Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Banghay Aralin sa Filipino 10

I. Layunin
a. nailalahad ang kahulugan ng mitolohiya;
b. natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at
Persia;
c. nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan.
II. Paksang- Aralin

a. Filipino Ikatlong Markahan- Modyul 1: Mitolohiya mula sa Africa at


Persia
b. K-12 Curriculum Guide Filipino 10, F10WG-Ia-d-2
c. Mga larawan, Pantulong na Biswal
d. Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aara
III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
-Panalangin
-Pagbati
-Pagtatala ng mga lumiban sa klase
-Kasunduan
-Pag-alam ng grupo
b. Pagbabalik-aral
- Ang guro ay magtatanong kung ano ang kanilang tinalakay noong
nakaraang araw
c. Pagganyak
Pagpapanood ng isang maikling videoclip patungkol sa “Alamat nina
Tungkung Langit at Alunsina” https://youtu.be/DcST43jggFc

Gabay na Tanong:
a. Kilalanin ang mga pangunahing tauhan sa kuwento.
b. Paano nagsimula ang suliranin ng mag-asawang Tunkong Langit at
Alunsina?

Ikatlong Markahan| 1
c. Ibigay ang damdaming namayani sa iyo matapos mapanood ang
kuwento. Ipaliwanag

Pokus na Tanong

a. Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may


iba’t ibang batayan?

d.Panlinang na Gawain (4A’S)


1. Mga Gawain ( Activity - Panonood)
a. Paglalahad ng Aralin

MASINING NA PAGKUKUWENTO
Pagpapabasa ng isang halimbawa ng mitolohiya mula sa Africa at
Persia.

Mashya at Mashayana
Mito ng Pagkalikha (Africa)
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
pahina 244

Liongo
Mito mula sa Persia
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

2. Pagsusuri ( Analysis)
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod batay
sa isang mitolohiya na mula sa Africa.
1. Paano nagsimula ang suliranin sa akda?
2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu at Ahura Ohrmuzd?
3. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay
Ahriman Mainyu?
4. Makatuwiran ba ang ginawang pagtulong nina Mashya at Mashayana?
Ipaliwanag.

DAGDAG KAALAMAN

Ikatlong Markahan| 2 MITO NG PAGKALIKHA


Ang alamat ng paglikha, mito ng paglikha, o kuwento ng paglikha
ay isang masagisag na pagsasalaysay ng kung paanong nagsimula ang
naglalarawan ng pagsasaayos o pag-aayos ng kosmos mula sa isang
kalagayan ng kaguluhan o walang tiyak na porma, hugis, kabuuan, tipo, uri,
katangian o karakter.
Kadalasang mayroong isang bilang ng mga tampok ang mga mito ng
paglikha. Kadalasan silang itinuturing na mga banal na paglalahad at
maaaring matagpuan sa halos lahat ng nalalaman o nakikilalang mga
tradisyong panrelihiyon (kaugaliang pampananampalataya). Lahat ng mga ito
ay mga kuwentong may isang banghay o balangkas ng kuwento na maaaring
mga diyus-diyusan, mga pigurang kawangis ng tao, o mga hayop, na
kadalasang madali o maginhawang nakapagsasalita at nakapagbabago ng
anyo. Kadalasan silang may tagpuan na nasa isang malamlam at hindi
tiyakang panahon sa nakaraan, isang bagay na tinawag ng manunulat ng
kasaysayan ng relihiyon na si Mircea Eliade bilang in illo tempore (pariralang
Italyano na may kahulugang "noong panahong yaon"). Gayundin, ang lahat
ng mga mito ng paglikha ay nagwiwika sa mga katanungang may malalalim
na mga kahulugan na pinanghahawakan ng lipunang kinababahagian ng mga
ito, paglalantad ng kanilang pangunahin o panggitnang pananaw sa mundo at
ang balangkas para sa katauhan ng sarili ng kalinangan at indibiduwal na
nasa diwang pandaigdigan.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mito_ng_paglikha

4. Paglalapat (Application )
Paghahalaw at Paghahambing ( Abstraction and Comparison )
Gamit ang Venn Diagram, paghahalintulad at pagkakaiba ng Pangngalang
Pantangi at Pangngalang Pambalana.
Pagkakaiba Paghahalintulad Pagkakaiba

Ikatlong Markahan| 3
Africa Persia

GRAPIKONG PRESENTASYON
Paano nagkatulad o nagkaiba ang mitolohiya ng Africa sa
mitolohiya ng Persia?

Ikatlong Markahan| 4
IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng iba pang mitolohiyang mula sa Pilipinas. Ibigay ang


mensaheng nais ipabatid ng nasabing akda.
2. Basahin at unawain ang akdang “Liongo” mitolohiya mula sa bansang
Kenya.
 Kilalanin ang pangunahing tauhan.
 Paano ipinakita sa akda ang kabayanihan ng pangunahing tauhan?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: IKUWENTO NA YAN


Magsalaysay ng isang nabasa, nabatid o nalamang mitolohiya
mula sa isang tiyak na lugar sa Pilipinas. Ibigay ang sariling reaksyon ukol
dito.

Pamagat Pangyayari Reaksiyon

Ikatlong Markahan| 5
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIa-76)


 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIa-80)


 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIa-76)


 Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya).

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIa-78)


 Napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang
binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo.

II. PAKSA

Panitikan : “Liongo” (Mitolohiya mula sa Kenya)


Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Kagamitan : Isang halimbawa ng akdang mula sa Persia,
pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban

Ikatlong Markahan| 6
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGBASA


Sa tulong ng dugtungang pagbasa basahin ng may pag-unawa ang
isang halimbawang akda mula Persia.

SHAHNAMEH
ni Ferdowsi Tusi (Hakim Abul-Qasim Mansur)
Sa bansang Persiya isinilang ang isang magiting na mandirigma. Nasa
sinapupunan pa lamang siya ay hinulaan nang magiging bayani siya sa kanyang
paglaki. Ang kanyang ina, si Rubadeh, ay dumanas ng matinding sakit nang
siya’y isinilang ngunit sa tulong ng mapaghimalang ibon na kaibigan ng kanyang
ama, si Zal, ay nailabas ng maayos ang sanggol. Siya ay si Rustam.
Bago nagpaalam ang mapaghimalang ibon, sinabi niya kay Zal na ang
batang isisilang ng kanyang asawa ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. At
siya’y magiging bayani at magiging paksa ng isang alamat. Hindi nga nagkamali
ang ibon dahil sa loob ng ilang araw ay naging batang paslit si Rustam at
makalipas ang ilang linggo’y naging kasinlaki na siya ng isang binata. Nang
siya’y lumaki ay nagpakita ng kagilas-gilas na lakas si Rustam. Dahil sa kanyang
kakaibang lakas ay natulungan niyang isalba ang kanyang bayan sa isang
nagwawalang puting elepante sa palasyo. Nalaman ng mga mamamayan ang
ginawang kabutihan ni Rustam kaya simula sa araw na iyon siya’y pinuri.
Nang tumuntong si Rustam sa ensaktong edad na magsanay siya bilang
isang mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansa, napag-
isipan ng kanyang ama na kakailanganin niya ang isang espesyal na kabayong
makakasama niya. Kaya lahat ng mga kabayong mula sa lahat ng sulok ng
Zabulistan at Kabulistan ay ipinarada sa kanyang harapan. Inilalapat ni Rustam
ang kanyang kamay sa likuran ng bawat kabayo upang masigurong kakayanin
siya nito, subalit ang bawat kabayo ay napapaluhod sa kanyang kabigatan.
Malapit na sanang mawalan ng pag-asa si Rustam na makapaghanap ng kabayo
nang dumating ang pangkat ng kabayong dala ni Kabul. Nagtingin-tingin si
Rustam sa mga kabayo at napansin niya ang mag-inang kabayong may dibidib
na kawangis ng leon. Nabanggit ni Kabul na naging mailap ang kabayong ito, sa
loob ng tatlong tao’y wala pang nakapagpapaamo at nakasasakay sa kabayo,
hindi rin pinahihintulutan ng inahing kabayo ang sinomang nagbabalak na
sumakay rito. Namangha si Rustam nang nalaman niya ito kaya agad niyang
Ikatlong Markahan| 7
sinakyan ang tinutukoy na kabayo ni Kabul at pinatakbo. Nang bumalik si
Rustam kasama ang kabayo’y puro papuri ang kanyang ibinigay sa kabayo at
pinili niya ito. Tinawag niya itong Rakhsh. Simula sa araw na iyon hindi na
naghiwalay ang dalawang matalik na magkaibigan. Nagsimula na ang
Rakhsh. Isang araw buong hapong nangaso si Rustam sa lugar na malapit sa
Turan sa bayan ng Samangan. Nang makahuli siya ay iniluto niya ito at kinain. Sa
kanyang kabusugan at pagod siya’y nakatulog habang si Raksh ay kumakain ng
damo. Dumaan ang isang pangkat ng mga sundalong Turanian at
napagkasunduang hulihin ang kabayo. Nakipaglaban si Rakhsh, napatay niya ang
isang sundalo, niyapakan niya ang isa, ngunit sa huli’y nabigo siyang ipagtanggol
ang sarili. Kaya tinangay siya nga mga sundalong Turanian. Laking gulat ni Rustam
nang sa kanyang pagising ay wala na ang kanyang kabayo, wala na si Rakhsh.
Galit at tuliro, pinuntahan niya ang bayan ng Samangan upang humingi ng tulong
sa hari sa paghahanap ng kanyang kabayo. Tinanggap siya ng hari at sumang-
ayon na tutulong siya sa paghahanap sa nawawalang kabayo ni Rustam. Hinimok
pa siyang magpalipas ng gabi sa palasyo bago ipagpatuloy ang paghahanap sa
pagbukang-liwayway. Hatinggabi nang namalayan na lamang ni Rustam na
bumukas ang pinto ng silid na tinutulugan niya. Nagulat na lamang siya nang may
nakita siyang dalawang babaeng pumasok. Una, nakita niya ang isang tagasilbi.
Matapos ay sumunod ang isang magandang binibini at siya’y nagpakilala na siya
ang kaisa-isang anak na babae ng hari, siya’y si Prinsesa Tahmina. Nahulog ang
loob ng dalawa sa isa’t isa at nang gabing iyo’y napatunayan nila na sila’y
nagmamahalan. Ngunit madali lang nila nakapiling ang isa’t isa dahil kinabukasa’y
nabalitaan ni Rustam na natagpuan na ang kanyang kabayo. Masakit man isipin na
sila’y magkakahiwalay pero kailangan ng lumisan ni Rustam. Naging mapait at tigib
ng luha ang kanilang paghihiwalay, parang pinagsakluban ng langit at lupa si
Prinsesa Tahmina.
Lumipas na ang maraming buwan at hindi pa rin nagkita sina Rustam at
Prinsesa Tahmina, di naglao’y naisilang si Sohrab, ang anak na lalaki nina Rustam
at Prinsesa Tahmina. Lumaki ang bata na hindi kapiling ang ama. Nang siya’y
binata na naging isang matapang at magiting na mndirigma rin si Sohrab kagaya
ng kanyang ama.
Maraming taon na ang nakalipas at hindi pa rin alam ni Rustam na may anak
sila ni Prinsesa Tahmina hanggang sa araw ng isang trahedya. Sa unang
pagkakataon ay nagkaharap ang mag-amang Sohrab at Rustam sa isang digmaan.
Sa umpisa’y hindi man lang naghinala si Rustam na maaaring si Sohrab ay
kanyang anak, habang si Sohrab ay kinutubang maaaring si Rustam ay kanyang
ama. Patuloy pa rin ang kanilang labanan hanggang umabot sa punto na mag-
agaw buhay si Sohrab dahil nasaksak siya ni Rustam. Habang siya’y
nakahandusay ay nagbalik ang kanyang alaala na ang nagtulak sa kanya upang
IkatlongsaMarkahan|
mapadpad 8 ay ang pagmamahal sa kanyang ama. Iiwanan na sana
lugar na iyon
ni Rustam si Sohrab dahil malapit na siyang mawalan ng buhay nang napansin
niya ang isang pulseras
na nakapulupot sa braso ni Sohrab. Biglang naalala ni Rustam ang pulseras
na ibinigay niya kay Prinsesa Tahmina maraming taon na ang nakalipas.
Hindi siya puwedeng magkamali, sigurado siyang iyon talaga ang nag-iisang
pulseras na binigay niya sa prinsesa nang sila’y nagkahiwalay. Naisip niyang
maaaring ito’y ibinigay ng prinsesa sa kanyang katunggali dahil ito ay ang
kanyang anak kaya agad niyang niyakap si Sohrab. Nayanig ang buong
mundo ni Rustam. Naramdaman niya ang lukso ng dugo, ngunit huli na ang
lahat dahil hindi na humihinga si Sohrab. Isang mapait na kamatayan dahil
namatay siya sa kamay ng taong dapat sana’y kakalinga at magtatanggol sa
kanya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rustam, hindi niya ito
ninais na mangyari, ngunit naging malupit ang tadhana.
- Mula sa https://sigmafourblog.wordpress.com/buod/

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: CABBAGE RELAY
a. Kilalanin ang mga pangunahing tauhan sa akda.
b. Batay sa kwento, ilahad ang suliraning kinaharap ng mga tauhan.
c. Kung ikaw si Rustam iiwan mo rin ba ang babaeng iyong
pinakamamahal kapalit ng iyong kabayo? Bakit?
d. Tukuyin ang mahalagang aral ng akda sa mga mambabasa.

2. Presentasyon

Liongo
(Mitolohiya mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
pahina 245

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION TO…
a. Talakayin ang naging suliranin ng tauhan?
b. Makatuwiran ba ang kanyang mga naging desisyon sa buhay?
Patunayan.

3. Pangkatang Gawain

Ikatlong Markahan| 9
Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: JUMBLED WORD
Sa pamamagitan ng mga salitang nasa loob ng kahon, tukuyin ang
pinagmulan nito na may kaugnayan sa mitolohiyang binasa.

mtinrlaraie _____________________________________

zio _____________________________________

iaiatlnrpre _____________________________________

zaaf _____________________________________

gaal _____________________________________

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: STORY BARD


Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa
suliranin ng tauhan, kilos at gawi at desisyon ng tauhan

Suliranin

Kilos at gawi

Desisyon ng tauhan

Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: DEBATE/PAGTATALO


Ang pangkat ay mahahati sa dalawang panig na siyang magtatalo
sa paksang ibibigay ng guro.

Paksa: Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon


ni Liongo?

Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya: TALK SHOW


Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiyang mula sa
Africa at Persia.

LIONGO SHAHNAMEH
(Akda mula sa Kenya) (Akda mula sa Persia)

Ikatlong Markahan| 10
Pagkakatulad
RUBRIK

Ikatlong Markahan| 11
Kailangan
 Napakahusay Mahusay
Katamtamang
pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwana
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng g/ pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ na mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.
Pagtatanghal ng pangkatang gawain

 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng


kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro
ANALISIS

1. Ano ang naging gawi at kilos ni Liongo?


2. Paano nakatulong ang pag-alam sa etimolohiya ng salita sa kayarian
ng akda?

Ikatlong Markahan| 12
3. Ilahad ang kultura ng bansang Kenya na masasalamin sa kabuuan ng
kuwento.
4. Anong mahalagang aral ang nais ipabatid ng akda sa mga
mambabasa?
5. Iugnay ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

KULTURA NG KENYA

Ang Kenya ay pinagkalooban ng masaganang kasaysayan, kultura at


likas na pamana. Sikat at kilala bilang ang duyan ng sangkatauhan. Kenya din
ang isa sa mga pinaka-cosmopolitan mga bansa sa Africa – walang sinuman
ang nag-iisang kultural na elemento ang maaaring gamitin upang ilarawan
ang mga tao bilang isang buo. Maaari mong sabihin na ang mga lokal na
populasyon ng bansa ay madaling kumakatawan sa higit pang mga
pagkakaiba-iba kaysa sa maraming iba pang mga bansa sa Africa.
Pinakamahalaga sa Kenyans ay ang estado sa ilalim ng Pula, Puti at Itim na
kulay ng watawat at ang espiritu ng Harambee – na ang ibig sabihin ay
paghila-sama bilang isang komunidad.
Ang tradisyonal na paniniwalang African-play ay may makabuluhang
papel sa buhay ng mga Kenyans sa kabila ng pag-angkop sa modernong mga
pagpapahalaga. Ang mga Kenyans ay may pagsasanay ng tradisyonal na
mga pagpapahalaga ng kababaang-loob, pag-aalala para sa mga kapitbahay
at pagpapanatili ng relassyong pagkakamag-anak. Ang paniniwala sa
pamahiin ay hindi karaniwan maliban sa maliban sa mga lugar na rural. Mga
gawain tulad ng pag-aasawa, pagpapangalan sa anak, paglilibing at iba pang
mga ritwal ng pagpapasa pa rin ang mabigat naiimpluwensyahan sa
pamamagitan ng tradisyunal na paniniwala at kasanayan at saklaw mula sa
komunidad sa komunidad.
Ang ilang mga komunidad ay nananatili pa sa mga tradisyonal na
pamumuhay ng African kaysa sa iba. Naninirahan sila sa kubo, naglalakad
nang walang sapin ang paa, bihisan sa roba at pinapalamutian ang kanilang
buhok na may kulay lupa. Ang Maasai tribe ay sikat sa pagpapanatili ng isang
lagalag na paraan ng pamumuhay umiikot sila sa paligid kasama ng mga
baka at naghahanap para sa pastulan. Sila ay tribo ng mga mandirigmang
may mataas na pagtatangka sa paggawa ng makabago at dahil dito ay
nagkamit sila ng dakilang paggalang (at pag-usisa) sa internasyunal.
Ang isang pagbisita sa mataong lungsod, mga bayan at mga nayon ng
Kenya ay isang pambukas isip sa pagpapasiya ng mga tao. Mula mismo sa
kaswal na manggagawa, sa nababagsakang masalimuot na industriya, sa
mga tagapangasiwa sa pamilihan ng sapi at higit pang mga susunod pa sa
baybay-daan kung saan bawat kalalakihan at kababaihan sa lahat ng edad ay
kumikita ng ikinabubuhay para sa kanilang mga pamilya. Araw-araw may mga
kayamanan dito: Minsan ang negosyo ay mabuti, iba pang mga oras
maglakad
Ikatlongsila sa bahay
Markahan| 13na may walang anuman. Ang entrepreneurship ay
ang makina sa likod ng mga katangian ng matapang na trabaho at tiyaga ng
mga Kenyans ay mnmanatiling nagkakaisa sa pakikipagsapalaran para sa
tagumpay at katuparan.
http://kenyahighcom.org.my/culture/?lang=tl
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON


Sa tulong ng grapikong presentasyon, sagutin ang sumusunod na
katanungan. Paano susuriin ang mga kaisipang naapaloob sa mitolohiya
na may iba’t ibang batayan?

Liongo
(Mitolohiya Batayan
Kaisipan
mula sa
Kenya)
APLIKASYON

Magbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya.


Itala sa tsart at lagyan ng tsek ( ∕ ) ang kolumnkung ito ay makatotohanano
di makatotohanan at ipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolumn.

Kaisipan MK DMK Paliwanag

1.
IV. 2.

3.

4.
KASUNDUAN
1. Basahin at unawain ang akdang “Maaaring Lumipad ang Tao.”
2. Magsaliksik ng gabay sa pagsasaling-wika.
3. Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin.

Ikatlong Markahan| 14
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIa-71)


 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-
wika.

II. PAKSA

Wika : Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika


Ikatlong Markahan| 15
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpaparinig ng isang awiting naisalin sa ibang wika.

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiiya: BOX OF FAITH
a. Sa dalawang awiting iyong narinig, alin ang mas higit mong
naunawaan? Bakit?
b. Paano nakatulong sa awitin ang pagsasalin nito sa ibang wika?

2. Presentasyon

How Do I Love Thee?


by Elizabeth Barret Browning
www.poemhunter.com>Poems
Ang Aking Pag-ibig
Salin ni Alfonso O. Santiago
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
pahina 187

Ikatlong Markahan| 16
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOWL OF QUESTION
a. Malapit ba ang salin sa isinasalin? Patunayan?
b. Naging matapat ba ang tagpagsalin sa kanyang ginawa?
c. Aling bahagi ang hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

ANALISIS

1. Literal ba o idyomatiko ang pagsasalin? Ipaliwanag.


2. Nagustuhan mo ba ang salin? Kung hindi, paano mo ito aayusin?
3. Isa-isahin ang mga hakbang na dapat isinaalang-alang sa pagsasaling-
wika. Patunayan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Pagsasaling- Wika

Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng


pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.Ang isinasalin
ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago,2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya
ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na
kumonsulta sa diksyunaryo .Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng
kahulugan,halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa
pagsasalin ay kailangang- kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng
diwang nais ipabatid ng awtor,gayundin sa wastong paggamit ng mga
salita,wastong pagkakabuo at pagsusunod-sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.


Ang kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin, kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin.
Kaya kung ang lahat ng salin ay patas,nagiging higit na mahusay na
tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin
ay may higit na kaalaman sa paksa.Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin.
Ikatlonghigit
Walang Markahan| 17 kaysa sa ibang wika.Ang lahat ng wika ay may
na mabisa
sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang
Pilipino at ng ibang bansa.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: OPINYON KO’Y PAKINGGAN

Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?

APLIKASYON

Gamit ang mga kaalamang natamo sa aralin, isalin ang isang


bahagi ng akda sa wikang Filipino.

Based on the 1982 winning book by Lualhati Bautista, dekada ‘70


showed how Martial Law crept into the Bartolome family headed by the
father Julian, and a strong mother Amanda, facing the tragic circumstance:
an activist as Jules,US Navy as Gani who married his girlfriend at a young
age, a writer as Emmanuel dealing with a crude life of the FQS, as sweet,
Ikatlong Markahan|
short-lived fourth son18
and the youngest on the brood of five.the film details
on how a middle-class family struggled with new changes that empowered
Filipinos to rise against the government.
IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang awiting Ingles at isalin ito sa Filipino. Isaalang-


alang ang mga pamantayan sa pagsasalin.
2. Humanda para sa paglikha ng pagsusuri.

ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIa-78)


 Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging
impluwensya nito sa sarili at sa mga kamag-aaral na
kinapanayam.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.1


Ikatlong Markahan| 19
Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: ANG AWIT NG BUHAY KO

Pagpapaawit ng isang awiting Ingles na sinaliksik ng mga mag-aaral at


isinalin sa Filipino.

ANALISIS

1. Matapos magawa ang gawain, ano ang iyong naramdaman?


2. Malapit ba ang salin sa pinagsasalinan? Ipaliwanag.
3. Naging matapat ba ang ginawang pagsasalin? Patunayan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: Y SPEAK

Paano makatutulong sa pagsulat ng isang pagsusuri ang mga natamong


kaalaman sa araling tinalakay?

APLIKASYON

GOAL - Nakasusulat ng pagsusuri sa isang akdang binasa sa naging


impluwensya nito sa sarili at sa mga kamag-aaral na kinapanayam
Ikatlong Markahan| 20
ROLE - Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
paaralan.

AUDIENCE - Mga guro at mga mag-aaral ng paaralan na mahilig magbasa ng


akdang pampanitikan

SITUATION - Ang pahayagang Filipino ng inyong paaralan ay


nangangailangan ng mga manunulat na tatalakay sa
impluwensya ng isang akda sa sarili at sa iba pang mga
kamag-aaral.

PRODUCT - Pagsusuri ng isang akdang pampanitikan

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Kabuluhan ng nilalaman
B. Lalim ng mga pananaw
C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan
D. Kalinawan ng pagkakasulat
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan
 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan


sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng isang mabisang dayalogo na gagamitin sa bubuuing


patalastas pantelebisyon o panradyo na nagtatanghal ng
kagandahan ng alinmang bansa sa Africa.
2. Basahin at unawain ang akdang “Mullah Nassreddin”, anekdota mula
sa Persia.

Ikatlong Markahan| 21
3. Magsaliksik ng mga kaalaman tungkol sa panitikan ng Persia.

Ikatlong Markahan| 22

You might also like