Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

WIKA NG KABATAAN

Ang wika ay isang napakahalagang bagay dahil gamit nito, tayo ay nagkakaintindihan
at nakakagawa ng mga bagay-bagay. Hindi lamang ito importante at ginagamit ng mga
matatanda, dahil kahit anong edad ay ginagamit ito upang umusbong sa buhay; kabilang
na ang mga kabataan. Ang kabataan, na tinatawag ding tinedyer ay ang panahon, edad,
o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang bata o kilaw at hustong adulto, o kaya ang
yugto ng panahon kung kailan ang isang tao ay biyolohikal o pisikal na adulto subalit
emosyonal o makapandamdaming hindi pa husto ang maturidad. Sila ang mga taong
inaasahan ng komyunidad na sumunod sa yapak ng mga matatanda. Ang kabataan ay
ang mga taong nasa punto pa lamang ng pagkilala sa kanilang sarili at pagtuklas sa
mga bagay-bagay sa mundo; ang mga taong natututo araw-araw base sa kanilang
pagkakamali o karanasan . Ang mga kabataan ngayon ay masasabi at hindi natin
maitatangging lulong na sa social media o internet, ngunit masasabi nating nagiging
bukas na ang kanilang isipan, at marami silang natututunan sa paggamit ng social
media. Kalimitan man ay ang masasamang epekto ng gadgets o social media ang
nakikita ng matatanda, ngunit hindi rin natin maitatanggi na maraming importanteng
bagay rin ang natututunan ng mga kabataan sa bawat bukas nila ng kanilang social
media. Maraming nagsasabi na ang katagang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ay
imposible at malabo nang mangyari ngunit sa mga katangian ng kabataan ngayon,
masasabi kong ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Ang mga kabataan ay
maaaring tamad, o pasaway at tutok palagi sa social media o gadgets ngunit sa aking
nakikita, magagamit natin ang mga katangiang ito sa positibong paraan dahil ang
kabataan ay napakamalikhain rin sa iba’t-ibang paraan at aspeto. At sa usapan ng wika,
ang katangiang ito ng kabataan ay malaking tulong upang mapaunlad at mapalawak pa
ang ating wikang kinagisnan.

Ang wika ay buhay o dinamiko. Ibig sabihin, ito ay patuloy na nagbabago. Sa


usapang kabataan, malaki ang naging ambag nila sa pagpapatunay na ang wika ay
tunay na buhay at nagbabag-bago. Dahil nga sa teknolohiya, marami nang natututunan
ang mga kabataan kahit sa murang edad pa lamang. Malaki ang tulong ng kabataan sa
paggawa ng mga bagong salita. Sa maniwala man tayo o hindi, isa sa katangian ng
kabataan na pagiging tamad ay isang salik kung bakit nakakalikha ng bagong mga
salita. Pinuputol o binibigyan ng “letter represention” o acronyms ang salita o
pangungusap na gusto nilang ipahiwatig upang mapadali na lamang ang kanilang pag-
uusap. Isa pang dahilan kung paano nakakalikha ng mga bagong salita ang mga
kabataan ay dahil sa mga grupo-grupo. Ang ilang mga kabataan ngayon ay nagugrupo-
grupo base sa kanilang pansariling interes, at dahil sa pagpapangkat-pangkat na ito,
gumagawa sila ng “codes” o mga salita na grupo nila lamang ang nakakaalam, at ang
mga salitang ito ay napapasa-pasa na sa lahat ng kapwa kabataan nila kalaunan. Bukod
pa dito, natural na malikhain ang mga kabataan at natural lang din para sa kanila na
sumabay sa mga uso. Dahil sa pagsunod sa mga usong ito, nakakalikha sila ng bagong
mga salita.

Para sa kabataan, ang wika ay isang sining na maaari mong desenyuhan base sa
iyong imahinasyon at gamitin sa kung saan mo gusto. Ginagamit ng kabataan ang wika
sa iba’t-ibang paraan. Hindi natin maitatanggi na mayroong iilan na ginagamit ito sa
maling paraan ngunit hindi naman din natin maitatanggi na mayroong ginagamit nito
upang ipahayag ang kanilang saloobin at opinyon sa iba’t-ibang bagay.Ginagamit din ng
mga kabataan ang wika upang makipag-ugnayan sa mga kamag-anak, mga kaibigan o
kamag-aral. Maaari rin nila itong ginagamit sa pag post sa kanilang social media ng mga
impormasyon at iba pa. Buhay ang wika kapag nakasasabay at bumabagay ito sa tawag
ng panahon. Malaki ang ginagampanan ng kabataan at ang kanilang kahiligang
gumamit sa social media o teknolohiya para mapaunlad ang ating wikang pambansa.
Ang mga pagbabago at pagdaragdag ng mga salita ay nakakatulong upang patuloy na
maging masigla, mapayabong, at mapalaganap ang ating wikang pambansa, at sa
tulong ng mga kabataan, napapakilala ang ating wikang pambansa kahit sa ibang
bansa. Kanila itong binubuhay sa pamamagitan ng paglalaro at paglilika nila ng mga
makabagong salita.n

You might also like