Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Zamora Memorial College

Sto. Niño Street, Brgy. 9, Bacacay, Albay

YUNIT I:
Mga Akdang Pampanitikan ng
Rehiyong Mediterranean

MODYUL 4: ARALIN 3
(SANAYSAY)
PANGUNAHING PAKSA AT PANTULONG NA MGA
IDEYA SA ISANG TALATA
at
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW

UNANG MARKAHAN - IKAAPAT NA LINGGO

F
I
L
I
P
I
N
Inihanda nina:
Carlo B. Echemane
O
10
Guro sa Filipino

Edgardo Barrameda
Pinuno ng Departamento
Pangalan: ___________________________________________________________________________________________

Baitang at Seksiyon: _______________________________________________________________________________


I. INTRODUKSIYON
Bahagi na ng buhay ng isang mag-aaral ang pagsulat ng talata. Madalas, pagkatapos sumulat ay ilalahad naman
nang pasalita ang isinulat. Sa modyul na ito, tatalakayin ang Sanaysay, Pangunahing Paksa, at Pantulong na mga
Ideya sa Isang Talata; sa modyul ding ito, tatalakayin din ang Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw.

II. PANIMULANG PAGTATAYA


Panuto: Punan mo ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang Konsepto ng Pananaw sa bawat
bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang.

Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng Sa palagay ng


Ayon sa Pinaniniwalaan ko

1. ____________ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay
mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.

2. ____________ maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay
nangangahulugang maipagpapatuloy pa niya ang karera sa pagboboksing.

3. ____________ ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan matapos mabatid
ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.

4. ____________ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng
mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.

5. ____________ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng komunidad sa
posibleng epekto ng climate changesa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga ng
mundo.
ARALIN 3
ALAMIN NATIN : Pangunahing Paksa at Pantulong na mga Ideya
sa Isang Talata
GRAMATIKA/ : Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling
RETORIKA Pananaw

MGA MAHAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


LAYUNIN:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na naipamalas mo ang mga
sumusunod:
A. naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang
impormasyon (F10PN-Ic-d-64)
B. nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw
(F10WG-Ic-d-59)
C. nasusuri kung ang pagpapahayag ng opinyon o pananaw ay angkop o hindi.
D. nasusuri ang isang sanaysay batay sa sumusunod na mga bahagi ng isang sanaysay.
E. natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdi.
(F10PD-Ic-d-63)
III. PROSESO

BASAHIN MO

Basahin mo ang isang sanaysay na pinamagatang “Ang Ningning at Ang Liwanag” ni Emilio Jacinto,
matapos mong basahin gawin mo ang gawain sa ibaba.

Ang Ningning at Ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang
mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay
ng nagaganyak na dumampot.
Fil.-10 p. 1
Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na hinihila ng kabayong
matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang
magnanakaw, marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y napapangiti, at isasaloob.

Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang
katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.

Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga
ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na
maningning, lalong-lalo na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at
walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa
kanila ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat
at magbalat-kayong maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang

(Pinagkuhanan: https://ikawkapatidatbayan.
magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin pahahalagahan.

wordpress.com/2014/10/11/ang-ningn-
At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas
ng katuwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi


mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan

ing-at-ang-liwanag/
at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw
sa paningin.

Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng


katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha
ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998

(Pinagkuhanan: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-ningning-at-ang-liwanag.html

PALAWAKIN MO
Matapos mong basahin ang isang sanaysay, sagutin mo ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa mga nakalaang linya.

1. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay?


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

2. Isa-isahin ang pagkakaiba ng ningning at liwanag ayon sa sanaysay.


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

3. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit ng may-akda tungkol sa kalagayang panlipunan noong panahong naisulat
ito.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

4. Batay sa nilalaman ng sanaysay, ano ang layunin ni Jacinto sa pagsulat nito?


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
Fil.-10 p. 2
KARAGDAGANG KAALAMAN MO

Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Makikita sa salitang “sanaysay” ang mga salitang
“sanay” at “salaysay.” Kung pagdurugtungin ang dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi
ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at
bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.
Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas:

1. PANIMULA – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at
kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay
2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay
ng tinalakay na paksa upang patunayan, o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya
tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa
isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
Halimbawa: Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng kinikita ng
asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at gugulin sa wastong paraan.

Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari
ay makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.
Halimbawa:
Panimula
Sadyang isang hamon ang buhay ngayon. Kailangang harapin ito nang buong tatag.
Katawan
Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa kapaligiran mo. Masdan ang ilang pamilyang nakatira
sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali. Kontento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, nanlilimos sa mga
nagdaraan.
Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging pabigat sa lipunan. Ang isang mungkahi ay ang pagbibigay
ng kaalaman sa kanila kung paano tutuklasin ang kanilang natatagong galing na maaaring maging puhunan nila ng
pagkakaroon ng munting negosyo.
Wakas
“Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”
Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
Halimbawa: Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.
Wika at Estilo – Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng
mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.
Halimbawa:
Sadyang mahirap ang buhay ngayon.
• Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na impormal o di maanyo samantalang sa pormal o
maanyo ay ang paggamit ng piling mga salita.
Larawan ng Buhay – Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na
gumagamit ng sariling himig ang may-akda.
Halimbawa:
Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali. Kontento na sila sa paghingi o
pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga nagdaraan.
Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at
kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.
Himig – Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.

Nasusuri ang isang sanaysay batay sa sumusunod na mga bahagi


SURIIN MO ng isang sanaysay.

Suriin mo ang sanaysay na “Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio Jacinto batay sa sumusunod na
mga bahagi ng isang sanaysay gamit ang isang grapikong presentasyon.

Fil.-10 p. 3
(Pamagat ng Sanaysay)

(Tema at Nilalaman) (Anyo at Estruktura) (Wika at Estilo)

ALAMIN MO

PANGUNAHING PAKSA AT PANTULONG NA MGA


IDEYA SA ISANG TALATA
Ang isang gawain pangkaraniwang bahagi na ng buhay ng isang mag-aaral ay ang pagsulat ng talata. Madalas,
pagkatapos sumulat ay ilalahad naman nang pasalita ang isinulat. Kapag ang isang tao ay sumusulat ng isang talata
ay lagi siyang may pangunahing paksa o ideyang nais iparating sa kanyang mambabasa. Ang pangunahing paksa o
ideyang ito ay nakapaloob sa isang pangungusap na tinatawag na ‘paksang pangungusap’. Ang pangunahing paksa
o ideya ay ang bahaging sumasagot sa tanong na: “Tungkol saan ang talata?” o “Ano ang paksa o mensaheng
gustong ipaabot ng talata?”

Ang isang talata ay binubo hindi lamang ng pangunahing paksa ay maaaring ihambing sa isang nakabukas
na payong at ang mga pantulong na ideya ay ang mga bagay na nasa ilalim at sumusuporta sa payong. Taglay ng
pangunahing paksa ang mensaheng nais iparating ng talata samantala, ang mga pantulong na ideya naman ang
nagbibigay-linaw sa mensahe o nagsasaad ng mga detalye upang higit itong maunawaan ng mga mambabasa.
Madalas, ang mga pantulong na ideya ay pinangungunahan ng mga salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod
tulad ng mga salitang “una, kasunod, pagkatapos, at sa wakas o panghuli. Maayos o lohikal dapat ang pagkakasunod-
sunod ng mga pantulong na ideya upang mas madaling maunawaan ang mensaheng inilalahad ng mga ito.

Ang pangunahing paksa ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang bahagi ng talata subalit pangkaraniwang ito
ay nasa unang pangungusap.

Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya


GAWIN MO sa napakinggang impormasyon (F10PN-Ic-d-64)

Basahin mo ang isang editoryal at gawin mo ang pagsasanay sa ibaba.

LIBANGANG DAPAT TUGUNAN

Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang labis na pagkalulong


sa mga larong online games bilang isang mental health disorder. Sa
pagkilala sa bagong mukha ng epektong kinababaliwan ng karamihan, lalo
na ang mga makabagong kabataan ay isang hakbang upang matugunan
ang lumalalang suliranin sa kalusugang mental.

Ayon sa inilabas na pahayag ng WHO inilalarawan nito ang digital at


video gaming addiction bilang ‘persistent o recur-rent gaming behavior’ na
maaaring magkaroon ng epekto sa buhay ng isang tao. (Dibuho ni: Paul Belisario

Fil.-10 p. 4
Batay sa isinagawang pananaliksik na isinagawa nina Justine Vista, Heiston Tan, at Bryan Yarano ng
Unibersidad ng Santo Tomas (UST) isa sa mga masamang epekto na dulot ng sobrang paglalaro ng online games
ay ang pagiging anti-social.
Sa inilabas na pag-aaral ni Nicolas Yee, Ph.D. ng Communication Department ng Stanford University karamihan
sa mga mag-aaral edad labing dalawa hanggang labingwalo ang kadalasang naglalaro ng online games, dagdag pa
niya gumugugol ang mga ito ng labing isa hanggang dalawampung oras sa isang buong lingo. Sa nabanggit na bilang
palatandaan lamang ito na sobra na ang pagkalulong ng mga kabataan sa larong ito.

Sa isinagawang sarbey ng guidance office ng Zamora Memorial College (ZMC), lumalabas na isa sa mga
dahilan ng mga mag-aaral kung bakit patuloy silang lumiliban ay ang kanilang pagkahumaling sa mga online games.
Ito ngayon ang tinututukan ng paaralan upang matuldukan ang suliraning ito.

Hindi gaano kapansin-pansin ang epekto nito sa aspektong mental ng mga kabataan. Nakababahala na ang
isang taong lulong sa larong ito ay maaaring makaranas ng attention deficiency, hyperactivity, at depression. Mas
mainam na maglaan ng atensyon sa ganitong suliranin upang mailigtas sa kapahamakan ang mga kabataang lulong
dito.

Sa inilabas na bagong impormasyon ng International Classification of Diseases (ICD) maituturing na mayroong


gaming disorder ang isang tao kung nakararanas siya ng mga sumusunod na sintomas tulad ng: mahirap nang
kontrolin sa paglalaro, pagtaas ng prayoridad at pagbibigay ng mas mahabang oras sa paglalaro.

Bagama’t napakalaki ng ambag ng teknolohiya sa modernong panahon at isang katotohanan na libangan na


nga ang paglalaro ng online games anumang edad ang kinabibilangan. Sa huli, disiplina, at gabay pa rin ng magulang
at nakatatanda ang epektibong solusyon upang hindi humantong sa adiksyon at mailayo ang mga kabataan sa
alinmang sintomas ng gaming disorder na kinilala bilang isang mental health illness. Ito’y hindi isang laro lamang na
magbibigay ng kakaibang saya sa bawat isa, ngunit ang malaking epekto nito sa isipan ang dapat bigyang-halaga
kahit ito’y hindi nakikita.
(Pinagkuhanan: Pampaaralang Pahayagan ng Zamora Memorial College sa Filipino)

Sagutin mo ang mga sumusunod:

Pamagat : ___________________________________
Pangunahing
paksa na binibigyang-diin : ___________________________________
Pantulong na kaisipan
a. ____________________________________________________________________________________
b. ____________________________________________________________________________________
c. ____________________________________________________________________________________

2. Ibigay ang sariling reaksiyon o pananaw tungkol sa binasang editoryal. Isulat ang iyong sagot sa mga nakalaang
linya.
a. Makatotohanan ba ito? Dapat ba itong paniwalaan?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

b. Makatutulong ba ang impormasyong ito sa tao?


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

c. Naghahatid ba ito ng babala upang magbago ang tao?


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

ISAISIP MO

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING PANANAW

Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sariling pananaw o


opinyon. Kailangang matutuhan mo kung gayon ang mabisang paraan ng pagsasagawa nito.

Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw

Fil.-10 p. 5
- Ang masasabi ko ay…
- Ang pagkakaalam ko ay..
- Ang paniniwala ko ay..
- Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita…
- Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil..
- Kung ako ang tatanungin..
- Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
- Maaari po bang magdagdag sa sinasabi ninyo?
- Mahusay ang sinabi mo at ako man ay..
- Para sa akin..
- Sa aking palagay..
- Sa tingin ko..
- Tutol ako sa sinabi mo dahil..

Nasusuri kung ang pagpapahayag ng opinyon o pananaw ay angkop


MADALI LANG ‘YAN o hindi.

Suriin mo kung ang sumusunod na mga pagpapahayag ng opinyon o pananaw ay angkop o hindi. Lagyan
mo ng tsek (/) ang patlang at magbigay rin ng maikling paliwanag para sa iyong napiling kasagutan.

1. Sa aking palagay, nararapat sundin ng mga Espanyol ang rekomendasyon ng kanilang binuong komisyon para na
rin sa ikabubuti at ikauunlad ng kanilang ekonomiya.

________ ANGKOP ________ HINDI ANGKOP ang pagkakalahad ng pananaw na ito dahil
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

2. Hindi ako papayag! Walang sinumang makapagbabago sa kaugaliang matagal na naming ginagawa kahit pa siya
ang pinakamataas na pinuno ng mundo!

________ ANGKOP ________ HINDI ANGKOP ang pagkakalahad ng pananaw na ito dahil
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling


SUBUKIN MO PA pananaw (F10WG-Ic-d-59)

Maraming Pilipino ang nangingibang-bansa upang doon maghanapbuhay. May mga kabutihang naidudulot ang
ganitong kalakalan subalit maraming suliranin din ang maaaring ibunga nito sa pamilya at sa lipunan. Maglahad ka
ng iyong pananaw kaugnay ng isyung ito gamit ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang iyong kasagutan sa nakalaang
linya.
1. Sa aking palagay, ___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

2. Para sa akin, ang pag-alis sa bansa para magtrabaho ay ___________________________________________


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

3. Kung ako ang tatanungin ______________________________________________________________________


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

4. Ayon sa nabasa ko ___________________________________________________________________________


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

5. Hindi ako sumasang-ayon sa __________________________________________________________________


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
Fil.-10 p. 6
Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
PANOORIN MO pandaigdi. (F10PD-Ic-d-63)

Panoorin mo ang maikling video clip na makikita sa site na ibinigay. Maaari mo ring i-scan ang QR
code kung mayroon kang internet sa bahay. Kung wala, maaaring hinggin ang kopya ng video sa guro.
Pagkatapos mong mapanood ang maikling video, sagutin mo ang mga ibinigay na tanong. Isulat ang
iyong sagot sa mga nakalaang linya.

Pelikulang ANAK na pinagbidahan nina Vilma Santos at Claudine Barreto at ipinalabas ng Star Cinema noong 2000.
Tumatalakay ito sa kalagayan ng isang inang napawalay sa kanyang mga batang anak nang maging OFW siya sa
Hongkong.

Makikita ang maikling video sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=glDibP54qnY&t=558s


Maaari ding i-scan ang ibinigay na QR Code. Maaaring kunin sa guro ang sipi ng video.

1. Ano-anong mahahalagang isyung pandaigdigan at panlipunan ang masasalamin sa napanood na maikling pelikula?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

2. Kung makakausap mo ang ina sa napanood mong maikling pelikula, ano-ano ang sasabihin mo sa kanya?
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

3. Ano naman ang maipapayo mo sa kanyang mga anak? Magbigay ka ng dalawang mahahalagang payo na
maaaring gumabay sa kanila upang magsumikap silang maging mabubuti at matitino para naman matumbasan ang
hirap at sakripisyo ng kanilang magulang na nagtatrabaho at nagpapakahirap sa ibang bansa para sa kanilang mas
magandang kinabukasan.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

IV. PAGTATAYA

Basahin ang bawat aytem at bilugan mo ang titik ng tamang sagot.


1. ______pangulo, agad na ipapatupad ang bagong
batas. 4. ________ ulat ng Kagawaran ng Kalusugan, umabot
a. Para kina b. Hinggil kay c. Ayon sa na sa mahigit 70,000 ang positibo ng COVID-19 sa bansa.
a. Batay sa b. Sa ganang akin c. Hinggil kay
2. ________ kaya maraming kabataan ang bumabagsak
sa pagsusulit ay hindi nag-aaral nang mabuti. 5. _______ mahalagang magkaroon ng pagkakaisa ang
a. Sa palagay ko b. Ayon sa c. Sa kabilang dako mga bansa upang malabanan ang sakit na kumikitil sa
buhay ng isang tao.
3. ________ maiiwasan natin ang pagkalat ng sakit kung a. Sa aking palagay b. Batay sa c. Ayon kay
susundin ang payo ng pamahalaan.
a. Sa ganang akin b. Batay sa c. Ayon kay

FIDBAK TANDAAN MO

“Mahalagang gamitin natin ang mga pahayag sa


pagbibigay ng sariling pananaw upang mas lalong
maunawaan ng taong tatanggap ng ating opinyon.”

Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain na inilaan sa araling ito. Sa
bahaging ito, inaasahan na ang natutuhang mga konsepto ay makatutulong sa pagtalakay sa
kasunod na mga aralin.
Fil.-10 p. 7
V. SUSI SA PAGWAWASTO

5. A
4. A
3. A
2. A
1. C
PAGTATAYA

5. SA TINGIN NG
4. AYON SA
3. SA GANANG AKIN
2. SA PALAGAY NG
1. BATAY SA

PAGTATAYA
PANIMULANG

SANGGUNIAN

-Marasigan Emily V. at Del Rosario Mary Grace G. (2019) Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.
-Pheonix Grade 10 Learning Guide at Teacher Guide
-DepEd Learning Material at Teacher Guide
-Curriculum Guide
-ZMC-Filipino Dept. Curriculum Map.

1. (Pinagkuhanan: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-ningning-at-ang-liwanag.html
2. (Pinagkuhanan: https://ikawkapatidatbayan.wordpress.com/2014/10/11/ang-ningning-at-ang-liwanag/
3. Pampaaralang Pahayagan ng Zamora Memorial College
4. http://clipart-library.com/clipart/5TRxG9gTa.htm

G. Carlo Echemane
(Guro sa Filipino 10)
Mobile Number: 09478192861
Facebook: carlo betito echemane
Email Address: carlobetitoechemane1989@gmail.com

G. Edgardo Barrameda
(Pinuno ng Departamento)
Mobile Number: 09217619681
Facebook: Barrameda Gardo
Email Address: gardobarrameda1963@gmail.com

Fil.-10 p. 8

You might also like