Professional Documents
Culture Documents
F6Q1 Module 5 - Sundin Mo
F6Q1 Module 5 - Sundin Mo
Filipino
Kwarter 1 – Modyul 5:
Sundin Mo!
Filipino – Baitang 6
Kwarter 1 – Modyul 5: Sundin Mo!
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
i
Paunang Salita
Para sa Tagagabay:
Para sa mag-aaral:
ii
Sundin Mo!
(Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari)
Panimula:
1
Ito ang mga bagong salita na dapat
mong kilalanin para sa araling ito.
Basahin natin.
Talasalitaan:
2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?
3
O di ba madali mong nasagutan ang
gawain.
Ngayon, upang higit na mapalalim ang
iyong kaalaman, gawin mo ang susunod pang
mga nakalaang gawain.
Sige, simulan mo na.
4
Basahin ang sumusunod na seleksiyon.
.
Bayanihan sa Barangay SUGOD
Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.
5
Sinimulan na ng kapitan ang pulong. Hiniling niyang mag-usap-usap
ang magkatapikang-balikat kung ano ang kanilang maibibigay na tulong at
partisipasyon sa hakbangin ng barangay. Maya-maya, tinawag ng kapitan
ang bawat grupo.
6
? 1. Tungkol saan ang usapan? Ang usapan ay tungkol sa
bayanihan ng barangay.
3. Bakit nagpatawag ng
pulong ang barangay?
Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan
7
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.
Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba.
Panuto: Basahin at unawain ang kasunod
na maikling kuwento. Pagkatapos ay Pagsasanay
sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong.
Sitwasyon: May Babala ang Bagyo
Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawain ang maikling
talata at sagutin ang mga sumusunod ng mga
pangyayari.
Mga Tanong:
1. Sa Paghahanda sa pagdating ng bagyo ano-ano ang mga dapat gawin?
Una: _____________________________________________________________
Pangalawa: _______________________________________________________
Pangatlo:
_________________________________________________________
Pang-apat: _______________________________________________________
Panglima: ________________________________________________________
2. Ano- ano ang mga ginamit na salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa binasang talata?
Una: _______ Pangalawa: _______
Pangatlo: _______ Pang-apat: _______
Panlima: ________
9
Balikan ang mga natutuhan sa naunang
mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.
10
Tungo ang ulo ni Estong na umiiyak patungo sa banyo. Babasa-
basain niya lang ang mukha, aalisin ang konting bahid ng dumi sa kanyang
katawan at magpupulbos na lang para makitang malinis siya.” Ate! Ate!
Esang! Naghihilamos na po ako!”, pasigaw na tawag ni Estong…ngunit,
hindi pa rin siya pinapansin ng kanyang mga kapatid…tiningnan lang siya
at..”Ano, nagawa mo na ba ang lahat na bilin ni Nanay at Tatay?” paulit na
tanong ng kanyang ate, iiling-iling lamang si Estong at nagmukmok na
lamang sa isang sulok.
“Buti pa ang cellphone, hinahawakan, pinipisil-pisil at kinakausap”
pahimutok na sabi sa sarili ni Estong, “Simula ngayon, magbabago na ako
“sabay tapik niya sa kanyang balikat.
Umuuwi na siya sa tamang oras kumakain nang masustansiyang
pagkain. Nagpapalit ng uniporme pagkagaling sa paaralan. Pilit niyang
kinikilala ang mga letra at salita sa kanyang binabasang aklat, na tila
inihalintulad niya sa isang Cellphone ang pahina ng aklat, pinipindot-pindot
at kinakausap niya ito.
“Esang! Ening! Estong! Nandito na kami!” pasigaw na tawag ng
kanilang mga magulang na galing sa pagdalaw ng kanilang mga lolo‟t lola sa
bayan ng bato. O! ano Estong kamusta ka na?” sambit ng kanyang Tatay
Nesto. Pangiti lamang ang sagot ni Estong sa tanong ng kanyang Ama.
Laking gulat ng kanyang ina sa pagbabago ng kanyang anak na si
Estong. Bitbit ang bag sa pag-uwi nakakasabay na nila sa pagkain at
nagiging pala-ayos na sarili.
Hangga‟t sa nakakasabay na niya ang kanyang mga kapatid sa sala,
ngunit may pag-alinlangan pa rin si Estong sa kanila. Lingid pala sa
pagkakaalam ni Estong iyon pala‟y pinagkakaisahan siya ng kanyang mga
kapatid, upang matuto sa kanyang mga gawain, mag-aral, at magbasa.
Simula noon para na rin siyang Cellphon pinipindot-pindot,
pinipisilpisil ang kanyang mamula-mulang pisngi nang kaniyan mga
kapatid at tila makulay na pabalat ng Cellphone ang kanyang pagbabago sa
kanyang sarili. “Mahal ka namin Estong”, sambit ng dalawa niyang kapatid.
“Sa wakas Cellphone na rin ako!” sigaw ni Estong, na laking gulat ng
kanyang buong pamilya.
11
“Bakit anak nasabi mong Cellphone ka na?” tanong ng nagtatakang
ina. “Mahal kong Nanay, ako na po ito…Cellphone na po ako”
Nababasa ko na po ang pinipindot-pindot na lumalabas po sa
Cellphone, palagiang nagpapalit na rin po ako ng pambahay at nag-aayos ng
sarili, tulad po ng ginagawa ni Ate pinapalitan niya ng pabalat ang kanyang
Cellphone na parang bago ulit at higit sa lahat po nakakausap ko na po ang
aking mga ate bagama‟t binigyan lang po nila ako ng aral na matuto sa
aking mga ginagawa kaya po Cellphone na rin ako.”
Tumawa na lang at niyakap siya ng mahigpit ng kanyang ina.
Wakas
12
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.
Panapos na Pagsubok
A. Panuto: Basahin at
unawain nang mabuti ang maikling
kwento sa ibaba. Sa tulong ng Story Ladder tukuyin ang wastong
pagkakasunod ng mga pangyayari sa kuwento, tiyakin na gumamit ng
mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari.
Kuyog
Elena Duka-Tatel
“Inay, gutom na po ako,” ang sabi ni Isa. Ang bunso sa tatlong anak nina
Bell at Boods.
“ O, halika anak. Tawagin mo na rin sina ate Ning at ate Bing mo at
nang makakain na tayo nang sabay-sabay,” ang sagot ng inang si Bell.
Habang kumakain sila ng almusal ay nagtanong si Ning. Siya ay
limang taong gulang, ang panganay sa tatlong magkakapatid.
“‟Nay, ano po itong ulam natin? Kahit maliliit pero masarap po „nay.”
“ Kuyog, Kuyog ang tawag d‟yan. Sariling huli „yan ng tatay n‟yo,” ang may
pagmamalaking tugon ng ina. “Hmmm... ang sarap ate. Kanin pa nga po,”
dugtong ni Bing, ang pangalawang anak.
“ Alam n‟yo ba mga anak? D‟yan lang „yan nahuli ng tatay n‟yo,” sabay turo
ng amang si Boods sa dagat na malapit sa kanila. “Lalo pang sumarap „yan
dahil nilagyan namin „yan ng nanay ninyo ng langkwas.”
“ Ano naman po ang langkwas? Ang malambing na tanong ng
bunsong si Isa na tatlong taong gulang pa lamang.“Ang langkwas anak ay
parang luya . Mas sumasarap at bumabango pa ang bagoong na kuyog
kapag hinaluan ng dinikdik na langkawas. Mas lumalambot at nagiging
medyo malagkit ang sabaw nito kapag palilipasin muna ang ilang araw
bago kainin ang bagoong,”ang sagot ng ama na halatang lalo pang
nasisiyahan sa pagtatanong ng mga anak.
13
“Ang bagoong na Kuyog ay napakasarap iulam sa kanin. At hindi lang
sa kanin mga anak, maging sa lutong kamoteng kahoy,” sabad naman ng
inang si Bell.
Sila ang mag-anak na kuntento na sa kung ano ang mayroon sila.
Tinuruan nilang mag-asawa ang kanilang mga anak na mamuhay nang
simple. Kaya sa murang edad ay natuto na silang magtipid at hindi
nagrereklamo sa kung ano ang ihaing pagkain sa kanila. Hindi rin nila
ikinahihiya ang pag-ulam ng kuyog at pagtitinda nito. Ang kuyog ay isa sa
mga nahuhuling yamang dagat ni Boods sa kanilang lugar na malapit
lamang sa dagat. Lumipas pa ang mahabang panahon.
Ang tatlong magkakapatid ay nakapagtapos na ng kani-kanilang pag-
aaral. Bawat isa sa kanila ay nakapagtayo na ng sariling negosyo.
“‟Nay, salamat po sa inyo ni Tatay. Kung hindi po sa pagtitiyaga ninyo
sa pagtitinda ng mga isda ay hindi kami makakapag-aral na
magkakapatid,” maluha-luhang sabi ni Ning sabay yakap sa kanyang mga
magulang.
Nang marinig ito ng dalawa pang anak na sina Isa at Bing ay kanila
ring niyakap ang kanilang mga magulang.
“At dahil po d‟yan, mamamasyal tayo ngayon!” Ang natutuwang sabi ni
Ning. Nag-aatubili man ay sumama na rin sina Bell at Boods.
“Wow! ang pabulong na narinig sa mga magulang ng magkakapatid.
“Restaurant ba ito Ning? Dito ba tayo kakain? Ang sunod-sunod na tanong
ng inang si Bell.
“ Wala pa yatang mga costumer na kakain kasi mukhang tahimik pa ang
paligid,” dugtong naman ni Boods.
“Pero teka, may kotse na sa banda roon kaya baka may kumakain na
sa loob. Mukhang mahal dito,”ang wika ulit ni Bell.
Habang inililinga ang paningin ng mag-asawa, hindi nila namalayan na
pumasok na sa loob ang magkakapatid na nagbubulungan at
naghahagikhikan... hawak ng nakakubling kamay ang susi na handog sa
mga magulang.
Wakas
14
STORY LADDER
Ikaapat na
Pangyayari
Ikatlong
Unang Ikalawang Pangyayari (wakas)
Pangyayari Pangyayari
(Simula)
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 19.
15
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.
16
17
Panimulang Pagsubok
1. 2 2. 3 3. 1 4. 4 5. 5
Pagsasanay 1
1. Napakahimbing ng tulog ni Andrea dahilan sa napakalamig na
panahon
2. Nagising siya ay ginaw na ginaw dahilan sa natanggal ang makapal na
kumot na bumabalot sa kanyang katawan.
3. Idideklarang walang pasoksa elemenatr at haiskul kapag Signal
Number Two.
4. Naalala niya ang napag-aralan nila sa paaralan tungkol sa bagyo.
Kapag signal number one, sa loob ng 36 na oras ay maaaring dumating
ang hanging may lakas na hindi hihigit sa 60 kilometro bawat oras.
Kapag signal number two, ang hangin ay may lakas na 60 hanggang
100 kilometro bawat oras. Kapag signal number three, sa loob ng 12
hanggang 18 oras, maaaring dumating ang hanging may lakas na higit
sa 100 kilometro bawat oras.
5. Madaling makakuha ng mga mahahalagang impormasyon o balita
tungkol sa pagsama ng panahon sa radio at sa telebesiyon.
Susi sa Pagwawasto
18
.
A. Pagsasanay 2
1. Una: Sundan sa radio o telebisyon ang mahahalagang balita sa
pagsama ng panahon.
2. Pangalawa: Mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong lalo na
iyong mga de lata upang hindi magutom.
3. Pangatlo: Mag-imbak din ng posporo, kandila, flashlight, at baterya
na maaaring magamit kung kinakailangan.
4. Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng
sandal upang makaiwas sa dagdag na sakuna.
5. Panghuli: Kailangang makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago
ng panahon.
B. 1.Unang-una 2. Pangalawa
3. Pagkatapos 4. Pinakamahalaga
5. Panghuli
Pagsasanay 3
Unang pangyayari-Si Estong ay batang payatin, hindi palaayos sa
sarili, inaatupag ang paglalaro at nakakalimutan niya palagi ang
bag sa paaralan.
Ikalawang pangyayari- taliwas siya sa dalawa niyang kapatid na
palaaral, palaayos at malusog ang pangangatawan.
Suliranin- Si Estong ay laging napapagalitan dahil sa kanyang ugali
kaya siya‟y nagtatampo.
Wakas- nagbago ng pag-uugali si Estong, lagi na siyang naliligo,
nag-aaral at kumakain ng masustansiyang pagkain kaya mula
noon parang cellphone na siyang pinipindot pindot sa pisngi at
kinagigiliwan ng lahat.
19
Panapos na Pagsubok:
Unang pangyayari – Ang mag-anak ay nagsabay-sabay na kumain ng
almusal na kuyog lang ang ulam.
Pangalawang pangyayari- hindi nagrereklamo ang mga anak sa kung
ano ang mayroon sila dahil sa sila‟y mahirap lamang.
Pangatlong pangyayari- nagsakripisyo ang mag-asawa sa pagtitinda ng
isda mapag-aral lamang ang tatlong anak.
Pang-apat na pangyayari- nakatapos ng pag-aaral ang tatlong anak at
nakapagtayo ng sariling negosyo kaya naging masagana at
matagumpay sila.
SANGGUNIAN
20
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:
21