Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

PAANO GAMITIN ANG MODYUL?


Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang
ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang
natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-
aaralang modyul

2
Aralin
Mga Bahagi ng Panukalang
1 Proyekto

Inaasahan

Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw na mag-aaral ay inaasahang:


Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin.

Unang Pagsubok
Bago mo pa simulan ang mga gawain sa modyul na ito, subukin muna
natin ang iyong kaalaman sa paksa. Basahin at sagutin ang sumusunod na
mga detalye. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.

1. Ito ang unang hakbang na dapat isagawa sa pagsulat ng panukalang


proyekto.
A. pagtukoy sa pangangailangan
B. paghanap ng materyales
C. paghahanda ng badyet
D. pagpapasa ng proyekto
2. Ito ang pangunahing dahilan sa pagsulat ng panukalang proyekto.
A. mangalap ng pondo
B. magpagawa ng proyekto
C. matukoy ang pangangailangan
D. makalikha ng positibong pagbabago
3. Ito ay termino sa pagbuo ng balangkas ng panukalang proyekto na
kadalasan ay hinahango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang
tugon sa suliranin.
A. Plano ng Dapat Gawin
B. Pagpapahayag ng Suliranin
C. Kapakinabangang Matatamo
D. Pamagat ng Panukalang Proyekto
4. Ito ay termino sa pagbuo ng balangkas ng panukalang proyekto kung
saan nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay
ang pangangailangan.

3
A. Plano ng Dapat Gawin
B. Pagpapahayag ng Suliranin
C. Kapakinabangang Matatamo
D. Pamagat ng Panukalang Proyekto
5. Ito ay termino sa pagbuo ng balangkas ng panukalang proyekto kung
saan makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing
isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa
at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
A. Plano ng Dapat Gawin
B. Pagpapahayag ng Suliranin
C. Kapakinabangang Matatamo
D. Pamagat ng Panukalang Proyekto

Balik-Tanaw

Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang kaalaman tungkol sa panukalang


proyekto at mga katangian nito. Subukin nating muli ang iyong natutuhan.
Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salita sa loob ng kahon, pagkatapos
ay gamitin ang mga salitang ito upang makabuo ng pagpapakahulugan sa
termino sa loob ng kahon. Gawin ito sa kwaderno.

PANUKALANG
PROYEKTO

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang


mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng
iyong project proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat
ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong

4
pagbabago. Higit na magiging tiyak, napapanahon, at akma kung
matutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan nito. Sa
madaling salita ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na
panukala.

Kaya naman, mahalaga munang mabatid ang mga sumusunod na


termino sa mga bahagi ng panukalang proyekto upang ganap mong
maunawaan ang gagamiting balangkas sa pagsulat nito.

MGA BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO

Naglahad sina Julian at Lontoc (2016) ng higit na tiyak na balangkas


para sa pagsulat ng panukalang proyekto, ito ay ang mga sumusunod:

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - kadalasang ito ay hinahango mismo


sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan at nagpanukala ng panukalang
proyekto.
3. Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama
rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal
gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit
dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan. Malinaw, maikli, at
direkta ang paglalahad nito. Makikita rin ang maikling paglalarawan ng
pamayanan, ang suliraning nararanasan nito, at ang pangangailangan
nito upang masolusyunan ang nabanggit na suliranin. Ang mga
benepisyong matatamo kung maisakatuparan ang panukalang
proyekto ay nakapaloob din.
5. Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit
dapat isagawa ang panukala. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner,
ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
Specific - nakasaad ang mga bagay na nais makamit o mangyari
sa panukalang proyekto.
Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito
matatapos.
Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang
nasabing proyekto.
Practical – nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin.
Logical – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang
proyekto.
Evaluable – masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
6. Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng
pagkakasunodsunod ng mga gawaing isasagawa para sa

5
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw
na gagawin ang bawat isa. Ito ay dapat na maging makatotohanan at
kailangang ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito.
7. Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa
ng proyekto. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang
proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng badyet. Simple at
malinaw itong isinusulat upang madaling maunawaan. Isama sa badyet
maging ang huling sentimo, siguraduhing wasto at tama ang ginawang
pagkukuwenta ng mga gastusin. Huwag ring kaligtaang isama ang sa
talaan ng badyet ang suweldo ng mga mangagawa at iba pa. Iwasan ang
mga bura o erasures sapagkat ito ay nangangahulugan ng integridad at
karapatdapat na pagtitiwala para sa iyo.
8. Kapakinabangan Matatamo mula sa Panukalang Proyekto – kadalasan,
ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad
dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha nila mula rito.

Gawain 1

Panuto: Batay sa iyong obserbasyon sa inyong lugar/paaralan bago nag-


Enhance Community Quarantine (ECQ) balikan sa isip ang mga
naisagawang proyekto sa inyong barangay/paaralan na nagdulot ng
malaking pakinabang para sa iyo at sa ibang tao. Makipagtalakayan sa
iyong kapamilya tungkol dito. Gamit ang talahanayan sa ibaba, isulat
ang mahahalagang bagay tungkol sa nasabing proyekto.
Isaalangalang ang mga tinalakay na termino upang buong husay na
maisagawa ang gawain. Pagkatapos, pumili ng kapartner na kamag-aral
sa tulong ng messenger chat para sa palitang pagkritik ng talahanayang
sinagutan. Isulat ang sagot sa gawain sa inyong kwaderno.

Mahahalagang Bagay Hinggil Puna ng Kamag-aral


sa Proyekto
Pangalan/ Pamagat ng
Pagpapasemento at paglalagay ng itim na graba sa kahabaan ng haywey sa
Proyekto Barangay Macalang, Dasol, Pangasinan
Nagpanukala o Punong Barangay Gerardo M. Vito, Barangay Macalang, Dasol, Pangasinan
nanguna sa proyekto
Lugar kung saan
Barangay Macalang, Dasol, Pangasinan
isinagawa o ipinatupad
Petsa ng pagpapatupad
February 25, 2018 - September 29, 2018

6
Tao/ mga taong
nagpapatupad/
Mayor Noel A. Nacar
nagsasagawa ng
proyekto
Pakinabang o Maayos na ang daloy ng pagbiyahe o pagdaan sa kalsada, labis ang tuwa ng
magandang dulot ng mga namamasada, maging ang mga mamamayang dumadaan sa kalsada.
proyekto Maaliwalas at maayos na rin itong tignan.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
20 15 10 5
Siksik sa mga Kumpleto sa Taglay ang ilang Hindi nakasunod sa
makabuluhang impormasyon ang impormasyon sa hinihinging
impormasyon ang nabuong gawain at nabuong gawain at impormasyon ang
nabuong gawain at isinagawang bahagyang nabuong gawain, hindi
isinagawang palitang pagkritik. nakatugon sa rin nakapagsagawa ng
palitang pagkritik. isinagawang
palitang pagkritik.
palitang pagkritik.

Tandaan

Ang isang panukalang proyekto ay naaaprobahan kung malinaw na


nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito
makatutulong sa kanila. Mahalaga ang katapatan sa pagbuo ng
panukalang proyekto lalo na sa pagtatakda ng badyet para sa proyekto.
Kaya naman sa mga karagdagang kagamitan o materyales na
kakailanganin, maghanap muna ng murang bilihan para makatipid din sa
mga gastusin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid
sa mga gugulin.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng ilang mahahalagang termino sa pagsulat ng


panukalang proyekto. Isulat ang iyong sagot sa patlang, gumamit ng
hiwalay na papel o kwaderno para sa gawain.

7
1. Panukalang Proyekto:_____________________________________________
__________________________________________________________________
2. Pagpapahayag ng Suliranin:_______________________________________
__________________________________________________________________
3. Badyet:___________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. SIMPLE: (para sa layunin ayon kay Jeremy and Lynn Miner)
a. Specific:_________________________________________________
_________________________________________________________
b. Immediate:______________________________________________
_________________________________________________________
c. Measurable:_____________________________________________
_________________________________________________________
d. Practical:________________________________________________
_________________________________________________________
e. Logical:__________________________________________________
_________________________________________________________
f. Evaluable:_______________________________________________
_________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin


at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Iminungkahi sa pulong ng Senior High Assembly ang pagsusumite ng


isang panukalang proyekto matapos nilang matukoy ang
pangangailangang makapagtayo ng drinking fountain para sa mga
magaaral sa gusali ng Senior High School. Sa bahaging layunin ng
panukalang proyekto, pinaalalahanan sila ng Assembly Adviser na
gawin itong Specific. Alin sa sumusunod ang tumutukoy dito?
A. nakasaad ang mga bagay na nais makamit o mangyari sa
panukalang proyekto.
B. nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos.
C. nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
D. masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
2. Naatasan si Lyn Junel na ihanda ang badyet sa susulating panukalang
proyekto ng kanilang pangkat. Ang mga sumusunod ay dapat niyang
isaalang-alang maliban sa?
8
A. Maging tapat sa pagtatakda ng badyet.
B. Pag-aralang mabuti upang makatipid sa gugulin.
C. Isama sa pagbabadyet maging ang huling sentimo
D. Huwag munang banggitin ang suweldo ng mga manggagawa
3. Sa pagsulat ng layunin ng panukalang proyekto, mahalagang maisaad
ang solusyon sa nabanggit na suliranin. Alin sa sumusunod na termino
ang tumutukoy rito?
A. Specific
B. Measurable
C. Practical
D. Logical
4. Ito ay termino na nagsasaad ng kalkulasyon ng mga guguling gagamitin
sa pagpapagawa ng proyekto.
A. layunin
B. suliranin
C. pamagat
D. badyet
5. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa kapakinabangang
matatamo mula sa panukalang proyekto?
A. Sa bahaging ito dapat na makita ang pagkakasunod-sunod ng
mga gawain.
B. Sa bahaging ito nakasaad ang makukuhang benepisyo mula sa
proyekto.
C. Sa bahaging ito nakasaad ang dahilan o kahalagahan kung bakit
dapat isagawa ang panukala.
D. Sa bahaging ito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa ang proyekto.

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Gamit ang kasanayan sa pagiging mapanuri, maglahad kung paano
makatutulong sa isang mag-aaral na katulad mo na mabigyang kahulugan
ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa panukalang proyekto.
Simulan sa pahayag na, “Naniniwala ako…”

Naniniwala ako _______________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
______________________________________________________________
____________________________.

Sanggunian
Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang pluma Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Mabilin, E. R. et. Al. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa
Esensyal na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Candelaria C. Santos, MT II


Lorena S. Club, MT II

Manunulat: Lorena S. Club, MT II

10

You might also like