Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Floyd Sebastian R.

Hernandez 9-OBEDIENCE

FILIPINO 9

I. TITLE
-Caregiver

II. TAUHAN
-Sharon Cuneta bilang si Sarah Gonzales
-John Estrada bilang si Theodore "Teddy" Gonzales
-John Manalo bilang si Paulo "Pau" Gonzales
-Rica Peralejo bilang si Karen
-Jhong Hilario bilang si Joseph
-Saul Reichlin bilang si William Morgan
-Matthew Rutherford bilang si David Morgan
-Claire Jeater bilang si Margaret Morgan
-Makisig Morales bilang si Sean
-Mickey Ferriols bilang si Julia
-Julia Montes bilang si Gemma
-Lotlot De Leon bilang si Betty
-Marita Zobel bilang si Nemie
-Anita Linda bilang si Lola Miling
-Cheska Billiones bilang si Sarah's student
-Consuelo Bilcliffe bilang si Ditas

III. TAGPUAN
-London

IV. BUOD

-Iniwanan ni Sarah ang pagiging guro para sumunod sa asawang si Teddy papuntang
London at magtrabaho bilang caregiver. Iniwan ni Sarah sa Pilipinas ang anak na si Paulo para
makapuntang London. Pagkadating sa London ay pinagtulungan nilang mag-asawa na maka-
ipon, upang agad makuha si Paulo at mamumuhay sila bilang isang pamilya doon. Ngunit hindi
ito mangyayari agad dahil sa maraming problemang hinaharap ni Sarah kapiling si Teddy.

Dumating si Sarah sa London. Sa kanilang apartment, siya at Teddy ay nagbahagi ng isang


madamdaming muling pagsasama. Dinala siya ni Teddy sa magagandang lugar ng London.
Habang namimili sa isang mall, nakatagpo ni Sarah si Sean, na sinusubukang magnakaw ng mga
tsokolate. Matapos ang kaguluhan, nararanasan niya ang mga mahirap na hamon na kinakaharap
ng bawat tagapag-alaga ng Pilipino araw-araw isa na ditto ang mahirap pakisamahan na
pasyente.

This study source was downloaded by 100000842040398 from CourseHero.com on 03-01-2022 11:31:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/55738374/caregiverdocx/
Unti-unting nabuksan ang isip ni Sarah sa napakaraming realidad sa buhay sa London. Ang
hirap ng trabaho bilang caregiver at ang asawang nakalugmok sa mga wasak na pangarap.

Nahihirapan din si Teddy sa pang-araw-araw na gawain sa ospital kung saan siya


nagtatrabaho. Siya ay pagod at madalas uminom dahil siya ay nabigo sa kanyang exam ng
dalawang beses. Tumataas ang tensyon sa pagitan nina Sarah at Teddy habang ang pagod ng
buhay sa London ay tumatagal sa kanilang pag-aasawa. Dahil sa hindi pagkakasundo sa trabaho
at bahay, nagpasiya si Teddy. Sinabi niya kay Sarah na babalik sila sa Pilipinas.

Napakahirap kay Sarah na tanggapin ang desisyon ni Teddy. Alam niya na ang pananatili sa
London ay ang pinakamainam na bagay para sa kanilang pamilya, dahil ang pagbabalik sa
Pilipinas ay nangangahulugan lamang na bumalik sa parehong mga problema nila dati.

Nang mamatay si Mr. Morgan, napagdesisyonan ni Sarah na bumalik sa Pilipinas kasama si


Teddy. Habang naghahanda ng kanyang mga bag, napansin niya ang librong ibinigay ni Mr.
Morgan sa kanya, at binasa ang kanyang liham na nagsasabi sa kanya kung gaano kaswerte si
Teddy at Paulo at ipaalala sa kanya na siya ay isang tao at mahalagang gawin niya ang mga bagay
na gawing buhay siya. At nais niyang maging masaya siya at walang panghihinayang.

Habang papunta sa paliparan, ipinakita muli ni Teddy ang kanyang bastos na saloobin, at
napagtanto ni Sarah na kaya niyang iwanan si Teddy. Sumakay siya ng taxi pabalik sa London.
Natapos ang kwento kasama si Sarah kasama ang kanyang anak na sina Paulo at Sean na
tinatamasa ang London's Buckingham Palace.

V. REAKSYON

Ipinakikita ng Caregiver ang napakaraming sakripisyong pinagdaraanan ang mga


nakikipagsapalaran sa ibang bansa kapalit ng magandang buhay. Hindi nga lahat ng umaalis at
nangingibang-bayan ay nagiging matagumpay. Hindi lahat ng pangarap ay natutupad at nasasagot ng
paga-abroad.

Sa katunayan, karamihan sa mga tunay na problema ay hindi nag-uugat sa pera kundi sa


pagkatao na nananatili saan mang lugar mapunta, kumita man ng malaking halaga. Maganda ang
katauhan ni Sarah na naging matapang sa gitna ng maraming pagsubok. Naging masunurin sa asawa
si Sarah hanggang sa mamulat sa katotohanang may sarili siyang pag-iisip na dapat ring igalang. Isa
rin siyang mapagmahal na ina na pinagsusumikapang ipaliwanag at ipadama sa anak ang
kahalagahan ng pagtitiis at pagtupad sa pangako.

Hindi rin matatawaran ang pagbibigay ng pelikula ng dignidad sa isang trabahong madalas ay
minamaliit at pinandidirihan: ang pagiging caregiver. Gaano man kaliit o kababa ang isang
hanapbuhay, nagiging mataas ito kapag binigyang dignidad at halaga mismo ng mga taong nasa
trabahong ito. Ang taong nagmamalasakit sa trabaho ay nagmamalasakit sa kapwa.

Nakakabahala lamang ang mensahe ng pelikulang walang asenso sa Pilipinas kung kaya’t mas
pinipili ng mga Pilipinong pumunta sa ibang bayan upang guminhawa lamang sa buhay. Bagama’t
may bahid ito ng katotohanan, hindi ito ang ganap na katotohanan, at dapat pa ring malaman,

This study source was downloaded by 100000842040398 from CourseHero.com on 03-01-2022 11:31:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/55738374/caregiverdocx/
unawain at maramdaman ng mga kabataan na ang sariling bayan ang siyang dapat unang
paglingkuran.

This study source was downloaded by 100000842040398 from CourseHero.com on 03-01-2022 11:31:29 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/55738374/caregiverdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like