Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

7

FILIPINO
Ikatlong Markahan

Modyul 3b: Kahulugan ng Salita


Batay sa Denotasyon at Konotasyon
7
FILIPINO
Ikatlong Markahan

Modyul 3b: Kahulugan ng Salita


Batay sa Denotasyon at Konotasyon
INTRODUKSYON

Ang modyul na ito ay isinulat para suportahan ang K-12 Basic


Education Program upang masisigurong maabot ang iyong inaasahang
pamantayan bilang mag-aaral.
Layunin nitong matutugunan ang mahalagang kaalaman sa mga
pagtatayang susukat sa kaalaman, kasanayan, pang-unawa, at
pagsasagawa/pagbuo na lubhang mahalaga upang maging ganap at
makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral at makapaghahanda sa
kanila sa mga hamon ng totoong buhay hindi lang ngayon kundi sa mga
darating pang panahon.
Ang mga sumusunod ay mga gawain/mga kailangang gampanan:

 Inaasahang Bunga ng Pagkatuto - Mailalatag ang bunga ng


pagkatuto na iyong inaasahan upang maabot ang katapusan
ng modyul.
 Subukin – Malalaman ang unang pagkatuto ng tanging aralin
na iyong makukuha.
 Pagtatalakay sa Aralin – Ito ay paghahanda sa iyo kasama
ang mahalagang kaalaman, mga alituntunin at saloobin na
makatulong sa iyo na maabot ang inaasahang bunga ng
pagkatuto.
 Mga Gawaing Pagkatuto – Ito’y mga paghahanda sa iyo
kasama ang pagsasagawa sa kaalaman at mga alituntunin
mo na nakuha mula sa aralin at ipagpapatuloy mo ang
pagpapahusay sa iyong mga kasanayan sa pag-abot sa mga
gawain.
 Tayahin – Ito’y pagsusuri sa kabuuang pang-unawa tungkol
sa modyul.

Kasama ang iba’t ibang mga gawain na inilalaan nitong modyul,


nawa’y makakukuha ka ng kagamitan at mahahamon ang pagpapaunlad ng
iyong mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip.
Alami
n

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa


denotasyon at konotasyon

Subukin

Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa hanay A.


Isulat ang titik ng inyong sagot sa kuwaderno.

Hanay A Hanay B
1. talipapa a. sakit nang dahil sa matinding pinagdaanan

2. palara b. bunga ng pagmamahalan ng magulang

3. kariton c. pagpatak ng luha

4. mayor d. sasakyan na gawa sa kahoy o metal

5. doctor e. tagapagligtas ng buhay

6. hele f. maliit na tindahan

7. pag-iyak g. kanta ng isang mapagmahal na ina

8. tuliro h. tahanan ng mga mahihirap

9. aruga i. tinaguriang “ama ng bayan”

10. byuda j. namatayan ng asawa

11. anak k. isang uri ng korona na gawa sa kawayan o


karton

12. barung-barong l. pag-aalaga ng isang minamahal


Balikan
Subukang balikan ang iyong kaalaman tungkol sa konteksto ng
pangungusap sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.

1. Bakit sinasabing madaling makuha ang kahulugan ng isang salita batay


sa konteksto ng pagkakagamit nito sa pangungusap?
2. Ano ang mahalagang paraan upang madaling makuha ang nilalaman ng
pangungusap?

Tuklasin

Si Pinkaw
ni Isabelo S. Sobrega
(Maikling Kuwentong Hiligaynon)

Naalimpungatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at


nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-dali akong bumangon,
nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na
sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na
ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan
kung asul o berde. Malayo siya kaya’t di ko makita nang mabuti.
Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de hapon na may kabit na
lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na kumikinang
tuwing tinatamaan ng sinag ng araw. “Hoy, Pingkaw,” sigaw ng isang bata
na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga. “Sige
nga, kumanta ka ng blak is blak.” “Ay, hiya ako,” nag-aatubiling sagot ng
babae, sabay subo sa daliri. “Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo,”
nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at
nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pingkaw. Umatras
ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.
“Sige agawin natin ang kanyang anak,” sabi nilang pahalakhak habang
pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pingkaw. Maya-maya’y nakita kong
lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata. “Huwag niyo
namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor.” Patuloy pa rin
ang panudyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.
Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya’t
sumigaw ako para takutin sila. “Hoy mga bata, salbahe n’yo! Tigilan n’yo
ang pagtukso sa kanya.” Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko’y natakot ang
mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa
akin at nagsabi: “Meyor, kukunin nila ang aking anak.”
Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may
senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. “O sige, hindi na
nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak.” Ngumiti siya sa akin. Inihele
ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-
dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata. “Hele, hele tulog muna,
wala dito ang iyong ina…” ang kayang kanta habang ang lata’y ipinaghele at
siya’y patiyad na nagsasayaw.

Natigilan ako. At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay


sa tambakan, nang hindi pa siya ganito.
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang
tambakan ng syudad) at dito nagmumula ang kanyang makakain,
magagamit o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman
kagandahan ang kanyang tinig -basag at boses-lalaki. Subalit kung may
ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila
malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa
kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay ng basura.
Kadalasan, pabalik na siya niyang galing sa tambakan. Ang kariton niya’y
puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na
burina nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang
pananghalian. Ito’y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya’y pork and
beans, pandesal na kadalasa’y nakagatan na at kung minsan, kung
sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa
kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang
tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng
kundimang Bisaya. Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong,
agad niyang tatawagan ang kanyang anak: “Poray, Basing, Takoy, nandito
na ako.” At ang mga ito, dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya
habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba raw siyang
dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya
ng bitsukoy?

Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang


nalaman ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa
kanya, b’yuda na s’ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit
ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong
anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong
santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng
kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas
para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing
makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa
tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang
sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos
lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong
taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga
kapatid kaya kung minsa’y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang
Tahur. Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng
kariton, ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang
nakalagay rito sa napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak.
Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan,
sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may
pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo
sa Tsino na tagabili. Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak.
Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang
kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lamang makikita si Pingkaw na
inaambaan ang kanyang mga anak. “Ang mga bata,” nasabi niyang minsang
bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit
na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, “hindi
kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang
nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata,
kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama
ng loob.” Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao’y
handing tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka
si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang
naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak
ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa
pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta ang kayang
ipinamamahagi sa mga nagpapalimos. Alam ng lahat sa tambakan ang
pangyayaring ito.

Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo


ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram
naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na ang
pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng mga
tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman
talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga
naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng
Tsino. Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi
niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon
nalamang ang nakapagpabuti sa bata. “Nagpapakita rin na may awa ang
Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana’y namatay na.
ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi
naipadoktor,” ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago pa
man gumaling ang kanyang anak. Minsang nag-uusap ang mga
nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay na
ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap. Sumabat si
Pingkaw na nagkataong naroroon, “Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking
pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking
kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat
tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapat
tulungan ay hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang
pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…”
iyan si Pingkaw. kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay.
Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako’y nasa
bahay ng aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga
kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama. Isang araw,
matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit
ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano
mang panis na kanilang nakain. Natuliro si Pingkaw, nagsisigaw. Tumakbo
siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang
maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa
ospital. Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton
isinakay ni Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng
isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng
golp, ayon sa katulong. Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa
bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may
sumisilip-silip sa bintana. Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni
Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon ngunit
wala namang gamot para sa nalason. Halos hindi makakilos sa pagod si
Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot
ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton. Nang makarating
siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang
isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito
ang tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos ang kanyang
panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang hindi na
ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para
iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang
may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang
lumapit upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga
anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.
Pakiramdam niya’y isang daang taon na siya nang makarating sa
pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na
ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala namang
sakit, binigyan din ng gamot ang dalawang anak ni Pingkaw.
Nang gumabi’y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa
ang lumipas, sumunod namang namatay ang bunso. Nakarinig na naman
ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik,
sinusundan na naman ng mga pilyong bata. “Hele-hele, tulog muna, wala
dito ang iyong nanay…” ang kanta niya, habang ipinaghehele ang
binihisang lata.

*****

Mga Gabay na Tanong:

1. Sa kabila ng kahirapan, paano mo mailalarawan si Pinkaw bilang isang


tao? Bilang isang ina?

2. Paano namatay ang kanyang mga anak? Masasabi mo bang may


diskriminasyong naganap sa kuwento? Ipaliwanag ang sagot.

3. Bakit hindi siya naniniwalang dapat iasa ang pamumuhay sa gobyerno?


Sumasang-ayon kaba o sumasalungat sa pananaw niyang ito?
Patunayan.
Suriin
Ang salita ay maaaring mabigyang-kahulugan batay sa konotasyon
at denotasyon. Ang denotasyon ay ang literal na kahulugan ng salita o
kahulugang mula sa diksiyonaryo samantalang ang konotasyon ay ang
pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.

Denotasyon
Halimbawa:

Pulang Rosas- uri ng rosas na kulay pula


Ginto- isang uri ng metal na kumikinang at malleable; ginagamit ito sa
mga palamuti (jewelry) at barya.

Konotasyon
Halimbawa:

Ang batang lalaki ay talagang may gintong kutsara sa bibig.


Gintong kutsara- mayaman o maraming pera ang pamilya.
Nag-away ang magkakapit-bahay dahil sa mga balitang kutsero.
Balitang kutsero- gawa-gawang storya o chismis

Pagyamanin

Pansariling Gawain
Panuto: Isulat sa angkop na hanay ang mga bagong salita o salitang hindi
mo pa alam ang ibig sabihin mula sa binasang maikling kuwento. Ibigay
ang kahulugan ng mga salitang ito batay sa denotasyon at konotasyon.
Maari ring gamitin ang diksiyunaryo sa gawaing ito.
Pansariling Pagtataya
Panuto: Isulat sa angkop na hanay ang kahulugan nito at saka gamitin sa
makabuluhang pangungusap. Gayahin ang pormat sa inyong kuwaderno.

Mga Bagong Salita para sa Akin Kahulugan Batay sa Pagkakagamit


sa Akda o Mula sa Diksiyonaryo

Makabuluhang Pangungusap

Isaisip

Ang salita ay maaaring mabigyang-kahulugan batay sa konotasyon at


denotasyon. Ang denotasyon ang sentral o pangunahing kahulugan ng
salita. Ang kahulugang konseptwal na tumutukoy o nag-uugnay sa isang
bagay, tao, lugar o pangyayari. Ang konotasyon ay maaaring magkaiba
ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang tao. Nagtataglay ng
mga pahiwatig ng emosyonal o pansaloobin ang mga salita. Nagtataglay
ito ng positibo o negatibong konotasyon samantalang ang iba’y neutral na
kahulugan.
Isagawa

Panuto: Ibigay ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng


mga salita o pahayag na nakapaloob sa kahon. Isulat sa
kuwaderno ang sagot.

Denotasyon Salita Konotasyon

Lugar kung saan tambakan ng basura Lugar ng mga


naiipon o itinatapon hampaslupa o
ang mga basura dukhang walang
puwang sa
makasariling lipunan

1. makipot na kalyehon

2. gula-gulanit na damit

3. tunggalian ng buhay

4. tagahalukay ng basura

5. Ilaw ng tahanan

6. Haligi ng tahanan

7. Basang sisiw

8. Pagputi ng uwak
Tayahin

A. Panuto: Hanapin sa hanay B ang denotasyong kahulugan ng


mga salitang nasa hanay A. Isulat ang titik ng inyong sagot sa
kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. kariton a. sakit nang dahil sa matinding pinagdaanan

2. talipapa b. pagpatak ng luha

3. pag-iyak c. sasakyan na gawa sa kahoy o metal

4. byuda d. maliit na tindahan

5. palara e. namatayan ng asawa

6. mayor f. isang uri ng korona na gawa sa kawayan o


karton

j. isang posisyon na nakamit sa pamamagitan


ng pagboto ng mamamayan

B. Panuto: Hanapin sa hanay B ang konotasyong kahulugan ng


mga salitang nasa hanay A. Isulat ang titik ng inyong sagot sa
kuwaderno.
Hanay A Hanay B

1. hele a. bunga ng pagmamahalan ng


magulang

2. anak b. maliit na tindahan

3. doktor c. tahanan ng mga mahihirap

4. tuliro d. tagapagligtas ng buhay


5. barung-barong e. kanta ng isang mapagmahal na ina

6. aruga(konotasyon) f. pag-aalaga ng isang minamahal

g. sakit nang dahil sa matinding


pinagdaanan
Susi sa Pagwawasto

Subukin:

1. f
2. k
3. d
4. i
5. e
6. g
7. c
8. a
9. l
10. j
11. b
12.h

Balikan:
Answer may vary

Tuklasin:
Answer may vary

Pagyamanin:

Gawain 1: answer may vary

Isagawa:

1. Masikip na kalye makipot na kalyehon Mahirap na pagsubok

2.Sirang damit gula-gulanit na damit kahirapan

3. Pag-iral ng isang tunggalian ng buhay Pang-araw-araw na


organismo kung saan karanasan
ito ay himihinga o
gumagawa ng
reaksiyon sa
pangyayari sa
kapaligiran

4. Trabaho ng isang tagahalukay ng basura mahirap


basurero

5. Illaw na nasa kisame Ilaw ng tahanan Nanay

6. Pundasyon ng bahay Haligi ng tahanan Tatay

7. Sisiw na basa Basang sisiw Batang kalye

8. ang pagputi ng isang Pagputi ng uwak Hindi na mangyayari


uri ng ibon

Tayahin:

A. Denotasyon

1. c
2. d
3. b
4. e
5. f
6. j

B. Konotasyon

1. e
2. a
3. d
4. g
5. c
6. f
Sanggunian

(Ailene Baisa-Julian 2015)

Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esquerra at Alma M.


Dayag. Pagislam. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc, 2015.
Panitikang Rehiyonal – Ikapitong Baitang. Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2017

http://www.scribd.com (accessed August 20, 2020)


http://www.slideshare.net (accessed August 20, 2020)
Image.slidesharecdn.com (accessed August 24, 2020)
http://www.pinoy.com (accessed August 27, 2020)
http://www.wordsimilarity.com (accessed August 27, 2020)

You might also like