Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang malamig na pag-ibig ni Guiwana at Ardon”

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay at hindi nagtagal natagpuan ang bukal. Mainit
ito ngunit uhaw na uhaw siya at hindi ito inisip. Habang umiinom siya napansin niya ang
kanyang repleksyon ay bumabata ang kangyang anyo kaya't namangha siya at nagpatuloy sa
pag-inom. Hindi nagtagal, nag-iwan siya ng isang bulaklak tulad ng sinabi ng kuwago.
Naghanap siya ng matutuluyan at nakilala ang isang nakakabatang babae sa maliit na bayan
na malapit. Nagsisimula na silang magmahal at manatili sa iisang bahay.
Lumipas ang mga araw, napansin niya ang kanyang mukha na dahan-dahang nagbago
sa kanyang dating anyo, kaya't nagmadali siyang bumalik sa kagubatan, uminom ng
maraming tubig mula sa bukal, at nag-iwan ng alay. Ipinagpatuloy niya ito hanggang sa isang
gabi, sa pag-inom niya, nakita niya ang isang magandang babae sa likuran niya sa repleksyon
ng tubig, napakaliwanag at nagniningning. Siya ay nabighani sa kanyang kagandahan at
umibig sa kanya, para sa diyosa, hindi niya kailanman nakita ang isang lalaki na kasing gwapo
at mapagmahal tulad ni Ardon ngunit hindi niya alam na mayroon na siyang kasintahan.
Magkikita sina Guiwana at Ardon sa bukal araw-araw kapag dumidilim na at pinag-
uusapan ang tungkol sa buhay at kung gaano nila kamahal ang bawat isa. Matapos ang ilang
linggong pagpupulong ng bawat isa, napagtanto ni Ardon na mahal niya ang kanyang unang
kasintahan at anak at nais na manirahan sa maliit na bayan na kanilang tinitirhan. Kaya't
nagpasya siyang ihinto ang pagbisita kay Guiwana nang hindi niya nagpaalam kung bakit,
naiwan si Guiwana na walang dahilan at ideya sa kinaroroonan ni Ardon at kung saan siya, na
nagpapalungkot sa kanya.
Lumipas ang mga taon, nagpasya si Ardon at ang kanyang asawa kasama ang
kanilang mga anak na pumunta sa isang piknik sa tabi ng bukal na kadalasang ginugugol nila
ng dyosa ang karamihan sa kanilang oras. Habang lumalangoy si Ardon may humawak sa
kanya patungo sa ilalim at hindi na siya nakita ulit. Ang kanyang pamilya at ang lahat ng mga
tao sa bayan ay nagdalamhati para sa kanyang kaluluwa dahil hindi na nila siya nakita muli
sapagkat ang katawan na iniligtas mula sa bukal ay nasa matandang mukha at lumang anyo
ni Ardon at hindi nila alam na siya ito.
Lumipas ang isang araw sa kanyang pagkawala, ang mainit na bukal ay nagsimulang
lumalamig at lumamig dahil sa pagkawala ng pag-ibig ng diyosa kay Ardon at sa kalungkotan
nito, at ang mga taong naninirahan sa lugar na iyon ay sinimulang tawagan itong "Guiwanon
cold spring" na pinagsama mula sa kanilang mga pangalan, Guiwana at Ardon.

You might also like