Andong at Totong Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Allen Jacob M.

Facelo BSBA-MM 2-4D

Shane A. Manayan Pebrero 4, 2022

“Kapayapaan sa Madaling Araw”

1. Sa anong sektor nabibilang pangunahing tauhan o mga pangunahing tauhan?

Ang mag-amang Andong at Totoy ang pangunahing tauhan sa maikling kwento. Si


Andong ay umaasa lamang sa maaari niyang kitain sa pamamalimos habang si Totong ay
naiiwan lang sa barong-barong. Dahil dito sila ay nabibilang sa pinakamababang sector ng
lipunan.

2. Ano ang mga nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kaniyang mga desisyon at


aksyon?

Isa sa mga nagtulak kay Adong sa kanyang mga desisyon ay ang pagiging mahirap
niya. Habang tumatakbo ang kwento makikita mo na onte-onteng niyang napagtanto na sila
ay mahirap lamang at onte-onte rin siyang nawawalan ng pag-asa sa buhay. Siya ay walang
maayos na trabaho at namamalimos lamang, umaasa sa baryang ibibigay ng mga tao, hirap
siyang buhayin ang kanyang anak na si Totong dahil wala rin siyang pambili ng pagkain at
tirahan nila, at iniwan din siya ng kanyang asawa na si Tasya dahil sa mga pangyayaring ito
lalong nagkaroon si Adong ng dahilan upang gawin ang nais niyang gawin sa huling parte
ng kwento.

3. Anong bahagi ng realidad ng lipunan ang sinasalamin ng akda?

Si Andong at Totong ay sumasalamin sa mga taong walang kakayahan na iangat


ang buhay sa kahirapan at sa mahirap na sitwasyon kaya’t ang napiling solusyon na lamang
ay ang pagpapakamatay. Hindi na ito bago sa atin dahil nangyayari talaga ito sa tunay na
buhay, marahil sa sobrang kahirapan kaya’t nagagawa nilang kitilin ang kanilang mga buhay
dahil pilitin man nilang makipagsapalaran sa buhay ay sadyang hindi ito patas para sa
kanila. Nirerepresenta ni Andong at Totong ang mga taong nasa mababang sektor ng
lipunan, ‘yong mga salat sa buhay at ang tanging paraan para maitawid ang pang-araw-
araw ay ang panlilimos na lamang. Madalas kinekwestiyon natin ang mga nanlilimos kung
bakit hindi nila piliing magtrabaho pero sa tingin namin ay sila yung mga taong napagkaitan
ng oportunidad na makapag-aral at trabaho kaya’t doon talaga ang bagsak nila kahit di nila
gustuhin. Isang nakakalungkot na reyalidad na dahil sa kahirapan at kagustuhang hindi
maghirap ang sariling anak ay mas pinili na lamang niyang isama ito sa kabilang-buhay.

4. Ano ang kahalagahan sa lipunan ng akda?

Ang “Kapayapaan sa Madaling Araw” ay isang akdang sumasalamin sa buhay ng


ating mahihirap na kababayan, minumulat nito ang isip ng mga tao lalo na ang mga
kabataan na piliing maging mapagpasalamat dahil masasabi natin na mapalad pa rin tayo sa
kabila ng lahat.Mahalaga ito sa ating lipunan dahil naipapakita rito kung ano ang kalagayan
ng mga taong nasa mababang sector ng lipunan para umabot sa gobyerno at kung anong
pwedeng maiabot na tulong sa kanila ay maibibigay agad. Naipapakita rin sa akdang ito na
hindi lahat ng nanlilimos ay ginagamit lamang sa bisyo ang nakukuhang pera, marami rin na
ginagamit talaga ito para pangbuhay sa kani-kanilang pamilya. Mahirap ang buhay para sa
iilan, nailahad ‘yon sa akdang ito kaya’t dapat na marami pa ang makabasa nito para
mamulat din sila sa reyalidad ng buhay.

You might also like