Professional Documents
Culture Documents
Filipino Komunikasyon Q2 Week 7 Validated WITH ANSWERSHEET
Filipino Komunikasyon Q2 Week 7 Validated WITH ANSWERSHEET
Filipino Komunikasyon Q2 Week 7 Validated WITH ANSWERSHEET
Paunang Pagsubok
Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat aytem ng pagsusulit. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
Mahusay! Binabati kita sapagkat nasagot mo ang ilang mga katanungan sa ating
panimulang gawain. Ngayon naman ay muli nating balikan ang nagdaang aralin.
Balik-tanaw
Isulat sa sagutang papel ang iyong sariling pagpapakahulugan sa sumusunod na
pahayag. ( Maaaring magkaroon ng tatlong pagpapakahulugan ang bawat pahayag.)
Pagpapakilala ng Aralin
➢ Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya para sa akin ang
pagsulat at pagkalap ng mga impormasyon at mahahalagang datos na ukol dito?
➢ Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-
pakinabang ba ang magiging bunga nito para sa akin at sa ibang babasa lalo na
ang mga kamag-aral ko?
➢ Masyado bang malawak o malaki ang saklaw ng paksa? Masyado ba itong
limitado?
➢ Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?
➢ Marami kayang sangguniang maaari kong pagkunan ng impormasyon upang
mapalawak ang paksang napili ko?
Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong, maaaring ito na ang pinakaangkop na paksa
para sa iyo. Maaari ka nang magpatuloy sa ikalawang hakbang ng pananaliksik.
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
Kapag napagpasyahan na ang paksa, bumuo ka na ng pahayag ng tesis. Ito
ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing
pananaliksik.
Narito ang ilang tanong na maaaring maging gabay o magbigay direksyon sa
pagbuo mo ng pahayag ng tesis.
➢ Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin ko bang maglahad ng
impormasyong o magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
➢ Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makababasa ng isinulat
ko? Maliban sa guro sino pa kaya ang maaaring magkaroon ng interes na basahin
ito? Ano kaya ang inaasahan ng aking mga mambabasa?
➢ Ano-anong mga kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat
bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking
pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito?
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
Kakailanganing bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga
sanggunian. Maaari ring makakuha ng mga impormasyon mula sa internet. Maging
maingat lamang at suriing mabuti ang mga talang makukuha sapagkat maraming
impormasyon mula sa internet ang walang katotohanan. Mahalaga ang paggamit ng
aklat at internet sa pagbuo ng isang epektibong pananaliksik. Maraming mga bagong
impormasyon at dokumentong mababasa sa internet na wala sa mga nailathalang mga
aklat. Subalit hindi rin naman dapat na umasa at magtiwala sa mga impormasyong
mababasa sa internet sapagkat walang kasiguraduhang ito ay totoo lalo na kung ito ay
galing lamang sa mga open web. Nararapat na tiyaking maayos, tama, kompleto, at
beripikado ang mga impormasyong isasama sa bubuoing sulating pananaliksik.
Bumuo ng pansamantalang bibliyograpiya mula sa mga nakuhang sanggunian. Ang
bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo,
report, peryodiko, magasin, website, at iba pang nalathalang materyal na ginamit.
Makatutulong ang paggawa at paggamit ng card ng bibliyograpiya para sa bawat
sanggunian.
Mula sa: Dayag, Alma M., Del Rosario Mary Grace G. (2017)
Pinagyamang Pluma (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.)
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Magaling! Inaasahan ko na lubos mong naunawaan ang mga mahalagang
impormasyong inilahad sa bahaging ito. Nais ko na ito ay iyong pakatandaan sapagkat
gagamitin mo ang mga impormasyong ito sa mga susunod mong gawain.
Mga Gawain
Gawain 1.1 Dear Self
Bumuo ng isang tekstong persweysib na nagtataglay ng iyong mga kakayahan,
husay, talento at humihikayat at/o nagpapatibay sa sarili mo na kaya mong bumuo ng
isang matagumpay na sulating pananaliksik.Isulat sa iyong sagutang papel. Maaari
itong gawin sa anyo ng liham, tula, at awit ( ilapat bilang liriko sa isang napapanahong
awit ).
1. Binubuo ng 3 talata
para sa liham, 4 na
saknong naman para sa
Tula at awit.
2. Tiyak at hindi maligoy
ang paglalahad.
3.May tamang gamit ng
mga bantas, at malaki at
maliit na mga titik.
Paalala:
Sa gawaing ito ay maari kang magtamo ng 15 puntos.
10 Kung nahikayat mo ang iyong kaibigan na magpadala ng liham o
e-mail
5 puntos naman sa nabuo mong payo para sa kaniya.
PAMANTAYAN
1. Interesante para sa akin ang paksa.
2. Makabuluhan at napapanahon ang paksa ng pananaliksik.
3. Malawak /malaki ang saklaw ng paksa.
4. Limitado ang saklaw ng paksa.
5. Mahusay na natalakay ang layunin ng pananaliksik.
6. Hindi malinaw na nailahad ang layunin ng pananaliksik.
7. Maayos na naitala ang mga sangguniang ginamit.
8. Hindi maayos na naitala ang sangguniang ginamit.
9. May maayos na bibliyograpiya.
10. Walang maayos na bibliyograpiya.
1.3.2 Kung ang mga bilang na 3, 6, 8, at 10 ang lumabas na sagot. Gawin ang mga
susunod na aktibiti sa iyong sagutang papel.
1. Gawing limitado ang saklaw ng paksa.
2. Sumulat ng iyong sariling layunin ng pananaliksik batay sa nilimitahang paksa.
3. Kumalap ng mga sangguniang magagamit sa pagtalakay sa paksa.
4. Gumawa ng isang maayos na bibliyograpiya.
Tandaan
Ngayon naman, upang higit mong matandaan ang aralin sa araw na ito, gumuhit
ng bangkang naglalayag sa karagatan. Isulat sa bawat bangka ang mga hakbang sa
pagbuo ng makabuluhang sulating pananaliksik. Magtala rin sa loob nito ng akronym
na maaaring maging tanda sa mahahalagang impormasyong nakapaloob sa bawat
hakbang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A. Sagutin ang mga tanong sa impormal na sarbey. Lagyan ng tsek (/) ang patlang
sa tapat ng pahayag na kumakatawan sa iyong sagot.
1. Kailan ka huling bumisita sa isang website gamit ang iyong cellphone o kompyuter?
_____ kahapon _____ noong isang buwan
_____ sa kasalukuyang linggo _____ noong isang taon
2. Anong website ang madalas na binibisita mo? (Maaring magkaroon ng higit sa isang
sagot) _____ Google _____ Youtube _____ Twitter _____ Facebook
_____ Instagram _____ Messenger _____ Viber _____ Iba pa
3. Alin ang madalas mong ginagawa kapag bumibisita ka sa mga websites?
_____ manood _____ magsaliksik
_____ magbasa para malibang _____ maglaro
4. Kailan ka huling gumamit ng internet upang mag log-in sa Facebook, Instagram, Twitter
at maglaro ng video games?
_____ kanina _____ ngayong linggo
_____ kahapon _____ noong nakaraang linggo
5. Sa paggamit ng hatirang-madla (social media) ilang oras ka nag-iinternet? (Mag-
Facebook, Instagram, Twitter o maglaro ng video games, manood ng videos at gumamit
ng iba pang uri ng hatirang madla (social media).
_____ 1-3 _____ 6 - 9
_____ 4-5 _____ 10 o higit pa
B. Batay sa mga naging sagot mo sa inisyal na sarbey, gawin ang mga susunod na
gawain. Isulat sa iyong sagutang papel.
1. Bumuo ng dalawang (2) mabuting paksa ng pananaliksik.
2. Bumuo ng dalawang (2) talata ng pahayag ng tesis para sa bawat paksang
iyong nabuo.
Lagyan ng tsek (/) ang kahon bago ang pahayag, kung tinaglay ng nabuo mong
paksa ng pananaliksik at pahayag ng tesis ang mga katangiang dapat mayroon ito.
Pangwakas na Pagsusulit
Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat aytem ng pagsusulit. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Pagninilay
Gumawa ng Vlog na humihikayat sa kapwa mo mag-aaral na huwag matakot at
huwag magkaroon ng negatibong persepsyon hinggil sa pagsulat ng pananaliksik. Ilahad
rin kung ano ang mga katangiang dapat taglayin ng katulad mong baguhan sa gawaing
ito. Maaari mo ring ipakita sa Vlog kung paanong naging madali para sa iyo ang pagbuo
ng paksa at pahayag ng tesis sa bahaging Pag-alam sa mga Natutuhan.
Pamantayan Puntos
1. 6. Pahayag 1: ______________________________________________
2. 7. _______________________________________________
3. 8. _______________________________________________
4. 9. Pahayag 2:_____________________________________________
5. 10. _______________________________________________
_______________________________________________
Pahayag 3: ____________________________________________
_______________________________________________
Gawain1.1 _______________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________
Gawain 1.2
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Gawain 1.3.1/1.3.2
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Tandaan:
________________________________________ _____________________________________
________________________________________ _____________________________________
________________________________________ _____________________________________
________________________________________ _____________________________________
1. 6. 1. 6.
2. 7. 2. 7.
3. 8. 3. 8.
4. 9. 4. 9.
5. 10. 5. 10.