Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Inihanda ni: M’ Shella Mae A.

Palma
Sa alinmang pagsulat, mahalaga ang
wasto at angkop na paggamit ng mga
bantas. Ito ang nagsisilbing giya sa
wastong pagbasa, intonasyon, tono, at
pagsulat ng pahayag. Ito rin ay
nakapagbibigay ng kalinawan sa mensahe
at kahulugan ng isang sulatin.
Tuldok ( . )
• Ginagamit bilang panapos sa isang pangungusap na
paturol at pautos.
Halimbawa:
 Si Maria ay nagluluto ng adobo. (paturol)
 Pedra, kunin mo itong bag. (pautos)

• Ginagamit sa nag-iisang titik sa ngalan ng tao o


salitang dinaglat.
Halimbawa:
 J. P. Rizal
 Dr.
Tuldok ( . )
• Ginagamit sa tambilang at titik na bahagi ng
balangkas.
Halimbawa:
I.__________________________________________
A. ________________________________
Kuwit ( , )
• Ginagamit sa paghihiwalay ng mga salita, parirala, o
sugnay.
Halimbawa:
 Kumain ako ng mansanas, mangga, pinya, at
saging.
• Ginagamit sa oo o hindi upang ipakita ang
paghihiwalay o pagkakaiba ng diwa.
Halimbawa:
 Oo, siya ang kumain ng tinapay sa mesa.
 Hindi, siya ang sasama sa akin bukas.
Kuwit ( , )
• Ginagamit sa paghihiwalay ng araw at taon ng
petsa.
Halimbawa:
 Hunyo 19, 1861
• Ginagamit sa salitang panawag.
Halimbawa:
 Martha, kunin mo itong pasalubong ko.
• Ginagamit sa bating panimula sa mga personal na
liham.
Halimbawa:
 Mahal kong Benito
Pananong (?)
• Nagsasaad ng pagtatanong.
Halimbawa:
 Ano ang pangalan mo?

• Nagsasaad ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
 Siya kaya ang nagdala ng gamit sa kusina?
Padamdam (!)
• Nagpapahayag ng masidhing damdamin.
Halimbawa:
 Hindi ko akalaing magagawa mo iyon!

• Sambitla.
Halimbawa:
 Aray!
 Naku!
Gitling (-)
• Ginagamit upang pagkabitin ang salitang-ugat na
nagsisimula sa patinig at panlaping
natatapos sa katinig.
Halimbawa:
 pag-asa
 pag-iisip
• Ginagamit sa salitang inuulit.
Halimbawa:
 bayan-bayan
 durog-durog
Gitling (-)
• Ginagamit sa pagitan ng ika at tambilang.
Halimbawa:
 ika-10 ng umaga
 ika-5 ng hapon
• Ginagamit sa pagitan ng maka at ng taga at mga
pangngalang pantangi.
Halimbawa:
 maka-Pilipino at taga-Maynila
• Ginagamit sa pinagtambal na salita.
Halimbawa:
 kapit-tuko, sampid-bakod, taas-baba
Kudlit ( ‘ )
• Ginagamit kung may nawawalang titik sa loob ng
salita.
Halimbawa:
 Pa’no?
 ‘to

• Ginagamit sa pinagsamang ay at salita.


Halimbawa:
 Sana’y ikaw ang kasama ko.
Tutuldok (:)
• Ginagamit bilang pagpapakilala ng sunod-sunod na
impormasyon.
Halimbawa:
 Ang mga bayani ng Pilipinas: Rizal, Bonifacio,
Silang, at iba pa.
• Ginagamit sa bating panimula ng liham
pangangalakal.
Halimbawa:
 Mahal na Pangulong Duterte:
• Ginagamit sa oras na tambilang.
Halimbawa:
ika-7:30 ng umaga
Tuldok-kuwit (;)
• Ginagamit sa paghihiwalay ng mga sugnay sa
pangungusap na tambalan na hindi pinaghihiwalay ng
pangatnig.
Halimbawa:
 Si Rizal ay isang repormista; si Bonifacio ay isang
rebolusyonaryo.
Panipi (“ ”)
• Ginagamit sa tuwirang sabi.
Halimbawa:
 “Tama na! Sobra na! Palitan na!” sigaw ng mga
demostrador noong panahon ng EDSA Revolution.

• Ginagamit sa pamagat ng akda o paksa.


Halimbawa:
 Ang “Lupang Hinirang” ay pamagat ng pambansang
awit ng Pilipinas.
Panipi (“ ”)
• Ginagamit sa tuwirang sabi na inuulit ng iba at
nahati ang pahayag sa dalawang bahagi.
Halimbawa:
 “Sa wakas,” sabi ni Pedra, “tayo ang nagwagi!”

You might also like