Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KABANATA 10

PANAHON NG REBOLUSYON EDSA


HANGGANG KASALUKUYAN: Kaligirang
Kasaysayan, Mga Manunulat at Akda
Sabi ni Rizal “ Makapangyarihan ang panulat, ang pluma at papel kaysa sa mga
armas. Mas matalas at mas matalim ang pluma kaysa sa itak, espada at tabak. Di hamak
na mas mapanganib ang pluma kaysa sa granada, baril o kanyon”. Sa simpleng
sandata na ito nahulma ang pagbabago. Nagbago ang takbo ng pamumuhay ng mga
Pilipino pagkatapos ng Batas-Militar. Nagbunga ang matotohanan at mapanuligsang
panulat ng ating mga dating manunulat.
TARA SILIPIN NATIN ANG KABANATANG ITO.

PANIMULANG HIMPILAN:
Inaasahan sa kabanatang ito ang sumusunod:
 Nakalilikha ng makabagong akdang pampanitikan.
 Naisasabuhay ang mga diwa at kaisipang ikinikintal ng mga dula/pelikula sa
panahon ng rebolusyon at kasalukuyan
 Nabibigyang halaga ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng rebolusyon
sa Edsa hanggang sa kasalukuyan.

ARALIN 1:KALIGIRANG KASAYSAYAN


Sa kabila ng mga panganib, patuloy na ipinaglaban ng mga Pilipino ang
kanilang mga karapatan bilang isang demokratikong bansa. Ang mga karanasan ng mga
Pilipino mula sa panahon ng Batas Militar ay nagbigay daan sa isang mahalagang kaganapan
sa kasaysayan ng demokrasya ng Pilipinas. Ang mga sumunod na pangyayari ay nagpakita ng
katatagan at katapangan ng bawat mamamayan. Sa araling ito tatalakayin natin ang mga
pagbabago sa katangian ng Panitikang Pilipino kasabay ng mga hamong hinarap ng mga
mamamayang Pilipino.
TALAKAYIN NATIN
Paano nga ba nagsimula ang sinasabi nilang Rebolusyon sa EDSA o People
Power? Sa aklat nina Marquez at Garcia (2008), nabanggit na isa sa mga naging
hudyat sa makasaysayang 1986 EDSA People Power Revolution ay ang pagbibitiw
sa puwesto ng mga opisyal ng pamahalaan tulad ni Juan Ponce Enrile, ang noo’y
Ministro ng Tanggulang Bansa, at ni Heneral Fidel V. Ramos. Dagdag dito, ang mga
balitang naririnig sa radyo at telebisyon, ang mga akda at balitang nababasa sa mga
pahayagan at magasin, ay siyang umantig sa kamalayan at damdamin ng bayan upang
maglakas-loob na magtipon-tipon sa EDSA upang tutulan at pababain ang kapangyarihang
higit dalawampung taong namayani. Ang Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang
mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22
hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Ito ang itinuturing ng mga Pilipino na hudyat sa
pagkakasilang ng tunay na Bagong Demokrasya.
Bagama’t ilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Bagong
Demokrasya ay mababakas na ang pagbabago sa ating panitikan. Ang mga pagbabagong
ito ay nadarama na sa ilang mga tula, awiting Pilipino, mga pahayagan, mga sanaysay,
talumpati, at maging sa mga programa sa radyo at telebisyon.
Ang tema ay naglalahad ng mabubuti at masasamang pangyayari sa lipunan,
kahirapan ng buhay, edukasyon, kultura, ekonomiya, pulitika at iba pa. Hindi
nawawala ang kwento ng pag-ibig subalit kwento man ng pag-ibig ay mababakas pa
rin ang kamalayang panlipunan ng may-akda. Ang mga lenggwaheng ginagamit sa
mga akda ay hindi na kinikitaan ng katimpian sa paggamit ng wika. Nagmumura at
gumagamit ng malalaswang salita ang mga tauhan upang maging higit na
makatotohanan.
Nagpatuloy pa rin ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng ating
manunulat. Maging ang mga komiks at magasin ay nagkaroon ng mga pagbabago sa
kanilang porma at nilalaman at umaayon sa hinihingi ng mga simulain ng bagong
republika. Gayundin, ang mga dulang Pilipino ay nagkaroon nang higit na ningning
sapagkat tuluyang nag-ibayo ang pagtatanghal ng mga ito sa iba’t ibang pook-tanghalan
mula sa paaralan hanggang sa Cultural Center of the Philippines, Metropolitan Theater,
Dulaang Raha Sulayman, San Miguel Auditorium, Insular Life, Philamlife at sa
pagtataguyod ng Bulwagang Gantimpala, Teatro Pilipino, Repertory Philippines at ng
mga iba pang tagatangkilik ng mga akdang Pilipino.
Sa ilalim ng panunungkulan nina Aquino, Ramos, Estrada at Arroyo, natamo ng
mga manunulat ang lakas at kalayaang matagal na nilang inaasam na makamit. Ang
tunay na diwa ng demokrasya ay nadama ng mga Pilipinong may puso para dito.
Sa panahon ding ito, nagpatuloy ang pagpapayaman sa paggamit ng Wikang
Filipino. Samantala, ang Carlos Palanca Memorial Awards ay nagpatuloy sa pagkilala sa
mga manunulat ng ating bayan s apamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng mga
gawad taon-taon. Gayundin, ang ginagawa ng Cultural Center of the Philippines at ng
iba pang nananatiling patron ng panitikang Pilipino. Maging sa mga paaralan, mula sa
Elementarya hanggang sa kolehiyo ay nagkaroon ng sigla ang larangan ng panitikan sa
pamamagitan ng pagdaos ng mg aliterary contest. Sa ganitong paraan, maraming mga
kabataang may potensyal ang natutuklasan na susunod sa mga yapak ng ating mga
magigiting at matitinik na alagad ng sining ng panitikan (Marquez at Garcia, 2008).
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan,
magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y
programang panradyo, kundi sa pamamagitan din ng teknolohiya, ang Internet. Dahil sa
internet nagkaroon ng blogging, video clipping  at audio airing na patuloy na bumubuhay
sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi. Patuloy na dumarami ang mga
manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba‟t ibang medya
Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang
pagdami at pag-usbong ng mga manunulat. Kailangan din ang pagpapahalaga at
pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

ARALIN 2: MGA MANUNULAT AT AKDA


“Ano mang uri at paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan, ang
mahalaga ay hindi makalimutan ang kultura at kasaysayan nito”.
Nang makamtam ng mga Pilipino ang inaasam-asam na demokrasya mula sa
mahigpit na pamamahala, muling nabuhay at namayani sa kanilang puso ang
pagmamahal sa wika at panitikan ng bansa. Sa panahon ng Bagong Demokrasya,
nagkaroon ng malawak na pananaw at kamalayang panlipunan ang mga makatang
Pilipino. Narito ang mga namayagpag na manunulat at mga akda sa panahong ito.
1. Jose Corazon de Jesus-itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng
kolonyalismong Amerikano. Kilala rin siya sa sagisag na “Huseng Batute.” Itinanghal
si Batute na Hari ng Balagtasan sa kaniyang kapanahunan. Isang malaking ambag
niya sa panahong ito ay ang awiting sinulat niya na “Bayan ko” na naging
pangunahing kantang tagapagpahayag ng pagmamahal sa bayan at sa kalayaan
hanggang sa kasalukuyan.
2. Francisco “Soc” A. Rodrigo- isang manunulat, mambibigkas, mandudula,
kolumnista, radio broadcaster, telivision host at naging senador ng Pilipinas.
Binansagang “Soc” o Socrates dahil sa ipinakita niyang katalinuhan nang nag-aaral
pa siya sa Ateneo.Malaki ang naging kontribusyon ni Soc Rodrigo upang maging
makulay at madamdamin ang pakikibaka laban kay Marcos. Siya ang nagmungkahi
na ang makabayang awiting “Bayan Ko” ang gawing permanenteng awit ng
pakikibaka.
3. Alice Tan Gonzales- isang manunulat at kuwentista mula sa lungsod ng Bacolod.
Apat na beses siyang tumanggap ng Cultural Center of the Philippines Literature
Grants. Maraming beses na rin siyang nanalo sa Gawad Palanca para sa maikling
kuwento sa Hiligaynon. Ilan sa kanyang mga akda ay ang sumusunod “Isa ka
Pungpong nga Rosas ,1997” “Mga Luha para kay Tatay Jose ,1997” at Ang Likum
sang Isla San Miguel, 1999.”

4. Genoveva Edroza- Matute- kilala siya bilang Aling Bebang. Si Matute ay isang
magiting na kuwentista sa wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at
panitikan ng Pilipinas. Marami na siyang parangal na inani at ilan dito ang
Gantimpalang Palanca at Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para
sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992. Ilan sa mga akda ni Matute ay;
Ang Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda
Ang Ninang Ko at Pagbabalik ang laging itinatampok sa mga textbook at iba
pang publikasyon.
5. Tito Sotto- ay isang politiko, komedyante, mang-aawit, mamamahayag, at artista sa
Pilipinas. Sa panahong ito naging kilala ang kanyang awitin na “Magkaisa.” Awiting
nagpapakita ng pagkakaisa at tagumpay bilang mamamayang Pilipino.
6. Willy Garte- Isang bulag na manganganta na nagpapasikat ng kantang “Bawal
na Gamot”, “Kay Lupit ng Tadhana” at iba pa. Nabulag siya habang nasa edad
na tatlong taon pa lamang kaugnay sa pagkakaroon ng sakit na tigdas. Bumuo
siya ng isang banda sa Samar na nagtagal ng sampung taon at tinangkilik naman
ng taga Samar, Leyte at mga karatig bayan. Bilang mahusay na artista tinaguyod
ng Universal Records ang kanyang tinig, mga awitin, at talent sa musika na
nagreresulta sa isang album, na kinapapalooban ng kantang “Nasaan ang
Liwanag”.Nagkamit ng dobleng platinum ang album niyang ito. Isa siya sa mga
Pilipinong mang-aawit at manunulat na sumikat noong dekada 1990.
7. Francis Magalona- kilala bilang si Kiko, Siya Filipino rapper, entrepreneur,
songwriter, producer, actor, director, and photographer. Siya ay tinawag na King
of Philippine Rap and Father of Philippine Hip-Hop, Master Rapper of the
country. Sinasabi na siya ang kauna-unahang Pinoy na sumubok at tumawid sa
makabagong paraan sa pag-awit. Siya’y naging kilala sa kanyang awitin na ‘Mga
Kababayan” at “Tayo’y mga Pinoy.”
8. Nora Aunor- Si Nora Cobaltera Villamayor o mas kilala bilang Nora Aunor ay
isang artista sa telebisyon, mang-aawit at film producer. Kinilala siya sa
industriya bilang “Ate Guy” o “The Superstar”. Isa sa mga tanyag niyang awitin
sa panahong ito ay ang “Kahit Konting Awa” ito ay awitin patungkol sa
kuwento ni Flor Conntemplacion, isang OFW na walang awang binitay sa
Singapore.
9. Luis P. Gatmaitan- isang doktor at manunulat ng akdang pambata. Kilala sa
palayaw na “Tito Dok,” siya ay isa ring host sa lingguhang storytelling program
sa radyo, Ang kanyang mga akda ay binigyang-pagkilala na ng International
Board on Books for Young People, Manila Critics Circle, Catholic Mass Media
Awards, Gawad Dangal ng Wikang Filipino, at ng Reading Association of the
Philippines.  Isa rin siya sa mga ginawaran ng Outstanding Young Men of the
Philippines (TOYM) Award.  Limang ulit na siyang nanalo sang Don Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature dahil sa kanyang kuwentyong pambata
at mga sanaysay.,
10. Isabel Sebullen- ipinanganak noong ika-5 ng Nobyemre 1959 sa lungsod ng Bago.
Kabilang sa kaniyang mga akdang nagwagi sa Hiligaynon ng Carlos Palanca
Memorial awards in Literature ay ang mga sumusunod: Aswang (2000), “Ang mga
Birhen sang Masulog (2001)
11. Juan Miguel Severo- Siya ay isang spoken word artist at aktor sa telebisyon. Naging
viral ang kanyang spoken word poetry noong 2015 na may pamagat “Ang Huling
Tula na Isusulat ko para Sa’yo”. Ilan pa sa mga kilala niyang spoken word poetry ay
ang mga sumusunod; Ang Nag-iisa, Basang Unan ,Parating Palayo Kapag Sinabi
kong Mahal Kita at Isang Letra.
12. Julian Cruz Balmaceda- itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino dahil
sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isang makata,
mandudula, kuwentista, nobelista at mananaliksik ng wika. Kilala at nanalo ng
gantimpala ang kanyang akda na “Piso ni Anita.” Ilan pa sa mga tanyag niyang akda
ay “Sa Bunganga ng Pating” at “Punongkahoy”. Ginamit niya na sagisag panulat na
Alpahol.
13. Roberto “Bob”Ong- isang kontemporaryong Pilipinong manunulat na kilala sa
paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa at sumasalaming
paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino. Nakapagpalimbag siya ng kanyang mga
libro na lubos na kinagigiliwan ng mga mambabasa dahil sa nakatutuwang mga
paksa nito. Ang mga naisulat niyang libro ay ang green book o ABNKKBSNPLAKo
(2001); ang yellow book o Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2002);
ang black book o ang Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003); ang orange book o ang
Alamat ng Gubat (2003); ang white book o ang Stainless Longganisa (2005); at ang red
book o ang Macarthur (2007). Kabilang rin sa mga librong kanyang isinulat ang
Kapitan Sino (2009), Ang mga Kaibigan ni Mama Susan (2010), at Lumayo Ka Nga sa
Akin (2011).
14. Dolly Dy-Zulueta – Kolumnista ng sikat na website ang Daily Tribune. Dating editor
ng FLAVORS Magazine. Awtor at editor ng Pinoy Vegetarian Cookbook. Siya ang
sumulat ng sagutang-tula na pinamagatang “ Ang Pagyuko ng Kawayan”

GAWIN NATIN!
A. Panuto: Gumawa ng isang Memes na nagpapakita ng mga isyung
panlipunan na nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Ipost into sa
inyong facebook timeline at lagyan ng #PanitikangFilipino,
#PilipinassaKasalukuyan. Pagkatapos mag post, isend sa ating group chat.

B. Pumili ng isa sa mga sumusunod:


1.Paggawa ng Spoken Poetry (Dalawahan). Ang paksa ay tungkol sa isyung
panlipunan. Ivideo ito habang isinasagawa.
2. Paggawa ng vlog kahit na anong paksa (isahan)
3.Paggawa ng music video. Ang awitin ay dapat orihinal na gawa.
4.Lumikha, gumawa ng makabagong akdang pampanitikan gamit ang
anumang social media platforms( hal. Tiktok)

You might also like