Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA I

( Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino )

Aralin 3: Nilalaman ng Filipino sa Kurikulum ng Elementarya

Ang kurikulum ang puso ng Edukasyon. Nakasalalay ang lahat ng mga teknik o estratehiya sa kurikulum ng isang
mag-aaral. Makikita sa ibaba ang batayang konseptuwal ng kurikulum ng Filipino.

Maliwanag na makikita sa itaas na tunguhin ng pagtuturo ng asignaturang Filipino ang buo at ganap na Pilipinong
may kapaki-pakinabang na kaalaman. Ang isang gabay pangkurikulum ( curriculum guide ) ay nagsisilbing kompas ng mga
guro sa kanilang pagtuturo ng Filipino. Makikita sa kasanayang pampagkatuto ang konseptuwal na balangkas,
pagpapaliwanag sa balangkas, pamantayan sa programa, pamantayan sa bawat yugto, pamantayan sa bawat bilang,
pamantayang nilalaman, pamantayan sa pagganap, domain,kasanayang pampagkatuto, at code nito na nagdidikta kung
anong markahan at ilang linggong ituturo, at listahan ng learning materials na maaring gamitin sa isang tiyak na kasanayang
pampagkatuto.

Mula sa kurikulum, naipaliwanag na isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan,


local at global na pamayanan, maging kalikasan, at pangangailangan ng mga mag-aaral. Pinagbatayan din ang mga legal na
batas pang-edukasyon at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stage of
Learning), Leo Vygotsky ( Cooperative Learning ), Jerome Bruner ( Discovery Learning ), Robert Gagne ( Hierarchical
Learning ), David Ausubel ( Interactive/Integrated Learning ),Cummins ( Basic Interpersonal Communication Skills- BCIS ) at
( Cognitive Academic Language Proficiency Skills- CALPS ), at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na
nagsasabing “ nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.” Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga
teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya/simulain sa pagsusuring pangkaalaman at mga pagdulog sa pagtuturo
ng wika ( W1, W2, at W3 ), pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.

Sa ikakatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na
nmagmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang local, media, tahanan, at iba pang
sector ng lipunan.

Samantalang, ang bawat baitang ay may iba’t ibang domain na nakapaloob sa limang makrong kasanayan na
lilinangin.
Para sa Baitang I-III:

1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)


2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas
b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
a. Kamalayang Ponolohiya
b. Pag-unlad ng Talasalitaan
c. Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
d. Kaalaman sa Aklat at Limbag
e. Pagunawa sa Binasa
4. Pagsulat
a. Pagsulat at Pagbaybay
b. Komposisyon
5. Estratehiya sa Pag-aaral
6. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

Para sa Baitang IV:

1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)


2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas
b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
a. Pag-unlad ng Talasalitaan
b. Pagunawa sa Binasa
4. Pagsulat ( Komposisiyon )
5. Panonood
6. Estratehiya sa Pag-aaral
7. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

Para sa Baitang V-VI:

1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)


2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas
b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
c. Pag-unlad ng Talasalitaan
d. Pagunawa sa Binasa
8. Pagsulat
9. Panonood
10. Estratehiya sa Pag-aaral
11. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
Narito ang halimbawa ng gabay pangkurikulum sa ikaapat na baitang.
Ganito ang pagbasa ng code sa bawat kasanayan pampagkatuto na nagsisilbing gabay ng mga guro kung kalian
dapat ituturo ang isang kasanayang pampagkatuto.

Legend Sample
Learning Area of
Strand/Subject or Filipino
First Entry F4
Speacialization
Grade Level Baitang 4
Uppercase Letter/s Domain/ Content/
Estratehiya sa Pag-aaral EP
Component/ Topic
-
Roman Numeral
Quarter Unang Markahan 1
*Zero if no specific quarter
Lowercase Letter/s
Ikaanim hanggang
*Put a hyphen ( - ) in Week f-h
ikawalong linggo
between letters to indicate
more than a specific week
-
Bilang ng kakayahang
pampagkatuto:

Nakasusulat ng balangkas
Arabic Number Competency 14
ng binasang teksto sa
anyong pangungusap o
paksa

PAGSASANAY:
Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan at sagutin ito nang buong ingat.

1. Ano- ano ang nilalaman ng gabay pangkurikulum?

2. Bakit mahalagang alam ng guro ang pagbasa ng code?


PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA I
( Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino )

Aralin 4: Teorya sa Constructivism at ang Pagtuturo ng Filipino

Isang saligan sa bagong kurikulum ng kagawaran ang paniniwala sa teorya ng constructivism. Ang mga mag-aaral
ay siyang tagabuo ng kahulugan sa tulong ng kaniyang dating kaalaman at karanasan. Sa cognitive development ni Jean
Piaget pinaniniwalaan na ang isang tao ay nakabubuo ng kahulugan kung may ugnayan at interaksiyon ito sa pagitan ng
kaniyang karanasan at ideya. Ito ay nakapokus sa development ng tao na may kakayahang iugnay ang mga pangyayari sa
kaniyang buhay sa tulong o impluwensiya ng ibang tao para makabuo ng kahulugan.
Samantala kay Lev Vygotsky naman ay pinahahalagahan ang sociocultural learning, mahalaga kung paano
nakikipag-ugnayan sa mga nakakatanda at sa mga kaibigan para makabuo ng kahulugan sa pamamagitan ng zone of
proximal development. Pinalawak pa ito ni Jerome Bruner at iba pang sikolohista sa pamamagitan ng pagbuo ng instructional
scaffolding kung saan napapahalagahan an kaalamang pangkapaligiran para makabuo ng kahulugan.
Sa pagtuturo ng Filipino, isinasaalang-alang ang constructivism. Ang mga mag-aaral ay nakikipag-ugnayan sa isa’t
isa at ibinabahagi ang kanilang nauunawaan, nararamdaman, at karanasan para makabuo ng bagong kaalaman. Ang guro
ay nagiging tagapagdaloy o facilitator ng kaalaman. Hinhimok ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan, magpalitan ng kuro-
kuro, karanasan, at makabuo ng bagong kahulugan at kaalaman na batay sa kanilang pangangailangan sa tulong ng
interbensiyong ibibigay ng guro.
Kinakailangan din ang pagkakaroon ng kritikal nap ag-iisip para makabuo ng sariling pagpapakahulugan. Ang mga
mag-aaral ang sentro ng pagkatuto. Ayon nga kay Brader-Araje ( 2002 ), ang constructivism ay pagbubuo ng isang kaalaman
batay sap ag-unawa at nangangailangan ng aktibong pakikilahok sa pagbuo ng kahulugan.
Ang constructivism ay nagsasabi na sa pagkatuto ng isang tao, ang mga mag-aaral ang tagabuo ng impormasyon.
Siya ay aktibong nakikilahok at bumubo ng bagong ideya. Ang bagong kahulugan naman ay nabubuo sa pamamagitan ng
ugnayan ng dating kaalaman at nbagong kaalaman. Sa pamamagitan nito, aktibong nakakalahok ang mga mag-aaral sa
proseso ng kanilang pagkatuto.
Layunin din ng programang K to 12 na malinang ang ika-21 siglong kasanayan. Ang bawat kasanayang
pampagkatuto ay napapabilang sa mga kasanayang ito na tunguhing ihanda ang mga mag-aaral para maging buo at ganap
na Pilipino na may kapaki-pakinabang na kaalaman.

PAGSASANAY:
Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan at sagutin ito nang buong ingat.

1. Ano ang teorya ng constructivism?

2. Bakit mahalaga ang constructivism sa pagtuturo ng Filipino? Ano-ano ang mga kasanayan na maaring malinang kung
gagamitin ito ng isang guro sa kaniyang pagtuturo?

You might also like