Professional Documents
Culture Documents
Mga Gabay Sa Pananaliksik
Mga Gabay Sa Pananaliksik
Pananaliksik
Kahulugan ng Pananaliksik
• Sistematiko, matalino, at etikal na pagkalap ng impormasyon upang masagot ang
isang tanong o malutas ang isang suiranin. Sistematiko dahil hinihingi nito ang
pagsunod sa isang planadong proseso. May mga hakbang na kailangang sundin
upang matiyak na tama at maaasahan ang mga resultang makakalap, at naaayon sa
pondo at oras ang gawain, lalo pa at nililimitahan ng mga usaping ito ang
pananaliksik. Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik.
Naiintindihan niya dapat ang paksang sinasaliksik niya; alam niya kung paano pipiliin
ang mga impormasyong pakikinabangan niya at hindi; kaya niyang lapatan ang mga
ito ng malalim na pagsusuri; at kaya niyang ipaliwanag sa mundo ang kabuluhan ng
kaniyang pananaliksik. Etikal naman ito dahil kailangang panatilihin ng mananaliksik
ang katapatan sa buong proseso at iwasan hangga’t maaari ang paglabag sa
karapatan ng ibang taong maaaring masangkot sa pananaliksik, gaya ng mga
kukunin niyang respondent o ang mga awtor ng mga sangguniang gagamitin niya.
Kahulugan ng Pananaliksik
Isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng
pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang
pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan, inaayos ang
mga ito at pagkatapos ay sinusulat at inuulat ( Sauco, 1998).
Halimbawa:
Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na
lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit
na ito ay maaaring malunasan na sa hinaharap (Calderon at Gonzales, 1993)
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng
kalidad ng pamumuhay ng tao. Wika nga nina Good at Scates (1972), The purpose of
research is to serve man and the goal is the good life.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik sa komunikasyon at teknolohiya,
napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga makabagong kagamitan tulad ng
kompyuter, cellphone, fax machine at iba pa. Inaasahan na bunga ng patuloy na
pananaliksik sa larangang nabanggit, higit sa sopistikado at episyente ang mga kagamitang
maiimbento at gagamitin sa hinaharap (Calderon at Gonzales, 1993).
Layunin ng Pananaliksik
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Wika nga nina Good at Scates
(1972), The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.
Ayon sa Inkwiri
1. Rasyonalistik – nagsisimula sa isang umiiral na iskolarling teorya gamit ang mga pormal na
instrumento ng pangangalap ng mga datos. Sa pananaliksik na ito, ang teorya ay
tinatawag na take-of point ng inkwiri. Isang mahalagang konsiderasyon ng mananaliksik
ay mabalideyt o masulit ang teorya nang may pagsasaalang-alang sa mga pala-palagay ng
teorya.
2. Naturalistik – pag-unawa sa ugaling pantao ang pangunahing konsern ng mananaliksik
kung kaya iniimbestigahan niya ang mga iniisip, pagpapahalaga, persepsyon, aksyon ng
isang indibidwal o mga pangkat ng indibidwal.
3. Debelopmental – gumagamit ng mga sistematikong teknik at nagpapakilala ng mga
inobasyon batay sa mga siyentipikong tuklas ng pananaliksik. Layunin ng mananaliksik na
makalinang ng mga bagong materyales, kagamitan o serbisyo upang mapabuti ang
pamumuhay ng tao.
MGA URI NG PANANALIKSIK (Bernales et al., 2018)
Ayon sa Layunin
1. Batayan – tinatawag ding puro o pundamental na pananaliksik. Ang mga
praktikal na aplikasyon ng mga tuklas sa pananaliksik na ito ay hindi konsern ng
uring ito ng pananaliksik. Sa halip, isinasagawa ang pananaliksik na ito upang
malinang lamang ang buong siyentipikong kaalaman.
2. Aplayd – isinasagawa upang makatuklas ng mga sagot sa mga suliraning
pampananaliksik at nang maiaplay ang mga iyon sa mga tiyak na sitwasyon.
Isang tipikal na halimbawa nito ay ang aksyong pananaliksik sa pananaliksik na
ito, ang mananaliksik ay nag-aaral ng penomenon, nag-iintrodyus ng
interbensyon at nag-aaplay ng bagong kaalaman.
MGA URI NG PANANALIKSIK (Bernales et al., 2018)
Ayon sa Disenyo
1. Eksperimental –may dalawang kategorya: purong eksperimental (makikilala sa
tatlong bahagi – manipulasyon, randomisasyon, at kontrol na madalas
ginagamit sa eksperimentasyon) at kwasi-eksperimental na disenyo (kapag ang
partisipant ay hindi pinili nang pa-random o walang ramdomisasyon).
MGA URI NG PANANALIKSIK (Bernales et al., 2018)
Ayon sa Disenyo
2. Di-eksperimental – may sumusunod na sub-kategorya: deskriptib, historikal, korelasyonal,
ex post facto, at ebalwasyon. Inilalarawan lamang ang mga katangian ng isang
populasyon o penomenon sa deskriptib na disenyo. Kritikal na imbestigasyon naman ng
mga nakaraang pangyayari, debelopment o karanasan ang historikal na disenyo.
Ginagamit naman ang korelasyonal na disenyo kung layunin ng mananaliksik na tukuyin
ang relasyon ng dalawa o higit pang set ng datos. Ang disenyong ex post facto, kung
tutuusin, ay isang kwasi-eksperimental na disenyo, ngunit mauuri rin sa ilalim ng di-
eksperimental na pananaliksik. Dito, ang inkwiri ay nagsisimula matapos maganap ang
isang fact nang hindi kinokontrol ng mananaliksik ang independent na baryabol.
Panghuli, ang disenyong ebalwasyon ay ginagamit upang matukoy kung ang isang
programa ay epektibo o hindi. Layunin nitong makapagpasya kung ititigil o ipagpapatuloy
ang programang inebalweyt at kung ano-ano ang dapat gawin para sa pagpapabuti nito.
MGA URI NG PANANALIKSIK (Dr. Lakandupil Garcia et .al., 2008)
Sa aklat naman nina Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008), tinukoy ang ilan sa
mga responsibilidad ng sinumang mananaliksik:
1. Magkaroon ng panimulang kaalaman kung paanong isinasagawa ang
pananaliksik. Ang kaalamang ito ang gagabay sa mga hakbanging isasakatuparan
sa pananaliksik;
2. Alamin at pumili ng napapanahong paksa para sa isang partikular, tiyak at
napapanahong paksa para sa kanyang magiging pagsasaliksik. Inaasahang siya ay
may kakayahang mapaghiwalay ang mga ideyang batay lamang sa mga haka-haka
o opinyon at sa iniisip lamang na pangyayari;
MGA PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK (Bernales et al., 2008)
Sa aklat naman nina Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008), tinukoy ang ilan sa
mga responsibilidad ng sinumang mananaliksik:
3. Mabigyang-kahulugan ang suliranin ng pananaliksik. Tungkulin ng mananaliksik
na masuri niyang mabuti ang lahat ng aspekto ukol sa suliranin ng pananaliksik.
Ang pagtukoy niya sa lahat ng bagay ukol sa mga suliraning nais niyang isama sa
pananaliksik ay makapagbibigay-linaw at balidong resulta sa mga nais niyang
matuklasan;
4. Pumili ng mga impormasyong kailangan at mahalaga sa ikalulutas ng mga
suliranin. Tungkulin ng mananaliksik na gamitin ang kanyang kaalaman tungkol sa
iba’t ibang pamamaraan sa pangangalap ng mga datos at maging ang mga
nakalap niyang mga datos ay kailangan pa ring masuri;
MGA PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK (Bernales et al., 2008)
Sa aklat naman nina Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008), tinukoy ang ilan sa
mga responsibilidad ng sinumang mananaliksik:
5. Kumilala ng mga palagay/hinuha na may kinalaman sa suliranin ng pananaliksik.
Kailangang makita ng mananaliksik ang kaugnayan ng kanyang mga hinuha sa
ginagawang pananaliksik. Ang mga hinuhang ito ang magpapalinaw sa direksyong
tinatahak ng pananaliksik subalit dapat tandaan ng mananaliksik na ang mga
hinuhang ito ay hindi kailangang mapatunayang tama o kaya naman ay mali;
6. Kakayahang gumawa ng makabuluhang kongklusyon mula sa kanyang mga
inaasahan, palagay o hinuha at mga mahahalagang impormasyon. Ang isang di-
makatwirang kongklusyon ay nabubuo kung ang mananaliksik ay di-
makatarungan sa kanyang paghuhusga at ang mga paghuhusgang ito ay ayon
lamang sa kanyang personal na batayan;
MGA PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK (Bernales et al., 2008)
Sa aklat naman nina Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008), tinukoy ang ilan sa
mga responsibilidad ng sinumang mananaliksik:
7. Kakayahang lumikha ng makabuluhang palagay. Ang mga mananaliksik ay
kailangang maingat sa pagsasagawa ng mga hinuha upang maging makabuluhan
ang mga hinuhang ito sa aktwal na proseso ng pananaliksik - lalo na sa
pananaliksik na may kasangkot na mga pagsubok o pagsasanay;
8. Sanay manghusga sa katumpakan ng mga ginamit na pamamaraan patungo sa
pagbuo ng kongklusyon. Sa isang siyentipikong pananaliksik, ang pagpili ng
pamamaraang gagamitin ay isa sa pinakamahalagang desisyong nararapat
pagpasyahan. Ganoon din, ang proseso ng paghihinuha ay gumagaganap ng isang
mahalagang tungkulin sa kabuuan ng pananaliksik. Ang kongklusyong di-mabuti
ang pagkakabuo ay nakapag-aalinlangan; at
MGA PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK (Bernales et al., 2008)
Sa aklat naman nina Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008), tinukoy ang ilan sa
mga responsibilidad ng sinumang mananaliksik:
9. Maalam sa pagtataya ng kahalagahan ng nabuong kongklusyon. Nararapat na
mapatunayan ng mananaliksik na ang nabuong kongklusyon ay makabuluhan,
nababagay at nagbibigay-linaw sa mga ginawang rekomendasyon.
MGA PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK (Bernales et al., 2008)
PLAGYARISMO
Kamakailan, isang senador ang umani ng batikos sa mga netizen nang kopyahin niya
nang walang pagkilala ang isang blog at isalin at angkinin ang bahagi ng talumpati
ng isang dating pangulo. Isang mag-aaral din ng tanyag na pamantasan ang nalagay
sa malaking kahihiyan nang mabunyag ang pagsusumite niya ng larawang hindi niya
kuha sa isang timpalak sa potograpiya.
PLAGYARISMO
Halos perpekto kasi ang papel, malayo sa aktwal na kaalaman at kakayahan ng mga
estudyanteng notoryus na ang kahinaan ng isip at kapabayaan sa pag-aaral. Ang
hinala ng mga panelist ay lalo pang tumibay nang hindi maidepensa ng mga
estudyante ang resulta ng pananaliksik na kanilang kinopya lamang. Lumagpak ang
mga estudyanteng iyon hindi lamang sa kanilang defense kundi maging sa kanilang
subject. Pasalamat pa sila at hindi sila napatalsik sa paaralan at hindi na naghabol
pa ang orihinal na mananaliksik na kanilang pinagkopyahan!
MGA PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK (Bernales et al., 2008)
Ang tatlong yugtong ito ay dapat sundin kung gusto ng isang mananaliksik na
maging sistematiko ang kaniyang pananaliksik.
Maliban sa mga aklat na nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting
sumangguni rin sa mga magasin, dyaryo at iba pang babasahin. Huwag ikulong ang
sarili sa silid-aklatan bagkus ay isiping marami pang impormasyon na makukuha sa
paligid. Nariyan ang midya at internet.
PROSESO NG PANANALIKSIK
(http://www.edison.edu/library/research skills/Unit I/3 sixSteps.php,n.d.)
1. Pumili ng paksa - ang pagpili ng paksa ay pagkilala sa paksang nais gawan ng pag-
aaral. Ito ay maaring ibigay ng guro o kaya ay pinili ng mag-aaral. Tiyakin na
magiging kawili-wili ang paksang mapipili at may mapagkakatiwalaang hanguan
ng impormasyon upang maisagawa ang pananaliksik.
ANG PAGSISIMULA NG PANANALIKSIK
(Research Skill, n.d.)
Mga Hanguan ng Paksa
• Sarili - mula sa sariling karanasan, mga nabasa, napakinggan, napag-aralan, at
natutunan. Nangangahulugan ito na maaaring simulan sa sarili ang pag-iisip ng
mga paksang pagpipilian.
• Dyaryo at magasin - maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu
sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa mga kolum, liham sa
editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad ng lokal na balita,
bisnes, entertainment at isports.
• Radyo, tv at cable tv - maraming uri ng programa sa radyo at tv ang
mapagkukunan ng paksa. Marami na ring bahay, hindi lamang sa Metro Manila,
kundi maging sa mga probinsya, ang may cable tv. Mas maraming programa sa
cable dahil sa 24 na oras na balita, isports at mga programang edukasyonal.
ANG PAGSISIMULA NG PANANALIKSIK
(Research Skill, n.d.)
Mga Hanguan ng Paksa
• Mga awtoridad, kaibigan at guro - magtanong-tanong sa ibang tao.
Makatutulong ito upang makakuha ng paksang hindi lamang napapanahon kundi
kawiwilihan din ng ibang tao.
• Internet - isa sa pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong paraan ng
paghahanap ng paksa. Maraming mga websites sa internet na tumutugon sa iba-
ibang interes at pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao.
• Aklatan – bagama’t tradisyonal na hanguan ito ng paksa, hinsi pa rin
mapasusubalian ang yaman ng mga paksang maaaring mahango sa aklatan . Dito
makatatagpo ng iba’t ibang paksang nauugnay sa ano mang larangang pang-
akademya.
ANG PAGSISIMULA NG PANANALIKSIK
(Research Skill, n.d.)
Mga Hanguan ng Paksa
Sa puntong ito, kapaki-pakinabang marahil na pansinin ang naging
obserbasyon nina Atienza, et al. (1996):
Madalas, kapag nag-iisip na ang mananaliksik ng kaniyang susulatin,
papasok na ang aborsyon, prostitusyon, paninigarilyo, drug addiction, faith healing,
fiesta, at marami pang gasgas at gastado nang mga paksa. Bakit nga ba ordinaryo
at paboritong paksain ang mga ito? Dahil, mga karaniwang problema, pangyayari,
at elementong panlipunan ang mga ito. Madalas ding talakayin ang mga paksang
ganito sa akademya at sa midya.
ANG PAGSISIMULA NG PANANALIKSIK
(Research Skill, n.d.)
Mga Hanguan ng Paksa
Para maiwasan na ang inilahad na obserbasyob, kailangang maghanap at
mag-isip ng mga paksang wika nina Atienza ay hindi gasgas at gastado na na hango
sa alin man sa mga natukoy nang hanguan. Upang lalo pang matiyak ito,
iminumungkahi ang pagpili ng paksang kaugnay ng Wika at/o Kulturang Pilipino na
siyang requirement ng asignaturang Filipino sa kurikulum na ito.
ANG PAGSISIMULA NG PANANALIKSIK
(Research Skill, n.d.)
Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa
• Kasapatan ng datos. Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang
pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-
ngilan pa lamang ang mga abeylabol na datos hinggil doon.
• Limitasyon ng panahon. Tandaan, ang kursong ito ay para sa isa o dalawang
markahan lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong
ito. May mga paksa kasing mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa
dalawang markahan, upang maisakatuparan.
• Kakayahang pinansyal. Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga
paksang nangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa dalawang
markahan, upang maisakatuparan.
ANG PAGSISIMULA NG PANANALIKSIK
(Research Skill, n.d.)
Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa
• Kabuluhan ng paksa. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang
kabuluhan. Samakatuwid, kailangang pumili ng paksang hindi lamang
napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang
tao.
• Interes ng mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang
pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kaniyang kawilihan
o interes. Hindi na rin niya kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang
ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.
ANG PAGSISIMULA NG PANANALIKSIK
(Research Skill, n.d.)
2. Ilahad ang paksa bilang isang katanungan - nagkakaroon ng direksyon ang
pananaliksik dahil itutuon ng mananaliksik ang kaniyang pokus sa paghahanap
ng sagot sa katanungang nabuo.
10. Iulat ang resulta ng pag-aaral. Ito ang kulminasyon ng proseso ng pananaliksik
kung masinop na nagawa ng mananaliksik ang mga naunang hakbang. Sa
hakbang na ito, iniuulat ng mananaliksik sa paraang pasalita ang resulta ng pag-
aaral. Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng talakayang panel kung
ang pananaliksik ay ginawa nang pangkatan. Ang resulta ng pananaliksik ay
iniebalweyt din ng panel ng mga eksperto sa hakbang na ito. Maaaring sa
hakbang na ito ay may matutukoy ang panel ng mga ebalweytor na mga
kahinaan at pagkakamali sa papel pampananaliksik. Kung gayon, maaaring may
maimungkahi ang panel para sa pagpapabuti ng pananaliksik, kung kaya ang
mananaliksik ay mapipilitang bumalik sa alin man sa mga naunang natukoy na
hakbang.
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK ni
Blankenship (sa www.humankinetics.com) halaw sa Applied Research and Evaluation
Methods in Recreation
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
B. Kongklusyon
• Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong
nakalap.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
B. Kongklusyon
• Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin
ng Pag-aaral. Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga
katanungang iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
B. Kongklusyon
• Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga paktwal na napag-alaman sa inkwiri.
• Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implayd o indirektang epekto ng mga
datos o impormasyong nakalap.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
B. Kongklusyon
• Gawing maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon, ngunit tandaang kailangang
maihayag ang mga kailangang impormasyong resulta ng pag-aaral na hinihingi ng
mga tiyak o ispesipik na tanong sa Layunin ng Pag-aaral.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
B. Kongklusyon
• Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga
mananaliksik na sila’y may pagdududa o alinlangan sa validity at reliability ng
kanilang pananaliksik. Kailangan kung gayong iwasan ang mga salitang
nagpapahayag ng walang-katiyakan tulad ng siguro, marahil, malamang, baka, at
iba pa.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
B. Kongklusyon
• Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw at panahon ng pag-aaral.
• Ang mga kongklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag sa ibang
bahagi ng pamanahong-papel. Samakatwid, ang isang diwang una nang
nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon ng Isang Haypotetikal na Pag-aaral
Batay sa nakalap na datos at impormasyon ang mga mananaliksik ay
humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:
a. Pitumpu’t tatlong porsyento (73%) ng mga gurong nagtuturo ng Filipino sa mga
pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan ng Abra ay hindi kwalipayd.
b. Hindi sapat ang mga pasilidad na ginagamit sa pagtuturo ng Filipino sa mga
pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan.
c. Hindi sapat ang pondong inilalaan ng DepEd sa pagpapabuti ng kalidad ng
pagtututo ng Filipino sa mga pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Kongklusyon ng Isang Haypotetikal na Pag-aaral
Batay sa nakalap na datos at impormasyon ang mga mananaliksik ay
humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:
d. Below average ang nakuhang mean ng mga mag-aaral sa mga pampublikong
mataas na paaralan sa lalawigan ng Abra sa Achievement Test na inadminister
ng DepEd sa taong-akademiko 1999-2000 sa Filipino., at
e. Animnapung porsyento (60%) ng mga gurong nagtuturo ng Filipino sa mga
pampublikong mataas na paaralan sa Abra ay naniniwalang hindi kasiya-siya
ang istatus ng pagtuturo sa nasabing subject sa kani-kanilang paaralan.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon - mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
C. Rekomendasyon
• Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning
natuklasan sa imbestigasyon.
• Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman
natuklasan o natalakay sa pag-aaral.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon - mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
C. Rekomendasyon
• Bagama’t ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang
bawat isa’y maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at
makatarungan.
• Dapat maging balid at lohikal ang bawat rekomendasyon.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon - mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
C. Rekomendasyon
• Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong nasa posisyong magpatupad ng bawat isa.
• Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang
pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapapabuti ng mga iyon at/o mga hakbang
o paraan kaugnay niyon.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon - mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.
Mga Tagubilin (Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales,
1993) sa Pagsulat ng
C. Rekomendasyon
• Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o
pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon,
lokaliti at populasyon upang ma-verify, ma-amplify o mapasinungalingan ang mga
natuklasan sa pag-aaral.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon ng Isang Haypotetikal na Pag-aaral
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumung-
kahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan, o
institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:
a. Para sa mga superitendente at superbisor ng mga paaralang dibisyon sa
lalawigan ng Abra at mga prinsipal ng mga pampublikong mataas na paaralan
ng lalawigan, maging mahigpit sa pagtanggap ng mga guro sa Filipino.
Kailangang ipatupad ang minimum na kwalipikasyong itinatakda ng Serbisyo
Sibil sa pagtanggap ng mga bagong guro sa nabanggit na subject.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon ng Isang Haypotetikal na Pag-aaral
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumung-
kahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan, o
institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:
b. Para sa mga administrador ng mga pampublikong mataas na paaralan sa
lalawigan, hikayatin ang mga gurong nagtuturo ng Filipino tungo sa komplisyon
ng digrimg masteral, mga pagsasanay, mga seminar at/o worksyap sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo tulad ng promosyon, dagdag na
suweldo at/o parangal o distinksyon sa mga makapagpapataas ng kanilang
kwalipikasyong akademiko.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon ng Isang Haypotetikal na Pag-aaral
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumung-
kahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan, o
institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:
c. Sa DepEd at DBM, pag-aralan kung paano madaragdagan ang pondong inilalaan
sa pagpapabuti ng pagtuturo ng Filipino sa mga pampublikong mataas na
paaralan sa lalawigan ng Abra.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon ng Isang Haypotetikal na Pag-aaral
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumung-
kahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan, o
institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:
d. Sa mga administrador ng paaralan, guro, magulang, at mag-aaral samantalang
hindi pa nadaragdagan ang pondo para sa mga pasilidad sa pagtuturo ng
Filipino, magtulungan upang makapangalap ng pondo upang maibsan kahit
paano ang hindi kasapatan sa nasabing pasilidad.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon ng Isang Haypotetikal na Pag-aaral
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumung-
kahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan, o
institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:
e. Para sa mga administrador at guro ng mga paaralang pampubliko ng lalawigan
ng Abra, magsagawa ng mga klaseng remidyal upang maitaas ang lebel ng
kompetensi ng kanilang mga mag-aaral sa Filipino.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Rekomendasyon ng Isang Haypotetikal na Pag-aaral
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumung-
kahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan, o
institusyon ang mga sumusunod na rekomendasyon:
f. Para sa pamahalaang lokal ng lalawigan ng Abra, maglaan ng pondong
gagamitin sa pagpapabuti ng istatus ng pagtuturo ng Filipino sa lalawigan; at
g. Para sa iba pang mga mananaliksik at/o DepEd, magsagawa ng katulad na pag-
aaral hinggil sa ibang subject at/o sa ibang lokalidad upang mahanapa ng mga
posibleng solusyon ang iba pang matutukoy na suliraning pang-edukasyon.
MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
Mga Panghuling Pahina
• Listahan ng Sanggunian - isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o
sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.
• Apendiks - tinatawag ding dahong dagdag; maaaring ilagay dito ang mga liham,
pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey-
kwestyoneyr, biodata ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.
BAHAGI NG PANANALIKSIK (Research Paper Outline, n.d.)
Konseptong Papel
1. Pamagat - nagsisilbing paunang introduksyon sa pananaliksik. Mahalagang ang
pamagat ay magbigay ng ideya tungkol sa isinagawang pananaliksik ngunit hindi
gaanong mahaba at ibinibigay ang lahat ng detalye tungkol sa pananaliksik.
2. Abstrak - naglalaman ng buod ng pananaliksik, resulta ng pananaliksik nang
hindi lalagpas sa 200 salita. Mahalagang maingat itong maisagawa dahil ito ang
karaniwang binabasa ng mga taong interesadong mabasa ang ginawa mong
pananaliksik.
3. Introduksyon - dito ipinakikilala ang isinagawang pananaliksik. Makatutulong
ang paglalagay ng maikling kaligirang pangkasaysayan na naging daan sa
paglulunsad ng pananaliksik upang maunawaan ng mambabasa ang konteksto
ng pananaliksik. Huwag kalilimutang kilalanin ang pinaghanguan ng
impormasyon.
BAHAGI NG PANANALIKSIK (Research Paper Outline, n.d.)
Konseptong Papel
Estilong A.P.A.
Sa kabuuan ng talakayan kaugnay ng pananaliksik, makailang ulit binanggit
ang kahalagahan ng in-text citation, at pagkakaroon ng talaan ng pinaghanguan o
bibliograpiya.
Dat-rati, footnoting o paggamit ng talababa ang pinakagamiting paraan ng
dokumentasyon ng mga mananaliksik. Karaniwang ginagamit sa kasalukuyan ang
estilong APA o American Psychological Association. Ito ang tinatawag na talang-
parentetikal (parenthetical citation) na higit na simple at madaling gawin kaysa
footnote, bukod pa sa nagagawa nitong maging tuluy-tuloy ang daloy ng teksto sa
pagbabasa.
DOKUMENTASYON
Estilong A.P.A.
Dalawang pamamaraan ang maaring gawin sa in-text citation:
Paggamit ng signal na kataga tulad ng: Ayon kay ... o Nabanggit ni ...
Halimbawa:
• Isang awtor : Ayon kay San Juan (2005), “..........”
• Dalawang awtor: Ayon kina San Juan at Pasia (1979).....
• Tatlo hanggang limang awtor: Ayon kina San Juan, Cimafranca, Salvador at
Durano (1987).....
DOKUMENTASYON
Estilong A.P.A.
Dalawang pamamaraan ang maaring gawin sa in-text citation:
Paggamit ng signal na kataga tulad ng: Ayon kay ... o Nabanggit ni ...
Halimbawa:
Halimbawa:
Noong taong 2000, tumaas ng dalawangpung bahagdan (20%) ang bilang ng
mga turistang pumunta rito sa Pilipinas mula sa dami ng bilang ng mga dayuhang
turistang naitala ng Departamento ng Turismo noong 1996. dalawamopung
bahagdan (20%) din ang itinaas ng bilang ng mga turista noong 2004. gayon din ang
itinaas noong 2008. samakatuwid, lumilitaw na tumataas ng dalawampung
bahagdan (20%) ang bilang ng mga turistang dumadayo sa Pilipinas tuwing ikaapat
na taon mula 1996 hanggang 2008.
PRESENTASYON NG MGA DATOS
20%
0%
Category 1 Category 2 Category 3 Category 4
PRESENTASYON NG MGA DATOS
C. GRAPIKAL na PRESENTASYON - ang grap ay isang biswal na presentasyong
kumakatawan sa kwantiteytib na baryasyon o pagbabago ng mga baryabol, o
kwantiteytib na komparison ng pagbabago ng isang baryabol sa iba pang
baryabol o mga baryabol sa anyong palarawan o diagramatik ( Calderon at
Gonzales, 1993).
Nadeau, B.M. (Ed.). 1994. Studies in the history of cutlery. (Vol. 4). Lincoln:
University of Nebraska Press.
ANG LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na matatagpuan sa
http://webster.commet.edu/apa/apa htm#content2 ni Burgess, 1995)
Maddux, K. 1997. March. True stories of the interest patrol. Net Guide
Magazine, 88-98.
National Institute of Mental Health. 1982. Television and behavior: Ten years of
scientific progress (DHHS Publication No. A82-1195). Washington, DC:
US Government Printing Office.
ANG LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na matatagpuan sa
http://webster.commet.edu/apa/apa htm#content2 ni Burgess, 1995)
FONT
FONT
FONT
Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo hangga’t maaari. Ang maaari
lamang daglatin ay ang mga titulo tulad ng G., Gng., Bb., Dr., Prof., Rev., Kgg., PhD.,
Jr.; mga karaniwan nang akronim tulad ng USA, UNESCO, YMCA; at mga salitang
panukat tulad ng cm., mm., ft., lbs.,; mga pormula tulad ng H2O, Fe. Huwag na
huwag gagamit ng mga pinaikling salita gaya ng nakagawian sa paggamit ng e-mail
at cellular phone.
PASULAT na PRESENTASYON
Mga Tagubilin Kaugnay ng mga Sangkap at/o Pangangailangan ng Pananaliksik
BILANG NG PAHINA
PAGBABAYBAY AT PAGBABANTAS
PROOFREADING AT EDITING
PROOFREADING AT EDITING
PROOFREADING AT EDITING