Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

TALAAN NG

NILALAMAN

ARALIN 3: Alamat (Alamat ng Basey)

PANIMULANG GAWAIN ………………………… 32


LAYUNIN --------------------- 33
SUBUKIN ……………………….. 34
BALIKAN ………………………. 35
TUKLASIN ………………………. 36
TALAKAYIN ………………………. 37
PAGYAMANIN ………………………. 39
ISAPUSO ………………………. 42
SUSI SA PAGWAWASTO ……………………… 43
SANGGUNIAN ………………………. 44
PROSESO NG
PAGKATUTO
PANIMULANG
GAWAIN ALAMIN

Simple at payak lamang ang pamumuhay noong unang


panahon. Wala pang mga gadgets gaya ng cellphone, laptops, o
television na nagsisilbing libangan ng mga tao. Kuntento sila sa
paraan ng kanilang pamumuhay. Kalimitang pagkukuwento ang isa sa
pampalipas oras nila. Kung minsan ay may mga tanong ang mga bata
kung saan nagmula ang isang bagay tao hayop at pangyayari.

Gamit ang mayamang imahinasyon ng ating mga ninuno nakabubuo


sila ng kwento hinggil dito. Pinaniniwalaang ito ay makatotohanan
sa panahon nila. Kapupulutan ng aral ang bawat kwento. Ito ay
nagpasalin-salin dila at nakatutuwang isiping magpasahanggang
ngayon ay alam pa rin natin ang mga kwentong ito. Sino ba naman
ang hindi nakakakilala kay Pina? o ang paliwanag kung bakit may
araw at buwan?

Sa aralin ito tatalakayin natin ang tungkol sa mga alamat ng Basey


mula sa Kabisayaan. Aalamin natin ang kahulugan at kahalagahan
kasama na rin ang elemento nito. Magsimula na tayo!
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
LAYUNIN

 Natutukoy ang kaligirang pangkasaysayan ng


alamat
 Nauunawaan ang nilalaman ng binasang
alamat
 Naipapaliwanag ang mga salitang paulit-ulit
SUBUKIN

Lagyan ng puso kung sa inyong palagay ay naglalarawan sa isang


alamat at tatsulok kung hindi ito naglalarawan.

_______________1. Nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang


bagay.

_______________ 2. Mayroon itong aral.

_______________3. May mga tauhan o pangyayaring di


makatotohanan.

_______________4. Bayani ang tawag sa pangunahing tauhan.

_______________ 5. Ito ay inaawit.


BALIKAN

Tukuyin kung ang mga nakatalang salita ay balbal, kolokyal,


lalawiganin, pampansa o pampanitikan.

____________________ 1. Tsina

____________________ 2. Anghel sa Lupa

____________________ 3. Naol

____________________ 4. Mangan

____________________ 5.Guro

____________________ 6. Tara

____________________ 7. Mabangis

____________________ 8. Pusong mammon

____________________ 9. Maayung ugtu

____________________ 10. Eto


TUKLASIN

Masdan ang larawan na nasa ibaba. Tukuyin ang kuwentong


may kaugnayan sa mga larawan. Itala ang sagot sa ibaba.
TALAKAYIN

Basahin at unawain ang ang teksto.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat


Ang salitang alamat ay panumbas sa legend ng Ingles. Ang katawagan namang ito ay
nagmula sa salitang Latin na legendus, na ang kahulugan ay upang mabasa.
Noon pa mang 1300 AD (After Death), ang ating mga ninuno, nakilala sa katawagang Ita, Aetas,
Negrito o Baluga ay may sarili ng mga karunungang-bayan, kabilang ang alamat. (Sila ang mga
taong walang permanenteng tirahan). Ayon sa mga heologo (geologists), nakuha o nalikha nila ang
mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema
ng pamahalaan (bunga marahil ng kakauntian), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay
nagpapasaling-dila o lipat-dila lamang.

Pagkalipas ng 4,000 taon dumating sa ating kapuluan ang mga Indones na may dalang sariling
sistema ng pamahalaan, panitikan at pananampalatayang pagano. Ang matatandang alamat ng ating
mga ninuno ay nalangkapan ng kanilang mga katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga
anito, buhay ng mga santo at santa, bathala, at pananampalataya sa Lumikha.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay. Katulad ng mga Indones, sila rin ay
may pananampalatayang pagano. May dala rin silang sariling mga alamat, kwentong-bayan at mga
karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag na Alifbata o
Alibata. Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik
ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga
bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong ito, higit na lumaganap ang
mga alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang Maragtas at Malakas at
Maganda.
Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Intsik, Bumbay, Arabe at Persyano. Ang mga ito ay may
mga dala ring kani-kaniyang kultura na nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating
kapuluan. Sa mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kaya’t
marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap. Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang
mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan.
Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na may layuning mapalawak ang
kanilang kolonya, at magpalaganap ng pananampalatayang Kristyanismo. Ipinasunog ng mga
prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod sa ilog
sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba pang
panitikang nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga taong-bayan ay hindi nila masira. Nanatili ang
mga alamat...nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na panahon at
nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyan.
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-kaligirang-pangkasaysayan-ng-alamat_1141.html
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Mga kwento ng mga mahiwagang
pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya’t walang nagmamay-ari
o masasabing may akda nito.
Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan
ng kababalaghan o ‘di pagkaraniwang pangyayari na naganap nuong unang
panahon.
Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura,
kaugalian o kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda,
tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi
maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa
banding huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.
Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba’t-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin
ngsumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat

http://www.wikakids.com/filipino/ano-ang-alamat

Ang Basey ay isang bayan sa probinsya ng Samar. Noong 2015, umabot ang
populasyon nito sa 55,480. Nagbigkas sa pangalan nito ay “Basai”o “Basay”
hindi “baSEY”. Ang maling pagbigkas nito ayon sa alamat , ay pinalaganap ng
mga sundalong Amerikano noong unang araw ng pananakop nila sa Pilipinas.
Walang tunog “ey” ang mga Waray-waray . Sinasabing Basay ang kabisera
ng Leyte noong panahon ng mga Amerikano. Isa ang Basey sa nasalanta ng
bagyong Yolanda na may 200 katao ang namatay. Ang Basey ang
kasalukuyang may hawak ng tala ng may pinakamahabang banig sa Guiness
Book of World Records,
PAGYAMANIN
Basahin ang Alamat ng Basey
ANG ALAMAT NG BASEY

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa


pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na
nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa
mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na
harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng
Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas
Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita,
sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang
parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit
na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng
bayan ng Baysay. Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na
pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang

‘Ang Pinakamaganda’ bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si


Bungangsakit.Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol
na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy,
isang matapang na mandirigma.
Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na
yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito
magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga
gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat atupang mamatyagan ang paparating na mga
vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng
Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo ay
dumating at sinalanta ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-
ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan
pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming buhay at
sumira ng napakaraming ari-arian
Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na
naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga
burol na magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang
kilalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa
sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang
paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng
pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.
(Salin ni Reynaldo S. Reyes mula sa The Legends ni Damiana L. Eugenio, UP Press)
https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-ang-alamat-ng-basey-alamat-ng-visayas-bahagi-ng-the-beautiful-
bungangsakit_133.html
Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit lumipat sa Binongtoan ang mga tao?

________________________________________

2. Bakit ito tinawag na Baysay?

________________________________________

3. Isalaysay ang ginawang paghahanda ng mga tao sa pagdating ng mga


pirata .

________________________________________

4. Bakit nagpasya ang mga tao sa Baysay na lumipat sa mas mataas na


lugar?

________________________________________

5. Gamit ang T-chart itala ang mga totoong pangyayari at di-


makatotohanang pangyayari sa akda.

Makatotohanan Di-Makatotohanan
PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN

Sa araling ito, maraming iba’t ibang pamamaraan upang mas mapayaman


pa natin ang ating talasalitaan. Tatlong kategorya ang nais nating
bigyang pansin dito.

1. Likas sa Pilipino ang pag-uulit ng mga salita upang higit nating


mabigyang diin ang salitang ating ginagamit. Walo –walo ay ginamit sa
akda na ang ibig sabihin ay Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil
na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin

Kung minsan gumagamit tayo ng siyam-siyam na ang nais naman


ipakahulugan ay matagal .

Halimbawa: Inabot ako ng siyam-siyam sa pag-aanatay ng bus patungong


Maynila.

Pansinin ang mga ginamit na salitang inuulit sa alamat.

2. Pagkiklino- Ang klino ay ang antas ng salita na nakabatay sa


damdaming nakapaloob dito

Hal. Tampo-galit-muhi-suklam

Bulong-sabi-sigaw-hiyaw

3. Ang mga salitang di-pamilyar na madalas na makita sa isang


babasahing akda, ito ang malimit na ginagamit upang higit pa nating
maunawaan at lumawak pa ang ating kaalaman sa salitang makikita sa
mababasa.
Sagutin ang bawat bilang.

1. Bigyang iterpretasyon ang salitang inuulit.

A. Pito-pito ____________________________________

2. Lagyang ng bilang 1-2-3 ayon sa tindi ng mga salita.

1- pinakamatindi 2- katamtaman 3 - pinakamababa

A. ____ hagulgol ____ hikbi ____ iyak

B. ____ galak ____ luwalhati ____ tuwa

C. ____ takot ____ pangamba ____ ligalig

D. ____ tatag ____ lakas ____ tibay

3. Bigyang kahulugan ang mga salita

A. Kuta _______________________________

B. Pirata _______________________________

C. Misyonero ____________________________
ISAPUSO

Sagutin ang mga tanong.

Masasalamin sa pangyayari sa alamat ang iba’t ibang pagsubok na


kinaharap ng nayon na kung ating iuugnay ay nagaganap rin sa
ating panahon. Ang suliraning ito ay ang paglaban ng bansa
nakamamatay na sakit na COVID anong mga katangian ng mga
taga-nayon ang labis mong hinangaan na maari nating tularan
upang makatulong sa pagsugpo sa suliraning kinakaharap ng ating
bayan. Ilagay ang inyong kasagutan sa kahon.

You might also like