Week 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Name: Grade/Section: Grade IV - Mahogany

Week/Quarter: Week 1 / Quarter 3 Date: February 14 – 18, 2022


THIRD QUARTER
ESP – WEEK 1 AND 2
Binabati kita sa mahusay na pagtapos ng ikalawang markahan. Naipakita mo ang pagiging mahinahon, mapagkumbaba, bukas
palad, at paggalang sa kapwa.
Handa ka na para sa mga aralin ng ikatlong markahan. Sa unang linggo ng araling ito ikaw ay inaasahang mapahalagahan ang
kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal tulad ng
kuwentong bayan, alamat, mga epiko at di-materyal gaya ng mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa nakatatanda at iba pa.

Suriin ang mga larawan sa itaas.


Ano ang pinahahayag ng mga larawan?

Ginagawa mo rin ba ang mga kaugaliang ito?

Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ito ang nagibibigay sa isang bansa ng kaniyang sariling
pagkakakilanlan. Nakikilala tayo bilang isang lahi sa pamamagitan ng ating pagkain, pananamit, mga laro, kuwento, mga
pambansang sagisag, kaugalian o mga awit.

Paano mo maipapakita ang iyong pagiging maka-bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa sariling kultura?

Basahin ang talaan ng dalawang uri ng kultura sa Pilipinas.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Suriin ang mga halimbawa ng kulturang Pilipino. Isulat ang M kung ito ay sa materyal at DM
naman kung sa di-materyal na kultura. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______ 1. Paniwala ng mga Kristiyano na may langit sa kabilang buhay.
______ 2. Mano po Inay.
______ 3. Si Lam-Ang
______ 4. Si Juan at ang Alimango
______ 5. Ang Alamat ng Lanzones

Nakakita ka na ba ng gumugulong na palay? Tunghayan at basahin ang alamat tungkol sa palay.


Ang Alamat ng Palay
Isinakuwento ni Nida C. Santos
Noon, hinihintay lamang ng mga tao ang pagdating ng palay sa kanilang bahay. Malalaki at dilaw ang mga butil ng palay
noon. Kusang gumugulong ito patungo sa bahay-bahay.
“Magpapagawa ako ng malaking bahay,” Ito ang naisip ni Tandang Olay. “Lalong bubuti ang buhay ko kaysa sa aking
mga kapitbahay kung higit na marami akong palay.” Ngunit hindi pa natatapos ang bahay ni Tandang Olay, nakita niyang
dumarating na ang malalaking butil ng palay. Tuloy-tuloy ang mga ito sa kanyang bahay.
“Huwag muna kayong tumuloy!” sigaw ni Tandang Olay. “Hindi pa tapos ang aking bahay!”
Ngunit patuloy na gumugulong ang mga butil ng palay sa bahay ni Tandang Olay. Nagalit ang matanda. Kumuha siya ng kaputol
na kahoy. Pinaghahampas niya ang malaking butil ng palay. Nagka durog-durog ang mga ito.

“Olay, bakit mo sisaktan ang palay na kaloob ko sa iyo?” ang wika ng isang tinig. “Dahil dito sa ginagawa mong ito ay di na
muling gugulong ang palay sa inyong bahay. Mula ngayon, magpapatulo muna ng pawis ang tao bago mag-ani ng palay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Iguhit ang palay ( )kung wasto ang impormasyon tungkol sa alamat at dahon naman
kung hindi ito wasto. Iguhit ang sagot sa sagutang papel.
____1. Sagana noon ng palay ang mga tao.
____2. Kusang gumuhulong ang palay patungo sa bahay ng mga tao.
____3. Mahal ang presyo ng palay noon.
____4. Malaki at dilaw na dilaw ang butil ng mga palay.
____5. Magpapatulo muna ng pawis ang tao bago mag-ani ng palay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Masdan ang mga larawan. Piliin ang mga nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Kulayan ng pula ang puso kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at asul naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4. Buuin ang bahagi ng bahay na nagpapakita ng pagpapahalaga o pagmamahal sa kultura. Gupitin at
idikit sa kahon sa ibaba na korteng bahay.
Basahin ang maikling kuwento sa harap ng iyong kasama sa bahay.
Alamat Ni Maria Makiling
Si Mariang Makiling ay isang diwata na mayroong magandang mukha, mahabang buhok, at mabuting kalooban. Kahit isa siyang
makapangyarihang diwata ay nakikihalubilo pa rin siya sa mga mortal.
Madalas siya nagtutungo sa palengke upang mamili ng pagkain. Dito ay nakilala niya ang isang magsasakang mortal. Naging kaibigan
niya ito at kalaunan ay nagkapalagayan sila ng loob at nag-ibigan.
Lagi siyang dinadalaw ng lalaki sa kabundukan at doon sila namamasyal. Habang abala si Maria sa kaniyang minamahal ay panay naman ang
kuha ng ilang mortal ng kaniyang mga prutas at gulay na nagiging ginto. Batid ni Maria ang ginagawa ng mga tao ngunit pinalampas niya ito
dahil sa kaniyang minamahal.
Isang araw, isang opisyal ang dumating sa bayan at sinabing gagawing sundalo ang lahat ng kalalakihang wala pang asawa at
ipadadala sa digmaan.
Upang makaiwas sa responsibilidad, ninais ng lalaki na ikasal sa isang mortal na babae.
Sinabi niya ito kay Maria na labis namang nagdamdam. Natuloy ang kasal ng lalaki ngunit kinagabihan ay umulan nang malakas na
sinundan pa ng isang lindol. Nayanig ang lupa at nawala ang mahihiwagang puno ni Maria.
Hindi na rin nakita pa si Maria ng mga mortal at hindi na rin maakyat ang kaniyang kabundukan. Nawala na ang biyayang hatid sa
kanila ni Maria.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5. Punan ang mga patlang ayon sa binasang kuwento. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Pamagat ng kuwentong bayan na binasa: __________________________________________________________
2. Naramdaman habang at pagkatapos mag-basa:
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
3. Bahagi ng kuwento na tumatak sa isipan:
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
4. Mensahe ng kuwento:
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
5. Uri ng pamanang kultura: ___________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6. Iguhit ang watawat ng Pilipinas sa sagutang papel. Kulayan ito. Kumpletuhin ang, “Pangako Ko, Tutuparin
Ko”. Pumili sa loob ng kahon ng wastong sagot sa patlang

Diyos

pahahalagahan

kulturang

Ako si __________________________ bilang isang maka-bansa ay


nangangakong________________________ang
_________________________ Pilipino.

Naniniwala ako na gagabayan ako ng


_____________________.

_____________________
Lagda

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7. Gumawa ng pakikipanayam sa inyong mga lolo at lola. Tanungin sila ukol sa kulltura noong
unang panahon. Maaari silang tanungin ukol sa mga awitin, sayaw at libangan noong kanilang panahon. Ipalarawan ang mga
Pilipino noon ayon sa kanilang gawi, kaugalian at mga pagpapahalaga. Pagkatapos ay ihambing ito sa kasalukuyan.
Panuto: Buoin ang mahalagang kaisipang ito. Maaring pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Bilang bata marapat na mapahalagahan ang (1.) __________ sa pamamagitan ng pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o
pagbabasa ng mga pamanang kulturang (2.) ______________ tulad ng (3.) ________________ bayan, alamat, mga epiko at
(4.)______________ gaya ng mga magagandang (5.)_______________, pagpapahalaga sa nakatatanda at iba pa.

Repleksyon:

Sumulat ka sa iyong Journal Notebook ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________.

THIRD QUARTER
ENGLISH IV
Lesson: Using Adverbs

In our previous lesson about adverbs, you defined adverb as a word or phrase that modifies or qualifies an adjective, verb, or other adverb in a
sentence.
Now, let me check if you can still remember adverbs. Try to answer the activity about adverbs.

Directions. Read the sentences carefully.


1. Lito drives slowly.
2. He is being distracted by the scorching heat of the sunlight.
3. The brightly shinning sunlight affects some people’s driving.
4. Gianna stays at home during noontime to avoid over exposure to sunlight.
5. She played outside the house in the afternoon.

Answer the following questions. Write your answer in the space provided.
1. How did Lito drive? __________________________________________
2. How was the heat of sunlight described?
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
3. How was the shinning sunlight described?
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
Your answers are all adverbs of manner. Adverb of manner answers the question how. However, there are other kinds of adverb aside from
this.

Answer the following questions. Please refer to items number 4 and 5.


4. Where does Gianna stay during noontime? _____________
5. When does she play outside the house? ________________
____________ is the answer to question number 4. At home is an example of adverb of place. Adverb of place answers the question where.
For question number 5, the answer is _______________. In the afternoon is an example of adverb of time. Adverb of time answers the
question when.

Learning Task No. 1


Directions: Read and analyze the children’s conversation.

John: Peter has been absent since last Monday. I wonder what happened to him. Has anyone of you seen Peter?
Nathan: He happily ate pancit Chami at our home this morning.
Joseph: I saw him in the playground actively playing Sepak Takraw yesterday afternoon.
Martha: He quickly bought some cookies at the bakery this morning.
Mary: I saw him near the basketball court during recess.

Answer the questions about the children’s conversation. Identify and write in your answer sheet the kind of adverb used in the sentence.
1. Where did Peter eat this morning?

2. Where did Joseph see Peter yesterday afternoon?

3. Where did Mary see Peter during recess?

4. Where did Peter buy the bread this morning?

5. Since when has Peter been absent?

6. When did Peter eat at Nathan’s house?

7. When was he seen near the basketball court?

8. How did Peter eat pancit Chami at Nathan’s house?

9. How did Peter play Sepak Takraw at the playground?

10. How did Peter buy some cookies at the bakery?

Learning Task No. 2


Directions: Read each sentence carefully and choose from the underlined words the adverb used. Write your answer in your answersheet.
1. Marie was born in Lucena City.
2. The old woman walks slowly.
3. I spent my vacation at home due to COVID-19 pandemic.
4. The Grade IV parents will render an intermission number in the General Parents and Teachers Association’s meeting on Friday.
5. We often see nurses and doctors in the hospital.
6. The school head welcomes the visitors gladly.
7. Responsible learners fix their school things properly before going to school.
8. The weather is fine today.
9. The children are actively playing Badminton at the park.
10. My family goes to church every Sunday to pray and praise the Creator.

Learning Task No.3


Directions: Use the appropriate adverb in the box to complete the sentence. Adverbs from the given choices can only be used once.

1. Chiara cleans her study area _______________ so that her mother will be happy.
2. She works on her written tasks ______________.
3. She sings _____________ as she performs her performance task in Music 4.
4. Joni Marie, Chiara’s classmate shared her experiences during the Virtual Kumustahan _______________.
5. The Grade IV learners happily join the Virtual Kumustahan with their teacher while _____________.

Learning Task No. 4:


Directions: Read each sentence carefully and answer the question in a complete sentence.

1. The teacher observes the pupils carefully in the classroom.

How does the teacher observe the pupils in the classroom?


__________________________________________________________________
2. Sofia speaks loudly during class recitation.

How does Sofia speak during class recitation?


__________________________________________________________________
3. Mike expressed himself clearly during the presentation of Science Investigatory Project yesterday.

When does Mike express himself clearly during the presentation of Science Investigatory Project?
____________________________________________________________________
4. Lester reacts reasonably to situation analysis given by the teacher.

How does Lester react to situation analysis given by the teacher?


____________________________________________________________________
5. Andrei prepares his assignment at the library.

Where does Andrei prepare his assignment?


____________________________________________________________________

Learning Task No. 5


Directions: Use adverbs (adverbs of manner, place and time) in the box to complete the sentences.

Santos family goes to church _____________________. They go to church every ________________________. They listen to
the word of God ___________________. The preacher reads the gospel clearly and ____________. Rosalia and Jonathan lead the
praise and worship songs ___________. Josiah plays the organ _____________. After church, they visited __________ and have
some fun. While at the park, Ginnard saw and liked banana sold __________________. The whole family ____________ ate
banana cue and Buko juice while sitting on the bench. From the park, their family walked home ___________.

A. Directions: Choose the correct adverb to complete the sentences given


below.
1. Alexi went to visit her grandmother at Lucban, Quezon _____________.
A. next month C. tomorrow

B. today D. yesterday
2. She _____________ approach and hug her grandmother.
A. cheerfully C. sadly
B. easily D. angrily
3. Alexi’s mother cooks food for the family ______________.
A. everyday C. next week
B. last night D. tomorrow
4. Some children ______________ go from house to house.
A. easily C. loudly
B. happily D. correctly
5. They joyously watch the live fishes inside the ______________.
A. aquarium C. refrigerator
B. basket D. pigpen

Directions: Use adverbs (adverbs of manner, place and time) in sentences.


1. carefully

___________________________________________________________
2. neatly

___________________________________________________________
3. early

___________________________________________________________
4. at the kitchen

___________________________________________________________
5. today

____________________________________________________________

Reflections:

In your journal Notebook, write their personal insights about the lesson using the prompts below.
I understand that ______________________________________________________.
I realize that ___________________________________________________________.
I need to learn more about ____________________________________________.

THIRD QUARTER
MATHEMATICS IV

LESSON:IDENTIFIES PARALLEL, INTERSECTING AND PERPENDICULAR LINES


Name: ____________________________________________________________________________

In this lesson, let’s learn the name of different type of lines.


Look at the white lines on the sides of this street. These lines go in exactly the same direction. So, the distance between them always stays the
same.
Do you think these two lines will ever meet?
No! They won't! These are called parallel lines. Parallel lines go in exactly the same direction. They always have the same distance between
them and never meet at any point at all.
Now, let’s examine the letter X, do you notice the two lines that cross each other? These lines are intersecting lines. Intersecting lines cross
or meet each other at a certain point.
On the other hand, Perpendicular lines are defined as two lines that meet or intersect each other at right angles (90°). These lines can be
found when we cut a square-shape sandwich from side to side. Another example of Perpendicular line is the capital letter L.

A ruler can be defined as a tool or device used to measure length and draw straight lines.
A set square or triangle is usually plastic or metal device that is shaped like a triangle and used for drawing straight lines and angles.
Steps in Drawing Intersecting, Parallel and Perpendicular Lines
A. Intersecting Lines
Step 1. Using any of the three devices, draw a straight line, use small letter to name the line.
Step 2. Create another line passing to any point of the first line and write another small letter for the name of the second line.
B. Parallel Lines
Step 1. Draw a line and take a point outside the line. Place any side of the set square forming the right angle along the line.
Step 2. Place the ruler along the other side of the set square forming the right angle as shown in the figure. The ruler is to be kept fixed.
Step 3. Slide the set square along the ruler upwards such that the point lines along the arm of the set square.
Step 4. Remove the ruler and set square. Then name the two lines as line j and line p respectively.

C. Perpendicular Lines
Step 1. Draw a line with point W marked on it.
Step 2. Without removing the ruler, place set square on top of the scale. Align the set square so that its edge is at point W.
Step 3. Remove the ruler and place it on the edge of the set.
Step 4. Remove the set square and draw a line along the ruler passing through the point W.
Step 5. Remove the ruler, the drawing of the two lines and name your line line a and line b, respectively.

Learning Task 4
True or False. Write True on the blank if the statement is correct and write false is the statement is incorrect.
_____1. Parallel lines never intersect or cross each other.
_____2. Intersecting lines never cross or meet at any point at all.
_____3. Perpendicular lines are a special type of intersecting lines that intersect and form four square corners.
_____4. The two lines cross each other at one point are called intersecting lines.
_____5. The distance between two parallel lines is always stays the same.

Learning Task 5
Draw the following lines in the box and identify the lines formed.
1. line CD and line DE
2. line CA and line RE
3. line BE and line ST

“Remember that, parallel lines are lines that do not meet. Intersecting lines are lines that cross each other.Perpendicular lines are lines
that intersect and form square corners”.

Learning Task 6
For 1-3: Write PE if the line is perpendicular, PA if parallel and IN if intersecting on the blank before the number.

_________1. What type of line does the picture represent?

_____2. What type of line does the picture represent?

_____2. What type of line does the picture represent?

_______3. What type of line does the picture represent?

_____4. What type of lines does the picture represent?


a. Perpendicular Lines and parallel lines
b. Parallel Lines and intersecting lines
c. Intersecting Lines and perpendicular lines
d. None of the above

_____5. What type of lines does the picture represent?


a. Perpendicular Lines and parallel lines
b. Parallel Lines and intersecting lines
c. Intersecting Lines and perpendicular lines
d. None of the above

Learning Task 7
On the space provided inside the box, draw the following lines using ruler and set square. Name the line with a small letter.

1. Intersecting lines 2. Parallel lines 3. Perpendicular lines


2. Parallel lines

4. Line intersecting two parallel lines 5. Line intersecting two perpendicular lines

The learner, in their journal notebook, will write their personal insights about the lesson using the prompts below.

I understand that ___________________.


I realize that ________________________.
I need to learn more about __________.

THIRD QUARTER
ARALING PANLIPUNA IV
LESSON:
Kahulugan at Kahalagahan ng Pambansang Pamahalaan

Sa araling ito ay iyong matutunan ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan


Kaya bilang mag- aaral ikaw ay inaasahang:
a) Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan.
b) Naiisa – isa ang mga kahalagahan ng pambansang pamahalaan
c) Napapahalagahan ang pambansang pamahalaan.

Ngayon ay iyong alamin ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan. Basahin ang teksto sa ibaba.

Ang Kahulugan at Kahalagahan ng Pambansang Pamahalaan


Malaki ang ginagampanang papel ng pamahalaan sa buhay ng mga tao.
Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng mga tao na naglalayon magtatag ng
kaayusan at mapanatili ng isang sibilisadong lipunan.
Ilan sa mga layunin na hinahangad na maisakatuparan ng mga pamahalaan sa buong mudo ay kasaganaan sa ekonomiya para sa bansa,
ligtas ang mga pambansang hangganan at kaligtasan at kagalingan ng mga mamamayan.
Nagbibigay din ng benepisyo para sa kanilang mamamayan.
Para makamit ang layunin ng pamahalaan, ito ay gumagawa ng batas, nagpapatupad ng mga batas at nagbibigay ng interpretasyon ng batas.
Ang pamahalaan ay karaniwang nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng pangkabuhayan, pangangalaga at edukasyon, pangsibil at
pampolitika.
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay demokratiko at may sistemang presidensyal. Ang pangulo ang may pinakamataas na posisyon sa
pamahalaan katuwang ang pangalawang pangulo.
Ano ang pambansang pamahalaan?

Sino- sino ang bumubuo nito?

Ano – ano ang kahalagahan na naibibigay nito sa mga mamamayan?

May naisip ka pa bang dahilan kung bakit umiiral ang isang pamahalaan?

Magiging matatag kaya ang ating bansa kung wala itong pamahalaan? Bakit?

Sa isinagawang pagpoproseso ng mga gabay na tanong ay nagkaroon ka ng kaalaman sa kahulugan ng pambansang pamahalaan at
kahalagahan nito.

Panuto: Tignan ang dayagram. Isulat sa loob ng kahon ang kahalgahan ng pambansang pamahalaan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Sangay sa Tagapagpaganap Sangay sa Tagapagbatas


Kapangyarihan ng tatlong sangay Sangay sa Tagapaghukom
ng pamahalaan

B. Buuin ang kahulugan ng pamahalaan


Ang ________________ ay isang samahan o _____________na itinataguyod ng mga grupo ng _____________ na
naglalayong magtatag ng __________at mapanatili ng isang _______________lipunan.

Pagkatapos mo malaman ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan linangin mo pa ang iyong mga kaalaman sa
pamamagitan ng pagawa ng mga sumusunod na gawain.

Gawain I
Panuto: Pillin ang mga parirala o kaisipan na nagsasabi ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan. Isulat ang tama at mali
naman kung hindi nagsasabi ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan
__________1. pinanatili ang kaayusan at katahimikan
__________2. nagpapatupad ng mga batas para sa pansariling interes ng opisyales
__________3. pinipigilan ang kagustuhan ng mga tao
__________4. pinapaunlad ang kabuhayan ng mga mamayan
__________5. Itinataguyod ang mga karapatang pantao

Gawain II
Panuto: Isulat ang puso kung tama ang ipinahahayag at bituin kung hindi.
_______1. Ang pamahalaan ang nagbibigay ng mga serbisyo para sa ikakabuti ng mga mamamayan.
_______2. Mabilis ang pag-asenso ng lalawigan kung walang pamahalaan.
_______3. Hindi na kinakailangan ng mga namumuno sa bayan.
_______4. Mahalaga rin ang suporta ng taumbayan sa pamahalaan para sa ikatatagumpay ng mga programang ito.

Gawain III
Panuto: Punan ang mga kahon ng tungkulin at serbisyo na naibibigay ng pamahalaan.

Pamahalaan

Tungkulin Tungkulin

Gawain IV
Panuto: Nakakarinig ka na ng pagsalungat sa pamahalaan, kung ikaw ay magiging tagapagsalita para sa pamahalaan, paano mo
ipapaliwanag at sasabihin ang kahalagahan nito. Talakayin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay ukol dito.
THIRD QUARTER
FILIPINO IV

ARALIN: PAGBIBIGAY NG HAKBANG SA ISANG GAWAIN. PAGSULAT NG SIMPLENG RESIPI AT


PATALASTAS

Sa araling ito matututuhan ang wastong hakbang sa paggawa ng isang gawain. Mahalagang matutuhan ito upang maayos natin na
maisagawa ang isang bagay.
Naobserbahan mo na ba ang nanay mo o ang iba mong kasamahan sa bahay kung paano sila magluto ? Naranasan mo na bang gawin ito
ng mag- isa? Ito ay isa lamang sa mga gawain na nangangailangan na maisagawa ng maayos kung susundin lamang ang mga hakbang. Isang
halimbawa ang pagsunod at pagsulat ng isang resipi.
Mapag-aaralan mo sa aralin na ito kung paano makapagbigay ng mga hakbang sa isang gawain at kung paano makasulat ng isang resipi o
patalastas.
Bago ka mag-umpisa sa ating aralin ngayon, nais ko munang sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.
● Nakasusunod ka ba sa mga panutong ibinibigay?

● Ano ang mga ginawa mo at nakasunod ka sa mga panuto o hakbang na ibinigay?

● Madali mo bang nasundan ang ibinigay na hakbang ng iyong guro o magulang? Bakit? Bakit hindi?

● Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto o hakbang?

Sa pagbibigay ng hakbang, ang isang tao ay hindi lang dapat marunong sumunod sa panuto, nararapat na may kaalaman din siya kung
paanong sumulat nito. Ang malinaw na panuto o hakbang ay nakatutulong sa isang lider o tao upang masabi ang mga dapat gawin ng kapwa.
Narito ang dapat mong tandaan sa pagbibigay ng hakbang sa isang gawain.

1. Maikli at madaling maintindihan.


Madaling masusundan ang panuto o hakbang kung ito’y maikli o hindi maligoy at diretso sa puntong nais ipagawa.

2. Gumagamit ng mga simpleng salitang mauunawaan ng


lahat maging ng mga bata man.
Iwasan ang paggamit ng malalalim na salitang mahirap maintindihan ng iba.
Maayos ang pagkakasunod-sunod.
Dapat maging sequential o maayos ang pagkakasalansan ng mga panuto upang hindi malito ang magsasagawa nito.

Basahin at unawain ang isang halimbawa ng resipi sa paggawa ng kalamansi juice

Mga sangkap
1 kutsara Asukal
1 tasa Tubig
5 Calamansi

Mga Hakbang:
Sa isang saucepan, paghaluin ang asukal at tubig at haluin hanggang sa matunaw ang asukal.
Hiwain ang kalamsi at pigain ito hanggang sa lumabas ang katas
Mainam na gumamit ng salaam upang hindi maisama ang buto
Paghakuin sa isang pitcher ang pinakuluang syrup at ang katas ng kalamansi. Haluin ito ng mabuti
Ilagay sa refrigerator at maaring i-serve pagkalipas ng isang oras

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Tungkol saan ang iyong nabasa?

Ano-ano ang nakapaloob sa resipe?

Paano isinagawa ito?

Pag -aralan mo naman ang tungkol sa Patalastas


Patalastas- anunsyo na naglalayong hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto sa iba’t-ibang anyo ng komunikasyon.
- maikling mensahe na nagpapabatid ng mahalagang impormasyon tungkol sa
-gaganaping palatuntunan
- iba pang gawain
-tungkol sa produkto
-panawagan sa madla
-kautusan ng paaralan / bayan
- pangangailangan sa hanapbuhay
-nawawala
Mga Hakbang sa Pagsulat o pagbibigay ng patalastas:
1.Kailangang maikli at maliwanag ang mensaheng sumasagot sa tanong na Ano,Saan at Kailan.
2. Dapat maikli at maliwanag ang paglalahad
3. Sinisimulan ito sa pinakamahalagang impormasyon tungo sa di-gaanong mahalagang detalye.
4. Ang patnubay o unang talataan ang sumasagot sa mga tanong na ano, sino, kalian,saan,bakit at paano.
5. Ang pamagat ng balita ay dapat sa uri ng talataan o patnubay. Ito ay isinusulat sa malaking letra upang makatawag pansin.

Mula sa iyong mga nalaman tungkol sa aralin na ito,subukan mo ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
pagsubok.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gamit ang mga larawan, sumulat ng mga paraan sa paggawa ng Kalamansi Juice:

Gamitin ang mga signal words upang mabuo ang resipi.


Una, ________________ ika-apat__________________
Ikalawa______________ panghuli_________________
ikatlo, ___________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bumuo ng isang patalastas tungkol sa isang aklat na naglalaman kung paano mapapangalagaan ang sarili laban
sa sakit. Isulat ito sa loob ng kahon

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang wastong pagkasunod-sunod ng mga sumusunod na hakbang sa pagsasaing.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Mula sa mga isinagawang gawain, ngayon ay iyong palawakin ang iyong kaalaman. Sumulat ng simpleng
resipi tungkol sa pagluluto ng banana que.

Kompletuhin ang patlang upang mabuo ang diwa ng aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o kuwaderno.
Sa araling ito, natutuhan ko na mahalaga ang pagbibigay ng ____________ o,_________________ sa paggawa ng isang gawain upang
ito ay maging ____________________, ____________ ,___________ ang resulta ng isang gawain.
Ang _________________________ ay _____________________________________
na naglalayong _____________ ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto o anumang bagay sa iba’t-ibang anyo ng
_______________________.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Muling gamitin ang iyong mga natutuhan sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa bawat pagsubok.
Sumulat ng isang maikling resipi at gawain ito ng palatastas na makahihikayat sa mga tao na tangkilikin ang iyong resipi.

Resipi Patalastas

Magsulat ka sa iyong JOURNAL NOTEBOOK ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na______________________________________________________.
Nabatid ko na __________________________________________________________.
Naisasagawa ko na_____________________________________________________.

THIRD QUARTER
MUSIC IV
ARALIN: PAGTUKOY NG INTRODUCTION NG CODA NG ISANG AWITIN
Mahilig ka bang umawit? O may kakilala ka bang kasama sa bahay na hindi kumpleto ang maghapon kung hindi nakaririnig ng
musika?
Sa musika, may mga bagay o simbolo na inilalagay ang isang kompositor upang mas magpaganda ang isang awitin.
Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na matukoy mo sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin ang introduction at coda ng
isang awitin.
Sa alinmang awitin, mas mainam na may bahaging naghahanda o introduction na maaaring maikling himig o tugtuging
instrumental na tinutugtog bago magsimula ang awitin. Bukod sa napagaganda nito ang awitin, nagbibigay ito ng tamang tono o
pitch sa isang mang-aawit.
Sa katapusan naman ng awitin o tugtugin, may mga karagdagang gawain o ideya ang kompositor upang magkaroon ng
magandang pagtatapos ang isang awitin o tugtugin at tinatawag itong coda.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin at pakinggan ang awiting “Ohoy Ali-bangbang”. Pagkatapos sagutin ang mga tanong

Pakinggan kung may internet connection:


https://www.youtube.com/watch?v=PEy2mix0FC8
.

Salin:
Ohoy paruparo kung ikaw ay lilipad
Alagaan mo nang mabuti ang mga bulaklak
Baka kung sakaling malimutan mo
Sayang si Gumamela na malaglag sa lupa.
Tukuyin sa musical score ang panimulang himig o introduction ng awiting
“Ohoy Ali-bangbang”.
Alin ang panapos na himig o coda ng ating lunsarang awit?
Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Ano ang simbolo na makikita sa bahaging ito ng awitin?

Narito ang introduction ng awit na ‘Ohoy Alibangbang’:

Narito naman ang Coda ng awit:


Kapareho ba ito ng sagot mo?

Upang mas maunawaan mo ang introduction at coda ng awit, narito ang isa pang halimbawa ng awitin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tingnan ang tsart at pakinggang mabuti ang awiting ‘Hey Jude’ ng Beatles. Pagkatapos sagutin ang tanong sa
ibaba.

Pakinggan kung may internet connection:


https://www.youtube.com/watch?v=7qMls5yxP1w
Hey Jude

Tanong:
1. Aling bahagi ang intro ng awit?

2. Anong simbolo ang ginagamit dito?

3. Alin naman ang coda ng awit?

4. Ano ang masasabi mo sa coda ng awit matapos mo itong mapakinggan?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pakinggang mabuti ang awit sa ibaba, sa tulong ng iyong kasama sa bahay, tukuyin kung alin ang introduction
at coda ng awit.
You Are My Sunshine
https://www.youtube.com/watch?v=SOM6VMkOcqc

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa tulong ng iyong kasama sa bahay, gawaan ng sariling introduction at coda ang awitin sa ibaba. Pagsanayang
awitin at ipakita sa harap ng iyong kasama sa bahay. Maaaring ivideo at ipadala sa messenger ng guro.
https://www.youtube.com/watch?v=mPxpYZ_SVSo

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumuhit ng bituin ( ) sa angkop na kahon ng naaayon sa iyong pagkasagawa ng gawain sa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Awitin ang “Paruparong Bukid.” Tukuyin ang introduction sa pamamagitan ng pagbilog ( ) dito at
pagkahon ( ) sa coda ng awit.

REPLEKSYON
Sa iyong Journal Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________________________________________________.
Nababatid ko na ________________________________________________________.
Kaillangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa ____________________.

THIRD QUARTER
ARTS IV
ARALIN: PAGTALAKAY SA TESTURA AT KATANGIAN NG BAWAT MATERYALES

Upang mailarawan ang katangian ng isang bagay, ginagamit mo ang iyong mga ‘senses’ o pandama. Kaya mo bang isa-isahin ang iyong mga
pandama?
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na matatalakay mo ang testura at katangian ng bawat materyales.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang mga sumusunod na larawan at sagutin ang mga katanungan ukol dito. (Maaaring gumamit ng mga
tunay na bagay).

Tanong:
1. Anu-anong mga disenyo ang nakikita mo sa larawan?

2. Ano ang masasabi mo sa testura ng dahon na nasa mga larawan?

3. Saan mo kadalasang nakikita ang mga disenyong tulad nito?

Maraming mga produktong yari sa Pilipinas na kinakalakal sa ibang bansa ang nagugustuhan ng mga dayuhan dahil sa tibay at kakaibang
ganda ng mga ito. Karaniwang makikita sa mga produkto ang iba’t ibang disenyo na nagpapakilala ng lugar o pangkat na pinagmulan nito.
Taglay ng mga produktong ito ang iba’t ibang testura.
Ang bag, basket at banig na yari sa yantok ay may testurang matigas at magaspang. May mga bag na malalambot at makikinis. Ang testura
ng isang bagay ay naaayon sa uri at material na ginamit dito. Bukod sa mga tunay na bagay na matatagpuan sa ating kapaligiran, nalalaman din
natin ang testura sa pamamagitan ng pandama o paghipo (testurang tactile) at pagmamasid o testurang biswal.
Maaring picturan upang Makita ng guro

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa tulong ng iyong imahinasyon o pagiging malikhain, iguhit sa isang typewriting kung ano ang nakikita mong
mga bagay sa paligid na may iba’t ibang testura sa panahon ng pandemya. Ilagay kung anong tekstura meron ang bagay na ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gagawa ka ngayon ng isang sining.


Basahin at unawaing mabuti ang mga hakbang sa paggawa ng border design. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng mga sumusunod:
a. oslo paper
b. cardboard
c. pandikit
d. butones
e. hair clip
f. barbecue sticks
g. barya ng iba’t ibang halaga
h. mga dahon na may iba’t ibang hugis at testura
i. acrylic paint
j. paint brush
k. gunting
l. d’yaryo
m. lumang plastic

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sagutin ang sumusunod ng mga katanungan ng naaayon sa iyong pang-unawa. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
1. Ano ang masasabi mo sa iyong obra? Saan mo maaaring gamitin ang natapos mong border design?

2. Ilarawan ang testura ng mga kagamitang ginamit mo sa paglimbag ng disenyo?

3. Ano ang kabutihang naidudulot ng paglalagay ng disenyo sa mga bagay o produkto?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sa pagkabuo ng iyong likhang sining (border design), gamit ang rubrik, palagyan ng tsek (√) sa kasama sa
bahay ang antas na naabot mo sa bawat pamantayan.
Sa iyong Journal Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________________________________________________.
Nababatid ko na ________________________________________________________.
Kaillangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa ____________________.

THIRD QUARTER
PHYSICAL EDUCATION IV

ARALIN: PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Sa panahon ng pandemya, karamihan ay napatigil sa nakasanayang gawin at naapektuhan ang kalusugan. Ngunit
kailangan nating panatilihing malakas ang resistensya ng ating katawan. Balikan ang mga physical activities na iyong
isinasagawa upang magkaroon ng mataas na antas ng kalusugan.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang mga gawaing pisikal na nakapaloob
sa aralin at natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing nagpapaunald sa
kahutukan (flexibility) at koordinasyon ng katawan.
Tunghayan natin ang larawan sa ibaba. Ano-ano ang mga gawain na nakapaloob sa physical activity pyramid? At ilang
beses mo sa isang linggo ito ginagawa?
Ang Filipino Activity Pyramid Guide ay nagpapaalala sa mga gawaing pisikal na maaring malinang sa isport, laro, sayaw at pang-araw-araw na
gawain.

Ang health-related components ay mga sangkap ng physical fitness na kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng
tahanan, sa paaralan at sa pamayanan.
Narito ang limang sangkap ng health-related fitness:
 Cardiovascular Endurance (katatagan ng puso at baga)
 Muscular Endurance (katatagan ng kalamnan)
 Muscular Strength (lakas ng kalamnan)
 Flexibility (kahutukan)
 Body composition

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng kahutukan ng katawan. Lagyan ito ng tsek (/) at isulat
kung ang mga gawaing ito ay pang-araw-araw na gawain, ehersisyo, laro o sayaw.

Ang kahutukan ay kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan.
Kinakailangan ang kahutukan ng katawan upang maisagawa ang mga pang-araw-araw na gawain.
Upang subukin ang iyong kakayahan sa kahutukan, gawin ang sumusunod na gawain sa tulong ng iyong magulang o kasama sa bahay.
Gawin ito nang naaayon sa pamamaraan at may sapat na pag-iingat.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isagawa ang gawain na nasa ibaba. Ipasa ang inyong video sa inyong guro.
Paglinang sa kahutukan (Two-Hand Ankle Grip)
Pamamaraan:
1. Bahagyang ibaluktot ang katawan sa harap. Sa pamamgitan ng pagdikit ng dalawang sakong (heel) ng paa, abutin ng mga kamay sa pagitan ng
mga binti ang bukong-bukong (ankle).
2. Pag-abutin ang mga kamay sa harap ng mga bukong-bukong.
3. Panatilihing nakahawak ang mga kamay sa harap ng mga bukong-bukong sa ayos ng sakong ng paa.
4. Manatili sa posisyon sa loob ng limang segundo (5).

Ang koordinasyon bilang sangkap ng fitness ay malilinang at mapauunlad sa pamamagitan ng mga gawaing pisikal.
Handa ka na bang subukin ang mga ito?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isagawa ang sumusunod na gawain upang malinang ang iyong koordinasyon. Ipasa ang video sa inyong guro.
Paglinang ng Koordinasyon
Koordinasyon sa Paglakad
Pamamaraan:
1. Tumayo nang tuwid na magkadikit ang mga paa sa panimulang posisyon.
2. Sa unang bilang, ihakbang ang kanang paa pasulong kasabay ng pag-swing ng kaliwang kamay sa harap.
3. Sa ikalawang bilang, ulitin ang paghakbang sa kaliwang paa kasabay ng pag-swing ng kanang kamay sa harap.
4. Sa ikatlong bilang, ulitin ang pamamaraan bilang 2.
5. Sa ikaapat na bilang, Ihakbang ang kaliwang paa sa tagiliran na bahagyang nakabaluktot ang tuhod (lunge sideward) kasabay ng pagtaas ng
kanang kamay sa tagiliran kapantay ng balikat.
6. Ulitin lahat simula sa kaliwang paa.
7. Ulitin ng dalawang beses simula sa kanan at kalliwa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isagawa ang sumusunod na gawain upang malinang ang iyong koordinasyon. Ipasa ang video sa inyong guro.
Gamit ang hula hoop (Buklod)
Figure 1
Panimulang ayos: Magkatabi ang mga paa, hawak ang buklod sa gilid.
A. Humakbang pakanan, ilagay ang buklod sa dibdib blg 1
B. Tumingkayad, ilagay ang buklod sa itaas blg 2
C. Ulitin ang (A) blg 3
D. Ibalik sa panimulang posisyon blg 4
E. Ulitin ang A-D pakaliwa 4 blg
F. Ulitin ang A-E pakanan at pakaliwa nang salitan 8 blg

Figure 2
Panimulang ayos: Magkatabi ang mga paa, hawak ang buklod sa gilid.
A. Ihakbang ang kanang paa, pasudsod sa unahan blg 1

(forward lunge), ilagay ang buklod sa paharap


B. Humakbang pakanan, itaas ang buklod blg 2
C. Ulitin ang (A) blg 3
D. Ibalik nsa panimulang posisyon blg 4
E. Ulitin ang A-D pakaliwa 4 blg
F. Ulitin ang A-E pakakanan at pakaliwa nang salitan 8 blg

Figure 3
Panimulang ayos: Magkatabi ang mga paa, hawak ang buklod sa gilid.
A. Lumundag nang pabukaka, ilagay ang buklod pakanan blg 1
B. Ilagay ang buklod sa itaas blg 2
C. Ilagay ang buklod pakaliwa blg 3
D. Ibalik sa panimulang posisyon blg 4
E. Ulitin ang A-D pakaliwa 4 blg
F. Ulitin ang A-E pakanan at pakaliwa nang salitan 8 blg

Sagutin ang mga tanong:


1. Mahirap bang gawin ang koordinasyon sa paglalakad? Ang paggamit ng hula hoop? Bakit?

2. Paano makatutulong ang mga gawaing ito sa pagpapaunlad ng iyong koordinasyon?

3. Sa isinagawang gawain, maari mo bang sabihin kung ano ang kahalagahan ng pagtataya ng iyong koordinasyon?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sa tulong ng isang kontrata na nasa ibaba, gumawa ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng
koordinasyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Tingnan ang talaan sa ibaba at sabihin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (∕) sa kolum kung alin ang mga
makakapagpapaunlad ng iyong flexibility o kahutukan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Tingnan ang talaan sa ibaba at sabihin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (∕) sa kolum kung alin ang mga
makapagpapaunlad ng iyong koordinasyon.
Sa iyong Journal Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________________________________________________.
Nababatid ko na ________________________________________________________.
Kaillangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa ____________________.

THIRD QUARTER
HEALTH IV
ARALIN: PAGTUKOY SA IBAT’ IBANG GAMIT NG GAMUT SA MEDISINA

Isang mag-aaral na nasa ikaapat na baitang ang nakaramdam ng sakit ng ngipin. Alam mo ba kung anong gamot ang pwedeng ibigay sa
kanya upang mawala ang sakit?
Sa inyong tahanan, ang mga magulang mo ba ay may mga gamot na nakahanda o nakareserba? Kaya mo bang isa-isahin ang pangalan ng
mga ito?
Sa pagtatapos ng araling ito, malalaman mo ang kahulugan ng gamot at ang iba’t ibang gamit nito sa medisina.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang iba’t ibang gamot na maaaring gamitin sa medisina. Sa iyong sagutang papel, lagyan ng tsek (/)
ang bilang na tumutukoy sa iba’t ibang gamot at ekis (x) kung hindi.
Ang iba’t ibang gamit ng gamot ay:
 Pangalagaan ang katawan;
 Paginhawahin ang pakiramdam;
 Pagalingin ang sakit tulad ng sakit ng ulo, lagnat o sipon; at
 Baguhin ang kalagayan ng isang tao.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Lagyan ng tsek (/) kung ang mga sumusunod na karaniwang sakit ay naranasan ninyo nitong mga huling araw o kailan lang at ekis (x) kung
hindi.
______ 1. Pangangati ng lalamunan
______ 2. Sipon at trangkaso
______ 3. Tuyong ubo
______ 4. Impeksyong sanhi ng bacteria
______ 5. Pananakit ng kalamnan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay ang kabutihang dulot ng paggamit ng gamot.
_______1. Gumiginhawa ang pakiramdam
_______2. Adiksyon o pagkalulong sa paggamit nito
_______3. Gumagaling ang karamdaman
_______4. Nangangalaga ng katawan
_______5. Nasisira ang mga selula ng kalamnan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Sumulat ng isang talata tungkol sa kabutihang dulot sa ating katawan ng pag-inom ng gamot. Lagyan ng makabuluhang pamagat.

Palagyan ng tsek (/) sa iyong kasama sa bahay ang kolum na naaayon sa iyong kakayahan.
________1. Si Nena ay maagang natutulog tuwing gabi.

________2. Maghapong naglalaro si Ruben sa ilalim ng araw kaya nalilimutan na niyang maligo.

________3. Umiinom si Pido bawat umaga ng gatas at bitamina pagkakatapos niyang mag-almusal.

________4. Mahilig uminom ng softdrinks at kumain ng junk foods si Chesca tuwing meryenda.

________5. Palagiang naghuhugas ng kaniyang mga kamay si Ben lalo na sa panahong may nakakahawang sakit dulot ng COVID 19.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6.


Awitin ang Lyrics sa baba na may himig na London Bridge. Kung may internet connection ay panuorin sa https://www.youtube.com/watch?v=ivEy6d55jtE
. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PANGANGALAGA SA KATAWAN

Mga Paraan natin


Para mapangalagaan
An gating Katawan
Maligo Araw-araw

Nagsasabon ako
Ng aking katawan
Nagshasahmpoo ako
Ng aking buhok
Maghugas ka ng kamay
Bago at pagkatapos kumain
Ugaliing maghugas
Ng mga kamay

Magsipilyo ng ngipin
Talong bese sa
Isang araw
Tass baba ang sipilyo
Magmumog ng tubig

Kung ang kuko ay mahaba


Gupitin ng nail cutter
Upang hindi pasukin ng bacteria

Mag-ehersisyo lagi
Tumalon, tumakbo
Sanayin ang katawan
Na mag-ehersisyo

Uminom ng mga bitamina


Para sa dagdag na nutrisyon
Para ika’y lumakas
Uminom ng Vitamis

Matulog ng maaga
Mahaba ang tulog
Para katawa’y lumaks
Matulog ng may
Sapat na oras

Yan ang mga paraan


Upang mapangalagaan
Ang ating katawan
Alagaan ang sarili

1. Bakit mahalaga ang wastong pangangalaga ng katawan?

2. Anu-anong mga sakit ang iyong naramdaman? Ano ang ginawa mo upang gumaling?

3. Nang nasugatan ka sa iyong paglalaro, anong uri ng gamot ang ipinainom sa iyo upang malunasan ito?
Gawain sa Pagkatuto bilang 7:
Panuto: Iguhit ang bituin (⭐) kung ang mga sumusunod ay mabuting gamit ng gamot at araw (☀) kung di–mabuting gamit ng gamot. Iguhit ang
sagot sa iyong sagutang papel.
________1. Nagpapagaling ng iba’t ibang mga karamdaman

________2. Nagdudulot ng pagkagumon

________3. Nagpapagaling ng sakit ng ulo, lagnat at sipon

________4. Sumisira ng mga selula ng katawan

________5. Nagpapagaan ng pakiramdam

Sa iyong Journal Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na ____________________________________________________.
Nababatid ko na_______________________________________________________.
Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa ____________________

Science – Week 1

Third Quarter

Have you experienced or know somebody who encountered an accident in school? or in playground? or on the road?

Accident is inevitable and unpredictable. Awareness of safety measures and putting it into practice will surely lessen
casualties and loss of properties. Safety gears must be worn in performing physical activities like biking, skateboarding and the
likes.

Accidents and injuries could be avoided if you are careful and aware of the different safety measures your school and
community implements. For example, in school, gate of the playground must be wide enough to ensure that nobody would be
trapped when there is a need to evacuate. You should pass one at a time in going inside or outside the classroom. Never push or
kick somebody while in line. You should avoid running in corridors and in the pathways.

Safety must be observed everywhere, most specially in your houses. During pandemic, it is also where you stay and spend
most of your time. Games and physical activities you do outside cannot be played inside your homes. If you do, what may
happen? Accidents may happen. The house is not a playground and you have to follow orders for you to be safe inside your house.
For example, play with your toys with care, make sure you return them into their proper places so that nobody would step on it.
Avoid playing “habulan” inside for you may bump into your vases and cabinets or appliances.

Can you list down in your notebook some other safety reminders in school and in your house aside from the examples given?

Obeying rules and safety reminder safety reminder signs in schools, parks and on the road will keep us safe and save our day.

A. For your Learning Task 1: Draw a face if the situation shows practicing safety measures. If not, draw a face.

_____1. Skateboarding in a busy street.

_____2. Knowing the different fire or emergency exits n your school.

_____3. Ironing clothes with wet hands.

_____4. Playing with old batteries

_____5. Wearing of helmet when biking.


C. Learning Task 3: Write “Yan ang totoo “if the statement is correct and “Joke Lang” if not. Write your answers in your notebook/paper.
_____1. Physical activities can cause painful injuries.
_____2. To prevent injuries, go through the activity quickly.
_____3. Use proper gears and sports equipment during the activity.
_____4. Do your activities on rainy days.
_____5. Consult a healthcare provider before going through an activity.
_____6. Walking and dancing are activities with the highest chances of injury.
_____7. Even handling materials can lead to harmful effects.
_____8. Practice lifting and bending whenever you can.
_____9. The best zone for lifting is between the head and the waist.
_____10. The amount of force applied on your back cause pain and injury.

Guide Questions:
1. What signages are found in the school?

2. Where are they located? Are they visible enough for everyone to see?

3. What will happen if all the pupils will obey the message of the signage?

4. What will happen if all the pupils will disobey the message of the signage?

5. How will you make yourself safe in school?

A, Directions: List five (5) ways of keeping yourself safe at home.


1. _________________________________________________
2. _________________________________________________
3. _________________________________________________
4. _________________________________________________
5. _________________________________________________
B. Directions: Check the statement that shows safety measures at home and cross if not.
_____1. Play with your toys with care.
_____2. Play habulan inside your house.
_____3. Do not climb cabinets.
_____4. Do not play with vases or sharp objects.
_____5. Play in the stairs.

You might also like