Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Immaculate Heart Academy

Pag-asa, Dumalinao Zamboanga del Sur


Junior High School
S.Y. 2020-2021

TEACHER’S LEARNING PLAN IN GRADE 9 FILIPINO

Bilang ng Gawain: 11
Gawain: Pang-ugnay na Pangatnig
Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag sa sariling pananaw.
1.1 natutukoy ang iba’t ibang uri ng pangatnig.
2. Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga pangatnig.
Sanggunian: / Ailene G. Baisa-Julian, et al. Pinagyamang Pluma Wika at Panitkan 9, Phoenix Publishing house
Inc.,
Pagpapahalaga: Simple
Pangganyak: Sa isang pangungusap, bakit mahalaga na magkaroon ng wastong pagkakaugnay-ugnay ang mga
salita? Ano marahil ang mangyayari kapag hindi natin isinaalang-alang ang wastong pagkaka-
ugnay nito? (5 minuto)
I. Mga Mahalagang Kaisipan (15 minuto)

Ang pangatnig ay kataga o mga salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang salita sa kapuwa
salita, parirala sa isa pang parirala, o sugnay sa isa pang sugnay sa isang pangungusap.
Para sa karagdagang impormasyon basahin ang “Pangatnig at mga Transitional Device” sa
pahina 86-87sa inyong batayang aklat.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto (20 minuto)


A. Paglilinaw sa Natutuhan
Panuto: Punan ng tamang pangatnig ang patlang upang makumpleto ang diwa ng pangungusap.
Piliin ang sagot sa nakikitang kahon. Isulat sa patlang bago ang bilang ang uri ng pangatnig.

ngunit sapagkat sakali Ni kung gayoon sa kabuuan raw at daw

___________1. ____________, nakikita kong uunlad ang ating bansa bunga ng kanyang
pagsusumikap.
___________2. _________ limang piso ay hindi ka nag-amot.
___________3. Si Duterte ___________ ay magiging isang mahusay na Presidente.
___________4. Hindi siya nakadalo____________ nawawala ang kanyang kapatid.
___________5. ___________ bang hindi ako sasama, magtatampo ka?
___________6. Si Mich at Mia ay nagkasagutan kanina, ____________ hindi na naman matutuloy
ang lakad ng barkada.
___________7. Siya ang pinakamatalino sa kanilang klase___________laging lumiliban.
___________8. Ako ay mamamalengke __________ pagkatapos pupunta ako kina Mars.

B. Mga Gabay na Tanong (10 minuto)


Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalaga ang mga pangatnig sa pagbubuo ng mga pangungusap, talata o akda?
2. Ano ang maaaring mangyari kung wala tayong mga pangatnig sa pagsusulat ng
panungusap, talata at akda?
3. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari tulad ng dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, at iba pa sa uri ng pangatnig?
C. Pagsasabuhay sa Natutuhan (5 minuto)
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba.

Ang bawat tao ay bumubuo ng mga pahayag kung sila ay


nakikipag-usap gamit ang pangatnig upang makabuo ng isang
makabuluhang pahayag. Sa iyong palagay, ano ang maaaring
mangyari kung wala tayong kaalaman sa wastong gamit ng mga
pangatnig sa pagbubuo ng isang pahayag?

D. Paglalagom ng Konsepto (5 minuto)


Panuto: Pumili ng isang uri ng pangatnig at ilahad ang natutuhan.
.

Pangatnig Pangatnig
na na
Pamukod Panimban
g

Pangatnig Uri ng Pangatnig at Pangatnig


na mga Transitional na
Paninsay o Device Pamanggit
Panalungat

Pangatni Pangatni
g na g na
Pananhi Panlinaw

E. Pasubok sa Natutuhan
Panuto: Sumulat ng sariling opinyon/paglalahad sa mga dapat at hindi dapat taglayin ng kabataang
Asyano gamit ang uri ng pangatnig at mga Transitional Device.
sakali sa kabuuan ngunit sapagkat daw at

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

You might also like