Who Is Basilio

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.2
Panitikan : BASILIO: Buhay, Pangarap at Mithiin, Paniniwala at
Saloobin
Kabanata : (6) Si Basilio, (26) Isang Paskin, (34) Ang Kasal
(7) Si Simoun (31) Ang Mataas na Kawani
(23) Isang Bangkay (33) Ang Huling Matuwid
Wika : Paggamit ng tamang mekaniks sa pagbubuod
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVb-c-84)


 Nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata
ng nobela.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVb-c-87)


 Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa
pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga
tunggaliang naganap at pagtukoy sa wakas.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVb-c-83)


 Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela.

PANONOOD (PD) (F10PD-IVb-c-82)


 Naiiugnay ang mga kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng
binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IVb-c-85) Ikaapat na Markahan |23

 Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng


binasang akda batay sa katangian ng mga tauhan,
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-IVb-c-82)


 Naiiugnay ang mga kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng
binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda.

II. PAKSA

Panitikan : Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin,


Paniniwala at Saloobin
Kabanata : (6) Si Basilio, (26) Isang Paskin, (34) Ang Kasal
(7) Si Simoun (31) Ang Mataas na Kawani
(23) Isang Bangkay (33) Ang Huling Matuwid
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
Disenyo batay sa kurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutirinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

Ikaapat na Markahan |24


 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng dokumentaryong pantelebisyon.
https://www.youtube.com/watch?v=4XopQBUtU5k

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: THINK-PAIR-SHARE
Ang mga mag-aaral ay magtatala ng talino at kakayahan na
tinaglay ng karakter sa pinanood na dokumentaryo upang makamit
ang kanyang pangarap.

2. Pokus na Tanong

a. Bakit nilikha ni Rizal si Basilio bilang isa sa mga tauhan ng El


filibusterismo?
b. Paano makabubuo ng isang mabisang pagbubuod?

3. Presentasyon
Pagpapanood ng videoclip ng kabanata 6. Si Basilio
https://www.youtube.com/watch?v=zutKIOgX4Dg&t=202s

Ikaapat na Markahan |25


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: VENN DIAGRAM
Pag-uugnay ng dokumentaryo ng isang binatilyong nakatira sa
garahe na nakatapos ng pag-aaral sa kabila ng hirap sa buhay ni
Basillo.

PAGKAKATULAD

BASILIO Charles Catipunan

ANALISIS

1. Anong ang kaibhan ni Basilio at ni Charles Catipunan. Paano sila


nagkatulad ng pakikipagsapalaran?
2. Sa kasalukuyan ano ang ginagawa ng ating pamahalaan upang
matulungan ang mga mag aaral na walang kakayahang makapag-aral?
3. Ibigay ang nararapat na taglayin ng isang tao upang maging abot
kamay ang kanyang pangarap.
4. Paano mapapanatili at mapapangalagaan ang tagumpay na nakamit?

Ikaapat na Markahan |26


 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Maraming humahanga sa mga taong matalino. Ngunit hindi lamang


talino ang dapat taglayin ng isang tao,ang taong matalino,masipag at matiyaga
ay mas kahanga hanga.Ang taong nagtataglay nito sa kabila ng pagiging
mahirap at hindi magiging hadlang upung siya’y magtagumpay sa kanyang
buhay.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Istratehiya : KWL


Bibigyan ng limang minuto ang bawat pangkat pipili ng isang
tagapagsalita. Gamit ang estratehiyang KWL (Know-Want-Learn), punan
ng angkop na impormasyon hinggil sa buhay ni Basilio

A
KNOW WANT LEARN PLI
( alam ko na ) (nais kong malaman) (aking natutunan )
KA
SY
ON

Mungkahing Istratehiya : AMBUSH INTERVIEW


Gabay na Tanong
1. Gaano kahalaga ang mga mga impormasyong tinalakay?
Patunayan.
2. Anong mensahe ang nais mong maging gabay o panuntunan na dapat
tandaan ng mga mag-aaral/kabataan sa paraan ng kanilang pag–
aaral?

IV. KASUNDUAN

1. Magsagawa ng balangkas hinggil sa naging buhay ni Basilio:

kabanata 6.
a. Sa Gubat ng mga Ibarra.
b. Sa Maynila ang kanyang Pag-aaral
c. Ang kanyang pag – aaral
- San Juan de Letran
Ikaapat na Markahan |27
- Ateneo Municipal

LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVb-c-84)


 Nasusuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata
ng nobela.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVb-c-87)


 Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa
pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga
tunggaliang naganap at pagtukoy sa wakas.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVb-c-83)


 Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IVb-c-85)


 Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng
binasang akda batay sa katangian ng mga tauhan,
pagkamakatotohanan ng pangyayari at tunggalian sa bawat
kabanata.

II. PAKSANG ARALIN

Panitikan : Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin,


Paniniwala at Saloobin
Kabanata : (6) Si Basilio, (26) Isang Paskin, (34) Ang Kasal
(7) Si Simoun (31) Ang Mataas na Kawani
(23) Isang Bangkay (33) Ang Huling Matuwid
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Ikaapat na Markahan |28
Sanggunian : El Filibusterismo
Disenyo batay sa kurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutirinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: GUESS WHO???
Kilalanin ang taong tinutukoy sa mga pahayag.

Ikaapat na Markahan |29


2. Presentasyon

Si Basilio

Kabanata 6 - Si Basilio
Nang tumunog ang kampana para sa simbang gabi, maingat na
nagtungo si Basilio sa gubat ng mga Ibarra na pag--aari na ngayon ni
Kapitan Tyago. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng ina at ginunita ang
nakaraan.
Labintatlong taon na ang nakalilipas nang papilay-pilay niyang hinabol
ang kanyang baliw na ina sa lugar na iyon at namatay. Dumating ang isang
lalaking sugatan at inutusan siyang gumawa ng siga. Pagbalik niya nakita
niya ang isa pang estranghero na nakatayo sa tabi ng patay na lalaki.
Magkatulong silang naglibing sa dalawang namatay.
Lumuwas si Basilio ng Maynila ngunit walang tumanggap sa kanya.
Mabuti na lamang at nakita niya si Kapitan Tyago. Nagprisinta siyang
katulong kapalit ng kanyang pag-aaral sa Letran. Maraming paghihirap ang
dinanas niya sa nasabing paaralan. Ngunit dahil sa natamong karangalan
hinikayat siya ni Kapitan Tyago na lumipat sa Ateneo Municipal.
Medisina ang kanyang kinuhang kurso. Natapos siya sa
pagkabatsilyer. Dahil matyaga at masigasig sa pag-aaral, di pa man nakaka-

Ikaapat na Markahan |30


pagtapos ay nakapapanggamot na siya. Huling taon na niya sa pag-aaral.
Pagkatapos niya’y pakakasal na sila ni Huli.

Kabanata 7 - Si Simoun
Natapos ang pagmumuni-muni ni Basilio. Sa tulong ng liwanag ng ilaw
nakilala ni Basilio si Simoun. Nasindak si Basilio sa natuklasan - na ang mag-
aalahas na si Simoun ay walang iba kundi ang misteryosong lalaking
tumulong sa kanya labintatlong taon na ang nakararaan. Lumabas sa
pinagtataguan si Basilio at nag-alok ng tulong. Lumapit si Simoun inamin na
siya ang estrangherong nakasama nya noon. Sinabi niyang siya ay biktima
ng isang masamang sistema at bumalik siya upang wasakin ang sistemang
iyon.
Hinikayat ni Simoun na sumapi sa kanyang binubuong plano si Basilio
ngunit tinaggihan niya ito. Sinabi niyang sa pamamagitan ng hinihiling nilang
pagpapatayo ng akademya ay magtatamo ng sapat na kaalaman ang mga
kababayan.
Nagkaroon sila ng pagpapalitan ng kuro hanggang sa magbubukang-
liwayway na. Kagya’t na pinasalamatan siya ni Basilio at umalis. Naiwan si
Simoung nag-iisip kung tama ba ang kanyang ginawa.

Kabanata 23 - Pumanaw si Maria Clara


Hindi pumunta si Simoun sa teatro. Hindi rin pumunta si Basilio.
Muling nagpokus siya sa pag-aaral mula nang tubusin niya si Huli, ang
kanyang mapapangasawa, sa pagkaalila. Binabawasan ni Basilio ang opyo
ni Kapitan Tyago upang bumuti ang kalagayan nito. Ngunit minsan, pagbalik
niya galing sa ospital, nakita niyang natutulog na parang bangkay ang
kanyang pasyente, lango sa opyo.
Nang gabing iyon habang nag-aaral dumating si Simoun. Kinumusta
ang maysakit. Sinabi niyang anomang araw ay maaari itong mamatay. Pilit
inihahambing ni Simoun ang kalagayan ng maysakit sa bansa ngunit hindi
niya ito pinapansin.
Nang malapit na ang 10:30 ng gabi,sinabi ni Simoun na sisiklab na
ang rebolusyon sa loob ng isang oras. Tinutulan ito ni Basilio. Kailangan niya
si Basilio upang pamunuan ang isang puwersa na kukuha kay Maria Clara sa
Sta. Clara. Sinabi ni Basiliong patay na si Maria Clara. Ikinabigla ito ni
Simoun. Litong-lito na patakbong nanaog ng bahayIkaapat na Markahan
si Simoun. |31
Nawala sa
pag-aaral si Basilio. Ang naglaro saisip ay ang kahabag-habag na buhay at
pagmamahalan nina Ibarra at Maria Clara.
nanong niya kung ano talaga ang nangyayari. Sinabi ng propesor na may
mga paskin sa unibersidad na laban sa pamahalaan at sinasabing mga
estudyante ng asosasyon ang gumawa ng paskin.
May mga guwardiyang umaresto kay Macaraig. Nang malaman nila
ang pangalan ni Basilio, inaresto rin nila ang binata.

Kabanata 31 - Ang Mataas na Kawani


Nangakalaya ang mga esudyante, salamat sa kanilang mga kamag-
anak na hindi nag-atubiling gumastos, magregalo at magsakripisyo para sa
kanila.na
Ikaapat Una’y si Macaraig,pinkahuli
Markahan |32 si Isagani. Ang tanging di nakalaya ay si
Basilo, dahil inakusahan siyangnagmamay-ari ng isang ipinagbabawal na
libro. May nagpayo sa Kapitan Heneral na dapat may isang maparusahan.
Isang mataas na opisyal ang nagsabing ang batang nakakulong ay
Ikaapat na Markahan |33
Kabanata 34 - Ang Kasal
Nang nasa kalye na si Basilio, wala pang alas siyete, nagsimula
siyang mag-isip kung ano ang gagawin niya hanggang dumating ang
takdang oras. Hindi niya alam kung saan siya pupunta sapagkat wala siyang
pera, walang ibang dala liban sa rebolber. Biglang naisip niya - saan
magsisimula ang drama? Nagkaroon siya ng suspetsa: nakita niyang inaayos
ang bahay ni Kapitan Tyago, inihahanda sa isang piyesta - ang kasal ni
Juanito Pelaez! Nabanggit ni Simoun ang isang piyesta.
Sa puntong iyon dumaan sa harap niya ang mahabang pila ng mga
karuwaheng puno ng mga lalaki at babae, masayang nag-uusap… sa isang
karuwahe sakay sina Paulita at Juanito. Naisip niya ang kaibigang si Isagani,
ang kaawa-awang si Isagani. Binalak niyang sabihinang plano ngunit naisio
niyang hindi ito sasama sa kanilang plano.
Malaki ang ipinagbago ng bahay ni Kapitan Tyago. Inihanda talaga
para sa isang malaking piging. Sa kabila ng mga naggagandahang palamuti
ay ay wala roon ang mesang malalaking diyos. Ito ay matatagpuan sa gitna
ng malawak na azotea, sa loob ng isang kahanga-hangang kiyosko na
sinadyang ginawa para sa kasal…

Ikaapat na Markahan |34


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC
a. Nalaman ba ni Basilio na si Simoun at Ibarra ay iisa?
Patunayan.
b. Anong katangian ni Basilio ang binanggit o ipinahihiwatig sa
bawat kabanaa? Patunayan.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Istratehiya: RADIO BROADCASTING

Ilahad ang paniniwala ni Basilio na ang karunungan at katarungan ay


higit na mabuti kaysa sa isang balak na ikapapahamak ng lahat.

Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: TALK SHOW

Patunayan ang mga katangian ni Basilio batay sa kanyang ikinikilos ay


di makasarili, masipag, tahimik at ayaw ng gulo.

Pangkat 3: Mungkahing Istratehiya: DEBATE

Bigyang pansin ang pagpanig ng mataas na opisyal sa karapatan


ni Basilio at ang pagbibitiw niya sa tungkulin maipaglaban lang ang
sariling prinsipyo.

Paksa: “Alin ang higit na dakila para sa bayan?”

Pangkat 4: Mungkahing Istratehiya: MOCK TRIAL

Isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagbubuuod


a. “ Ang mga amang duwag ay mag-aanak lamang ng mga alipin”

Ikaapat na Markahan |35


b. “ ngayong pudpod na ang parang, lilipat sa iba ang baling”
c. “ Ang isang bayang mahina at nagugumon sa kasamaan ay dapat
lipulin upang magbigay-daan sa pagsibol ng isang bago at malusog
na binhi”
d. “ Diyos lamang ang may karapatang gumiba sapagkat Siya lamang
ang maaring lumikha”

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Mga Napakahusay Mahusay pang
Husay
Kategorya Paghusayin
10-9 8-7
6-5
4-1

Halos lahat
ng miyembro
Ang lahat ng ng pangkat
miyembro ng ay walang
pangkat ay Dalawa sa
disiplina.
nagkakaisa at miyembro ng
May Hindi maayos
may respeto sa pangkat ay
pagkakaisa at ang
isa’t isa. hindi maayos
pagtutulungan presentasyon
na nakikilahok
Napakaayos ng ang bawat .
sa
kanilang miyembro. Nangangaila-
Kooperasyon gawain.Maayo
ipinakitang ngan ng
Maayos ang s ang ipinakita
presentasyon disiplina at
ipinakitang nilang
dahil lahat ng respeto sa
presentasyon presentasyon
miyembro ay bawat
ng bawat isa. at may
kumikilos sa isa.Kailangan
respesto sa
gawaing lahat ng
bawat isa.
nakaatang sa miyembro ay
bawat isa. nakikipagtulu
-ngan sa
gawain.

Malikhain at Walang
Napakamalikhain
mahusay ang buhay ang
at napakahusay Maayos na
pagpapalutang ipinakitang
Pagkamalikha ng pagpapalutang napalutang
sa nais pagpapalutan
in/ Kasiningan sa nais ipabatid ang ideya na
ipabatid na g ng
na mensahe/ nais ipabatid.
mensahe/ mensahe /
impormasyon
impormasyon. ideya.

Ikaapat na Markahan |36


May mga Lahat ng
Ang mga datos /gawain inilahad ay
Kaangkupan datos/gawain ay Angkop ang na hindi higit na
sa inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ngan ng
kaangkupan . ng kaangkupan
kaangkupan. sa gawain.

Maliwanag Hindi
Napakahusay ng Mahusay ang
ang ginawang malinaw ang
ginawang ginawang
pagpapaliwan ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwana
ag/ pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng g/ pagkakabuo
pagkakabuo ng
mensaheng ng mensaheng
ng mensaheng mensaheng
ipinababatid. ipinababatid
ipinababatid. nais ipabatid.

 Pagtatanghal ng pangkatang gawain


 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Paano pinalutang ni Rizal ang katauhan ni Basilio sa mga kabanatang


pinag-aralan?
2. Ilarawan mo ang papel na ginampanan ng iba pang mga tauhan sa
nobela, pag-usapan kung mahalaga ang papel ng bawat isa.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

Ikaapat na Markahan |37


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang pangarap sa buhay ay maaaring magkaroon ng katuparan kung


patuloy nating haharapin ang anumang pagsubok sa buhay nang buong
tapang.
Mapapanatili ang tagumpay sa buhay kung ito ay may kalakip na
pagpapakumbaba at patuloy na pagtulong sa kapwa.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: THINK AND REACT

Bakit nilikha ni Rizal si Basilio bilang isa sa mga tauhan ng El filibusterismo?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: MAKE IT REAL

Magbahagi isang pangyayari na sa kasalukuyang panahon ay patuloy na


nagiging suliranin sa lipunan ang ilan sa mga karanasan ng tauhan sa akda.

4. Ebalwasyon

Piliin at Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.


1. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ”ngayong pudpod na
ang parang, lilipat sa iba ang baling”.
a. walang nabubuhay na damo sa kaparangan
b. maraming dumadayo sa parang
c. walang pumapansin sa kaparangan
d. di na pinapansin ang isang bagay na wala ng pakinabang

2. Bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio nang malaman nito ang


kanyang lihim?
a. naawa dahil sa hirap na pinagdaanan nito

Ikaapat na Markahan |38


b. may utang na loob sa magulang nito
c. nais niyang maging kakampi sa paghihimagsik
d. naawa dahil pareho na silang ulila

3. Naging marangal ang kanyang puso at nagpamalas ng hindi


pagkiling.
a. Mataas na Kawani c. Basilio
b. Isagani d. Simoun

4. May masamang kutob na si Huli subalit nagpatuloy pa rin siya


sa pagpunta sa kumbento.
a. nais niyang makalaya si Basilio
b. natatakot siya kay Padre Camorra
c. nagtiwala siya kay Hermana Bali
d. naniwala siya na makikinig ang pari

5. Ano ang nais patunayan ng pagbibitiw ng mataas na kawani sa


kanyang tungkulin?
a. di niya kaya ang trabaho
b. makakahanap siya ng ibang trabaho
c. may delikadesa at nananangan sa tunay na katarungan
d. natakot siya sa Kapitan Heneral

Susi sa Pagwawasto:
1. D 2. C 3. A 4. A 5. C

INDEX OF MASTERY:

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

Ikaapat na Markahan |39


1. Sumulat ng sariling buod batay sa kabanatang binasa gamit ang mga
matatalinhagang pahayag. Palutangin ang mga karanasan ni Basilio
upang matukoy ang katangiang inilalarawan sa bawat kabanata.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVb- c-79)

Ikaapat na Markahan |40


 Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat
(baybay,bantas at iba pa) gayundin ang wastong pag–uugnay ng
mga pangungusap /talata.

II. PAKSANG ARALIN

Panitikan : Basilio: Buhay, Pangarap at Mithiin,


Paniniwala at Saloobin
Kabanata : (6) Si Basilio, (26) Isang Paskin, (34) Ang Kasal
(7) Si Simoun (31) Ang Mataas na Kawani
(23) Isang Bangkay (33) Ang Huling Matuwid
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
Disenyo batay sa kurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutirinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Ikaapat na Markahan |41


Panuto: Ang pangungusap ay isusulat ng magkakahiwalay. Hayaang ang
mga mag-aaral ang makabuo ng hinihinging ideya sa bawat paksa.
Huhulaan din nila kung sino ang taong tinutukoy.

A. Ayon sa ating nabasa at narinig siya ay nagmula sa mahirap na pamilya.


Noong kabataan niya siya ay pinagtatawanan dahil kailangan niyang
tumulong sa kanyang magulang sa pag-aalaga ng baboy. Bunga ng
kanyang pagsisikap siya ay naging kilalang politiko at naging bise
presidente ng Pilipinas.

B. Siya ay isinilang at nakilala sa pangalang Juanito Furugganan. Ang


kanyang ina ay isang labandera at anak ng isang mangingisda. Nang siya ay
nasa hayskul na kinuha siya ng kanyang ama na isa palang tanyag na
abogado. Siya ay pinag-aral at dito nagsimulang mabago ang takbo ng
kanyang buhay. Bunga ng pagsisikap siya ay naging Defense Minister at
Senador ng ating bansa.

C. Siya ay isinilang sa bansang Tsina. Iniwan siya ng kanyang ama upang


humanap ng magandang kapalaran. Dahil hindi na bumalik ang ama
napilitan siyang sundan ito sa Pilipinas. Napaiyak siya ng makita na ang
kanyang ama ay naghihirap at nagtitinda sa maliiit na sari-sari store.
Magmula noon ay ipinangako niya sa kanyang sarili na magsisikap upang
maiahon sa kahirapan ang kanyang ama. Sa pagtutulungan nilang mag
ama, nagawa nilang mapaunlad ang kanilang negosyo hanggang maitatag
ang SM Chain of Stores sa buong Pilipinas. Ginamit niya ang kanyang
sipag, tiyaga at katapatan sa pagpapaunlad ng negosyo. Ngayon siya ang
pinakamayamang tao na naninirahan sa Pilipinas.
Mungkahing Estratehiya: GAME SHOW

Mula sa:www.jpenrile.com/ aboutjpe/biography.asp

Gabay na Tanong:

Mungkahing Estratehiya: LUCKY BOX


a. Ano ano ang naging puhunan ng mga taong ito upang
magtagumpay?
b. Patunayan na ang kahirapan ay hindi hadlang upang
magtagumpay?

Ikaapat na Markahan |42


2. Presentasyon

Pagpapanood ng isang balita.


https://www.youtube.com/watch?v=c1ducAPuzV8

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PICK A QUESTION
a. Talakayin ang napanood na video.
b. Anong katangian ang ipinamalas ng pangunahing tauhan sa balita?
Patunayan.
c. Bumuo ng isang talatang buod ng napanood na video.

ANALISIS

1. Ano anong paraan ang isinasaalang-alang upang mabuo ang ideya ng


isang pahayag?
2. Bakit mahalaga ang kaisahan sa pagbuo ng talata?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

Ikaapat na Markahan |43


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

 Wastong gamit ng bantas


https://teksbok.blogspot.com/2010/08/wastong-gamit-ng-mga-bantas.html

 Mga tuntunin sa pagbabaybay


http://www.slideshare.net/imchristenjoy/mga-tuntunin-sa-pagbabaybay

 Mga pamantayan sa pagsulat ng buod


https://prezi.com/d57u6cm51om1/mga-dapat-tandaan-sa-pagsulat-ng-lagombuod/

ABSTRAKSYON

Mungkahing Istratehiya : BANKING THE INFO

Ano ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbubuod?

APLIKASYON

Mungkahing Istratehiya : HOUSE GRAPHIC ORGANIZER


Gamit ang sumusunod na grapikong presentasyon, punan ng mga
datos na kinakailangan sa bawat linya.

Pangarap sa Buhay

Ikaapat na Markahan |44


Mga katangiang Paano
dapat taglayin. makakamit ang
tagumpay?

3. Ebalwasyon

Panuto: Mula sa ginawang House Graphic Organizer. Isulat ang buod


kung paano makakamit ang pangarap sa buhay. Gamitin ang
balangkas na nasa Graphic Organizer.Isaalang alang amg mga
wastong pamantayan sa pagsulat ng buod.

Rubric / Pamantayan sa Pagmamarka


Nilalaman ------------------------------------- 4 puntos
Pagkakabuo ---------------------------------- 2 puntos
Paggamit ng Wika --------------------------- 2 puntos
Mekaniks(baybay, bantas at iba pa) -----1 puntos
Kalinisan ----------------------------------------1 puntos
Kabuuan 10 puntos
IV. KASUNDUAN

1. Basahing muli ang mga kabanatang binigyang pansin sa pagtalakay.


Humanda sa pagbubuod nito.
2. Anong pangyayari sa buhay ni Basilio ang tumatalakay sa isyung
panlipunan sa kasalukuyan? Bigyang patunay.

Ikaapat na Markahan |45


ILIPAT

I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IVb-c-86)

Ikaapat na Markahan |46


 Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.2


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
Disenyo batay sa kurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC

Pagpapakita at pagpapabasa ng isang halimbawang buod na ginawa


ng mga mag-aaral.

Gabay na Tanong:

Ikaapat na Markahan |47


Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION

1. Isa-isahhin ang mga napansin sa buod na nabasa.


2. Naging makatwiran ba ang nabuong buod ng mga kamag-aaral?
Bigyang patunay.

ANALISIS

1. Ano-ano ang dapat isaalang alang sa pagsulat ng buod?

ABSTRAKSYON

Paano nakatulong sa iyo ang mga kaalamang natamo sa wastong


gamit ng mga bantas at tamang baybay sa pagsulat ng buod o lagom?

APLIKASYON

GOAL - Pagsulat ng buod ng bawat kabanata ng El Filibuterismo na may


kaugnayan kay Basilio

ROLE - Isa kang manunulat sa pahayagang pampaaralan

AUDIENCE - Punong-patnugot at mga kapwa manunulat

Ikaapat na Markahan |48


SITUATION - Panahon ng pagbuo ng pahayagang pampaaralan

PRODUCT - Buod ng napiling kabanata na may kaugnayan kay Basilio

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Maayos na nilalaman
B. Wastong pagkakabuo,kaugnayan ng pangungusap sa talata
C. Mekaniks (bantas, baybay, palugit at malaking titik)
D. Kalinisan

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
7-5 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
4-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng buhay ng kilalang tao sa inyong lugar.Isulat ang buod


ng kanyang pakikipagsapalaran hanggang mkamit niya ang
tagumpay.
2. Sino si Kabesang Tales?

Ikaapat na Markahan |49


3. Ano-anong paghihirap ang dinanas niya sa kamay ng mga prayle?

Ikaapat na Markahan |50

You might also like