Group 1 Childhood Friends Script

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

CHILDHOOD FRIENDS Script

“Sa unang tingin, agad na nahumaling


Sa nagniningning mong mga mata
Ika'y isang bituin na nagmula sa langit
Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman
Mga gunita na laging naiisip
Sumisilip ang itinakda ng mahiwaga
Liwanag na dulot mo,nagbigay sinag sa madilim kong mundo
Ibang-iba ako kapag ikaw na ang kapiling
Sumisiping ang buwan at mga bituin
Na para bang sumasang-ayon sa atin ang kalawakan”
Paraluman- Adie

Villezca, Justine Calvin D.


Bojorcelo, Jairah Mae M.
Galilo, Sopia Chloe R.
Perez, Niña Angela P.
Scriptwriter/s

Ipinasa kay:
Bb. Michelle N. Bayron

Petsa:
Pebrero 10, 2022
CHILDHOOD FRIENDS SCRIPT

MGA KARAKTER:
Amelia- middle class, palakaibigan, may masaya at buong pamilya,
nag iisang anak, madaldal ngunit maalam, matalik na kaibigan ni
Ethan.
Ethan- anak mayaman, pumanaw ang ilaw ng tahanan pagkatapos
siyang isilang, nag iisang anak, madalas na makikitang may hawak
na libro, tahimik ngunit maalam, humahanga kay Amelia.
Gabriel- pinsan ni Ethan, kaibigan ni Amelia, palabiro at
madalas na asarin sa isa't isa si Ethan at Amelia.
Charlotte- simple ang pamumuhay, matalik na kaibigan ni Amelia,
mapang-asar at masayahin, mahusay na tagapakinig.

EPISODE 1
1.EXT.SCHOOL FIELD.UMAGA
Unang araw ng pasukan, si Ethan ay tahimik na nagbabasa ng libro
at nag-oobserba ng kapaligiran sa isang bench ng kanilang
paaralan. Si Amelia ay naglalakad papunta sa kanyang silid-
aralan at siya ay naaninag ni Ethan.
2.INT.SILID-ARALAN.UMAGA
Nang magsisimula na ang klase, pumasok na si Ethan sa silid-
aralan at nalamang magkaklase sila ni Amelia. Nagsimula na ang
klase sa unang araw ng pasukan.
GURO
Magandang araw sa ating lahat,kamusta naman ang inyong bakasyon?
Nakapagpahinga ba kayo? Isang masayang balik-eskwela sa inyong
lahat! Bago natin simulan ang ating klase, mayroon tayong isang
transferee student na galing Maynila. Ija, maaari bang ipakilala
mo ang sarili mo sa kanila?
AMELIA
(Tumayo si Amelia, pumunta sa harapan at ipinakilala ang kanyang
sarili.)
Hello, magandang umaga sa inyong lahat, ako nga pala si Amelia
Alcantara, 10 taong gulang at nakatira ako sa Goldenville,
Nasugbu, Batangas. Ang aking mga hilig gawin ay manood ng mga
pelikula, mag-alaga ng mga halaman at makipag-bonding sa aking
pamilya.
GURO
Mahusay! Maaari ka nang umupo, at simulan na natin ang ating
klase, kunin ang aklat niyo sa Filipino at buksan ito sa pahina
labin-dalawa.
AMELIA
(Bumalik sa kanyang upuan at nagsimula na nga ang kanilang
pagtatalakay.)
3.INT.KANTINA.TANGHALI
Oras na ng kanilang tanghalian, magkasamang kumain si Ethan at
Gabriel, samantalang si Amelia ay hindi alam kung saan pwe-
pwesto ng pagkakainan.
ETHAN AT GABRIEL
(Pumunta sa mesa at sabay silang kumakain.)
AMELIA
(Mag-isang kumakain ng kanyang tanghalian at tumingin kay
Charlotte.)
CHARLOTTE
(Tumingin din siya, ngumiti at kumaway kay Amelia.)
Hi! Halika, sabayan mo ko kumain.
AMELIA
(Lumipat kasama ng kanyang pagkain, tumabi kay Charlotte,
nakipag-usap at sumabay kumain.)
GABRIEL
Pre, pre kita mo ba yung transferee sa atin? Muka siyang mabait
at maganda pa siya.
ETHAN
(Tumingin kay Amelia, ngumisi at tinuloy ang pagkain.)
AMELIA
(Patuloy na nakipagkwentuhan kay Charlotte hanggang sa naging
magkaibigan na sila.)
4.INT.SILID-AKLATAN.HAPON
Tahimik na nagbabasa si Ethan nang biglang nakita niyang hindi
maabot ni Amelia ang aklat na kanyang gustong kunin. Nang
mahugot ni Amelia ang aklat ay nabagsakan ng mga aklat si Ethan
sa ulo.
AMELIA
(Sinusubukang kunin ang isang aklat ngunit hindi niya ito
maabot.)
ETHAN
(Tumingala kay Amelia.)
Miss, anong aklat ba ang gusto mong kunin diyan?
AMELIA
Yung pang-apat na aklat sana mula sa kaliwa hehehe.
ETHAN
Ahh.
AMELIA
(Kinuha ang aklat at nagsihulog ang mga aklat kay Ethan.)
ETHAN
Aray!

AMELIA
Hala! Ok ka lang? Pasensya na.
ETHAN
Ok lang ako, ikaw ba, hindi ka ba natamaan?
AMELIA
Oo, ayos lang ako. Sigurado ka ba na ayos ka lang?
ETHAN
(Ngumiti.)
Oo nga.
AMELIA
Ahh sige.
ETHAN
Amelia ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Ethan, Ethan
Enriquez.
AMELIA
Nagagalak akong makilala ka, Ethan. Salamat nga pala sa tulong
mo, yan tuloy nabagsakan ka.
ETHAN
Oo, ako din masaya akong makilala ka, di naman ako nasaktan
kanina, wala lang yun.
AMELIA
Ahh ganun ba, sige!
ETHAN
Mauna na pala ako, dapit-hapon na. Ikaw? Uuwi ka na ba?
AMELIA
Uuwi na rin ako baka hinihintay na din ako ni Nay at Tay. Sige
paalam!
5.EXT.KALSADA SA GOLDENVILLE.DAPIT-HAPON
Habang naglalakad nang magkahiwalay si Ethan at Amelia ay
nagkita silang dalawa. Nalaman ni Ethan na sila Amelia pala ang
bagong lipat nilang kapitbahay.
ETHAN
(Ngumiti at kumaway kay Amelia.)
AMELIA
(Lumapit at kinausap si Ethan.)
Uy! Dito ka rin pala nakatira, bagong lipat kasi kami dito
galing Maynila.
ETHAN
Ahh kayo pala ang bago naming kapitbahay.
AMELIA
(Nakita niyang may bukol sa ulo si Ethan dulot ng mga aklat na
bumagsak sa kanya.)
Hala! Bakit ka may bukol? Akala ko ba ayos ka lang kanina?
Halika, dito ka muna sa bahay namin gagamutin ko yang bukol mo.
ETHAN
Pasensiya na hindi ko sinabi, nakakahiya kasi sa iyo.
AMELIA
Suss, bat ka nahihiya? Pumarito ka muna sa‘min baka lumala pa
iyang bukol mo.
ETHAN
Sige.
6.INT.BAHAY NINA AMELIA.GABI
Pumunta muna si Ethan sa bahay nina Amelia para magamot ang
bukol. Nakilala niya ang mga magulang ni Amelia at doon narin
siya nag-hapunan.
AMELIA
Nay, tay nandito na po ako sa bahay.
EMILY
Oh, anak nandiyan ka na pala, luto na ang ating hapunan at
kumain ka na. Sino pala iyang kasama mo anak?
AMELIA
Siya po si Ethan nay, kaklase ko po at kapitbahay din po natin.
Nagkabukol po kasi siya dahil sa akin kaya dinala ko po muna
rito para magamot.
ETHAN
Magandang gabi po sa inyo.
AMELIA
(Kumuha ng yelo, ibinalot sa tela at nilagay sa bukol ni Ethan.)
ETHAN
(Pasimpleng tumitingin kay Amelia, gumaan ang loob niya sa
kanya.)
EMILY
Pagkatapos niyo diyan ay kumain na kayo ng hapunan. Dito ka
nalang din maghapunan sa amin Ethan at bukas pa yata makakauwi
ang tatay ni Amelia.
ETHAN
Sige po, salamat po sa paganyaya.
AMELIA
(Hinugasan ang mga plato.)
ETHAN
Uhm, Amelia, salamat nga pala sa paggamot at hapunan.
AMELIA
Wala yun.
ETHAN
Mauna na ko, baka hinahanap na ko ng magulang ko. Paalam, bukas
ulit.
AMELIA
Sige sige, paalam! Ingat ka!
7.INT.KUWARTO NI ETHAN.GABI
Nang nakauwi si Ethan ay gumawa siya ng takdang aralin at siya
ay nagpahinga.
ETHAN
(Habang siya ay nagpapahinga ay naalala niya ang naging
karanasan niya kanina kasama si Amelia. Napangiti siya at
nakinig nalang ng mga kanta.)
8.INT.SILID-ARALAN.UMAGA
Bago magsimula ang klase ay nag-kwekwentuhan ang mga mag-aaral.
AMELIA
(Pumasok sa silid-aralan at kumaway kay Ethan.)
ETHAN
(Ngumiti at kinawayan din si Amelia.)
GABRIEL
(Nakita niyang nag-kawayan sila parehas at lumapit siya kay
Ethan.)
Ano yun pre? Parang magkaibigan na kayo ah. Nagkakamabutihan ba
kayo? Ikaw ha, tahi-tahimik mo dati pero bat ngayon ngumingiti
ka na kay Amelia.
ETHAN
Wala yun pre, wag kang ma-issue di mo alam ang nangyari.
GABRIEL
Psst! Psst! Charlotte!
CHARLOTTE
(Lumapit.)
Bakit?
GABRIEL
Alam mo ba ang nangyari kila Amelia at Ethan kahapon?
CHARLOTTE
Hindi eh, bakit, magkaibigan na ba sila? Himala
nakikipagkaibigan ka na pala sa iba.
ETHAN
Nagkataon lang kasing magkapitbahay kami at nahulugan niya ako
ng aklat kahapon.
GABRIEL
(Tumawa.)
Hala weh?
ETHAN
Oo, tas ayun, naging magkaibigan na kami. May masama ba don?
GABRIEL
Wala naman, tinatanong ko lang.

9.EXT.PALARUAN.UMAGA
Naging matalik na magkaibigan ni Amelia si Ethan pati si
Charlotte. Ngunit, mas napalapit ang loob ni Ethan kay Amelia na
halos araw-araw silang nagkikita, nag-uusap, at naglalaro.
Laging masaya si Ethan kapag kasama niya si Amelia subalit hindi
niya alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman.
AMELIA
Ano na Ethan! Ikaw ang taya habulin mo ko!
ETHAN
(Hinabol sina Amelia, Gabriel, at Charlotte.)
10.INT.SILID-AKLATAN.HAPON
Sina Amelia at Ethan ay gumagawa ng kanilang takdang aralin.
ETHAN
Tapos ka na ba sa takdang-aralin? Tulungan kita diyan kung hindi
mo alam gagawin.
AMELIA
Hindi pa ko tapos pero kaya ko naman ‘tong sagutan.
ETHAN
(Lumapit.)
Weh? Patingin nga.
AMELIA
(Tinaob ang kuwaderno at tumawa.)
Oo nga kulit nito!
ETHAN
(Kiniliti si Amelia upang makita ang nakataob na kuwaderno.)
AMELIA
(Napasigaw sa sobrang kiliti.)
Tama na! Di ko na kaya!
LAYBRARYAN
Psst! Hoy bakit ang ingay niyo diyan?
AMELIA
Pasensya na po ma’am.
ETHAN
(Tumawa.)
11.INT.BAHAY NINA ETHAN.HAPON
Pumunta si Ethan kasama si Amelia sa kanilang bahay upang mag-
meryenda.
AMELIA
(Pumasok sa pintuan.)
Wow! Mayaman talaga kayo at ang gara ng bahay niyo! Sana ganto
din maging bahay ko balang-araw.
ETHAN
(Nagsalita nang pabulong.)
Oo naman, basta kasama mo ko.
AMELIA
Ha? Anong sabi mo?
ETHAN
Wala wala, kumain nalang tayo.
AMELIA
(Kumakain ng ensaymada at umiinom ng juice.)
ETHAN
Masarap ba?
AMELIA
Oo naman!
ETHAN
(Ngumiti.)
Halata nga eh, kita palang kung paano ka kumain.
AMELIA
Grabe ka naman, iwanan kita diyan eh.
ETHAN
Biro lang.
12.INT.MILKTEA SHOP.UMAGA
Ilang taon na ang nakalipas, sila ay mga nasa 20 anyos na,
patuloy parin ang pagiging magkaibigan nina Amelia at Ethan na
halos hindi na sila mapaghiwalay. Dito na tunay na naramdaman ni
Ethan ang totoo niyang pagtingin kay Amelia. Mahal na pala niya
ito.
ETHAN
(Nakaupo kasama si Amelia at para bang malalim ang iniisip.)
AMELIA
(Umiinom ng milktea.)
Ano pre, bat parang lalim ng iniisip mo?
ETHAN
Ano kasi, iniiisip ko lang kung ano kaya magiging kinabukasan
ko.
AMELIA
Huwag ka mag-alala andito naman ako para sa’yo na susuporta at
tutulungan anuman yan.
ETHAN
Sabagay, basta nandiyan ka lang sa tabi ko, masaya na ko.
AMELIA
Syempre, madaldal kaya ako at kaya kitang patawanin anong
klaseng katatawanan man yan.
13.INT.KANTINA.TANGHALI
Habang kumakain sina Amelia at Ethan ay pinag-uusapan sila nina
Charlotte at Gabriel.
GABRIEL
Grabe ang close nila sa isa’t-isa noh? Parang kailan lang.
CHARLOTTE
Oo, yang kaibigan kong si Amelia, palakaibigan talaga yan tas
mabait at maganda pa, san ka pa.
GABRIEL
Pero alam mo naman dati, bago dumating si Amelia dito ay napaka
tahimik at bihira kausap yang pinsan kong si Ethan. Hindi ko nga
alam kung may problema bayan eh, basta alam ko nagiging
malungkot siya tuwing kaarawan niya.
CHARLOTTE
Hah? Bakit?
GABRIEL
Namatay kasi yung nanay niya pagkatapos niyang ipanganak. Kaya
ayon, sinisisi siguro niya sarili niya sa pagkamatay ng nanay
niya. Buti nga nandiyan si Amelia eh, kahit papano masaya si
Ethan tuwing kasama siya.
CHARLOTTE
Matagal na silang magkaibigan eh, sa tingin mo ba magiging sila
sa huli?
GABRIEL
Hmmm, malaki ang tsansa na maging sila sa huli. Sa ngayon nga
parang nagkakahiyaan pa sila ng nararamdaman nila sa isa’t-isa
eh.
CHARLOTTE
Abangan nalang natin ang mangyayari sa mga kaibigan natin basta
lagi lang tayong sumuporta sa kanila.
GABRIEL
Oo, tama ka diyan.
14.INT.TAPSILOGAN.GABI
Habang kumakain sa tapsilogan, humingi ng tulong si Ethan kay
Gabriel tungkol sa gagawin niyang pag-amin ng tunay niyang
nararamdaman kay Amelia. Sinuportahan ni Gabriel si Ethan na
nagpalakas ng loob ni Ethan.
ETHAN
Pre, puwede bang humingi ng tulong? Yung kaibigan ko kasi gusto
nang umamin sa kaibigan niya kasi matagal na silang nagsasama
simula bata pa sila kaso hindi niya maamin ang nararamdaman niya
sa kaibigan niya, natatakot kasi siya na ma-reject siya.
GABRIEL
Hmmm, sino bayan?
ETHAN
Yung kaibigan ko nga.
GABRIEL
Sigurado ka? Baka ikaw yan?
ETHAN
(Nasamid sa iniinom na tubig.)
Ha? Bakit ako?
GABRIEL
Huwag mo nang ipagkaila, aminin mona sa akin, kaibigan mo naman
ako. Tsaka matagal ka na naming inoobserbahan ni Charlotte.
ETHAN
Oo na, ako na yun, masaya ka na?
GABRIEL
Sabi ko na nga ba, simula palang alam ko nang may nililihim kang
pagtingin kay Amelia eh. Ayaw mo lang sabihin kasi naduduwag ka.
ETHAN
Pasensya na pre, minahal ko na talaga siya simula pa dati, unang
tingin palang, nahumaling na agad ako sa kanya. Binago niya ang
takbo ng buhay ko, kinulayan at binigyan niya ng liwanag ang
mundo ko, at kinumpleto niya ang aking buong pagkatao. Ngayon
lang ako naging ganito pre sa buong buhay ko. Siya lang ang una
at tanging mamahalin ko. Kaya pre, tulungan mo naman ako.
GABRIEL
(Pumalakpak.)
Wow! San galing yang mga pinagsasabi mo? Tunay ngang nahulog ka
na kay Amelia. Gusto mo bang tulungan kita sa pag-amin kay
Amelia?
ETHAN
Oo pre parang awa mo na.
GABRIEL
Sige pre walang problema, makinig ka lang sa mga payo ko.
ETHAN
Salamat insan!
15.EXT.HARDIN.HAPON
Masayang nag-uusap at naglalakad sina Amelia at Ethan sa hardin.
Dito na ring naisip ni Ethan ang pag-amin sa tunay niyang
nararamdaman kay Amelia.
ETHAN
Amelia.
AMELIA
Bakit?
ETHAN
May sasabihin ako sa’yo.
AMELIA
Ano yun?
ETHAN
Naaalala mo ba yung panahong naging magkaibigan tayo? Yung
nabagsakan moa ko ng aklat sa ulo tapos nagkabukol ako?
AMELIA
(Ngumiti at tumingin kay Ethan.)
Oo naman! Di ko makakalimutan yun. Bakit, anong meron don?
ETHAN
Simula noon, parang nag-iba na yung direksyon ng buhay ko, yung
puti at itim na nasa kapaligiran ko nagiging bughaw kapag yung
isang taong yun kasama ko.
AMELIA
Ang drama mo naman! May problema ka ba?
ETHAN
Wala naman, gusto ko lang sabihin na may isang natatanging tao
sa buhay ko na nagpabago ng buhay ko.
AMELIA
Uy! May hinahangaan ka na?
ETHAN
Hindi lang ganoon, mahal ko na siya.
AMELIA
Bakit di mo sakin sinasabi, akala ko ba magkaibigan tayo, sino
ba’yan?
ETHAN
Basta dati parang mas gusto ko pang maging mapag-isa at magbasa
nalang ng mga aklat. Ang tatay ko rin naman kasi, sobrang abala
sa kompanya na parang hindi na niya ako naaasikaso. Pero, nung
nakilala ko na siya, parang guminhawa yung pakiramdam ko kasi
kapag kasama ko siya komportable at masaya ako.
AMELIA
Parang napaka-importante naman niyang taong iyan.
ETHAN
Gusto mong malaman kung sino?
AMELIA
Oo naman, si Charlotte ba’yan ha?
ETHAN
Hindi.
AMELIA
Edi sino?
ETHAN
Ikaw, Amelia.
AMELIA
(Napahinto sa paglalakad at tumingin kay Ethan.)
ETHAN
Ikaw lang ang mahal ko Amelia, simula pa sa una. Ikaw ang gusto
kong makasama sa habang buhay.
AMELIA
Uh, ganun ba, Ethan may sasabihin din kasi ako sa’yo.
ETHAN
Ano yun? May iba kang nang hinahangaan?
AMELIA
Hindi, may aaminin din ako sa’yo.
ETHAN
Ano?
AMELIA
Mahal din kita, Ethan.
ETHAN
Ha, totoo ba to?
AMELIA
Oo, tuwing magkasama tayo sumasaya lalo ang araw ko. Minsan
napaisip rin ako, ano magiging kinabukasan ko kasama ka.
Pasensya na matagal ko nang nililihim sa’yo ang nararamdaman ko.
ETHAN
(Naging emosyonal.)
Di ko alam kung ano sasabihin ko, basta alam ko lang sa sarili
ko na mahal na mahal kita.
AMELIA
(Niyakap si Ethan nang mahigpit.)
Nagpapasalamat ako na mahal mo din pala ako, sana panghabang
buhay na to.
16.INT.CAFE.UMAGA
Naging makulay lalo ang mundo nina Amelia at Ethan nang maamin
na nila ang kanilang tunay na nararamdaman para sa isa’t—sa.
Tinawag nina Amelia at Ethan sina Gabriel at Charlotte upang
ibalita ang nangyari sa kanila.
GABRIEL
(Humihigop ng kape.)
Anong nangyari bat niyo kami pinatawag?
CHARLOTTE
May naaksidente ba? Nasunugan?
AMELIA
Hindi, may ibabalita kami ni Ethan sa inyo.
ETHAN
(Hinawakan ang kamay ni Amelia.)
Kami na ni Amelia.
AMELIA
Inamin na namin yung tunay naming nararamdaman kahapon.
GABRIEL
Ayy weh? Congrats sa inyo!
CHARLOTTE
Bakit parang nagulat ako pero parang expected naman?
Basta maging masaya kayo palagi at patatagin niyo yang relasyon
nyo!
GABRIEL
Gawin niyo kaming ninong at ninang sa kasal niyo ha?

ETHAN
(Tumawa.)
Sige ba.
17.INT.BAHAY NINA AMELIA.GABI
Sina Amelia at Ethan ay nagdesisyong sabihin na sa kanilang mga
magulang ang kanilang relasyon at hihingi sila ng permisyo mula
sa kanila. Maghahapunan sila at lahat sila ay naka-upo na sa
mesa.
AMELIA
Nay, tay, may sasabihin kami sa inyo pati rin po ikaw tito Liam.
ANTON
Ano yun anak, importante bayan?
LIAM
Sabihin niyo na kung ano gusto niyong sabihin.
ETHAN
Papa, tita, tito, kami na po ni Amelia.
EMILY
Ha? Totoo ba yan?
AMELIA
Opo, nay. Nobyo ko na po si Ethan.
ANTON
Kailan pa?
AMELIA
Nung isang araw lang po.
ETHAN
Gusto ko po sanang humingi ng permiso sa inyo na kung pwede pong
maging nobya ko si Amelia.
EMILY
Parang kailan lang at magkaibigan pa kayo ah. Kung ano ang
ikasasaya ng anak ko, doon ako.
ANTON
Payag ako, basta huwag mo lang siyang lolokohin at sasaktan.
Kapag niloko mo siya, hindi kita mapapatawad, tandaan mo yan.
ETHAN
Opo, siya lang po ang tangi kong minamahal at mamahalin habang
buhay. Hindi ko pong magagawang lokohin siya.
LIAM
Anak, iyan na siguro ang pinili mong daan para sa iyong
hinaharap. Masaya ako sa inyong dalawa at nawa’y maging matatag
pa ang inyong relasyon. Siguradong masaya ang iyong Mama
Isabella kung nandito siya.
ETHAN
Salamat po sa inyo! Hinding-hindi ko po kayo bibiguin. Kung alam
nyo lang po kung gaano ko po kamahal si Amelia.
18.EXT.TAPAT NG BAHAY NINA AMELIA.GABI
Napakatamis ng gabing pinayagan na silang maging legal ng
kanilang mga magulang. Sobrang saya nila na parang sumasang-ayon
sa kanila ang kalawakan. Nag-usap sila sa tapat ng bahay nina
Amelia at doon nagsimula ang malalim na pagkilala nila sa isa’t-
isa.
AMELIA
Ethan, hindi ko inasahang ganito pala ang mangyayari sa atin.
Biruin mo naging magkaibigan tayo pero ito pala ang nakatadhana
para sa atin.
ETHAN
Oo Amelia, pero pinangarap ko na ‘to dati pa, na makakasama ko
na ang aking Paraluman habang buhay. Lagi mong tatandaan na
kahit ano mang mangyari, sa oras ng hirap at ginhawa, andito
lang ako sa tabi mo.
AMELIA
I love you.
ETHAN
I love you too.

Naging masaya ang kanilang araw nang maging legal na ang


kanilang pagmamahalan. Ang pagsasama nila bilang magkaibigan ay
nagbunga ng hindi mabilang na masasayang ala-ala, na nag-udyok
na mahalin nila ang isa’t isa. Tunay ngang kakaiba ang pag-ibig.

You might also like