Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Theme: Upholding Ilocano Excellence Amid a Crisis

“Pagpapanatili ng Kahusayan sa Ilocano sa gitna ng isang krisis”

Panaginip ng Kahapon
 
Sa aking pagmumuni-muni pumasok sa isipan ang panayam ng kahapon. Sa pagsibol
ng bagong umaga, may mga bagong tao akong nakilala. Mga taong nanggaling pa sa iba’t
ibang bansa. Araw-araw ay may baon silang mga tanong ukol sa lugar ng Ilocos Norte. Ngunit
kadalasan ay masiyasat sila sa paraan ng pamumuhay ng mga Ilokano. Ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon ay dumating ang isang napakalas na bagyo. Sa kasagsagan ng
bagyo, napatanong ang pinakamatanda sa grupo; “Ano ang ipinagmamalaki mo bilang isang
Ilokano?” Ako ay nag-aalinlangang sumagot kaya’t napatanong din ako sa aking sarili. Tila ang
tanong na iyon ay tila bagyong yumanig sa buo kong pagkatao. Kaya’t sa gabing iyon, habang
umuulan, nababagabag dugo ng aking pagka-Ilokano.

“Bangon kababayan, kaya natin ito!”, malakas na ugong ang aking natunugan. Isang
taguktok mula sa labas ang pumukaw sa aking ulirat at napatakbo ako. Ang pinsala ng bagyong
Ulysses ang bumungad sa  harapan at hiyaw ng tulong ang umaalingawngaw sa kapaligiran.
Parang kahapon lamang noong tayo ay nagpapakasaya sa ating buhay ngunit ngayon, sa isang
iglap ay tila naglaho na ang lahat ng mga magagandang ala-ala. Ngunit sa bagong araw na ito
ay bagong pag-asa ang kakambal. Ako ay nag-ayos, nagdamit at naghanda sa pakikibaka. Sa
kabila ng sakuna, ngiti ang aking naaaninag sa mga mukha ng aking mga kapwa Ilokano. Sa
halip na mga aburido ang mapupuna sa kanilang mga mata, tila pag-asa ang nawawari ko.
Habang naglilibot, ako ay namamangha sa mga ipinipakita ng bawat isa. Talagang pinapanatili
ng mga Ilokano ang pagkakaroon ng 4P kahit na sa gitna ng krisis. Una, ang pagbabayanihan.
Sa pag-ikot ng aking mata, sa isang banda ay makikitang nagtutulong-tulong ang bawat tao sa
pagsalba sa mga gamit na may silbi pa. Kapit kamay sila sa pag-ahon ng mga nalugmok na
parte ng kanilang ari-arian dahil sa mahagupit na bagyong dumaan. Kahit sa gitna ng krisis,
pinapa-iral parin ang matinding pagsasama at pagtutulong-tulong ng mga Ilokano. “Kunin mo
itong sobra namin kanin para sa inyo.” isang tinig ng isang matandang babae na tila napaka-
tamis na dumaan sa aking mga tainga. Totoo nga’t ang mga Ilokano ay bida sa
pagbabayanihan. Pangalawa, ang pagkamaparaan. Sa gitna ng krisis ay panahon na kung
saan ay may kakulangan sa mga kagamitan, ang mga Ilokano ay kilala sa pagiging marunong
at ma-diskarte. Gaya na lamang ng aking naaaninag, ang isang lalaki ay tinitipon-tipon ang mga
kahoy upang gamitin sa pagluluto. Sa mga Ilokano, ang lahat ng bagay ay may katuturan at
kagagamitan. Kaugalian din nilang bakas-bakasin ang mga bagay bagay kapag wala na
talagang magagamit. Ang mga Ilokano, sa gitna ng krisis, ay nananatili paring maparaan at
madiskarte. At pinapakita lamang nito na kapag darating ang isang pinsala; ang
pagkamaparaan ang magsasalba sa mga Ilokano. Pangatlo, ang pagkamasinop. Sa panahon
na kung saan ay may kakulangan ng kagamitan, ang pagiging masinop ang susi upang patuloy
na makaahon sa sakuna. At sa naaninag ng aking mga mata, makikita ang grupo ng mga
batang naghahatian ng natitirang pagkain. Nahabag ang aking damdamin, tila unti-unting
nadudurog ang aking damdamin. Upang masalba ang sarili at patuloy na mabuhay, pinapairal
ng mga ilokano ang kanilang pagkamasinop. At ito ay nagpapatunay lamang na hindi nag-
aaksaya ang mga Ilokano, kundi alam nilang magsinop, magtipid para sa kinabukasan.
Panghuling P ngunit ang pinaka-importante ay ang pananampalataya. Sa kabila ng hamong
ibinigay ng Diyos ay makikitang hindi nawawalan ng pag-asa ang mga Ilokano bagkus silang
nananalangin ay tumatawag sa Poong Maykapal. Hindi nila nakakalimutan ang Maytaas kahit
na nasa gitna ng krisis. Ngiti ang bumabalot sa kanilang mga mukha na humihiyaw ng pag-asa
at pagbangon. Nagpapatunay lamang na kapag hindi nawawala ang pananampalataya sa
buhay ng isang tao, hindi rin malalayo ito sa kagandahan ng buhay.
Napaka-hapit na pangyayari ang aking nabalikan, ako ay naluluha at tila napukaw ang
aking damdamin. Nagising ako mula sa panayam ng kahapon. At tila nasagot na ang
bumabagabag sa aking isipan. Umaga na pala at sagot sa katanungan ang bumungad sa aking
isipan. Nawari ko na kung ano nga ba ang ipinagmamalaki ko bilang isang Ilokana. Dumating
ang pinakamatanda sa grupo at ako ay muling tinanong, “Ano ang ipinagmamalaki mo bilang
isang Ilokano?” Ako ay mahusay at taas noong sumagot, “Bilang isang Ilokano, taglay ko ang
4P’s. Pagbabayanihan, Pagkamaparaan, Pagkamasinop at higit sa lahat ang
Pananampalataya.” Napabilog ang labi ng aking nasa harapan ngayon at sinabing; “Tunay
ngang ang mga Ilokano ay may ipinagmamalaki.”

Ikaw, anong panayam ng kahapon ang kwento mo?

You might also like

  • Essay Droga
    Essay Droga
    Document2 pages
    Essay Droga
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • Essay Filipino
    Essay Filipino
    Document2 pages
    Essay Filipino
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • Essay Agri Bida
    Essay Agri Bida
    Document3 pages
    Essay Agri Bida
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • Cyberbullying Essay
    Cyberbullying Essay
    Document3 pages
    Cyberbullying Essay
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • Covid Essay
    Covid Essay
    Document2 pages
    Covid Essay
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • RRL 2
    RRL 2
    Document2 pages
    RRL 2
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • RRL 3
    RRL 3
    Document3 pages
    RRL 3
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • KomunikasyonnNOTES1 3
    KomunikasyonnNOTES1 3
    Document5 pages
    KomunikasyonnNOTES1 3
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • RRL 5
    RRL 5
    Document2 pages
    RRL 5
    Kimberly Cambia
    No ratings yet
  • RRL 7
    RRL 7
    Document7 pages
    RRL 7
    Kimberly Cambia
    0% (1)
  • RRL 1
    RRL 1
    Document9 pages
    RRL 1
    Kimberly Cambia
    No ratings yet