Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Taon-taon, maraming tao ang nagkakasakit at milyon-milyon ang namamatay dulot ng

sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Hindi lamang ang kanilang kalusugan ang apektado, kundi
maging ang kalusugan na rin ng kanilang pamilya at kaibigan.

Marahil bawat isa, partikular ang mga kabataan ay may kaibigan o kakilala na
naninigarilyo. Siguro’y sa dala ng ating pagiging osyoso ay naitatanong natin kung ano ang
nagtulak sa kanila sa paggamit nito, at bakit pa rin nila ito ginagawa. Madalas natin marinig ang
mga sagot na ‘ito’y nakapagpapasaya’ o ‘dahil pinilit ako ng aking mga kabarkada’ o
‘nagmumukha akong matured o astig’.

Ngunit alam mo ba na maraming masamang epekto ang paninigarilyo sa katawan? Ang


sigarilyo ay naglalaman ng 7,000 na kemikal na may malaking banta sa kalusugan. Dahil dito,
bumababa ang life expectancy ng mga madalas gumamit nito. Ayon sa datos, nababawasan ng
mahigit isang dekada ang buhay ng maninigarilyo kumpara sa hindi gumamit nito.

Maraming mga sakit na maaaring makuha sa paninigarilyo, particular ang mga sakit sa
respirstory system. Ang pneumonia ay pamamaga ng baga dahil sa usok na galling sa tabako.
Ang labis na paghantad sa mga kemikal sa sigarilyo ay nagdudulot ng sakit sa bronchi ng baga o
bronchitis. Ang asthma ay ang pagiging hirap sa paghinga dahil naapektuhan ito ng usok ng
sigarilyo. Hindi lamang ang pisikal na kalusugan ang apektado ng tabako, kundi pati na rin ang
pisiyolohikal na aspeto. Marahil nasabi na ng iba na ang paninigarilyo ay nakakarelaks, at
panlaban sa depresyon, ngunit batay sa pananaliksik, ang mga smoker ay madalas magkaroon ng
problema sa pag-iisip.

Nais kong ipahiwatig sa iyo ang kakilakilabot na kinabukasan ng isang mapanganib na


gawain dulot ng isang maling desisyon. Kung ikaw man ay minsan o ngayon ma’y natutukso na
manigarilyo, alalahanin mo ang mga bagay na ito. Una, alalahanin mo ang iyong kalusugan.
Pangalawa, ang kalusugan ng mga taong nasa palagid mo. Pangatlo, ang per ana gagastusin
upang matustusan ang bisyo mo na makapagdadagdag sa mga gastusin sa pang araw-araw.
Ngayon pa lamang ay nais kitang hikayatin na lumayo sa impluwensiya ng sigarilyo. Sa paglayo
sa bisyong ito ay napangangalagaan mo ang iyong kalusuan pati na rin ng ibang tao. At kung
ikaw naman ay naninigarilyo, hindi pa huli ang lahat upang maibalik sa dati ang estado ng iyong
katawan. Maaaring maghintay ka pa ng isa o dalawang taon, o limang taon. Ngunit kung
huminto ka na sa oras ding ito, mas nababawasan ang paghihirap ng iyong katawan sa mga
susunod na mga taon.

You might also like