Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

R epublic of the P hilippines

D epartment of E ducation
REG I O N V (BI C O L)
SC H O O LS D I VI SI O N O FFI C E O F I RI G A C I TY
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e
I RI G A C I TY

GAWAING PAGKATUTO
Pangalan ng Estudyante:_____________________________________
Asignatura/ Antas: Aralin Panlipunan 6
Petsa:__________________________

I. Panimulang Konsepto

ANG MGA PROGRAMANG IPINATUPAD NI PANGULONG RAMON MAGSAYSAY

(1953-1957)

Bilang pangulo, pinagtuunan ng pansin ni Pangulong Magsaysay ang mga


karaniwang tao. Iminulat niya ang mga mamamayan sa kanilang kakayahan na
tulungan ang kanilang isipan at sa kabutihang maidudulot ng pagkakaisa at
pagtutulungan. Upang ganap na maalis ang ligalig sa mga baryo ay ipinatupad ni
Magsaysay ang mga sumusunod na programa:

1) Pamamahagi o pagbibili ng mga lupaing sakahan sa mga kasamang


magsasaka o sa mga walang lupang sinasaka.

2) Pagbibigay ng pautang sa mga magsasaka, pagsasaayos ng mga daan at


tulay, at paglalaan ng tulong teknikal upang mapalaki ang produksyon.

3) Malawakang pagpapaunlad ng lingkurang-bayan sa mga baryo. Dahil sa mga


programang iyon, nabasan ang impluwensya ng mga Huk at ng kanilang ideolohiya
maka-komunismo. Nanumbalik ang paniniwala ng mga kasapi ng Huk sa mga
patakarang demokratiko at muling nakilahok sa mga programa ngpamahalaan.

Upang lalong magkaroon ng ganap na katuparan ang mga programang


nabanggit, ipinasa ni Magsaysay ang Agricultural Tenancy Act noong 1954. Ito ay
nagbibigay ng proteksyon sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng
karapatan sa kanilang mamili ng sistemang nais nilang mamagitan sa kanila at sa may-
ari ng mga lupang kanilang sinasaka. Pinagtibay din niya ang Agricultural Tenancy
Commission at ang Court of Agrarian Relations upang mamagitan at ayusin ang mga
usaping may kinalaman sa pagsasaka.

Itinatag din niya ang Presidential Complaints and Action Committee (PCAC)
upang tumanggap ng mga karaingan ng mga ordinaryong mamamayan at maparating
ito sa kanya, at mabigyan ng solusyon. Upang tugunanan ang mga pangangailangan
ng mga pamayanang etniko, itinatag niya ang Commission on National Integration .
ANG MGA PROGRAMA NI CARLOS P. GARCIA (1957-1961)

Batid ni Pangulong Garcia ang lumalalang suliraning pangkabuhayan ng bansa


kung kayat isinentro niya ang lahat ng programa ng kanyang administrasyon sa
pagtitipid. Ito ang tinatawag na Austerity measures. Ang iba pang layunin ni Garcia ay
ang mga sumusunod:

1) Maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng


Filipino First Policy o Pilipino Muna .

2) Maitaguyod ang dignidad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pakikipag-


ugnayan sa mga dayuhan hinggil sa usapin ng pagkakapantay-pantay.

3.) Matamo ang pagkakapantay-pantay ng kabuhayan sa pamamagitan ng


pagbibigay ng patas na pagpapahalaga sa agrikultura at industriya.

4.) Maitaguyod ang katarungang panlipunan at kagalingang panlahat. Mapigil, at


kung maaari, ay mawakasan ang katiwalian sa pamahalaan

Binuhay rin ni Pangulong Garcia ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng


pagbibigay ng mga gantimpala at parangal sa mga mahuhusay na Pilipino sa
larangan ng sining, agham, at panitikan. Ang sikat na grupong Bayanihan ay kanya
ipinadala sa ibang bansa upang ipakita ang iba’t ibang katutubong sayaw ng mga
Pilipino.

II. Kasanayang Pagkatuto Mula sa MELCs

 Natatalakay Ang mga programang ipinatupad ng Iba’t ibang administrasyon

sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kina kaharap ng mga Pilipino mula

1946 hangang 1972.

Ang Mga Programang Ipinatupad ni Pangulong Ramon Magsaysay


(1953-1957) at Pangulong Carlos P. Garcia (1957-1951)
III. Mga Gawain

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at Isulat sa iyong sagutang


papel.

1. Ano ang layunin ni Pangulong Magsaysay sa pag lungsad niya ng


kanyang mga programa tulad ng Pagpamahagi o pagbibili ng mga lupaing
sakahan sa mga kasamang magsasaka o sa mga walang lupang sinasaka?

a. Upang nabawasan ang impluwensya ng mga Huk at ng kanilang


ideolohiya maka-komunismo..
b. Upang Maibalik ang tiwala ng mamamayan.
c. Upang mapababa ang buwis ng mga manggagawa ng Pilipino.
d. Upang mapatibay ng batas namag papatibay sa karapatan ng
mamamayan.

2. Ano ang Layunin ng rpgramang Agriciltural Tenancy Act?

a. Ito ay batas na nagsasaad ng pag bawi ng mga Lupaing sakahan mula


sa malalaking korporasyon..
b. Ito ay Programang kung saan ang Amerika ay mag bibigay ng tulong
sa mga mag sasakang Pilipino.
c. Ito ay nagbibigay ng proteksyon sa mga magsasaka sa pamamagitan
ng pagbibigay ng karapatan sa kanilang mamili ng sistemang nais
nilang mamagitan sa kanila at sa may-ari ng mga lupang kanilang
sinasaka..
d. Wala sa nabanggit

3. Paano matatamo ang pagkakapantay-pantay ng kabuhayan ayon sa


Austerity program ni Pangulong Garcia?
a. sa pamamagitanng paghikayat na mamuhunan ang mga Amerikano sa
Pilipinas
b. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga bangko sa mga lalawigan
upang magpautang ng puhunang salapi sa mga magsasaka.
c. Sa pamamagitan ng pag gamit ng makabagong sandata mula sa
Amerika.
d. sa pamamagitan ng pagbibigay ng patas na pagpapahalaga sa
agrikultura at industriya.

4. Sa papaanong paraan Binuhay rin ni Pangulong Garcia ang kulturang


Pilipino?
a. sa pamamagitan ng pagbibigay ng patas na pagpapahalaga sa
agrikultura at industriya.

.b. sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gantimpala at parangal sa


mga mahuhusay na Pilipino sa larangan ng sining, agham, at panitikan.
c. Ito ay nag lalayong Pinag-ibayo ang mabuting pakikipag-ugnayan sa
ibang bansa sa Asya..

d. Lahat ng nabanggit

5. Ano ang Layunin ng “Filipino First Policy”?


a. Pagtatatag ng mga bangko sa mga lalawigan upang magpautang ng
puhunang salapi sa mga magsasaka.

b. Pagpapatibay ng batas na may kinalaman sa pagtataas ng sahod ng


mga manggagawa

c. Maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas

d. Maitaguyod ang dignidad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng


pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan hinggil sa usapin ng
pagkakapantay-pantay.

.B. Pagkikilala: Isulat ang titik “M” Kung ang sumusunod na programa
ay Mula sa Administrsyong Macapagal at “G” naman Kung sa
admnistrsyong Garcia.

_____1. Maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas sa


pamamagitan ng Filipino First Policy o Pilipino Muna .
_____2. ) Pamamahagi o pagbibili ng mga lupaing sakahan sa mga
kasamang magsasaka o sa mga walang lupang sinasala.
_____3. Pagbibigay ng pautang sa mga magsasaka, pagsasaayos ng
mga daan at tulay, at paglalaan ng tulong teknikal upang
mapalaki ang produksyon.
_____4. Malawakang pagpapaunlad ng lingkurang-bayan sa mga baryo.
_____5. Maitaguyod ang dignidad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan hinggil sa usapin ng
pagkakapantay-pantay
C. Buuin ang sumusunod na mga Programa ni Pangulong Garcia at
Magsaysay sa pamamgitan ng pag pili sa mga Salitang naaangkop.

Filipino First Policy o Pilipino Muna Agricultural Tenancy Act

Maitaguyod ang dignidad ng mga Pilipino

Commission on National Integration

Presidential Complaints and Action Committee

1. Maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng


____________________.

2. Itinatag din niya ang_________________ o (PCAC) upang tumanggap ng


mga karaingan ng mga ordinaryong mamamayan at maparating ito sa
kanya, at mabigyan ng solusyon.

3. ang ______________________noong 1954 ay nagbibigay ng proteksyon


sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatan sa
kanilang mamili ng sistemang nais nilang mamagitan sa kanila at sa may-ari
ng mga lupang kanilang sinasaka.
4. _________________________sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa
mga dayuhan hinggil sa usapin ng pagkakapantay-pantay.
5. Itinatag ang ________________________Upang tugunanan ang mga
pangangailangan ng mga pamayanang etniko,

VI. Pagtataya: Pagpapaliwanag: Magbigay ng maikling paliwanag sa mga


sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Paano inalis ni Pangulong Magsaysay ang ligalig sa mga baryo?


.
2. Bakit naging sentro ng pamamahala ni Pangulong Carlos P. Garcia
ang pagtitipid? Sa palagay mo, mabisang paraan ba ang pagtitipid
sa pamamahala ng bansa?
SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN A
1. A
2. C
3. D
4. B
5. C
GAWAIN B
1. G
2. M
3. M
4. M
5. G

GAWAIN C: Pagpapaliwanag: Magbigay ng maikling paliwanag sa mga sumusunod na


tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Paano inalis ni Pangulong Magsaysay ang ligalig sa mga baryo?


.
2. Bakit naging sentro ng pamamahala ni Pangulong Carlos P. Garcia
ang pagtitipid? Sa palagay mo, mabisang paraan ba ang pagtitipid
sa pamamahala ng bansa?
3. ang Agricultural Tenancy Act noong 1954 ay nagbibigay ng
proteksyon sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng
karapatan sa kanilang mamili ng sistemang nais nilang mamagitan
sa kanila at sa may-ari ng mga lupang kanilang sinasaka.
4. Maitaguyod ang dignidad ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan hinggil sa usapin ng
pagkakapantay-pantay.
5. Itinatag ang Commission on National Integration Upang
tugunanan ang mga pangangailangan ng mga pamayanang etniko,
VI. Pagtataya

1. Ang sagot ay maaring isa sa sumusunod:

a) Pamamahagi o pagbibili ng mga lupaing sakahan sa mga kasamang


magsasaka o sa mga walang lupang sinasala.
b) Pagbibigay ng pautang sa mga magsasaka, pagsasaayos ng mga daan at
tulay, at paglalaan ng tulong teknikal upang mapalaki ang produksyon.
c.) Malawakang pagpapaunlad ng lingkurang-bayan sa mga baryo.

2. Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaring iba-iba

IV. Rubrik sa Pagpupuntos

Pamantayan 5 4 3 2 1
1.May lawak at lalim ng pagtalakay
2.Malinaw ang pagpapahayag ng opinyon
SANGGUNIAN

 Project EASE, Aralin Panlipunan


 Module no. 16 Ang pag babago sa Ibat Ibang Pamamahala
 https://en.m.wikipedia.org
 Youtube.com : Ang ikatlong Republika at mga programa ng mga nagging Pangulo
nito.

Inihanda ni

HANSEL ANGELO D. PEREZ


San Nicolas Elementary School

You might also like