruvian Andes.

Sa South America naging bayani si Bolivar samantala, si Jose de San Martin


(1778-1850) naman ang sa Argentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin
sa kaniyang grupo sa Andes.Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru.
Mayroon din siyang heneral na tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno.

Sa mga huling taon sa buhay ni Bolivar naging malungkot ito dahil


maraming tao ang naghinala na nais niyang maging diktador at ang iba naman ay
nagbalak na patayin siya. Ang kanyang pangarap ay di naisakatupan na pag-isahin
ang South America dahil nahati sa tatlong republika - ang Venezuela, Colombia at
Ecuador.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Bakit isinagawa ni Bolivar ang hakbang tungo sa paglaya?

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa

Sa Africa, ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy


ang sinasabing unang naninirahan dito. Naitaboy sila ng mga lahing itim sa
kanluran at mga Bantu sa silangan. Nang lumaon ang mga pangkat na ito ay
nakipamuhay sa isa’t isa. Ang Sahara na malawak na disyerto ang naghihiwalay sa
Black at Caucasoid Africa.

6
Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mananakop ang naging dahilan ng
magkakaibang pag-unlad. Binuo ng mga lahing puti na mangangalakal na Arab,
Asyano at mga Europeo at lumikha ng kulturang masalimuot. Ang puting minorya
(dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa, ang
nakararaming lahing Itim (98 bahagdan ng populasyon) ay naghihirap.

Sa panahon ng pananakop pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas


ang ekonomiya ayon sa kanilang sariling interes at kapakanan. Nagtayo sila ng mga
daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang yaman at
kapangyarihan.

Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa-
Ethiopia, Liberia at Republika ng South Africa. Ang Ethiopia ay sinasabing
nagsimula sa pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Ang Liberia ay
itinatag noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay Pangulong James
Monroe ng Estados Unidos ang kabisera na Monrovia. Ang South Africa ay naging
kasapi ng British Commonwealth of Nations noong 1910.

Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang


nasyonalismo sa Africa. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong
1975. May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng
Congo (Zaire) at Algeria. Gayunpaman, maraming bansa ang naging malaya nang
walang karahasan katulad ng Rhodesia at Nyasaland na naging Zimbabwe at Malawi.

Sa kasalukuyang panahon, halos kalahati ng buong kontinenteng Africa ay


nakaranas ng kahirapan. Sa katunayan may mga mahihirap na bansa sa buong
mundo ay matatagpuan sa kontinenteng ito. Ayon sa World Bank karamihan sa
SubSaharan Africa ay nasa mababang kategorya batay sa Gross National Income ng
bawat tao sa loob ng isang taon.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano-anong mga bansa sa Africa ang sinakop ng mga Kanluranin?

2. Matagumpay ba ang epekto ng pagsibol ng nasyonalismo sa Africa?

Hadlang sa Pagkamit ng Nasyonalismo

Sa Latin America maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo.


Ilan dito ay pansariling dahilan, kaya karamihan sa mga mahihirap ang hindi
nakikilahok sa makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo.

Kinamkam at pinaghahatian ang malalaking lupain sa mga paborito ng mga


hari ng Espanyol. Ang pagkabaon sa utang ay nagtulak ng pananatili sa pagkatali sa
lupa at pagkaalipin. Nakilalang peones ang uri ng piyudalismong umunlad sa Latin
America.

Sa mga bansa na nasa Latin America, napabayaan ang nasyonalismo sapagkat


matagal na panahon bago nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan. Samantala ang

7
pangangalakal o iba pang gawain ay itinuturing na mababang uri ng trabaho. Ang
pag-aari ng lupa higit na mahalaga sa kanila, kaya marami ang mahihirap.

Sa pagpunta ng mga Espanyol sa Bagong Daigdig tanging layunin ang


pagkamit ng kayamanan hindi upang magtayo ng tahanan o magparami ng
pamilya. Maraming mga Indian ang sapilitang naghanap ng mga ginto sa mga
minahan ng Mexico at Peru. Habang ang mga katutubong tao sa Peru, Ecuador at
Bolivia pinili ang tumira sa kabundukan upang malayo sa pamamahala ng banyaga.

Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paghubog ng Damdaming


Nasyonalismo

Ang nasyonalismo, ang nagpamulat sa katotohanan na ang bawat tao ay


isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya at maging maligaya. Nag-ugat sa
pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng mga pilosopo bagaman masalimuot
ang damdaming ito. Ang nararamdamang parang nasisikil at pagnanais na wakasan
ang pang-aapi ng mga mananakop ay nag-udyok para magkaroon ng kamalayang
pambansa.

Iba’t-ibang paraan ang pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng


mapayapang paraan at marahas na paraan. Subalit maraming nagbuwis ng buhay
upang lumaya tulad ng mga Pilipino, Amerikano, Hindu at iba pa. Nakahanda silang
magbuwis ng buhay upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban. Ang
pagnanais na makamtan ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa
mamamayan upang magkaisa sa pagkamit ng layunin.

Gawain: Reflection Paper

Panuto: Sumulat ng isang reflection paper tungkol sa damdaming nasyonalismo


na umusbong sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Pumili lamang ng
isang paksa batay sa sumusunod. Isulat ang hinihingi sa sagutang papel.

Ang pagbigay marka sa nagawang liham reflection paper ay nagagabay


ng rubric sa ibaba.

Ang mga Paksa:

a) Pagsibol ng Nasyonalismo sa Europa

b) Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Russia

c) Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Latin America

d) Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa

Rubric sa Pagmamarka ng Reflection Paper

Mahusay Katamtaman ang Nangangailangan


ng pagsasanay
Pamantayan Husay Puntos
6
10 8

Mensahe Nailalahad nag Hindi gaanong Walang


8
maayos ang nailalahad ang kaugnayan ang
mensahe, mensahe.
mensahe nag
reflection paper.

Angkop at wasto May iilang Walang


ang mga salitang ginamit kaugnayan at
Pagkabuo
salitang ginamit na hindi angkop hindi wasto ang
sa pagkabuo. at wasto. mga salitang
ginamit.

Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag


naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
Nilalaman
nilalaman ng mabisa ang nilalaman ng
reflection paper reflection paper.
nilalaman ng
reflection paper.

Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.

Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.

1. Paano nakinabang ang United States sa mga bansang napailalim nila sa


paraang protectorate?

A. Napalawak ang itinataguyod na relihiyon.

B. Napahusay ang kanilang kakayahan sa dagat.

C. Napangalagaan nito ang ekonomikong interes.

D. Naging kanlungan nila ang mga ito sa oras ng digmaan.

2. Anu-anong mga bansa ang nakuha ng United States nang magtagumpay ito
laban sa Spain?

A. Bangladesh, Brazil, at Japan

B. Panama, Samoa, at Vietnam

C. Guam, Pilipinas, at Puerto Rico

D. Hawaii, Taiwan, at New Zealand

3. Bakit mahalaga sa mga negosyante ang pagbibigay ng espesyal na karapatan


sa kalakalan?

A. Para madagdagan nila ang ibibigay na buwis a pamahalaan

9
B. Upang gawing makapangyarihan ang kinabibilangang bansa

C. Upang maimpluwensiyahan nila ang mga naglilingkod sa pamahalaan

D. Dahil malaya nilang mapangasiwaan ang pagpapalago sa kanilang


negosyo

4. Paano nakatulong ang mga imbensyon sa teknolohiya at agham sa


paglalayag?

A. Pinabilis nito ang paglalayag ng mga mananakop.

B. Nadagdagan nito ang mga armas ng mga kolonyalista.

C. Naging mahusay ang mga namumuno sa pamahalaan.

D. Pinaunlad nito ang ekonomiya ng mga bansang Europeo.

5. Paano natulungan ng Dagat Mediterranean ang sistema ng kalakalan upang


sa mapaunlad ang mga bayan na kaharap o malapit dito?

A. Pinalawak nito ang sistemang barter.

B. Dito kinukuha ang maraming ginto at langis.

C. Naging susi ito ng mabilis na transportasyon.

D. Nakapagbigay ito ng hanapbuhay sa mga tao.

6. Ano ang pinakamagandang gawin upang matulungan ang paglago ng


ekonomiya kung natuklasang may mga ginto sa Australia?

A. Gawing sakahan ang lugar

B. Magpatayo ng mga minahan

C. Palakasin ang turismo sa bansa

. Pangalagaan at huwag sirain ang kalikasan

7. Aling paglalahad ang malaking pakinabang ng mga naval base na itinatag ng


United States sa mga nasasakupan nito?

A. Pinahusay nito ang mga operasyong pandigma.

B. Pinayabong ang kaalaman sa mga yamang dagat.

C. Mabilis nitong napaunlad ang ekonomiya ng bansa.

D. Napangalagaan nito ang kapakanan ng mga mangingisda.

8. Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga kanluranin sa mga bansang


sinakop nila?

A. Pinaunlad nila ang mga bansang nasakop.

B. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga maralita.

C. Binigyan nila ng edukasyon ang mga katutubo.

D. Dito sila kumuha ng hilaw na sangkap gaya ng rubber.

10
9. Alin sa sumusunod ang isa sa mga pangunahing mekanismo sa paglunsad ng
ikalawang yugto ng pananakop?

A. Rebolusyong Pranses

B. Rebolusyong Industriyal

C. Rebolusyong Amerikano

D. Rebolusyong Pangkalikasan

10. Ano ang mahihinuha sa inilabas na Treaty of Paris sa pagitan ng France at


Great Britain?

A. Wala ng sagabal sa pamamahala ng Great Britain sa India.

B. Mabilis ng uunlad ang France dahil binitawan na nito ang India.

C. Pahirapan na ang pakipagkalan ng Great Britain sa mga nasasakupan.

D. Ipinakita nito na mas makapangyarihan ang France laban sa Great


Britain.

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna
Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng
mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of
EducationInstructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

11

You might also like