Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
IKALAWANG Kwarter – Modyul 6
KAKAYAHANG DISKORSAL

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

ARALIN
1
1
Kakayahang Diskorsal

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa kakayahang diskorsal

YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalasatasan ay nangangahulugan ng pagsasama-


sama at pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag.
Maaaring ang mga pahayag ay naipamalas sa ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-
uusap. Maaaring magpahayag din nang mag-isa, gaya sa mga interbyu, talumpati o
pagkukuwento. Samakatuwid, ang matas na kasanayan ng isang tao sa wika ay pinatunayan
din sa kaniyang kapasidad na makilahok sa mga kumbersasyon at makalikha ng mga
naratibo.

Ang Kakayahang Diskorsal ay nakatuon koneksiyon ng magkakasunod na


pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan (Savignon,2007) at hindi sa
interpretasyon ng mga indibidwal na pangungusap. Pagtiyak sa kahulugang ipinahahayag
ng mga teksto o sitwasyon ayon sa konsteksto. Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye
ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

Dalawang bagay na isinasaalang-alang

1. Cohesion o pagkakaisa
2. Coherence o pagkakaugnay-ugnay

Halimbawa:

Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung napagdidikit ang kahulugan ng mga


pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.

A: Sobrang kalat naman dito!

B: Huhugasan ko na lang ang mga plato.

Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang mga


pahayag. Gayunpaman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil naunawaan ni
B ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat.

2
Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa
lingguwistikong paraan. Ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at magkaugnay
ay masasabing may kakayahang diskorsal

 
Gawain 1

Panuto: Ayusin ang mga pahayag sa ibaba batay sa wastong pagkakasunod-sunod


nito upang makabuo ng isang kuwento. Isulat sa patlang bago ang bilang ang numero 1-15
bilang ang 1 ay pinakaunang bahagi ng kwento at ang 15 ang panghuli.

_____ Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito.
_____ Isang araw, namamasyal sa tabing –ilog si Pagong at si Matsing.
_____ Umiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero
itinapon pa rin siya ni Pagong.
_____ Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli.
_____ Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kaniyang saging, nakipagkasundo siya kay
Matsing na siya ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na bunga.
_____ Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinamin ito sa kakahuyan.
_____ Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya ay gaganda ang kaniyang balat.
_____ Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging.
_____ Inubos ni Matsing ang lahat ng bunga kaya nagalit si Pagong.
_____ Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa
naman niya dahil dadami siya at magkaroon ng kasama.
_____ Kinuhan naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing-ilog.
_____ Kinalaunan, namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong.
_____ Dahil natuwa na namang muli si Pagong, napagdesisyunan ni Matsing na itapon na
lang si Pagong sa ilog upang malunod.
_____ Nilagyan ni Pagong ng mga tinik ang bababaan ni matsing kaya natinik ito at
nasaktan.
_____ Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumangoy. Naisahan niya si Matsing.

https://sites.google.com/site/merlen1603/mga-kwentong-pang-bata/si-pagong-at-si-matsing

B. SURIIN

Pagpapahaba ng Pangungusap

3
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga—napahahaba ang pangungusap sa
pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala at iba pa.
Halimbawa: May ulam pa? May ulam ba?

2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring---- napapahaba ang pangungusap sa


tulong ng mga panuring na na at ng.
Halimbawa: Siya ay anak. Siya ay anak na babae. Siya ay anak na bunsong
babae.

a. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento--- napapahaba ang


pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o ang Bahagi ng panaguri na
nagbibigay ng Kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng komplemento ng
pandiwa ay tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi, layon at
kagamitan.

b. Komplementong tagaganap--- isinasaad ang gumagawa ng kilos.


Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip.
Halimbawa: Ibinalot ni Jay ang mga tiring pagkain.

c. Komplementong tagatanggap—isinasaad kung sino ang nakinabang sa kilos,


Pinangunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa: Naghahanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.

d. Komplementong ganapan--- isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.


Pinangunahan ng panandang sa at mga panghalili nito.
Halimbawa: Namalagi sila sa evacuation area.

e. Komplementomg sanhi—isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos.


Pinangunahan ng panandang dahil sa o kay at mga panghalili niyo.
Halimbawa: Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.

f. Komplementong layon--- isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.


Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa: Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.

g. Komplementong Kagamitan—isinasaad nito ang instrumentong ginamit upang


maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitan ng at
mga panghalili nito.
Halimbawa: Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng
impormasyon.

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal--- napagtatambal ang dalawang


payak na pangungusap sapamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat,

4
subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay Tinatawag na tambalang
pangungusap.
Halimbawa: Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa
palengke ang kaniyang nanay.

Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo

Ang kakayahang komunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi isa-isa. Hindi


maaaring sabihing ikaw ay may kakayahang pragmatik ngunit walang kakayahang
sosyolingguwistiko o kaya naman may kakayahang diskorsal pero walang kakayahang
lingguwistiko. Dapat tandaan na ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat
magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing
sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo (Bagari, et. al.
2007).

Anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody (2000)

1. Pakikibagay (Adaptability)

Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang


pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipakita ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)

Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa


sa pakikisalamuha sa iba.

Makikita ito kung taglay ang sumusunod:


a. kakayahang tumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. kakayahang making at mag-pokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)

Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol nito ang


daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

5
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)

Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao


at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng
isang tao o samahan.

5. Bisa (Effectiveness)

Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at


nauunawan.

6. Kaangkupan (Appropriateness)

Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng


pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

Sipi mula kay: Dayag, A.M., Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Phoenix Publishing House (2016)

C. ISAGAWA

 
Gawain 2

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang talumpati. Sa loob ng sampung
(5-10) minuto, ipahayag ito sa pamamagitan ng pagbibidyu sa sarili. Dapat na
may angkop na tono at kumpas ito. Ipasa rin sa guro ang isinulat na talumpati.

1. Paglalaan ng maraming oras ng mga estudyante sa online games


2. Pakikipagrelasyon ng kabataan
3. Pangkalusugang Pandemya

(Printed students: Ipasa ang inyong talumpati sa fb account o gmail account ng inyong guro)
Maria Grace D. Galos – FB account
gracegalos90@gmail.com – email account
Herwin M. Tero – FB account (for sections Phil. Ivory, Pagatpat & Bruguiera)

6
Narito ang rubriks sa pagtatasa:

Kategorya Nagsisimula Nagtatangka Mahusay Napakahusay Puntos

0-4 5-8 9-12 13-15

Hindi Bahagyang Naiaangkop ang Ganap na


naiaangkop naiaangkop talumpati sa naiaangkop ang
ang talumpati ang talumpati tagapakinig; talumpati sa
Kahandaan sa tagapakinig sa tagapakinig nakakukuha ng tagapakinig at
at hindi at nakakukuha atensiyon nakatutok ang
nakakukuha ng ng kaunting mga
atensiyon atensiyon tagapakinig at
litaw ang
interes sa
talumpati

Hindi maayos May tangkang Nakapagpaliwan Maaayos na


ang maipaliwanag ag ng mga naipaliwanag
pagpapaliwana ang ideya; may ideya; ang mga ideya;
Kaalaman g; halos naibabahaging nakapagbabaha maraming
sa paksa walang ilang bagong gi ng bagong naibahaging
naibabahaging kaalaman at kaalaman at bagong
bagong kaunting kumukilala sa kaalaman at
kaalaman at sanggunian sanggunian mahusay ang
sanggunian pagkilala sa
sanggunian.

Kahusayan
sa
Mahina sa May ilang Angkop ang Mahusay ang
Pagsasalita
gramatika at pagkakamali gramatika at ang gramatika at
sa pagpili ng sa gramatika mga salitang ang mga
angkop na at sa pagpili ng Ginagamit; salitang
salita; hindi angkop na maayos ang Ginagamit ;
maayos ang salita; maayos- pagbigkas; hindi maayos na
pagbigkas ng ayos ang kinakabahan maayos ang
salita; halatang pagbigkas ng bigkas ng mga
7
kinakabahan mga salita;; tila salita; litaw ang
kinakabahan kumpiyansa sa
pagsasalita

KABUUAN

Mahalagang malaman ang anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody (2000)

1. Pakikibagay (Adaptability)
Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipakita ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)


Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ang sumusunod:
a. kakayahang tumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. kakayahang making at mag-pokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)


Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol nito ang daloy ng
usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-
iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o
samahan.
5. Bisa (Effectiveness)
Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawan.
6. Kaangkupan (Appropriateness)
Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng
pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap

8
9

You might also like