Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

 

3
 

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan Modyul 3:
 

Nakikilala Kami sa Aming Kultura 


 

Araling Panlipunan  – Ikatlong Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan  – Modyul 3: Nakikilala Kami sa Aming Kultura  
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito

ay
angpagkakakitaan. Kabilang bayad.
pagtakda ng kaukulang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay

 Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari
karapatang -ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat:  
Manunulat: Ime Joy O. Tabay

Editor:  Pamela L. Edisane, Riva P. Palma, Grace C. Sapini

Tagasuri: :  Archie E. Año,


Año, Maricel M. Jamero,
Jamero, Edgaro D. Pamugas
Pamugas III 
III 

Tagaguhit: Cris A. Aquino, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac,


Eduardo Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P. Linogao,
Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle
Ernand D. Silayan 
Silayan 

Tagalapat:  
Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot,
Manglicmot, Patrick John P. Presores

Tagapamahala:  Evelyn R. Fetalvero Neloson C. Lopez


Janette G. Veloso Cheerylyn A. Cometa
 Analiza C. Almazan
Almazan Christopher P. Felipe
Danilo R. Dohinog Liza Leonora D. Dacillo
Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________


________________________
_______
Department of Education  – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph
region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.g
lrms.regionxi@deped.gov.ph
ov.ph
 

Araling Panlipunan 
Ikatlong Markahan Modyul 3:
 
Nakikilala Kami sa Aming Kultura
 

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling


Panlipunan – 
Panlipunan  –  Ikatlong
 Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul para sa araling Nakikilala Kami sa Aming Kultura


Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-


aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,


makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang


mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
 

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – 


Panlipunan  –  Ikatlong
 Ikatlong
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Nakikilala Kami sa Aming Kultura

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat


mong maunawaan.

lamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
 

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
 

Karagdagang
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa
sa Pagwa wasto Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1.  Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2.  Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3.  Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4.  Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5.  Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6.  Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
 

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain


sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa

iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.


Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
 

lamin

Ang ating rehiyon ay kilala sa iba’t ibang kultura. Sa araling


ito ay pag-aaralan
pag-aaralan natin ang iba’t ibang kultura ng ating rehiyon
na kung saan dito tayo kilala.

Sa araling ito, inaasahang:

1.  nailalarawan ang sariling lalawigan sa iba’t ibang aspekto


ng kultura kagaya ng mga pagdiriwang, paniniwala,
wika, tradisyon, at iba pang kaugalian;
2.  naitatala ang kilalang kultura sa ating sariling lalawigan at
rehiyon; at

3.  napahahalagahan ang bawat kultura ng ating lalawigan


at rehiyon.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang


papel.

1.  Sino ang tanyag na eskultor na gumawa sa mga naglalakihang


eskultora sa People’s Park ? 
A.  Alexander Calder
B.  Constantin Brancusi
C.  Fernando Botero
D.  Kublai Millan

1
 

2.  Kilala ang Mandaya sa paghahabi, ano ang tawag sa telang


kanilang ginagamit?
ginagamit? 
A.  Dagmay
B.  Koton
C.  Naylon

D.  Seda

3.  Ang Davao ay nagdiriwang taon-taon ng ________________.


A.  Bulawan Festival
B.  Gaginaway Festival
C.  Kadayawan Festival
D.  Kadig’aran Festival 
Festival  

4.  Ano ang kilalang pagkaing prutas sa Davao City?


City ? 
A.  Durian
B.  Lansones
C.  Rambotan
D.  Saging

5.  Ano ang kilalang produkto ng rehiyon?


A.  Isda
B.  Marang
C.  Niyog
D.  Saging

2
 

Aralin
Nakikilala Kami Sa Aming
1  Kultura 
Ang Davao Region ay may iba’t ibang kaugalian, tradisyon,
at pagkain. Maliban pa riyan, maipagmamalaki rin natin ang
ating sining, produkto, katangian, at mga pagdiriwang. Maraming
turista ang dumadagsa sa rehiyon makita lamang ang ating
pagdiriwang, matikman ang mga pagkain, at makisalamuha sa
mga tao.

Balikan

Sa nakaraang aralin, marami ka nang natutuhan tungkol sa


kultura ng iyong lalawigan at rehiyon. Nagkaroon ka na rin ng
dagdag na mga impormasyon tungkol sa mga sining, wika,
pagdiriwang, makasaysayang lugar, at iba pang kultura na
nagpakikilala sa iyong lalawigan at rehiyon.

Mga Tala para sa Guro


Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga
panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa
mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain.

Lahat ng sagutang papel at mga proyektong


nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng
nar
arar
ara
a at na m
mar
arka
ka..
3
 

Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga nakasulat sa ibaba.

Ang Ating Kultura


pangkat -etniko na
Kilala ang ating rehiyon sa iba’t ibang pangkat-etniko
kung saan ibinibida tuwing buwan ng Agosto ng taon sa
pagdiriwang ng mga Dabawenyo ng Kadayawan Festival. At
may mga kultura pa na kung saan higit tayong kilala.

Pam ama nhikan o Panunuyo sa Kasal at Kaugalian ng mga


Mansaka

Maraming mga paniniwala at kaugalian ang ating rehiyon


isa narito ang Pamamanhikan o panunuyo sa kasal.

May apat na bahagi ang kasal o panunuyo para sa kanila:

1. PAKASAYOD- sa bahaging ito ay binibisita ng mga magulang


ng lalaki ang babaeng mapapangasawa ng
kanilang anak upang makilala.

2. PAMUKU- muling magkikita ang pamilya ng magkabilang panig

upang pag-usapan ang halaga ng dore.

3. PAGTAWAN- ang lalaki ay maninilbihan na sa mga magulang

ng babae.

4. KASAMONGAN- magpapasya na ang mga magulang tungkol

4
 

sa kasal. Kung payag na ang magkabilang


panig, itatakda na ang araw ng kasal at
paghahandaan ito.

Tayo ay maraming mga kaugalian tulad nalang ng


kaugalian ng mga Mansaka sa pagbubuklod ng kanilang pamilya
ng:  
ay gumagamit ng iba’t ibang katawagan tulad ng: 
Ama - father
father  
Ina - mother
mother  
Anakun - niece o nephewnephew  
Arrayon – 
Arrayon  –  parents
parents o o relatives
relatives  
 –  aunt
Babo – 
Babo aunt  
Igagaw – 
Igagaw  –  cousin
cousin  
 –  husband
Bana – 
Bana husband  
Asawa – 
Asawa  –  wife 
 wife 
Kimod – 
Kimod  –  bunsong
 bunsong anak
Hipag –  sister in law 
Bayaw at Hipag –  law 
Ilan lamang ito sa mga paniniwala at kaugalian ng ating
rehiyon.

Wikang Cebuano

Maraming salita ang ginagamit ng mga Dabawenyo tulad


na lamang ng Cebuano, Tagalog, Ilokano, at Ilonggo na kilala sa
ating rehiyon. Ang wikang Cebuano ang mas higit na kilala
sapagkat karamihan sa ating rehiyon ay ito ang ginagamit sa
pagsasalita.

5
 

Paghahabi ng Mandaya

Photo Credits: Davao Tribal Culture

Ang mandaya ay nangangahulugang “the first people in


upstream” . Sila ay nakikita sa Probinsya ng Davao Oriental.
Pinaniniwalaan na ang paghahabi ng dagmay ay banal at
kailangan nila na magdasal bago maghabi.

Ang tawag sa tela na hinahabi ng mga Mandaya ay


dagmay . Ang tanging makakapaghabi lamang sa kanila ay ang

mga babaeng taga-tribu batay sa kanilang panaginip.

6
 

Kublai M ilillan
lan  

Si Kublai Milan ay isang


tanyag na eskultor. Siya ang
gumawa ng mga naglalakihang
mga eskultura ng mga katutubo,
durian, at agila sa “ eople’s
ark”  na matatagpuan sa
Davao City na tanging sa ating
rehiyon lamang makikita.

Nakilala siya sa kanyang


naglalakihang obra na may
tema ukol sa pagkakaisa at
pagkakaiba iba sa buhay ng
mga katutubo.
Photo Credits: poncesuitsgalleryhotel

Kadayaw an Festival
Festival ng Dav ao City  

Ang Kadayawan Festival sa


Davao City ay ang pagtitipon ng
mga kinatawan ng iba’t ibang
pangkat-etnikong
pangkat-etnikong katutubo katulad
ng Ata, Matigsa
Matigsalog,
log, Uvu-Manuvo,

Tagabawa, at Klata-Guiangan.
Gayundin ng mga pangkat-
etnikong Moro katulad ng Kagan,
Iranun, Maguindanao, Maranao,
Sama, at Tausug. Maraming
mamamayan ng lungsod at turista
ang dumarayo upang
masaksihan ang mayaman at makahulugang
kultura ng mga katutubo ng Davao.

7
 

Niyog at D urian
urian

Isa sa mga pangunahing produkto at prutas ng rehiyon ay


ang niyog at durian.

Ang durian ay isang uri ng prutas na kilala


sa Davao City. Ito ay kilala rin sa pagiging
malaki, matinding
matinding amoy at may matinik na
balat ngunit masarap ang laman nito.

Ang niyog ay isa ring


uri ng tanim na kilalang
Photo Credits: Rechel Sosas produkto ng Davao del
Sur. Kilala ang niyog sa
pandaigdigang
pandaigd igang produkto nito, ang kopra. Ito
ang pinatuyong bunga ng niyog. Sumunod
dito ang langis o coco nut oil oil  na nakukuha rito
matapos gilingin ang kopra.
Photo Credits: Ime Joy Tabay

Hospitable

Ang pagiging
hospitable  o pagiging
hospitable
magiliw sa mga bisita ang isa
sa mga katangian ng mga
Pilipino. Kilala ang mga
Pilipino sa mabuti at magiliw
na pagtanggap. Ibig ng
mga Pilipino na maging
maginhawa ang kanilang
mga panauhin, nagsisilbi sila Photo Credits: Greg Mitchell
ng pinakamasarap na pagkaing kanilang
makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga
bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag
paalis na ang kanilang mga panauhin.

8
 

Kaya naman ito rin ay mas nakilalang katangian ng ating


rehiyon. Dito higit tayong nakikilala dahil tinatrato nating espesyal
ang ating mga bisita.

Suriin

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa


kuwaderno.

1.  Paano mapepreserba ang ating kultura?


kultura ?

2.  Bakit kailangang bigyang pansin ang ating mga kultura?


kultura ? 

3.  Ano ang ipinagdiriwang ng Davao City taon-taon? 

4.  Ano-ano ang mga kilalang kultura ng bawat lalawigan ng


ating rehiyon? 

kultura ? 
5.  Paano mo maipagmamalaki ang ating kultura?

9
 

Pagyamanin

Gawain
Panuto: Isulat sa loob ng tsart ang mga kilalang kultura ng
ating rehiyon.

Mga Kilalang Kultura ng Davao Region

1.WIKA

2. SINING

3.TAO

4.PRUTAS

5.PRODUKTO

6.KATANGIAN

7.PAGDIRIWANG

8.KAUGALIAN

9 PANINIWALA

10
 

Gaw ain
ain 2
Panuto: Gumawa ng isang simpleng pananaliksik sa sarili
mismong bahay. Magtanong kung anong mga
pagdiriwang, paniniwala, tradisyon, at mga kaugalian
ang makikita pa sa lalawigan o buong rehiyon. Isulat

sa patlang ang mga sagot.  

Aspekto ng Kultura

1. Wika

2.Pagdiriwang

3.Paniniwala

11
 

4. Tradisyon

 ________________________________________________________________ 
 ________________________________________________________________

5. Kaugalian
 ________________________________________________________________ 
 ________________________________________________________________ 
 ________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na may 3 hanggang 5  5 
pangungusap kung paano pahahalagahan ang
patlang.  
sariling kultura. Isulat ito sa patlang. 
 ___________________________________________________________ 
 ___________________________________________________________.____ 
 ________________________________________________________________ 
 ______________._________________________________________________ 
 _______________________________________.________________________ 
 __________________________________________________._____________ 
 ________________________________________________________________ 
 __________________.

12
 

Isaisip

Mahalaga ang bawat kultura ng ating rehiyon sapagkat ito


ay ang ating kasaysayan o ang nagpasalin-salin na kaugalian,
tradisyon, paniniwala, selebrasyon, kasabihan, awit, sining, at
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na kung saan tayo ay
nakilala. Ito ay binubuo at tumutukoy sa ating uri, gawi, at
pagkakakilanlan ng bawat tao sa ating rehiyon.

13
 

Isagawa

Panuto: Tingnan ang mga salita sa kahon. Kilalanin at suriin.


Isulat ang sagot sa bawat kulom kung saan siya
nabibilang.

pamuku pakasayod madamot 


madamot 
niyog Kadayawan Festival Kublai Millan
Millan  
mais pagtawan matulungin
cebuano bana Cebuan
Cebuano
o babo
igagaw durian hospitable  
hospitable

Ati-atihan Festival bayaw at hipag arrayon


asawa paghahabi ng Mandaya anakun

Pagdiriwang Paniniwala Wika Tradisyon Kaugalian

14
 

Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang wastong sagot.

1. 

2.
Ibigay ang apat na bahagi ng panunuyo sa kasal.
3.

4.

5. Magbigay ng dalawang katawagan sa pagbubklod ng pamilya


6. ng mga Mansaka.  

7. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng Davao City?


City ? 

8. Ano ang mas kilalang wika na ating ginagamit sa pagsasalita?


pagsasalita ? 

9. Ano ang katangian ng mga dabawenyo?


dabawenyo? 

10.Saan kilala ang mga Mandaya?


Mandaya?

15
 

Karagdagang Gawain

Panuto: Magtanong sa mga magulang at kapatid kung


anong mga sining, katangian at pagdiriwang ang
nakikita pa sa lalawigan. Isulat ang mga sagot sa
Data Retrieval Chart. Batay sa kanilang sagot,
gumawa ng isang sanaysay kung bakit pa ito
pinahahalagahan ng mga tao o hindi na gamit.
Isulat sa loob ng chart.

Kultura Mga Kasagutan

1.Sining

2. Katangian

3.Pagdiriwang

16
 

Susi sa
sa Pag wawa sto
sto
 
 l   a   s    a
   K
   a
  s   o   y  u   n   u   n   a   P   o
  n
   a  k
 i  h  n
   a     m    a     m    a   P  .  9
   a  k
   a  s  n    a    M    a    g    m
 
   g  n  n    a  i l   a    g   u    a
   K  .  8
 i   b
   a   h   a   h
   g    a
   p .  0   1  l   a   v  i  t   s
   e  F
   e l   b
   a   t i   p  s
   o  h .  9   n
   a   w    a   y   a    d    a
   K  .  7
   o   n
   a   u    b   e   C  .  8
 
   e l   b   a   t i   p   s    o
   H .  6
 l   a
  v i  t
  s
   e  F  n    a   w    a   y
   a    d   a
   K .  7    g    o   y
 i   N .  5
 )
   g
   a   p
 i  h   n    a  i  r  u
   D .  4
  t
   a   w    a  y   a    b ,   d    o    m
 i  k   n   a l l i   M  i   a  l   b   u
   K  .  3
 ,   w   a
   g    a
   g
 i  ,   o
   b   a    b ,  n    o  y
   a
  r
  r   a    a   y
   a    d   n    a   M    C .  5
 ,  n  u  k    a  n
   a ,   a   n i  ,   a    m    a
  (  6  -  5    g  n i   b
   a   h
   a   h    g    a   P  .  2    A .  4
 )  n
   a    g   n
   o     m   a
  s
   a  k    o   n
   a   u    b    e   C .  1    C .  3
 ,   n    a   w
   a
  t   g   a   p ,  u   k  u
    m   a
   p    A .  2
 ,   d
   o   y
   a   k
   a   s   a    p
  (  4  -  1    1
   n
 i  a
    w
  a
   G    D .  1

n T n n S

17
 

Sanggunian

Greg Mitchell, Rechel Sosas, Ime Joy Tabay, GD Pontillas, poncesuitsgalleryhotel,


Davao Tribal Culture

https://www.slideshare.net ,, 
https://www.slideshare.net 

https://poncesuitesgallery.wordpress.com/2015/02/27/kublai-millan-davaos-best- 
kept-secret-no-more/  

https://dabawenyonglumad.files.wordpress.com/2012/08/expert-weaving1.jpg 
https://dabawenyonglumad.files.wordpress.com/2012/08/expert-weaving1.jpg   
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/region-11-davao-region

https://www.pinoyweekly.org/2012/08/paghahabi-mula-sa-panaginip/   
https://www.pinoyweekly.org/2012/08/paghahabi-mula-sa-panaginip/ 

https://translate.google.com/translate?hl=fil&sl=en&u=https://en.wikipedia.org/wiki/ 
kublai_millan&prev=search  

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_tagalog/mga_katangian_ng_pilipin 
o.htm  

18
 

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag


t umawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped


blr.lrqad@deped.gov.ph
.gov.ph * bl
blr.lrpd@deped.gov
r.lrpd@deped.gov.ph
.ph

You might also like