Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

8

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang Daigdig sa Klasikal at
Transisyonal na Panahon
Araling Panlipunan-Grade 8
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mark Anthony M. Ocampo


Editors: Jewel P. Depacto & Kathy A. Garcia
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Antonio V. Amparado Jr. Rolex H. Lotilla, and Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Raiza M. Salvaloza
Pabalat na may Malikhaing Disenyo:
Tagapamahala: : Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE V- Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, CESE - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Subject Area Supervisor
Nida Pastor - OIC CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD-Division EPS In Charge of LRMS
Bernardita M. Villano-Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan –
Modyul 5:
Ang Daigdaig sa Klasikal at
Transisyonal na Panahon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Self-Learning


Module (SLM) para sa araling Ang Daigidg sa Klasikal at Transisyonal na Panahon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Self – Learning Module (SLM)


ukol sa Ang Daigdaig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

3
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kasanayan, kaalaman at konsepto tungkol sa


Daigdaig sa Klasikal at Transisyonal na Panahon. Naglalayon itong mahasa ang mga
mag-aaral sa kaisipan na ang heograpiya ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa daloy
ng ating kasaysayan. Naglalaman din ito ng mga nakatakdang pagkakasunod-sunod ng
leksyon para lubusang maunawaan at maintindihan ng mga mag-aaral.

Ang modyul ay mayroong isang aralin;

● Aralin 1 – Pagbabagong Naganap sa Europa sa Gitnang Panahon sa larangan ng


Politika, Ekonomiya, Sosyo-kultural

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naibibigay ang mga dahilan ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang
institusyon sa Gitnang Panahon.
2. Natatalakay ang mga sanhi ng paglakas ng Simbahang Katoliko at ang naging
bunga nito.
3. Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang
isang institusyon sa Gitnang Panahon.
4. Naitatala ang kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman
Empire”.
5. Naipaliliwanag ang kaganapang nagbunsod sa pagkakabuo ng “Holy Roman
Empire”.
6. Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman
Empire”.
7. Natutukoy ang dahilan ng krusada.
8. Naitatala ang mga pangyayari sa panahon ng krusada.
9. Nakikilala ang mga tauhan sa panahon ng krusada.
10. Naipapaliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Gitnang
Panahon.
11. Natutukoy ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga bagong
bayan at lungso.
12. Natatalakay ang Gitnang Panahon: Manoryalismo, Piyudalismo, at ang pag-
usbong ng mga bagong bayan at lungsod.
13. Nasusuri ang buhay sa Europa noong Gitnang Panahon: Manoryalismo,
Piyudalismo, at ang pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod.
14. Naitatala ang mga mahahalagang pangyayari sa Europa sa pagpapalaganap ng
pandaigdigang kamalayan.
15. Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa Europa sa pagpapalaganap
ng pandaigdigang kamalayan.

5
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga
pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakububuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at
pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na
Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa
kasalukuyan.
Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang
institusyon sa Gitnang Panahon. AP8DKT-IIg-10

6
Subukin

Paunang Pagtataya

Panuto: Suriin ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng iyong sagot.

1. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ay ang ___________.


A. kastila C. palasyo
B. manor D. simbahan
2. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang Asya ay
nasimula sa__________.
A. Guild C. Krusada
B. Kristiyano D. Piyudalismo

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik ng pag-unlad ng mga bayan?


A. Bagong pamamaraan sa pagtatanim C. Paglakas ng kalakalan
B. Bagong teknolohiya sa pagtatanim D. Pagtatayo ng “guild”

4. Ang basaylo ay kinabibilangan ng mga_____________.


A. nabigyan ng lupa C. nagongolekta ng buwis
B. nagbibigay ng lupa D. naninilbihan sa taong may lupa

5. Ang manor ay pag-aari ng ________________.


A. magsasaka C. panginoon
B. mangangalakal D. simbahan

6. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sila ang
gumaganap ng gawaing_____________.
A. pangekonomiya panlipunan C. pangekonomiya
B. pangmilitar D. panrelihiyon

7. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap sa_________.


A. bangko C. perya
B. manor D. pistahan

8. Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,


kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
B. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
C. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
D. Malaya nilang napauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.

7
9. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbibigay ligalig sa mga
mamamayan ng Europe. Dahil dito hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya
naitatag ang sistemang Piyudalismo”. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
A. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro.
B. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.
C. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.
D. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteskyon.

10. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Papa Urban II noong 1095. Ano ang
pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.
B. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.
C. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim.
D. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe.

11. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino
ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A. Charlemagne C. Clovis
B. Charles Martel D. Pepin the Short

12. Ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang manor?


A. Pakikipagkalakalan C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
B. Pagsasaka D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan

13. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “Ang krusada ay bigong tagumpay”?
A. Maraming buhay ang nasawi.
B. Ang landas ng buhay ay mayroong katapusan.
C. Ang layunin ay dakila ngunit hindi nagtagumpay.
D. Anumang pagsisikap ay mayroong kabiguan.

14. Alin sa mga sumusunod ang unang naganap sa panahong medieval.


A. Naitatag ang piyudalimo.
B. Bumagsak ang Rome.
C. Nakoronahan bilang Emperador si Charlemagne.
D. Pinamahalaan ni Clovis ang mga Franks.

15. Sa unang bahagi ng Panahong Medieval, bihira lang ang magsasakang


nagmamay-ari ng lupa. Ang dahilan nito ay_______________.
A. maganda ang pamumuno ng panginoon.
B. marami ang nagbibigay ng lupain kapalit ng proteksyon sa ginagawang
katiwala.
C. nagbibigay sila ng lupain kapalit ng proteksyon.
D. nabili ng mga panginoon ang lupain ng mga magsasaka.

8
Aralin Pagbabagong naganap sa Europa
sa Gitnang Panahon
5 (Politika, Ekonomiya, Sosyo-
kultural)

Kumusta ka? Ngayon ay magsisimula na ang iyong paglalakbay para matutunan ang
pag-aaral sa pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon sa larangan ng
Politika, Ekonomiya, Sosyo-kultural. Halika na at tayo ay magsimula!

Balikan

Matapos talakayin ang mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng


pandaigdigang kamalayan, bibigyan naman ng tuon sa bahaging ito ng Modyul ang
Pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon. Subalit bago mo tuluyang
alamin ito, gawin mo muna ang sumusunod upang malaman ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba?

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga aralin, gawain, at mga estratihiyang
makakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaaring
gumamit ng mapa o globo at atlas.

9
Tuklasin

Sa bahaging ito ay iyong sasagutan ang mga katanungan inihanda upang mapagtibay ang
mga ideyang nabuo mo at maiwasto ang maling sagot o konsepto habang ikaw ay
nagpapatuloy sa mga gawain.

Gawain 1: Pagtapat-tapatin
Piliin ang wastong sagot sa hanay B. Isulat ang titik lamang.

Column A Column B

_______1. Natatanging sektor ng lipunan sapagkat A. Piyudalismo


hindi namamana ang kanilang
posisyon.
_______2. Naging Hari ng mga Franks (French). B. Pari

_______3. Ito ay isang ekspedisyon Militar o serye C. Kabalyero


ng labanang panrelihiyon ng mga
Kristiyano.
_______4. Ito ay isang sistemang Pulitikal at D. Maryonalismo
Militar sa kanlurang Europe.
_______5. Sila ang bumubuo sa masa ng tao noong E. Krusada
gitnang panahon.
_______6. Ito ay isang makaprinsipyong F. Clovis
organisasyon o komunidad na sumibol
noong unang panahon lalo na sa
gitnang-kanlurang Europa.
_______7. Ito at tinatawag na sistema ng G. Serf
pangkalakalan ng Gitnang Panahon.

_______8. Tumutukoy sa unang uri ng maharlika H.Sistemang barter


na maaring magpamana ng kanyang
lupain.
_______9. Ang kanilang interes ay magnegosyo I. Guild
kaysa makidigma.

_______10. Ang samahang institusyonal na ang J. Burgis


pangunahing layunin ay protektahan
ang interes ng mga kasapi.

10
Suriin

Sa bagahing ito, susubukin ang iyong galing sa pagsusuri ng mga datos ng mga
panyayaring naganap sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire.

Panuto: Basahin at suriin ang timeline tungkol sa mga kaganapang nagbigay-daan sa


pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”.

Taon Pangyayari

481 CE Naging hari ng mga Franks (French) si Clovis. Naglunsad siya ng digmaan upang
pag-isahin ang lahat ng kahariang Aleman.

496 CE Tinanggap ni Clovis anng Kristiyanismo ma ikinalugod ng Simbahang katoliko


at sinuportahan ang kanyang mga sumunod na pakikipagdigmaan.

511 CE Napag-isa ni Clovis ang buong Gaul at kinilala siya ni Clovis bilang tagapagtatag
ng Dinastiyang Merovingian.
Nang mamatay si Clovis nagkaroon ng digmaan sa kaharian dahil sa pag-
aagawan ng mga kaanak niya sa puwesto.

687 CE Pinamunuan si Pepin II ang Tribung Frank na inaprubahan ng Papa at dito nag
simula ang linya ng mga haring Carolingian

717 CE Humalili kay Pepin II ang kanyang anak na si Charles Martel. Bukod ditto, tinalo
niya ang mga lumusob na Muslim sa kanyang kaharian sa Labanan sa Tours.

751 CE Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ang pumalit sa kanyang
puwesto na inaprubahan naman ng Papa at dito nagsimula ang linya ng mga
haring Carolingian. Pinatalsik ni Pepin ang huling haring Merovingian at
tinanghal siyang hari ng mga Franks.

11
Ang Banal na Imperyong Romano o Holy Roman Empire

Sa pagsapit ng 768 CE ang dalawang anak ni


Pepin the Short na sina Charles at Carloman
ang nagmana sa trono. Nang namatay si
Carloman, natira si Charles upang maging
hari noong 771 CE. Tinawag siyang Charles
the Great o Charlemagne, sapagkat isa sa
pinakamahusay na hari sa Medieval Period.
Noong 774 CE ay napasuko niya ang mga
Lombards at di naglaon ang malawak na
lupain sa Europe ay kanyang nasakop. Ang
buong France at ang malaking bahagi ng
Germany at Italy ay napasakamay ni
Charlemagne. Noong 800 CE, kanyang
winakasan ang pag-aalsa laban sa Santo
Papa. Dahil sa suportang ito sa Simbahan,
kinoronahan siyang emperador ng Banal na
Imperyong Roman (Holy Roman Empire) ni
Papa Leo III. Sa panahon ng imperyo, ang mga
iskolar ang naging tagapangalaga ng
kulturang Graeco-Roman. Ang pagsasama-
https://www.theguardian.com/books/2016/apr/01/holy-roman-empire-peter-
wilson-europe-charlemagne sama ng elementong Kristiyano, German, at
Roman ang namayani sa kabihasnang
Medieval. Pumanaw si Charlemagne noong 814 CE at ang humalili sa kanya ay ang
kanyang anak na si Louis the Pious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong
mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang namatay si Louis
the Pious nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga anak dahil sa pag-aagawan ng mga
ito ng kapangyarihan. Hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan
ng Kasunduan ng Verdun noong 841CE. Napunta kay Charles the Bald ang France; kay
Louis the German ang Germany; at ang Italy kay Lothair. Sa pagkakawatak-watak ng
imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at
nagsimula naman ang paglusob ng mga Vikings, Magyar at Muslim. Namayani sa
Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula ang isang
sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at militar- ang piyudalismo.

Pamprosesong Tanong

1. Sa iyong palagay, sinong pinuno ang may pinakamahalagang naiambag sa pagtatag


ng Holy Roman Empire?

2. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni Charlemagne?

3. Ano ang kahalagahan ng Simbahang Katoliko sa “Holy Roman Empire”?

4. Sa kasalukuyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang pamahalaan at


Simbahan? Patunayan

12
Ang Krusada
Ngayong alam mo na ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy
Roman Empire, aalamin naman natin kung paano nabuo ang Krusada.

Ito ay isang ekspedisyon Militar o


serye ng labanang panrelihiyon ng
mga Kristiyano mula sa Kanlurang
Europe noong 1095. Ang krusada ay
unang isinagawa noong 1096 at
nagwakas sa huling bahagi ng ika 13
siglo. Ang salitang krusada ay unang
ginamit upang ilarawan ang
pagsisikap ng mga Europeo na
mabawi mula sa mga Muslim ang
banal na lungsod ng Jerusalem na
siyang lugar kung saan ipinanganak
si Hesukristo. Mula sa Jerusalem,

https://www.slideshare.net/olhen/ang-krusada-54271417
balak salakayin ng mga Turkong
Muslim ang Imperyong Byzantine
kaya humingi ng tulong si Emperador Alexius I kay Papa Urban II upang pigilin ang
pagsalakay at pagpalaganap ng relihiyong Islam.Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok
niya ang mga kabalyero (o knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga
ito na patatawarin sila sa kanilang mga kasalanan at magkaroon ng kalayaan sa mga
pagkautang; at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang nasakop.

13
Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng mga pangyayari sa panahon ng
Krusada. Basahin at unawain mo itong mabuti.

Talahanayan ng mga Pangyayari sa Panahon ng Krusada

Mga
Krusada Petsa Namuno Mga Kaganapan
● Robert, ang duke ng ● Unang krusada na binuo ng mga
Unang 1096 – 1099 Normandy 3000 na kabalyero at 12000 na
Krusada ● Raymond, ang konde mandirigm sa pamumuno ng
ng Toulouse mga nabibilang sa nobility.
● Godfrey, ang duke ng ● Matagumpay na nabawi ang
Lorraine Jerusalem noong 1099
● Nanatili sa kamay ang
Jerusalem hanggang 1187
ngunit muli itong naagaw ng
mga Muslim
● Haring Louis VII ng ● Nasakop ang Damascus sa
Ikalawang 1147 – 1149 France Silangan
Krusada ● Conrad III , hari ng ● Tinungo ng hukbo ang Asia
Germany at Minor subalit hindi pa
emperador ng Holy nararating ang Edessa ay natalo
Roman Empire na ito ng mga Turko at
napagkasunduan na itigil ang
labanan. Sa loob ng tatlong taon
ang mga Kristiyano ay malayang
nakapaglakbay sa Jerusalem.
● Haring Richard I ng ● Nakuha ang lupain ng Cyprus at
Ikatlong 1189 – 1192 Britain lungsod ng Acre.
Krusada ● Haring Philip II ng ● Sa isang kasunduan, pinayagan
France ang mga Kristiyano na dumalaw
● Emperador Frederick sa Jerusalem
Barbarossa ng Holy
Roman Empire
● Konde Boniface I ng ● Nagkaroon ng isang iskandalo
Ikaapat na 1202 – 1204 Montferrat dahil ang mga krusador ay
Krusada ibinuyo ng mga
manganangalakal ng Venetra na
Kristiyanong bayan ng Zara.
● Idineklara silang excommunicado
ng Papa.
● Sinalakay ang Constantinople
noong 1204. Nanatili at nagtatag
ng maliliit na kahariang piyudal
para sa pansariling
pangkabuhayan

14
● Leopold VI ng Austria ● Napunta ang Jersusalem sa
Ikalimang 1217 – 1221 ● Andrew II ng Hungary kamay ng mga krusador sa
Krusada ● pamamagitan ng kasunduan at
diplomasya.
● Haring Frederick II ng ● Napakiusapan ang mga Muslim
Ikaanim na 1228 – 1229 Imperyong Romano na isuko ang Jerusalem sa mga
Krusada Kristiyano.

Sa puntong ito aalamin naman natin ang mga resulta ng mga Krusada at buhay sa
Gitnang Panahong sa Europe.

1. Napalaganap ang komersyo at ito


ay nagsilbing salik sa pag-unlad
ng mga lungsod at malalaking
daungan.

Resulta 2. Ang kulturang Kristiyano ay


ng napayaman din.

Krusada 3. Ang naging layunin para sa ilan ay


hindi pagmamalasakit sa
simbahan ang naging dahilan
kundi ang pagkakataong
makapaglakbay at mangalakal

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?

2. Kailangan bang gawin ang isang banal na digmaan tulad ng krusada? Ipaliwanag

3. Anong aral ang natutuhan mo? Ipaliwanag.

15
Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon

Ang Pagtatag ng Piyudalismo


Sa lipunang piyudal, ang hari ang tanging
nagmamay-ari ng mga lupain. Naging mahina
ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya
ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-
ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng
hari. Naibangon muli ang mga lokal na
pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng
mga maharlikha katulad ng mga konde at
duke. Dahil sa sitwasyong ito sinalakay ng
mga barbarong Vikings, Magyar, at Muslim
ang iba-ibang panig ng Europe lalo na sa
bansang France. Ang mga Vikings na kilala
rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng
lupain sa bandang France kapalit ng
https://esepmeyer.wordpress.com/2013/03/10/aralin-20-paglakas-ng-kalakalan-
at-ang-pag-usbong-ng-mga-bayan-at-lungsod/ pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang
madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro
ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang
pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.

Ang Sistemang Piyudalismo

Ito ay isang sistemang Politikal at Militar sa kanlurang Europe. Sa panahong ito nanaig
ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksiyon ang lipunan. Dahil
sa kawalan ng proteksyon ang mga tao, ang sistemang piyudalismo ang nakitang
solusyon. Ang piyudalismo ay isang ugnayan ng mga aristokrata (aristocrat) o ng
panginoon (lord) at kanyang basalyo (vassal). Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol
ang lahat ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga noble o dugong
bughaw. Pinagkalooban ng mga panginoon ang kanilang basalyo ng lupa kapalit ng
serbisyong militar at iba pang paglilingkod. Ang panginoon at basaylo ay kailangang
maging tapat at makatugon sa kanilang mga obligasyon at tungkulin sa bawat isa. Ang
homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng basaylo ang kaniyang kamay sa
pagitan ng mga kamay ng panginoon at nangangako na magiging tapat na tauhan nito.
Bilang pagtanggap ng panginoon sa basaylo sinasagawa ang investiture o seremonya
kung saan binibigay ng lord ang vassal ng fief o lupang pinagkaloob sa vassal. Isang
tangkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief.
Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty. Magiging opisyal na ang kasunduan kapag
naisagawa na ng panginnon at basaylo ang oath of fealty. Tungkulin ng lord na
suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief.
Tungkulin din niyang ipagtanggol ang basaylo laban sa mga mananalakay o
masasamang loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan.
Bilang kapalit, tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar, magbigay
ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa

16
digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa
dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging
knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang nakasakay sa
kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kahulugan ng Piyudalismo?

2. Ano-ano ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang basalyo sa kanyang


pangginoon?

3. Ano naman ang katumbas na tungkulin ng isang panginoon sa kanyang basalyo?

Ang Lipunan sa Sistemang Panlipunan

Sa sistemang piyudal, ang lipunan ay karaniwang binubuo ng tatlong pangkat. Ito ay


ang mga sumusunod:

1. Kabalyero o Maharlikang sundalo – Mga magigiting na sundalo na naglilingkod sa


hari at sa mga nagmamay-ari ng mga lupain upang ipagtanggol ang mga ito.
Pinagkakalooban sila ng mga lupa kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang kabalyero ang
unang uri ng maharlika, tulad ng panginoon ng lupa, maaari nilang maipamana ang
kanilang lupain.

2. Mga Pari – Natatanging sektor ng lipunan dahil hindi namamana ang kanilang
posisyon. Sila ang mga pangkat na nakapag-aral noon. Ang bawat isa sa kanila ay
nakatira sa isang maliit na dampa malapit sa Simbahan.

3. Mga Serf – Ang serf o aliping trabahador ang siyang bumubuo sa masa ng tao noong
gitnang panahon. Hindi maganda ang buhay ng mga serf. Wala silang karapatang mag
may-ari ng isang sakahan at walang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng
lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.

17
Gawain 2: Punan Mo.
Punan ang tsart ng mga mabuti at di-mabuting dulot ng piyudalimso.

Mabuting Dulot
1._________________________________
2. _________________________________
PIYUDALISMO
3. _________________________________

Di-Mabuting Dulot
1.________________________________
2. ________________________________

3. _________________________________

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng lipunan sa sistemang


piyudalismo?

2. Bakit mahalaga ang lupa sa sistemang piyudalismo? Ipaliwanag.

3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang sistemang piyudalismo? Pangatwiranan.

Ang Manoryalismo

Ang manoryalismo, ay isang


makaprinsipyong organisasyon o
komunidad na sumibol noong unang
panahon lalong lalo na sa gitnang-
kanlurang Europe. Naging pamamaraan ito
ng paghawak ng isang panginoong may
lupa sa mga malalawak na lupain. Ang
sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng
mahabang panahon. Ang manoryalismo ay
isa ding sistemang pang-ekonomiya kung
saan ang mga magsasaka ay nagbibigay ng
serbisyo sa isang piyudal bilang kapalit ng
proteksiyon. https://www.thinglink.com/scene/774055241002778626

18
Sistemang Manoryal

Ang ekonomiya ng kanlurang bahagi ng Europe ay nakasentro sa sistemang manoryal


(manorial). Ito ay sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na
kung tawagin ay manor. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at
serbisyong kailangan ng mga tao Samakatuwid ang manor ay isang malaking lupaing
sinasaka. Ang maharlika ang pinakamataas na uri ng mga tao sa sistemang manoryal
na kinabibilangan ng mga panginoon ng lupa, obispo at abbot. Samantala ang mga
manggagawa ay nahahati sa dalawang uri. Ito ang malalayang tao at mga serf o
magsasaka.

Pagsasaka:Batayan ng Sistemang Manor

Sa ilalim ng manoryalismo, tungkulin ng isang panginoong maylupa na bigyan ng


pabahay, lupang sakahan, at proteksiyon ang mga naninirahan sa manor. Kapalit nito
ang paglilingkod ng mga tao sa pangangailangan ng kanilang panginoong may lupa.
Ang manor ay lupaing sakop ng isang panginoong maylupa na binunuo ng kanyang
kastilyo, simbahan, at pamayanan na may 15 hanggang 30 pamilya. Kabilang sa
nasasakupan ng panginoong may lupa ang mga bukirin, pastulan, at gubat na
nakapaligid sa manor. Samakatuwid ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at
ekonomiya ng mga naninirahan dito. Ang isang fief ay binunuo ng maraming manor na
nakahiwalay sa isa’t isa. Ang sistema ng pagtatanim na sinusunod ng mga manor ay
ang tinatawag na three-field system. Sa ilalim ng sistemang ito, ang bukirin ay hinahati
sa tatlong bahagdan. Ang isang bahagdan ay maaaring tamnan. Ang ikalawa ay gulay
at ikatlo ay hindi tatamnan. Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang mapanatili
ang fertility ng lupa. Hindi madali ang buhay ng mga taong naninirahan sa manor, dahil
limitado lamang ang nagaganap na kalakalan sapagkat wala silang ugnayan sa
pamayanan. Asin, bakal, gilingang bato, at ilang produkto ang binibili sa bayan ng
manor. Ang karamihan sa mga produkto ay ginagawa ng mga nakatira sa manor tulad
ng mga panday, mga manghahabi at mga karpintero.

Katayuan ng mga Babae sa Manor

Malaki ang tungkulin ng mga asawa ng panginoong may lupa. Tinatawag na “ladies”
ang mga babaing nabibilang sa maharlikang angkan. Sila ay nagmamana ng lupain at
maaaring humawak ng mahalagang posisyon. Ang mga babaeng magsasaka naman ay
gumagawa ng lahat ng trabaho sa sakahan. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga
butil. Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na labing-apat, siya ay maaari
nang ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae ay maari na
siyang ipagkasundo. Maari lamang ikasal ang babae kung mayroon siyang dote na
salapi, lupa o produkto na kanyang dadalhin sa pagpapakasal.

Ngayong alam mo na ang tungkol sa monoryalismo, maaari mo nang sagutin ang


sumusunod na gawain.

19
Gawain 3: Larawan – suri

Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

https://www.thinglink.com/scene/774055241002778626

Ano ang ipinahihiwating ng nasa larawan?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Batay sa larawan, ano ng pangunahing hanapbuhay sa isang manor?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Ano ang kahalagahan ng magsasaka sa manor?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong

1. Batay sa teksto, anong uri ng relasyon ng Pangginoon at mga magsasaka?

2. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ng sistemang manor ang mga pangangailangan ng


mga mamamayan nito? Patunayan.

3. Ano ang ginagampanan ng mga kababaihan sa sistemang manoryalismo? Ipaliwanag.

20
Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod

Noong ika 10 hanggang ika 11 dantaon nang lumitaw ang mga bagong bayan at lungsod
sa Europe. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap noong ikalabindalawang
dantaon. Ang krusada ay may malaking naidulot sa malaking pag-unlad ng kalakalan
sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. kung kaya nagkaroon ng
palitan ng mga produkto. Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa
paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas
ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito,
tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao.

Paggamit ng Salapi

Sa panunumbalik ng sigla ng industriya at komersiyo, natuklasan ang paggamit ng


salapi bilang daluyan ng pakikipagkalakalan. Sa mga unang taon ng Gitnang Panahon,
ang sistema ng kalakalan ay sa pamamagitan ng pagpapalitan ng produkto o "barter
system". Bunga ng paglawak ng pakikipagkalakalan sa iba’t ibang bayan, naisip ng
panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya o fair. Ang perya ay nagsilbing
tagpuan ng mga mangagalakal sa iba’t ibang lugar ng Europe at naging kapaki-
pakinabang sa panig ng mga panginoong piyudal. Kumikita ang panginoong piyudal
dahil siya ay naniningil ng buwis at multa rito. Dito nagsimula ang paggamit ng salapi
ngunit iba’t iba ang kanilang salaping barya. Ito ay maaaring nakabatay sa ginto at
pilak. Hanggang sa nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer.)
Sinasabing ang pagpapalit ng salapi ang naging simula ng payak na pamamaraan ng
pagbabangko at pagpapautang.. Ito ay nalinang sa hilagang Italya. Ang ipinapautang
na salapi ay mayroong tubo. Ang paggamit ng salapi ay nakatulong sa paglalapit ng
mga tao buhat sa iba't-ibang lugar.

Ang Paglitaw ng Burgis o Bourgeoisie

Nang umunlad ang mga bayan, kalakalan, at industriya, isang makapangyarihang uri
ng tao ang lumitaw. Ang kanilang interes ay magnegosyo kaysa makidigma. Sila ay
tinatawag na mga "burgis". Ang mataas na uri ng burgis ay ang mauunlad na
negosyante at mga bangkero. Sila din ang nagtaguyod ng sining at nakalinang ng
sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mga dalubhasang
manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa yaman at hindi
na sa angkan.

21
Ang Sistemang Guild

Dalawang uri ng Guild

Ang Guid ay samahan din ng mga taong nagtatrabaho sa magkakatulad na


hanapbuhay. Ito ay nahahati sa dalawang uri, ang merchant guild at ang craft guild.

Ang Merchant Guild

Dahil sa kayamanan ng mga guild, naging lubhang mahalaga ang mga merchant guild
sa pamahalaang bayan. Ang merchant guild ay mga grupo ng mga mangangalakal na
protektado ng pamahalaan o ng hari. Maraming nagawa ang mga mercaht guild tulad
na lamang ng pagpapabuti ng pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at pagpapagawa ng
mga kanal para sa dumi. Sinikap din nila na magkaroon ng iisang batayan ng timbang
at panukat na maaaring gamitin ng lahat. Ginampanan din nila ang pagiging pulis na
naglalaan ng proteksyon.

Ang Craft Guild.

Bunga ng paglago ng mga bayan, ang mga atisano ay gumawa at nagtatag ng sariling
guild at ito ay tinawag bilang craft guild grupo ng mga gumagawa ng sandata ng mga
knights na binabayaran ng hari o emperador. Ang bawat craft o kasanayan ay may
sariling guild. Ito ay maaring guild ng mga kapintero o di kaya ng mga manghahabi at
iba pang mga hanapbuhay. Ang sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring
gumawa ng ibang produkto.

Pamprosesong Tanong

1. Batay sa teksto, Ano-ano ang mga pangyayari ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng


mga bayan at lungsod?

2. Sa iyong palagay, ano ang naging epekto ng paglakas ng mga Burgis sa lipunan?

3. Paano mo maiuugnay sa kasalukuyang panahon ang mga pangyayaring naganap sa


bayan at lungsod ng Europe?

22
Pagyamanin

Ngayong natapos mo nang matutunan ang paksang tinakalay ay susukatin natin ang
iyong natutunan sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.

Gawain 4: Diyagram ng Aking Natutuhan

Sa bahaging ito ay iyong ilalagay sa loob ng kahon ang mga salik ng paglakas ng
kapangyarihan ng Papa. Matapos mong mailagay, dagdagan ng dalawa o tatlong
pangungusap na nagpapaliwanag dito.

Pamprosesong Tanong

1. Paano nagkatulad ang papel na ginagampanan ng Simbahan sa panahon ng Medieval


at sa kasalukuyan?

2. Sa iyong palagay, mas mapapalaganap kaya ang Katolisismo kung sa iba’t ibang
panig ng mundo kung hindi naganap ang pagbagsak ng Imperyong Romano?

23
Isaisip

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pagtatag ng isang


organisasyon? Ipaliwanag

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Para sa iyo, ano ang pinakamalaking tungkulin ng simbahan sa lipunan?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Isagawa

Sa iyong pagtunghay sa kabihasnang Rome iyong nakita ang ginagampanan ng mga


pinuno sa pagpapaunlad at pagpapahina ng isang bansa. Sa kasalukuyan, makikita rin
natin sa ating bansa ang mga nagaganap sa ating lipunan at ekonomiya lalo na sa
politika. Gumawa ka ng isang slogan na nag- papakita ng isang panawagan sa mga
tiwaling pinunuo ng bayan.

Gawain 5 : Reflective Journal


Pagnilayan ang niyakap na relihiyon ng inyong pamilya. Alin sa mga turo nito ang labis
na nakaapekto sa iyong buhay?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Napakahusay! Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga gawain. Binabati


kita sa iyong galing at husay sa pagsagot ng modyul. Taglay mo na ngayon ang
mga kaalaman na magagamit mo sa susunod na modyul na iyong sasagutan.

24
Tayahin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng iyong
sagot.

1. Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,


kabalyero, at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.
B. Malaya nilang napauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
D. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.

2. Ang manor ay pag-aari ng ________________.


A. magsasaka C. panginoon
B. mangangalakal D. simbahan

3. Ang basaylo ay kinabibilangan ng mga_____________.


A. nabigyan ng lupa C. nagongolekta ng buwis
B. nagbibigay ng lupa D. naninilbihan sa taong may lupa

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik ng pag-unlad ng mga bayan?


A. Bagong pamamaraan sa pagtatanim C. Paglakas ng kalakalan
B. Bagong teknolohiya sa pagtatanim D. Pagtatayo ng “guild”

5. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang Asya ay


nagsimula sa__________.
A. Guild C. Krusada
B. Kristiyano D. Piyudalismo

6. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sila ang
gumaganap ng gawaing_____________.
A. pang ekonomiya panlipunan C. pang ekonomiya
B. pangmilitar D. panrelihiyon

7. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap sa_________.


A. bangko C. perya
B. manor D. pistahan

8. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ay ang ___________.


A. kastila C. palasyo
B. manor D. simbahan

25
9. Sa unang bahagi ng Panahong Medieval, bihira lang ang magsasakang
nagmamay-ari ng lupa. Ang dahilan nito ay_______________.
A. nagbibigay sila ng lupain kapalit ng proteksyon.
B. nabili ng mga panginoon ang lupain ng mga magsasaka.
C. maganda ang pamumuno ng panginoon.
D. marami ang nagbibigay ng lupain kapalit ng proteksyon sa ginagawang
katiwala.

10. Ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang manor?


A. Pakikipagkalakalan C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
B. Pagsasaka D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan

11. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang
naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A. Charlemagne C. Clovis
B. Charles Martel D. Pepin the Short

12. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Papa Urban II Noong 1095. Ano ang
pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim.
B. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.
C. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.
D. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe.

13. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “Ang krusada ay bigong tagumpay”?
A. Ang landas ng buhay ay mayroong katapusan.
B. Ang layunin ay dakila ngunit hindi nagtagumpay.
C. Anumang pagsisikap ay mayroong kabiguan.
D. Maraming buhay ang nasawi.

14. Alin sa mga sumusunod ang unang naganap sa panahong medieval.


A. Bumagsak ang Rome.
B. Naitatag ang piyudalimo.
C. Nakoronahan bilang Emperador si Charlemagne.
D. Pinamahalaan ni Clovis ang mga Franks.

15. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbibigay ligalig sa mga


mamamayan ng Europe. Dahil dito hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya
naitatag ang sistemang Piyudalismo”. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
A. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.
B. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro.
C. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.
D. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteskyon.

26
Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa iba’t ibang kontribusyon ng kababaihan sa


aspetong pulitikal, panlipunan at kultural.

Rubric sa Pagmamarka ng Sanaysay


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Mahusay at malinaw naipakikita ang mensahe ng 12
mga naging kontribusyon ng kababaihan sa
aspetong pulitikal, panlipunan at kultural.
Pagkamalikhain Napakaganda at malikhain ang pagkakasulat ng 8
mga titik sa sanysay tungkol sa kontribusyon ng
mga kababaihan sa apetong pulitikal, panlipunan at
kultural.
Anyo at Disenyo Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay ng 5
malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang kulay ng
disenyo.
Kabuuan 25

27
28
Subukin Tuklasin
1. A 1. B
2. A 2. F
3. A 3. E
4. A 4. A
5. C 5. G
6. B 6. J
7. C 7. H
8. A 8. C
9. D 9. I
10. C 10. D
11. A
12. B
13. C
14. B
15. B
Pagyamanin at Isagaw Tayahin
Ipatsek sa gurong 1. D
tagapamahala ang iyong 2. A
paliwanag sa diyagram at 3. A
reflective journal. 4. B
5. A
6. B
7. C
8. B
9. D
10.B
11. A
12. A
13. C
14. A
15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat
Soriano,et al..., (2017). Kayamanan (Kasaysayan Ng Daigdig). Sampaloc, Manila: Rex Book
Store, p.Various Pages.
Blando, et.al..., (2014). Kasaysayan Ng Daigdig: Araling Panlipunan - Modyul Ng Mag-Aaral. 1st
ed. Pasig City: Vibal Group, Inc., p.Various pages.
Soriano,et.al..., (1999). Pana-Panahon III (Kasaysayan Ng Mundo). 1st ed. Sampaloc, Manila:
Rex Book Store, p.Various pages.
Cruz, M., Fietas, M. and Mercado, M., (2015). Kasaysayan Ng Daigdig. 1st ed. Quezon City:
Vibal Group, Inc., p.Various pages.

Larawan
www.theguardian.com. 2020. The Holy Roman Empire By Peter H Wilson Review – Europe From
Charlemagne To Ukip. [online] Available at:
<https://www.theguardian.com/books/2016/apr/01/holy-roman-empire-peter-wilson-
europe-charlemagne> [Accessed 5 September 2020].
esepmeyer.wordpress.com. 2020. Aralin-20: Paglakas Ng Kalakalan At Ang Pag-Usbong Ng Mga
Bayan At Lungsod. [online] Available at:
https://esepmeyer.wordpress.com/2013/03/10/aralin-20-paglakas-ng-kalakalan-at-ang-pag-
usbong-ng-mga-bayan-at-lungsod/> [Accessed 20 September 2020].
www.thinglink.com. 2016. Life In Medieval Europe. [online] Available at:
<https://www.thinglink.com/scene/774055241002778626> [Accessed 20 September 2020].

Website
“LR Portal”. (2014). DepEd LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6053

29
EDITOR’S NOTE
This Self-Learning Module (SLM) was developed by DepEd
SOCCSKSARGEN with the primary objective of preparing for and
addressing the new normal. Contents of this module were based on
DepEd’s Most Essential Competencies (MELC). This is a
supplementary material to be used by all learners of
SOCCSKSARGEN Region in all public schools beginning SY 2020-
2021. The process of LR development was observed in the
production of this module. This is Version 1.0. We highly encourage
feedback, comments, and recommendations.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


For inquiries or feedback, please write or call:
Department
Department of Education ––SOCCSKSARGEN
of Education SOCCSKSARGEN
Learning Resource ManagementSystem
Learning Resource Management System(LRMS)
(LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax
TelefaxNo.:
No.:(083)
(083)228 8825 (083)
2288825/ / (083) 228 1893
2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph
Email Address: region12@deped
.gov.ph

You might also like