Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Filipino 10

Filipino – Ikasampung Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo (Mga Sinapit, Hinagpis at Tagumpay ni Rizal sa Paglimbag ng
El Fili)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Arlene S. Cordial
Tagasuri: Concepcion A. Argame
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 10
Ikaapat na Markahan
Modyul 2 para sa Sariling Pagkatuto
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
(Mga Sinapit, Hinagpis at Tagumpay ni Rizal sa Paglimbag ng El Fili )
Manunulat : Arlene S. Cordial
Tagasuri: Concepcion A. Argame/ Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul 2 para
sa aralin 4.1 Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo (Mga Sinapit,
Hinagpis at Tagumpay ni Rizal sa Paglimbag ng El Fili)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 2 ukol sa Aralin 4.1


Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo (Mga Sinapit, Hinagpis at
Tagumpay ni Rizal sa Paglimbag ng El Fili)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito.


2. Napahahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag ng kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline.
3. Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


A. Nabibigyag kahulugan ang mga salita batay sa kaligirang
pangkasaysayan nito.
B. Nakasusulat ng buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
sa pamamagitan ng timeline.
C. Napagsunod-sunod ang magkakaugnay na pangyayari sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto : Isulat ang letrang T kung TAMA ang isinasaad ng pahayag at letrang
M kung MALI.

_____ 1. Ang El Filibusterismo ay pangalawang nobela na sinulat ni Dr. Jose Rizal.

_____ 2.Ang Realonda sa pangalan ni Dr. Jose Rizal ay hango sa kanyang ninang.

_____ 3. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ang buong pangalan ni

Jose Rizal.

_____ 4. Si Jose Rizal ay ipinanganak sa Sta. Cruz Laguna.

______5. Ang Noli Me Tangere Ay inilathala noong 1889 sa Europa.

BALIK-ARAL

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Sinong Gobernador- Heneral ang nagpatupad na magdagdag ng apelyidong
Realonda bilang pagsunod sa batas na pinairal noong 1849?
A. Claveria B. Lemery C. Rivera D. Polaviela
2. Sino ang tumulong kay Dr. Jose Rizal sa pagpalimbag ng El Filibusterismo?
A. Jose Alejandrino
B. Maximo Viola
C. Teodoro Evangelista
D. Valentin Ventura

3. Kailan nilisan ni Jose Rizal ang Pilipinas dahil sa pangambang manganib


ang buhay ng kanyang pamilya?
A. Pebrero 3, 1888
B. Marso 8, 1888
C. Abril 3, 1888
D. Mayo 8, 1888

4. Kailan nagsimulang isulat ni Jose Rizal ang El Filibuterismo?


A. Enero 1887
B. Marso 1890
C. Marso 1891
D. Oktubre 1887

5. Kanino inialay ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo?


A. Sa pamilya
B. Sa mga Pilipino
C. Sa mga magsasaka
D. Sa tatlong paring martir

ARALIN

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

(Mga Sinapit, Hinagpis at Tagumpay ni Rizal sa Paglimbag ng El Fili)

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre


1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at
kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga
panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng
Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang
pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni
Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing
Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni
Rizal. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng


karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na
dinanas niya at ng kanyang pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na
may plano si Rizal para sa ikalawang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring
kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran,
naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga
kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang
mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga
kaaway at iba pa.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa


pangamba niyang manganib ang buhay ng kanyang pamilya. Katakut-takot
na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang
dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani
Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa


Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong
ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila
akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok.
Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng
mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit
laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong
managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling
nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila
na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring
ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting
karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang


pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal
hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan
niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa
libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng
mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera
at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-
pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang
tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at
mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi.
Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay
Jose Maria Basa.

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang


sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila
ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos
na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla
ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid,
kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at
mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang
darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo,
kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais
kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi
niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya
ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang
pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891


saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring
sina Gomez, Burgos at Zamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela


ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang
nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay
ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na
problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at
edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang
mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto
ng nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay


Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan
at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati ang
pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya
bilang nobelista.

Karagdagang Impormasyon:

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o


Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong
pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na
Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli
Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito
at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong
Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot


at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris,
Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa
Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang
Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya
upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22,
1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama,


nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY BLG.1

Panuto: Salungguhitan sa loob ng pangungusap ang katumbas na salitang nasa


loob ng panaklong.

1. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming panggigipit (balisa)


2. Si Don Rafael Ibarra ay pinaratangang Pilibustero ng mga Prayle.
(lumalaban sa simbahan)
3. Marami sa mga Pilipino ngayong pandemya ang subersibo. (hindi sumusunod sa
batas)
4. Sa El Filibusterismo ipinakita ni Jose Rizal ang kanyang pagbabanyuhay.
(pagbabagong –anyo)

5. Tinaguriang makamandag ang unang obra ni Jose Rizal. (mabangis)

Pagsasanay BLG.2

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa akda. Isulat ang


letrang ABCD.
1. Marami ang kasawiang dinanas ng pamilya ni Dr. Jose Rizal dahil sa
pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.
2. Inihandog ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Fili sa alaala ng mga paring
martir.
3. Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya
bilang nobelista.
4. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba
niyang manganib ang kanyang pamilya.
5. Nailimbag ang El Filibusterismo noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,
Belgium.

PAGSASANAY BLG.3

Panuto: Lagyan ng tsek  kung ang sumusunod na pangyayari ay matatagpuan


sa akda.Ekis x naman kung hindi.
____ 1. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal.
___ 2. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng panggigipit.
____3. Ikinulong si Jose Rizal sa Ghent, Belgium.
____4. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888.
____5. Tinulungan si Rizal ni Valentin Ventura upang maipalimbag ang aklat.
PAGLALAHAT
Panuto: Gumawa ng buod ng akda sa pamamagitan ng Timeline. 5 Puntos.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Mula sa paksang tinalakay dugtungan ang mga sumusunod upang
makabuo ng isang pahayag o kaisipan. 5 Puntos.

Nalaman ko na ________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Natutuhan ko na _____________________________________________________________
________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.


1. Ang El Filibusterismo ay may higit na layuning__________.
A. Pampamilya B. Panlipunan C. Pambansa D. Pandaigdig
2. Anong taon sinimulan ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibuterismo.
A. 1884 B. 1885 C. 1886 D. 1887
3. Batay sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo, saan sinimulang
sulatin ni Jose Rizal ang kanyang nobela?
A. Belgium B. Calamba C. Inglatera D. Madrid
4. Ang sumusunod na pahayag ay ang mga hirap na dinanas ni Rizal habang
isinulat ang El Filibusterismo, maliban sa_____________.
A. Hindi sapat ang salapi na tinanggap niya mula sa nagtataguyod ng
propaganda.
B. Wala na siyang tinatanggap na tulong sa kaniyang magulang at kaibigan.
C. Wala siyang nasisingil sa pinagbilhan ng kanyang unang nobela.
D. Wala na siyang makain
5. Ang kahulugang ng El Filibusterismo.
A. Paghahari ng Kasakiman
B. Paghahari ng Kasamaan
C. Paghahari ng Kataksilan
D. Paghahari ng Paghihiganti
https://youtu.be/cDLockCmEBCE
translated by Roderic P. Urgelles. Manila: Vibal Group
Hamilton Virginia” Maaaring Lumipad ang Tao” In PANITIKANG PANDAIGDIG,
Sanggunian
MODYUL 2
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
(Mga Sinapit, Hinagpis at Tagumpay ni Rizal sa Paglimbag ng El Fili)
Paunang Pagsubok Balik-Aral Pagsasanay 1
1. Tama 1. A 1. giniyagis
2. Tama 2. D 2. Pilibustero
3. Tama 3. A 3. subersibo
4. Mali 4. D 4. pagbabanyuhay
5. Mali 5. D 5. makamandag
Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1. A 1. 
2. D 2.
3. E 3.×
4. B 4.
5. C 5.
Panapos na Pagsusulit
1. B
2. D
3. C
4. D
5. A
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like