Professional Documents
Culture Documents
Ang Patnubay Sa Pagsasalin
Ang Patnubay Sa Pagsasalin
Ang Patnubay Sa Pagsasalin
FORMAT AT NILALAMAN
ANIM NA KABANATA
1. Kasaysayan ng Pagsasalin – mabilisang sulyap sa nagging mga karanasan sa
pagsasalin sa Filipinas at sa buong mundo. Ang simula at paglakas ng pagsasalin
bilang isang larangan at disiplina. Naitanghak ang ang naging kabuluhan ng
pagsasalin sa paglilipat ng kaalaman at palitan ng karunungan sa buong mundo.
2. Mga Simulain ng Pagsasalin – teoretikal na batayan sa pagsasalin. Ang halaga ng
malinaw na layunin kapag nagsasalin. Naididikta ng layunin ang lengguwahe at anyo
ng resultang salin. Ang mga tungkulin at katingiang inaasahan sa isang tagasalin.
3. Kaalamang Pangwika – paraan ng pagdidiin sa katangian ng tagasalin – ang
pagiging dalubhasa sa dalawang wikang kasangkot.
4. Paghahanda sa Pagsasalin – payo kung paanong naghahanda ang tagasalin sa
kanyang trabaho.
5. Aktuwal na Pagsasalin – tumatalakay sa mga karaniwang problema sa aktuwal na
pagsasalin at ang iba’t ibang kasangkapang maaaring gamitin ng tagasalin sa akto ng
muling-pagsulat ng isang teksto.
6. Ebalwasyon ng Salin – ang mga instrument ng puwedeng gamitin para masubok ang
bisa ng isang salin.
Dapat isipin ng gagamit ng patnubay na ito:
1. Hindi ito pangwakas at patnubay. Sa halip, isang panimulang pagtitipon ito ng mga
karanasan sa pagsasalin.
2. Hindi ito garantiya sa gagamit ng kanyang paghusay bilang tagasalin.
3. Hindi ito tungkol sa paghalaw o paghango. Higit na layunin ng patnubay ang pasisikap
na isalin ang lahat ng maaaring isalin mula sa isang wika tungo sa kabilang wika.
4. Hindi rin ito para sa mga interpreter. Pasulat na salin ang tuon ng patnubay na ito.
KABANATA 1
KASAYSAYAN NG PAGSASALIN
Doctrina Christiana (1953) Padre Juan de Plasencia ang unang aklat ay salin ng mga
pangunahing dasal at tuntunin ng simbahang Katoliko na kailangan sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa bagong sakop na kapuluan.
Theodore H. Savory (unibersal na gawain ng pagsasalin) “Sa lahat ng panahon at sa
lahat ng dako, isinasagawa ang mga salin alang-alang sa mga Dalisay na layuning
utilitaryo at walang ibang nasa ang tagasalin maliban sap ah-aalis ng hadlang na
naghihiwalay, dahil sa pagkakaiba ng mga wika, sa manunulat at sa mambabasa.”
Kasangkapan ang pagsasalin para ganap na makinabang ang isang bansa o pook sa mga
impluwensiya mula sa isang sentro o sulong na kultura.
Odyssey ni Livius Andronicus (nagsalin sa Latin). Pinakamatandang salin sa Latin.
Alexander the Great o Alexander and Dakila. Naging sentro ito ng Hellenismi at
karunungang Semitiko at nagtampok ng pinakamataas na pag-unlad ng saliksik at agham
na Griyego. (Alexandria)
Baghdad. Ang sityo ng pakikinabang sa dakilang pamana ng kulturang Griyego.
Sinasabing ang pagsulong ng karunungang Arabe ay bunga ng masiglang pagsagap – sa
pamamagitan ng salin tungo sa Arabe – sa mga sinulat nina Aristotle, Plato, Hippocrates,
at iba pang tinitingalang Griyego.
Isa pang silbi ng pagsasalin ay may kaugnayan sa pagsulong ng wika at kamulatang
Pambansa. Sa kasaysayan, maraming pagkakataon na ang saklaw at antas na pagsasalin
ay palatandaan ng pagsibol ng kamulatang makabansa. Tatak ng mataas na kapasidad ng
isang wika ang pagsasalin dito ng mga klasika at ibang iginagalang na akda sa daigdig.
Bibliya at akdang panrelihiyon ang unang focus ng pagsasalin sa panahong ito.
Ang unang salin sa Ingles ng Bibliya ay ginawa ni John Wycliffe.
Pinakamatandang namang salin sa Aleman ang ginawa ni Martin Luther noong 1522 at
1534, na sinasabing naging pamantayan sa pagkatatag ng wikang Pambansa ng Germany.
Ang Mga Buhay ng Bantog na Romano ni Plutarch ay isinalin sa Aleman noong 1579 ni
Jacques Amyot, ang obispo ng Amyot at may bansag na “prinsipe ng mga tagasalin.” Ang
salin ni Amyot ang pinagbatayan ng salin sa Ingles noong 1579 ni Sir Thomas North.
Tinawag ni Savory na “tanikalang-wika” (language chain) ang pangyayaring ito at malimit
maganap sa masiglang panahon ng pagsasalin sa Europa.
WIKA NG PAGBIBINYAG
Unang binalikat ng mga misyonerong nadestini sa Filipinas ang pag-aaral ng mga wikang
katutubo at ang paglilimbag ng mga aklat na nakasulat sa mga wikang katutubi upang
magamit sa paghimok sa mga katutubo na maging binyagan.
Ang unang aklat na may orihinal na mga piraso ng tula ay ang Memorial de la vida
Cristiana en lengua tagala (1605) ni Francisco De San Jose.
Ang unang diksiyonaryo, ang Vocabulario de la lengua tagala (1627) ni Fray Pedro de
San Buenaventura ay isang kasangkapan para matuto ng tagalog ang mga Espanyol.
Tekstong Krsitiyano. Isang makabuluhang mohon sa pagsasalin ang Meditaciones cun
manga mahal na pagninilay na sadia sa sanctong pag Eexercisions (1645) ni Fray
Pedro de Herrera. Ang Medicationes ay unang salin sa Tagalog ng mga gawaing
espiritwal o Exercitia spiritualia ni San Ignacio de Loyola mula sa Espanyol ni Pray
Francisco de Salazar.
Unang proyekto ang Manga panalanging pagtatagobilin sa calolova nang tauong
naghihingalo (1703) ni Gaspar Aquino de Belen. Ang libro ay salin ng
Recommendacion del alma (1613) ni Tomas de Villacastin.
Mahal na Passion na siyang unang pasyong patula sa Filipinas.
Aral na tunay na totoong pagaacay sa tauo, nang manga cabanalang gaua nang
manga maloualhating santos na si Barlaam ni Josaphat (1712) na salin ni Fray
Antonio de Borja sang-ayon sa teksto ni San Juan Damaceno.
Ang Barlaam at Josaphat ay batay sa buhay ni Buddha at nasalin sa wikang Arabe.
Noong 1584, isinama ni Baronius sina Barlaam at Josaphat sa listahan ng mga Banal
na Martirng Kristiyanismo.
Ayon kay Savory, ang isa sa katakatakang epekto ng pagsasalin sa kasaysayan ng mundo.
Batay lamang sa maikling paliwanag na ito ay hindi maipagtataka ang sigasig ng mga
misyonero na agad palaganapin sa Filipinas sa pamamagitan ng salin ang naturang
istorya.
Ang proyektong Memorial ni de San Jose ang susundan ng iba pang libro ng sermon at
platikas sa buong panahon ng kolonyalismo.
Bukod ditoy
SALIN PARA SA TANGHALAN AT ALIWAN
Bago matapos ang ika-18 siglo, ang pagsasalin ay magagawi sa mga akdang hindi
tuwiran gamit sa simbahan at seminaryo. Nagkaroon din ito ng paksain na bagama’t
sumasang-ayon sa doktrinang Kristiyano ay nagtataglay ng elementong sekular sa
kabuuan.
Ang awit at korido ay naging babasahing popular at aliwan sa tahanan.
Ang moro-moro ay may mga kuwento at nilalamang katulad ng awit at korido.
Ang mga awit at korido ay mula sa mga metrico romance samantalang ang moro-moro ay
may hiram na anyo at balangkas ng pagtatanghal sa comedia de capa y espada.
Bukod sa anyo, maaaring uriin ang mga naturang aliwan at pagtatanghal sa dalawang
pangkalahatang paksain.
Una, ang mga kuwento ng pakikipagsapalaran ng mga prinsipe, kabalyero, at
maalamat na tauhan, gaya nina Bernardo Carpio, Gonzalo de Cordoba, Doce Pares ng
Pransiya, Siete Infantes de Lara, Aladino, Duke Almansor, atbp.
Ikalawa, ang mga kwento ng kabanalan, gaya ng buhay nina Faustino at Matiadiana,
San Juan de Dios, Dona Marcela, at iba pang martir at santong Kristiyano.
Ang Florante at Laura ni Balagtas ay maaaring ituring na tulay at tugatog.
Tulay ito tungo kina Rizal at Bonifacio kung ituturing na kompletong orihinal na akda na
gumagamit lamang saknungang awit.
Tugatog ito ng panahon ng imitasyong metrico romance kung isasaalang-alang ang
patalstas mismo ni Balagtas sa bungad ng kanyang akda na ito ay hango sa “cuadro
historico” ng “Grecia.”
Katabi ng orihinal, dapat pang suriin kung hanggang saan ang nagaganap na pagsasalin at
kung gaano kalaki naman ang malikhaing orihinalidad na ibinuhos ng
manunulat/tagasaling Filipino.
Tungkol at Para sa Di Tagalog
Ang Maynila ang naging sentro ng gobyernong kolonyal.
Ang pinakamaagang limbag na akda sa wikang Ilokano, Kapampangan, o Bisaya ay
ikalawang hati na ng ika-18 siglo at malamang pang inimprenta sa Maynila.
Noong 1875, lumabas ang isang nobena ni Fray Francisco Encina na isina-Tagalog ni
Melchor Fernandez at isina-Bikol ni Ibo Mella,
Ang orihinal na akdang Urbana at Feliza (1854) ni Modesto de Castro ay nagkaroon ng
salin sa Ilokano ni Jacinto Caoile Marianoat nilimbag sa Maynila noong 1886 saka
isinalin sa Bikol ni Fruto del Prado.
May posibilidad ng salin mula sa katutubong wika ng Filipinas tungo sa Espanyol.
Naganap ito dahil din sa interes ng mga Espanyol na pag-aralan at iulat ang kultura at
panitikan ng mga Filipino.
Sa Vocabulario de la lengua tagala (1754 nina Fray Juan de Noceda at Fray Pedro de
Sancular ay gumamit ng mga bugtong, salawikain, dalit, tanaga, diona, at iba pang
maikling tulang Tagalog para ipaliwanag ang gamit ng ilang lahok sa diksiyonaryo.