Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Lance Vladimir DC.

Cabotaje
BSEE 1-1
Polytechnic University of the Philippines

Culminating Activity (Reflection Essay)

Sa ilang taon ko na estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan, nakatutuwang isipin na hindi


nawala ang mga pag-aaral tungkol sa pagtulong sa ating mga komunidad. At ngayong ako ay nasa
kolehiyo na, pinapaalala pa rin sakin na ang kontribusyon sa bansa ay isa sa mga pinakaimportante
na gawain para sa pag-unlad. Ang paksang CWTS o mas kilala bilang Civic Welfare Training
Service ay ang nagenganyo sa akin upang gumawa ng mga bagay na makatutulong sa hinaharap
kahit ako ay isang estudyante pa lamang, natutunan ko sa paksa na ito ang mga values na dapat
tinataglay ng isang estudyante para sa paghahanda na maging propesyonal sa hinaharap, dagdag
dito ay ang tamang mga gawi upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Noong una naming
talakayin ang tungkol sa kalikasan at paano ito mapapangalagaan, nagtaka ako dahil sa
pagkakaalam ko wala namang gaanong koneksyon ang aking propersyon para sa ganitong usapin,
ngunit nabago ng diskurso sa CWTS ang aking pananaw. Naisip ko at natutunan ko na ang
propesyon ko ay maaring makatulong sa pamamagitan ng pagsasaliksik para sa mas mainam na
pagkukunan ng elektrisidad, dahil buhay na tayo sa natural sources of energy maar inga pala akong
makatulong sa kalikasan at komunidad sa ganitong paraan. Sobrang nagging interesado ako sa
mga turo ng CWTS dahil sa ganoong pagbukas sa aking isip. Sana lalo pang pagyamanin ang
paksa na ito na ituturo sa mga susunod na henerasyon dahil ito ang kailangan ng ating bayan.

You might also like