Lesson Exempler Page 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

LESSON

LessonEXEMPLAR
Exemplar IN FILIPINO 9

ASIGNATURA: FILIPINO 9
BAITANG: 9
KWARTER : Una
TEMA/PAMAGAT: Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
Nobela mula sa Indonesia Takipsilim sa Djakarta ni: Mochar Isinalin
sa Filipino ni Aurora E. Batlang

PAKSANG ARALIN: Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay opinyon

PAMATAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
ng Timog-Silangang Asya

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nagkapagsasagawa ng


malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng
mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.

MOST ESSENTIAL COMPETENCIES: Nagagamit ang mga pahayag na


ginagamit sa pagbibigay-opinyon (sa
tingin/akala/pahayag/ko/iba pa)
CG CODE: F9WG-lc-d-42
KASANAYAN : Wika at Gramatika
ORAS NA NAKALAAN: 1

TALAAN NG NILALAMAN
CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994
Panitikang Asyano ng Indonesia
Takipsilim sa Djakarta Nobela - (Wika at Gramatika )
Panimulang Gawain/.
Layunin --------------------------------------------------------------------------------------------------------3
Subukin/
Balikan ----------------------------------------------------------------------------------------------------------4
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------------------------------------------5
Talakayin ------------------------------------------------------------------------------------------------------- 6
Pagyamanin-------------------------------------------------------------------------------------------------- 7
Isapuso ----------------------------------------------------------------------------------------------------------8
Susi ng Pagwawasto /
Sanggunian ------------------------------------------------------------------------------9

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994


PANIMULANG ALAMIN
GAWAIN
Binabati ko kayo ! nagpapasalamat ako at nakarating na tayo sa bahaging ito ng ating
aralin .Alam ko marami na kayong natutunan mula sa nobela ng Indonesia na “Takipsilim sa
Jakarta. Natutunan natin ang mga wastong pag-uugali ng pagiging mabuting tao ,sa ating
kapwa kahit na anumang lahi kapa o anumang kalagayan mayroon ka sa buhay.Natutunan
narin natin ang mga elemento ng tunggalian na nagpapakilala ng mga pakikipagsapalaran ng
mga tauhan sa isang nobela, gayundin ang mga bahgi ng isang nobela,

Sa ating aralin ngayon, tuturuan tayo ng wastong pagpapahayag ng ating mga opinyon sa
pamamgitan ng paggamit ng mga wastong kataga ng pagpapahayag ng ating mga
opinyon.Makatutulong ang mga pagsasanay na inihanda sa pagtatamo ng inyong kaalaman.

LAYUNIN ALAMIN
1. Nagkakaroon ng kabatiran sa kahulugan at mga katagang gamit sa wastong
pagpapahayag ng opinyon.
2. Nakikilala ang mga pahayag o pangungusap na may wastong katagang gamit
Sa pagpapahayag ng opinyon.
3. Nasusuri ang mga pangungusap na katotohanan o opinyon lamang
4. Naipapahayag ang sariling kaisipan at damdamin sa pagsulat gamit ang mga
kataga sa pagpapahayag ng opinyon.
.

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994


SUBUKIN

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang nobela ay isang mahabang salaysayan na nahahati sa bawat
a. saknong b. talata c. kabanata d. yugto
2. Sino ang asawa ni Fatima?
a. Pal Idjo b. Pulis c. Raden Kaslan d. Lubis
3. Saan naganap ang aksidente?
a. likod bahay b. paaralan c. bangketa d. restawran
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng pagbibigay ng opinyon?
a. sa tingin ko b. sa pakiwari ko c. hayaan d. sa ganang akin
5. Bakit nag-iba ang kilos ng matandang kabayo?
a. dahil sa pagkagulat c. dahil sa labis na lungkot
b. dahil sa sobrang saya d. dahil as pagkatakot

BALIKAN

IBigay ang apat na uri ng Tunggalian

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994


TUKLASIN

Ang opinyon ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. Ilan sa mga ginagamit na salita ay:
sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin,
saganang akin .
Halimbawa:
1. Para sa akin, ang kabataan ang mag-aangat sa bayan
2. Kung ako ang tatanungin, mainam na huwag na munang lumabas ng bahay.
3. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.

Panuto: Salungguhitan ang mga katagang nagpapahayag ng pagbibigay ng opinyon.


1. Para sa akin, mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa pera.
2. Kung akong tatanungin, marapat lamang na ikulong si Andy.
3. Sa aking palagay, mainam na maglakad na lang papuntang paaralan.
4. Sa tingin ko, hindi magiging ligtas ang bawat tao kapag sila ay nagpumilit na lumabas.
5. Sa nakikita ko, hindi magtatagal matatapos na ang paghihirap natin tungkol sa sakit na ito.
6. Hindi matatapos ang pag-aarala ng batang iyan, sa pakiwari ko.
7. Sa ganang akin higit na mainam kung tutungo tayo kung saan nagsimula ang lahat upang
makagawa ako ng hatol.
8. Sa pakiwari ko marami ang natutuwa sa online class
9. Sa nakikita ko ang covid ay isang nakahahawang sakit
10. Sa nakikita ko mas protektado ka sa covid kung nakafacemask tayo.

B. Piliin kung ang pangungusap ay naglalarawan sa katotohanan o opinion.


___________ 1. Mga impormasyon na galling sa saloobin at damdamin
___________ 2. Maari itong suporthan ngmga libro, research, balita at iba pa.
___________3. Mga impormasyong maaring mapatunayang totoo.
___________4 Nag-iiba ang mga ito sa magkakaiba na pinagmumulan ng impormasyon.
___________5. Hindi maaring mapatunayan kung totoo o hindi

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994


TALAKAYIN

Paggamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling Opinyon o Pananaw

1. Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pasalungat ang iyong pananaw sa iba

2.Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap,kung sakaling hindi man kayo pareho ng
pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag mo rin ang iyong pinaniniwalaan

3. Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw kung may
matibay siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw.

4. Maging magalang at huwag magtataas ng boses kung sakaling kailangan mo namang


sumalungat sa ideya o opinyon ng iba

5. Makabubuti kung ang iyong pahayag ay nakabase sa katotohanan o kaya’y


sinusuportahan ng mga datos.

PAGYAMANIN

Gawain 1: Ibigay ang inyong Opinyon sa mga sumusunod na paksa ,


Gamitin ang mga salungguhitan ang mga katagang ginamit
Sa pagpapahayag ng opinion.

1. Paano binago ng Covid 19 ang kalagayan ng edukasyon?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Masasabi bang ligtas tayo sa covid kahit nabakunahan na ?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994


ISAPUSO

Pagsulat : Sumulat ng sariling Repleksiyon tungkol sa natutunan sa nobelang

Takipsilim sa Jakarta : Anong pangyayari sa nobela o naging karanasan

Ng mga tauhan ang hindi ninyo makalimutan ,ano ang nasagi nito sa

Inyong sarili o naituro nito sa inyo?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Kriterya 5 4-3 2-1

Pagkakasunod-sunod Mahusay ang pagkakalahad ng Maayos pagkakalahad Hindi gaanong mabisa ang
ideya,mabisa ang panimula May ankop na simula simula gitna at konklusyon

hikayat Nakawiwili mula simula May punto ang mga Mahina ang mga
hanggang wakas kaisipang isinulat ipinapahayag na kaisipan.
Ang
gramatika Napakahusay ng paggamit ng Mahusay at kakaunti lamang Kapansin-pansin ang mga
wika at gramatika ang mali sa wika at gramar pagkakamali sa gamit na
baybay at at bantas

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994


SUSI SA
PAGWAWASTO

SUBUKIN 1.c 2.c 3. d 4.c 5.a.


BALIKAN tao vs tao ,tao vs sarili ,tao vs kalikasan , tao vs lipunan
TUKLASIN A.
1.para sa akin
2. Kung ako ang tatanungin
3.sa aking palagay
4.Sa tingin ko
5.Sa nakikita ko
6.Sa pakiwari ko
7.Sa ganang akin
8. Sa pakiwari ko
9. Sa nakikita ko
10. Sa nakikita ko
B.
1.Opinyon 2.Katotohanan 3. Katotohanan 4.Opinyon 5. Opinyon
PAGYAMANIN
Nasa guro ang pagpapasya

ISAPUSO Nasa batayang rubiks

SANGGUNIAN

Filipino 9- SELF-Learning Module (Capas National High School) 2020.

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994


Panitikang Asyano 9 Gabay ng Mag-aaral sa Filipino

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL - 300994

You might also like