Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 18

7

FILIPINO
Ikatlong Markahan

Modyul 1: Ponemang
Suprasegmental
7
FILIPINO
Ikatlong Markahan

Modyul 1: Ponemang
Suprasegmental
INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay isinulat bilang suporta sa K 12 Basic Education Program


upang matiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral ayon sa pamantayan na itinakda ng
kagawaran.
Layunin nitong maibahagi ang mga mahalagang kaalaman kahalagahan ng
suprasegmental (tono, diin, antala).
Kasama sa modyul na ito ang sumusunod na mga gawain:
 Inaasahang Kinalalabasan ng Pagkatutuo – ito ang mga inaasasahang
kaalamang iyong natamo matapos ang modyul.

 Panimulang Pagtataya – ito ay mga naunang kaalaman tungkol sa araling


iyong pag-aaralan.

 Pagtalakay sa Paksa – ito ay nagtataglay ng mahalagang kaalaman,


simulain at kaugalian tungkol sa aralin na makatutulong sa pagkamit sa
inaasahang kinalalabasan ng pagkatuto.

 Gawaing Pampagkatuto – ito ay nagtataglay ng mga aplikasyon sa


kaalaman, simulain at kaugaliang natamo mula sa aralin at magpapatingkad
sa iyong kakayahan habang isinasagawa ang ibat ibang gawain.

 Panghuling Pagtataya – ito ang sumusukat sa lawak ng iyong kaalamang


natamo sa buong modyul

Sa pamamagitan ng ibat ibang gawaing inihanda sa modyul na ito, nawa’y


maging kasiya-siya ang iyong pagkatuto habang nalinang ang iyong kakayahan sa
kritikal na pag-iisip.
Alamin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono,


diin, antala)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungang nasa ibaba.Titik


lamang ang isulat sa inyong mga kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa


salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito
man ay magkapareho ng baybay. Ano ang tawag sa ponemang
suprasegmental na ito?
a. diin
b. haba
c. intonasyon
d. tono

2. Anong ponemang suprasegmental ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang


higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag?
a. diin
b. haba
c. intonasyon
d. hinto / antala

3. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent sa anumang lugar mayroon tayong


pagkakaiba sa pagsasalita. Ano ang tawag dito?
a. diin
b. haba
c. intonasyon
d. punto

4. Alin sa mga ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa


isang pantig ng salitang binibigkas?
a. diin
b. haba
c. intonasyon
d. punto
5. Alin sa mga nasa ibaba ang tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng
nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita?
a. haba
b. hinto o antala
c. intonasyon
d. punto

6. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil ang
pagsasalita ng isang tao?
a. walang ideya
b. mas maganda ang pagsasalita
c. magiging mas malinaw ang pagsasalita
d. hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig

7. Bukod sa mga ponemang suprasegmental, nakakatulong din sa mabisang


pagpapahayag ang mga __________?
a. ponema
b. ponemang segmental
c. berbal na palatandaan
d. di berbal na palatandaan

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng mga di berbal na palatandaan?


a. galaw ng mata
b. pagbigkas ng tula
c. galaw ng katawan
d. kumpas ng kamay

9. Isang uri ng akdang patula na kadalasan ay manlibak, manukso o mang-


uyam. Ano ito?
a. bugtong
b. palaisipan
c. salawikain
d. tulang panudyo

10. Mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip,
bus at traysikel. Anong uri ng karunungang-bayan ang tinukoy?
a. bugtong
b. palaisipan
c. salawikain
d. tugmang-de-gulong

11. Ito ang mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig. Sa una akala
mo’y walang sagot o puno ng kalokohan ngunit kung susuriin ito ay nagpapatalas
ng isip. Alin sa mga karunungang bayan na nasa ibaba ang tinutukoy?
a. bugtong
b. palaisipan
c. salawikain
d. tugmang-de-gulong
12. Ito ay isang karanungang-bayan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang
aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ano ang tinutukoy
nito?
a. bugtong
b. palaisipan
c. salawikain
d. tugmang-de-gulong

Balikan

Gawain 1: Basahin at suriin ang mga kaalamang-bayan. Pagkatapos ay sagutin ang


mga sumusunod na tanong sa ibaba.

Mga Tulang Panudyo Mga Tugmang De Gulong


ni Dr. Paquito Badayos
1. Tutubi, tutubi,
Huwag kang pahuhuli
1.Ang di magbayad mula sa kanyang
sa batang mapanghi
pinanggalingan
Ikaw naman bata,
Hindi makabababa sa paroroonan.
tutubi’y huwag hulihin
sapagkat sila’y kaibigan natin. 2. Kahit ano pa ang ganda mo,
Drayber lang ang katapat mo.
2. Pung, pung kasili nanganak sa
haligi, 3. Aanhin pa ang gasoline
ano ang lumabas? kung jeep ay sira na.
buto’t balat, bali bali ang pakpak.
4. Sitsit ay sa aso, Katok ay sa pinto,
3. Bata, batuta sambitin ang “para” sa tabi
Samperang muta. tayo’y hihinti.

4. Putak, putak 5. Huwag dumi-kwatro sapagkat dyip


Batang duwag ko’y di mo kuwarto.
Matapang ka’t nasa pugad.
Bituka ni Tabakalera
Kutson at kusot ang nakabara.
Mga Bugtong
ni German Gervacio
Tatlo sa ulo, apat sa tiyan Bituka ni Tabakalera
Sa puwitan, mga tuhod, Kutson at kusot ang nakabara.
nag-uupugan. Sagot: sigarilyo
Sagot: FX

Patok sa takilya Sa bahay ni Sangko Henry


Hindi naman pelikula, Piyesta araw-araw, gabi-gabi.
Pinipilahan ng gutom na masa. Sagot: mall
Sagot: NFA rice

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang naibigan mo sa mga tulang iyong binasa? Bakit?

2.Alin sa mga katangian ng tula ang naibigan mo? Bakit?

3. Ano-ano ba ang mga dapat taglayin ng isang tula?

4. Ibigay ang kaibahan ng mga tulang ito sa ibang mga tulang nabasa mo na.

5. Ano-ano ang naidulot ng mga tulang ito sa iyo bilang mag-aaral o bilang tao?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Tuklasin

Panuto: Bigkasin nang wasto ang mga salita mula sa ilang saknong ng tulang
“Pakiusap Ina”. Pagkatapos ay sagutin ang tanong na nasa ibaba.

Pakiusap Ina
Mahabanging ina! Kailan s’ya lalaya?
Kailan lalagutin sansiglong tanikala?
Kayhirap bang amining dahil sa kanya,
Kayraming kaluluwa ang nakalalaya?

Bakit di siya kayang tanggapi’t lingapin


Gaya ng paglingap sa wikang umalipin?
Bakit ikaw’y bingi sa’ming munting tinig
Gayong laganap na wika sa daigdig?

Saknong mula sa tulang


“Pakiusap Ina” ni Jayson Alvar Cruz

1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang tula? Ipaliwanag?


2. Paano mo binasa ang tula?
Suriin

Basahin at Unawain: Ponemang Suprasegmental

Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang


pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maiparating
ang tamanag damdamin sa pagpapahayag.

1. Intonasyon, Tono, at Punto – Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at


pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapag-iba
sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantalang
ang punto ay ang rehiyonal na tunog o accent.
Halimbawa:
 Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/Nagdududa)
 Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)
 Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)
2. Diin at Haba – Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng
nagsasalita sa patinig ng pantig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy
sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Halimbawa:
 /balah/ (bullet)
 /bala/ (threat)
 /tu.boh/ (pipe)
 /tuboh/ (sugar cane)

3. Hinto o Antala – Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok,
semi-kolon, at kolon sa pagsulat upang maipakita ito.
Halimbawa:
 Hindi maganda. (sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
 Hindi, maganda. (pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing
maganda ito)
Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay naktutulong din sa
mabisang pagpapahayag ang mga di-berbal na palatandaan gaya ng kumpas
ng kamay at galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula.

Ang pagkumpas ay mahalagang sangkap sa sining ng pagbigkas ng


tula.Ginagamit ito upang maihatid ang damdamin ng tula sa madla o
mailarawan ang kaisipang inilalahad nito. Dapat tandaan na ang bawat
kumpas ay kailangang maging antural, hind pabigla-bigla ang pagtaas o
pagbaba ng kamay. Hindi pasulpot-sulpot ang kamay at lalong hindi palamya-
lamya ang galaw ng bisig. Kailangang ang kumpas ay maging angkop sa daloy
ng damdaming nais ilarawan. Ang wastong pagkumpas ay nakatutulong sa
pagpapataas ng damdamin hanggang marating ang pinakamaiting na
damdaming inihahatid sa madla.

Gayundin , mahalaga sa pagbigkas ang disiplina. Maging ang galaw ng


mata at katawan ay dapat magkaroon ng kaisahan. Kung pokus ng paningin ay
sag awing kaliwa, lahat ng pares ng mata ay dito dapat nakatuon. Ang
paglalapat ng angkop na galaw ay nadaragdag sa kagandahan o kasiningan
sa pagpapahayag. Ang kumpas o kilos na gagawin ay dapat umaayon sa
diwang isinasaad ng nais sabihin o bigkasin.

Pagyamanin

 Pansariling Gawain 1

Panuto: Piliin mula sa kahon at isulat sa patlang ang tamang salitang pupuno sa
diwa ng pangungusap.

/bu.kas/ , /bukas/

1. ___________ na tayo pumunta sa silid-aklatan upang magbasa.

2.___________ pa kaya ang silid-aklatan hanggang mamayang hapon.


/bu.hay/ , /buhay/

3. Ang wika ay _______kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.


4. Ang _________ ng wika ay nakasalaysay sad alas ng paggamit nito.

/sa.yah/ , /sayah/

5. Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng _____________ sa panahong


ito.

 Pansariling Gawain 2

Panuto: Magkapareho ba ang kahulugan ng mga pares na pangungusap sa


ibaba?Isulat sa iyong sagutang papel ang P kung pareho ; HP kung
hindi.

1. Bukas, luluhod ang mga tala.


Bukas luluhod ang mga tala.
2. Aalis kami, bukas.
Aalis kami bukas.
3. Bukas kami aalis.
Bukas, aalis kami.
4. Hindi, umuulan
Hindi umuulan.
5. Kahapon?
Kahapon.
Isaisip

Natutunan ko na:

 Mayaman ang mga Pilipino sa karunungang bayan. Kasabay ng pagbabago


ng panahon nagbabago rin ang estilo sa pagsulat ngunit palaging tandaan
na ang palaisipan, bugtong, awiting panudyo/tulang de gulong ay hindi
lamang nagbibigay- aliw kundi nagpapatalas din ng ating isip.
 Hindi laging berbal ang kumunikasyon. Madalas ay gumagamit din tayo ng di-
berbal na anyo o di kaya’y kumbinasyon ng berbal at di-berbal na anyo ng
kumunikasyon.
 Bukod sa ponemang suprasegmental ay nakatutulong din sa mabisang
pagpapahayag ang mga di-berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng kamay at
galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula. Ang paglalapat ng
angkop na galaw ay nakadaragdag sa kagandahan o kasiningan sa
pagpapahayag.
 Ang ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at
maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag.

Isagawa
Gawain 1
Panuto: Bigkasin nang malakas ang mga kaalamang-bayang nasa ibaba. Gamitan
ito ng wastong tono, intonasyon, antala, pagkumpas ng kamay, at galaw ng
mata at katawan sa pagbigkas. Gamitin ang rubriks sa ibaba bilang gabay
sa pagmamarka sa gawaing ito.
Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos

Maliwanag na nabigkas at nalapatan ng may wastong 5puntos


ritmo (tono, diin, at antala ang pagbigkas)
Angkop ang bawat kilos at ekspresyon ng mukha sa 5 puntos
tula; kumpas ng kamay, galaw ng mata, labi at iba pa.
Kabuoang Puntos
10 – Napakahusay 3 – Di-Mahusay
8 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
5- Katamtaman
Tula / Awiting Panudyo

Kotseng kakalog-kalog Batang makulit


Sindihan ng posporo Palaging sumisitsit
Sa ilog ilubog. Sa kamay mapipitpit

Tulang de- Gulong

1. Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto , sambitin ang “para” sa tabi, tayo’y hihinto.
2. Huwag dumi-kuwatro sapagkat dyip ko’y di mo kuwarto.
3. Sa pagtaas ng gasoline, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.
4. God know’s Hudas not pay.
5. Mga pare, please lang kayo’y tumabi pagkat dala ko’y sandatang walang
kinikilala- ang aking manibela.
Bugtong / Palaisipan
1. Isang pinggan, abot bayan.
2. Nang sumipot sa maliwanagan, kulubot na
ang balat.
3. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa
ningas.
4. Ako’y bumili ng 3 prutas, ang pangalan ng 3
prutas ay nagsisimula sa letrang O. Anong
mga prutas ang binili ko?
5. Ano ang nasa gitna ng dagat?
Gawain 2:
Panuto: Mula sa iyong napag-aralan, ipaliwanag sa loob ng kahon ang kahalagahan
ng paggamit ng ponemang suprasegmental at di-berbal na palatandaan.

Mga Pamantayan
Kawastuan -------------------------------------------------------------------10 puntos
Nilalaman---------------------------------------------------------------------10 puntos
Kabuoan-----------------------------------------------------------------------20 puntos

Paliwanag:_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungang nasa ibaba.Titik


lamang ang isulat sa inyong mga kwaderno.

1. Ito ay isang karanungang-bayan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang


aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ano ang tinutukoy
nito?
a. bugtong
b. palaisipan
c. salawikain
d. tugmang-de-gulong

2. Ito ang mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig. Sa una akala
mo’y walang sagot o puno ng kalokohan ngunit kung susuriin ito ay nagpapatalas
ng isip. Alin sa mga karunungang bayan na nasa ibaba ang tinutukoy?
a. bugtong
b. palaisipan
c. salawikain
d. tugmang-de-gulong

3. Mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip,


bus at traysikel. Anong uri ng karunungang-bayan ang tinukoy?
a. bugtong
b. palaisipan
c. salawikain
d. tugmang-de-gulong

4. Isang uri ng akdang patula na kadalasan ay manlibak, manukso o mang-


uyam. Ano ito?
a. bugtong
b. palaisipan
c. salawikain
d. tulang panudyo

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng mga di berbal na palatandaan?


e. galaw ng mata
f. pagbigkas ng tula
g. galaw ng katawan
h. kumpas ng kamay
6. Buod sa mga ponemang suprasegmental, nakakatulong din sa mabisang
pagpapahayag ang mga __________?
e. ponema
f. ponemang segmental
g. berbal na palatandaan
h. di berbal na palatandaan

7. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil ang
pagsasalita ng isang tao?
a. walang ideya
b. mas maganda ang pagsasalita
c. magiging mas malinaw ang pagsasalita
d. hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig

8. Alin sa mga nasa ibaba ang tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng


nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita?
a. haba
b. hinto o antala
c. intonasyon
d. punto

9. Alin sa mga ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa


isang pantig ng salitang binibigkas?
a. diin
b. haba
c. intonasyon
d. punto

10. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent sa anumang lugar mayroon tayong
pagkakaiba sa pagsasalita. Ano ang tawag dito?
a. diin
b. haba
c. intonasyon
d. punto

11. Anong ponemang suprasegmental ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang


higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag?
a. diin
b. haba
c. intonasyon
d. hinto / antala
12. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa
salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito
man ay magkapareho ng baybay. Ano ang tawag sa ponemang
suprasegmental na ito?
a. diin
b. haba
c. intonasyon
d. tono

Susing Sagot
Subukin
A.
1. C 6. D 11. B
2. D 7. D 12.C
3. D 8. B
4. A 9. D
5. A 10.D

Balikan

Gawain 1: (iba ibang sagot ng mga mag-aaral)

Pagyamanin
 Malayang Gawain 1
 1. /bu.kas/
 2. /bukas/
 3. /buhay/
 4./bu.hay/
 5. /sa.yah/

 Malayang Gawain 2
 1. HP
 2. P
 3. HP
 4. HP
 5. HP

Isagawa: (iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)

Pangwakas na Pagtataya
1.C 6.D 11.D
2.B 7.D 12.C
3. D 8.A
4. D 9.A
5. B 10.D
Bibliyograpiya

n.d. <https://peac.org.ph/learning-module-repository/>.
Baisa-Julian, Ailene G., Esguerra, Carmela H., and Lontoc, Nestor S. Pinagyamang
Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2014.
"Filipino 7 Modyul 2.". kapitolyohs.files.wordpress.com. September
2011.<https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-2.pdf>.
"Mga Halimbawa ng Bisayang Awitin." affordablecebu.com. Accessed August 13,
2020.<https://www.affordablecebu.com/load/literature/mga_halimbawa_ng_m
ga_bisayang_awiting_b >.
Oracion, Leonora D. Gantimpala Pinagsanib na WIka at Panitikan Baitang 7. Manila:
Innovative Educational Materials, Inc.,, 2018.
"Panitikang Relihiyonal." n.d. dlscrib.com. <https://dlscrib.com/download/panitikang-
rehiyonal-lm-filipino-7-_5b30e87ae2b6f50f738c3006_pdf>.

You might also like